Share

Kabanata 14

Date

Walang nagsasalita sa amin ni Theros habang nasa sasakyan. Nakatingin lang ako sa labas habang yakap ang sarili ko. Hindi ko siya kayang tingnan dahil nahihiya ako. At mas lalo akong nahihiya sa suot ko.

Kahit pa nakasuot pa sa akin ang suit niya ay pakiramdam ko kulang pa rin ito. Iniisip siguro ni Theros na gano'n na ako kadesperada sa pera. Pero totoo naman. At kung gano'n nga ang iniisip niya sa 'kin, bakit bumibigat ang puso ko?

Huminga ako nang malalim bago siya nilingon. Seryoso siyang nakatingin sa kalsada habang nagmamaneho.

"S-Salamat. Hindi ko alam kung anong pinunta mo ro'n pero salamat dahil... isinama mo ako," mahinang saad ko.

Gusto ko siyang pasalamatan kahit hindi ko alam kung ako ba talaga ang dahilan ng pagpunta o baka tungkol sa negosyo iyon. Nadagdagan ulit ang utang ko sa lalaking 'to. 

"You went

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status