Share

Deal to Seduce the Devil Heir
Deal to Seduce the Devil Heir
Penulis: MM16

SIMULA

Penulis: MM16
last update Tanggal publikasi: 2026-04-22 21:31:48

“HUBAD!”

Umalingawngaw ang utos ng isang babaeng nakatayo sa harapan ng mga nakahilerang aplikante. Hawak nito ang isang malapad na kahoy at paminsan-minsan ay marahang ipinapalo iyon sa sarili niyang palad, na tila nagbibigay babala sa sinumang magtatangkang sumuway. Napalunok si Cataleya. Nanlalamig ang kanyang mga kamay, at ramdam niya ang pag-agos ng luha sa gilid ng kanyang mga mata. Sa sandaling iyon, tila naglalaban sa kanyang isipan ang natitirang katinuan at ang matinding desperasyon.

Kailangan niya ng pera. Kailangan niya ito ngayon.

Isang linggo pa lamang ang nakalipas nang barilin ang kanyang ama. May mga lalaking pumasok sa kanilang bahay, may hinahanap na kung ano. Ngunit hindi nagpatinag si Romeo. Humawak ito ng itak, handang ipagtanggol ang kanilang tahanan. Sa isang iglap, pumutok ang baril. Walang pag-aalinlangan. Walang awa.

Dinala nila ang kanyang ama sa ospital, duguan at halos wala nang malay. Agad itong isinailalim sa operasyon. Ayon sa mga doktor, malubha ang tinamong pinsala sa loob ng katawan nito. Ilang araw din itong nanatili sa ICU bago nagkaroon ng malay. Ngunit kahit na gumising ito, hindi pa rin tapos ang laban.

Lumobo na sa apat na raang libong piso ang kanilang hospital bill.

Halos hindi mabilang ang mga bag ng dugo na isinaksak sa katawan ng kanyang ama sa unang mga araw. At hanggang ngayon, hindi pa rin ito makalabas ng ospital. Kahit anong pakiusap ni Cataleya—na babayaran niya ang balanse sa sandaling makahanap siya ng tulong—ay hindi tinanggap ng pribadong ospital. Kailangan nilang magbayad agad.

Dalawang daang libo pa ang kulang.

Kaya heto siya ngayon—nakatayo sa isang silid, kasama ang iba pang mga babae, pinipili at pinaghuhubad.

“Hubad na!” sigaw muli ng babae, sabay ngisi. “Baka naman pinaglalaruan niyo ako. Sinasabi niyong birhen kayo pero kapag oras na, parang hindi naman kasya ang lalaki sa inyo.”

Napakabulgar. Napapikit si Cataleya, pilit nilulunok ang hiya at galit. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan ang ganitong proseso. Online lang naman niya nakita ang trabahong ito. Bakit kailangang umabot sa ganito?

Napatingin siya sa paligid. Ang ibang mga babae ay nagkakatinginan din, halatang kinakabahan ngunit walang lakas ng loob umatras.

Kung hindi lang siya iniwan ng kanyang kuya, hindi sana siya hahantong dito. Ilang linggo na itong hindi nagpaparamdam. Pwede naman sana silang mag-loan, maghanap ng paraan. Ngunit tila pinili nitong tumakas sa responsibilidad. Kaya ngayon, siya—isang estudyante—ang sumasalo sa lahat.

Wala siyang ibang pagpipilian.

Dahan-dahan siyang sumunod sa utos. Mas mabuti na iyon kaysa mapahamak pa.

“Sandali!”

Napalingon silang lahat sa pintuan. May isang babaeng pumasok, elegante ang tindig at may kakaibang awtoridad sa boses. Napako ang tingin ni Cataleya rito—pamilyar ang dating, tila kahawig ng isang taong nakita na niya noon.

“Ilalabas ko na ang number five,” sabi nito.

Nanlamig si Cataleya. Mabilis siyang tumingin sa mga katabi—may hawak na numerong tatlo at apat.

“Ikaw ‘yon,” bulong ng babae sa kaliwa niya.

Hindi pa siya nakakaimik nang biglang hinawakan ng babaeng may kahoy ang kanyang pulsuhan at hinila siya palabas ng hanay.

“Makinis ‘to at maganda,” sabi nito habang sinusuri siya mula ulo hanggang paa. “Walang peklat. Pwede na ‘to.”

“Hindi pa natin sigurado,” sagot ng isa. “Kailangan pang i-check.”

“Sa dressing room ni Flavio na lang,” tugon ng unang babae. “Wala na tayong oras.”

Nanatiling tahimik si Cataleya habang pinapasok siya sa loob. Bumibilis ang tibok ng kanyang puso.

Ito na ba ang simula?

Handa na ba siyang gawin ang lahat… para lang mailigtas ang kanyang ama? Mang-aakit na ba siya online?

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (4)
goodnovel comment avatar
Marieta Sumampong Tubil
hi ma'am nawala po iyong mga story ng mga brothers ni midnight sa kabilang planet,deleted po?di pa ko oa kasi natapos.
goodnovel comment avatar
MM16
Ay wala na po siya. Direct po ako sa senior editor ko kasi nawala rin po un f’b ko na gamit ko sa editor ko. If you want try pariahreih, editor po ata siya. I am not just sure.
goodnovel comment avatar
Xcie Xcie
hello po, pwede po bang malaman kung sino AE niyo. Para makapag apply po ako ng contract with same trope and genre na kagaya sa inyo but with different story. ty po.
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Deal to Seduce the Devil Heir   Chapter 21

    Chapter 21 Nagising si Cataleya sa tunog ng alon na mahinang humahampas sa dalampasigan. It wasn’t literally like that but she could hear the ocean. For a few seconds, she forgot where she was. Nakapikit pa siya habang pinipilit alalahanin ang lahat, ang galit, ang pagtanggi, ang sapilitang pagdala sa kanya rito ni Fabien. Then it all came rushing back. Her eyes flew open. Napaupo siya agad. This is not my home! She whispered bitterly in her mind. Her chest tightened at the thought of Dane. And now she was here, trapped on some island with the man she both hated and once loved. Napapikit siya. She got out of bed and marched toward the door barefoot, still wearing the soft nightdress the maids put in the closet. May pakiramdam siya na planado na ni Fabien ang lahat ng ito. She hated even that. She hated everything here. Pagbukas niya ng pinto, agad siyang lumabas at matapang na bumaba ng hagdan. The mansion was quiet. Walang katao-tao sa sala pero bukas ang malalaking bintana a

  • Deal to Seduce the Devil Heir   Kabanata 20

    Kabanata 20 Nagtiis ng gutom si Cataleya nang gabing iyon. Nakaupo siya sa gilid ng malaking kama sa kwartong tila masyadong maganda para maging kulungan. Malambot ang kutson, malamig ang aircon, at tahimik ang buong paligid pero wala ni isa sa mga iyon ang nakapagpagaan ng dibdib niya. Because no matter how comfortable the room was, she was still trapped. Mas lalo lang siyang nasasakal sa katahimikan. Mahigpit niyang niyakap ang sarili habang nakatanaw sa madilim na bintana. Hindi niya alam kung anong oras na, pero sigurado siyang tulog na si Dane sa oras na iyon. At iyon ang mas lalong nagpapabigat sa kanya. Isang buong araw na siyang wala at sumapit na ang gabi ay wala pa rin siya sa tabi ng anak niya. Ang kapal ng mukha ni Fabien para kunin siya patapos iyong mag-asawa at itaboy siya dahil magpapakasal na sa iba. Anong balak ng demonyong mafia sa kanya? Ang gawin siyang parausan? Her son had never slept without her. Mula nang ipanganak niya si Dane, kahit gaano kahirap ang buh

  • Deal to Seduce the Devil Heir   Chapter 19.1

    Chapter 19.1 “Tulong!” sigaw ni Catie habang mahigpit na nakakapit sa hamba ng bintana. Nanlamig ang buo niyang katawan sa nerbyos. Nasaan na ang kanyang tapang kanina? Nahipan lang siya ng amoy alat na hangin ay kasama ng tinangay ang tapang niya. Ilang palapag ang baba, at kahit hindi niya tingnan ay alam niyang siguradong bali-bali ang buto niya kapag nahulog siya roon. Biglang nagpawis ang mga palad niya, dahilan para lalo siyang madulas. Nanlaki ang kanyang mga mata. “Shocks… ayoko na… ayoko na talagang tumakas…” tili niya habang nanginginig. Pakiramdam niya, hindi para sa kanya ang pagiging parang si Spiderman na nag-i-stunt sa matataas na lugar. Mas gusto pa niyang magtago sa ilalim ng kama kaysa sa ganitong sitwasyon. Nasa akto na siyang bibitaw nang biglang may sumulpot mula sa bintana. Nanlaki lalo ang mga mata niya. Juice ko po! Si Fabien. Busangot ang gwapong mukha nito, halatang galit. Agad nitong inabot ang kanyang mga braso. He was quick and didn't waste any sec

  • Deal to Seduce the Devil Heir   Chapter 19

    Chapter 19 Nagmulat ng mga mata si Cataleya at agad siyang naalarma nang makita na nasa loob siya ng isang napakalaking kwarto. The ceiling stretched high above her, adorned with intricate designs that screamed wealth and power. Hindi iyon ang lugar na kinalakihan niya. Hindi iyon ang mundong kinasanayan niya. Naletse na! Hindi iyon ang bahay nila! Napaupo siya bigla pero agad ding napahawak sa kanyang ulo nang kumirot iyon. A sharp pain throbbed through her temples, making her wince. Everything felt heavy, her body, her breathing, even her thoughts. Unti-unting bumalik kay Catie ang huling alaala. Naaamoy pa niya ang matamis at nakakaakit pero kakaiba ang dala. Parang nakadikit pa rin iyon sa ilong niya. It was too strong and too unnatural. Her eyes widened in horror. “Hindi…” bulong niya sa sarili. Hindi siya basta nakatulog. She was drugged. Agad siyang tumayo kahit na nahihilo pa. She almost lost her balance, but she steadied herself by gripping the edge of a nearby table. Th

  • Deal to Seduce the Devil Heir   Chapter 18

    Chapter 18 Sabay-sabay na lumabas ng call center ang mga empleyado, halata ang pagod pero nangingibabaw ang saya sa kanilang mga mukha dahil tapos na ang trabaho. Isa rito si Catie. Isang simpleng despedida party ang gagawin ng mga ito para kanya. “Guys, saan ba tayo kakain?” tanong ni Mia habang inaayos ang bag. “Doon na lang sa usual nating tambayan,” sagot ni Leo, “Para hindi na rin tayo mahirapan.” Catie smiled softly, trying to hide the bittersweet feeling in her chest. “Salamat guys, hindi niyo naman kailangan na gawin ‘to.” “Of course we do,” sagot ni Shaun habang nakangiti, “You’ve been part of our team for years. This is the least we can do. Mawawala na ang muse namin!” Napangiti si Catie pero may lungkot sa kanyang mga mata. She would miss this chaos, these people, this life. Ito ang kanyang naging mundo para makapag-move on na rin sa buhay noon. Habang naglalakad sila palabas ng building, napansin ni Shaun na tila nag-aalangan si Catie. “Hey,” he said gently,

  • Deal to Seduce the Devil Heir   Chapter 17

    Chapter 17Habang papauwi si Catie sa bahay, hindi pa rin mawala sa isip niya ang paulit-ulit na tawag na natanggap niya sa opisina.Sa tuwing sumisirit ngayon ang pangalan ni Fabien sa isip niya ay takot na ang namamayani. After what happened to her brother, hindi siya dapat makampante sa totoong pagkatao ng tatay ng kanyang anak. Fabien is a devil. Pasalamat na lang siya na hindi siya ibinenta ng lalaki tulad ng narinig niyang sinabi ni Fredrin. Everything Fabien told her was a lie. He lied to hide his true identity and cover up the evil inside him.Huminga siya nang malalim. Pinilit niyang iwan muna sa labas ng pinto ang lahat ng kaba. Sa loob ng bahay, naroon ang anak niyang si Dane, na naglalaro ng maliit na bola sa sahig habang ang tatay niya ay nagbabasa ng diyaryo sa may malapit sa bata.“Nandito na si Mama, apo ko. Lalabas ako sandali, anak at may ayuda raw sabi ni pareng Estong. Baka makakuha kami sa barangay.”“O sige, tatay mag-ingat ka.”“Oo, anak. Apo, labas muna tatay h

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status