Share

Chapter Four: Papatirikin

Ang himpapawid ay nilalamon na ng kulay asul, patuloy ito sa pagtungo sa iba't ibang direksyon. The sunset was great to keen as if it was more beautiful than ever, maganda rin ang dalampasigan na patuloy na nanghahampas ang agresibo niyang alon.

Sa tuwing titingnan mo ang iyong paligid ay hindi mo namamalayang marami ang dumadagdag sa mga ito. Katulad ng kung paano mo ito igaya sa mga tao, ang mundo ay puno ng pagdadagdag na hindi mo mawari.

Aalis ang sunset, dadating ang sunrise para sabihing may bago na namang pagsubok, problema at pag-asa na darating. Lulubog ang sunset dahil ito ay nagsasabing sa kalagitnaan ng unos, pighati at maraming nangyayari ay aalis din sila sa tamang panahon.

My butts hurt upon sitting the whole afternoon near the shore, maraming tao tuloy ang nakatingin sa akin habang nakatitig lamang ako sa kawalan. 

Akala ko ay muli kong makikita ang lalaki, lalo pa at nalilito ako at kakaiba ang dating sa akin ng kanyang mga salita ngunit ngayon ay hindi ko siya makita. Hindi ko naman siya hinahanap, ang akin lang ay he's confusing but I erased it in my mind and tried to focus to where I am. 

Pagkatapos ko talaga nito ay sisimulan ko na ang gagawin kong revenge, gano'n naman talaga. Pagkatapos nito, iyon naman kasi iyong goal ko talaga. Tumayo ako, pinikit ang aking mga mata upang bumalik sa aking kwarto. 

Bumagsak ang aking balikat dahil nakita ko kung pa'no nakaabang ang lalaki habang nasa blusa ng kanyang short ang kanyang kamay. He licked his lips upon looking at me, ngayon ko lang napansin na ang tangkad niya pala, need ko atang mag heels para mapantayan ang tangkad niya. 

Matangos ang kanyang ilong, mabango kahit nasa malayo palang ako, galit ang lagi niyang ekspresyon habang nakatitig ng madilim sa akin, his white long t-shirt hugged his built body exactly. 

I cleared my throat when I realized that my it went dry upon just looking at him. 

"What are you doing here?" Sa isang buong araw niyang hindi pagpapakita ay ngayong gabi niya iyon naisip?

Hindi siya kumibo at tiningnan lang ang aking kabuuan, nanliit ako sa paraan ng kanyang paninitig sa akin. Mas lalo lamang akong kinakabahan dahil kumunot ang kanyang noo na nagpalaglag ng aking panga, because...he look so good at it.

"I am asking," may diin ang aking pagkakasabi, he fake a cough.

"Visiting you," he said matter of fact, I gave him a confused look. "Isn't that enough reason?" My jaw dropped, I shook my head and rolled my eyes.

"Sige, sabihin mo na ang gusto mong sabihin para makaalis ka na."

"Tinataboy mo na ba ako?"

"Ay, hindi ba halata?" I asked him sarcastically, he bite his lower lip para bang pinipigilan niya ang pagngiti ngunit nakikita ko naman na parang ngingiti na siya. Mas lalo akong nainis sa kanyang reaksiyon.

"Ayaw mo ba akong papasukin?" My eyes widened.

"Ang bastos mo!"

"What?"

My brows arch, and then he laughed. "Bakit iba ang dating sa'yo no'n, hmm?" I rolled my eyes and marched, iba din talaga ang lalaking 'yon!

"Tumahimik ka nga," sigaw ko nang marinig ko pa ang halakhak niya, hmp bakit nakakaakit ang kanyang tawa? 

"Hoy!"

"I have my name," he shouted, dinilatan ko siya.

"Ay talaga ba? Wala akong pakialam," I uttered, malaya siyang umupo sa aking sofa, I tsked and get him a food to eat.

Minsan na niya akong pinakain, pinatuloy sa kanyang bahay, pinatulog at inalagaan and it's not a bad thing na suklian din ng maliit iyon.

"At talagang ang kapal ng mukha mong umupo diyan,"

"I come in," I mocked at his words, madilim pa rin ang kanyang titig sa akin pero inismiran ko lang siya.

"You're not welcome here," umismid ako habang gusto na siyang hampasin.

"Masarap itong lemon juice na gawa mo," puri niya, hindi na lang ako kumibo at gusto ng ubusin niya lahat ng iyon upang umalis na siya.

"Pakibilisan mo nga ang pag-inom," ungot ko, nilapag niya ang baso saka tumitig sa akin.

Kanina pa siya nakatitig sa akin, sobra, parang anytime and anywhere gusto niya akong kainin. 

"Do you want to eat me?" I asked him out of nowhere, huli na ng mamalayan kong nasabi ko iyon ng malakas.

Fvck! I muttered a curse into my mind, holy crap Catalina, ang galing!

"H-huwag mo ng isipin 'yon," I stuttered and pulled him at the sofa at pinilit siyang palabasin sa aking cabin.

Nakakahiya! Gusto ko na lang lamunin, ano na lang iisipin niya na sobrang sabik ko sa kanya? Argh, you're so nakakahiya talaga Catalina!

Kaya wala akong ibang iniisip buong gabi kundi iyon, halos gusto ko na lang lamunin ang sarili ko dahil sa kahihiyan na aking nararamdaman at sobra-sobra iyon. Halos wala akong ibang maramdaman kundi kahihiyan, parang ayoko na lang lumabas bukas. I would just deliver my food right?

Hindi naman siguro siya buong magdamag na nasa isla diba? Baka aalis din siya, hindi siya magtatagal at bakasyon lang?

Okay na siguro iyong one month na hindi lalabas sa cabin pero ang panget naman kung magmumokmok lang ako dito. Ilang beses kong sinabunutan ang aking sarili at iniisip ang kahihiyan pero sige lang, kailangan ko na lang magpanggap na wala lang sa akin iyon.

I looked guilty, I tried to think like it was okay.

Kaya kinabukasan ay ang saya ko dahil hapon na ako nagising, pakiwari ko ay wala na siya ngayon sa Isla. Kaya naglinis muna ako at nagpalit ng damit, iyong loose lang at komportable akong gumalaw.

I opened my door, but before I could step out, dark eyes looked at me with a hawk eye. I gulped, I was about to close the door when his hands put in between the door. I gritted my teeth.

"Ano na naman ba?" Kunware ay galit at naiinis kong tanong sa kanya pero nahihiya pa rin talaga ako sa sinabi ko kagabi.

"If it is because yesterday, I'll just pretend I didn't heard it." Parang nanunuyo ang kanyang boses, mas lalo tuloy akong nahiya dahil doon.

"Shut up, and just fvcking get in." I said hard.

Nakapameywang ako sa kanyang harapan habang nasa harap pa siya ng pintuan. Gusto ko siyang suntukin o baka sakalin na lang, ano na naman ba kasing gusto niyang gawin sa buhay niya?

"Ano na naman bang kailangan mo?"

"Nabalitaan ko kasing di ka pa kumakain,"

"And so?" Pagtataray ko, nakita ko kung paano siya nagpigil ng galit, his eyes is burning and I get to ignore it.

"You need to eat,"

"For what?"

"Para mabusog ka?" Nalilito niyang tanong, nakita ko ang dala niyang tray na may dalang pagkain at tubig.

My heart melted pero hindi ko iyon pinahalata, tumikhim ako saka kinuha ang pagkaing dala niya. 

"Thanks," walang gana kong sambit, kunware ay wala lang, kunware ay parang hindi iyon mahalaga sa akin.

"Umalis ka na pagkatapos kong kumain," saad ko in a nasal voice, napatitig siya sa akin saka lumunok.

"Why are you avoiding me?"

"I'm not avoiding you, you're just annoying." 

"Is that true? What's the reason I annoyed you?" Tanong niya pa, oh my! 

"Lahat-lahat, naiinis ako sa buong pagmumukha or even your presence!" 

"Why?" Nasampal ko na lang aking mukha dahil sa katangahan nito, oh god he's so fvcking the heck of his fvcking face!

Nakakainis, nakakairita pa! 

"Pwedeng umalis ka na?"

"I wanna know why you're annoying,"

"It's because of you!" Kailangan bang paulit-ulit kong sasabihin iyon sa kanya?

"Oh please, why?" Nauurat na ako sa pagmumukha niya sa totoo lang, pero habang tinitingnan ko ang kanyang face na nalilito at tila clueless ay sobrang adorable niyang tingnan.

"Go away," pinaalis ko siya pero nanatili siyang nakaupo sa aking sofa sobrang kapal ng kanyang mukha.

"Anong klaseng mukha meron ka? Umalis ka na kasi!" Pamanaboy ko pero nakaupo lang siya doon at nanigas, gusto ko na lang siyang sapakin sa totoo lang.

"A handsome face."

"Said by who?"

"By my mother, of course!" He shouted, at dahil hindi ako magpapatalo.

"Then, tell your mother it isn't good lying!" I shouted, he stood up, our noses were inches apart.

"What?"

"Are you deaf?"

"You mean I'm not handsome? All women would fvcking drool over me," he said, I laughed.

"Oh really? Then, I'm not one of them for fvcking sake."

"I doubt that, woman."

"Shut up." I yelled, bago pa man siya makasagot ay may bumukas na sa pintuan ko at biglang sumigaw.

"Can you two lessen your voice?" A man interrupted us, bago pa man ako makalingon ay agad na akong niyakap ng lalaki.

"I'm sorry my wife and I are having a little misunderstanding," the man who hug me said, gusto ko sanang umalma at sabihin ang totoo sa lalaki kaso when he talk again my body stiffned upon hearing his voice.

Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin, "I'm sorry, it just that...lessen your voice, my fiance and I are doing something." By how he said that, it was like he was proud of it.

Nanghihina ang aking mga tuhod na parang anytime ay babagsak na sila kapag hindi ko na kakayanin pa. 

"Oh? Is that so? My wife and I will settle this," h******n niya ang aking noo pero nanatili lamang akong tulala.

"Okay, I hope you both enjoy it." Mas lalong kumirot ang aking puso habang pinapakinggan ang kanyang mga salita.

Hanggang ngayon ba, sa kanya pa rin ako?

"Oh please, don't cry because of him again. Papatirikin ko mata mo kapag nakita kitang umiiyak dahil sa lalaking 'yon." He threatened that made my eyes widened.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Tessie B Latayada
nice story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status