Share

Kabanata 1

Penulis: MM16
last update Tanggal publikasi: 2026-04-22 21:32:02

Kabanata 1

“MAY pi-pickup sa iyong tao, nakasakay sa van na itim, magpapakilala na si Timoteo. Tandaan mo na bayad ka. Tandaan mo na kilala ka namin at ang tatay mo. In two week's time, you have to gain Fabien's trust, his love and everything. After that, you're free to go.”

Tulala siya sa pagkakaalala sa mga salitang iyon habang naghihintay ng sinasabing sasakyan na itim. Hindi sa kanya sinabi ang dahilan kung bakit kailangan niyang makuha ang loob ni Fabien. Kung sino man si Fabien ay ‘yon na ‘yon.

Ano ba itong pinasok niya? Hindi niya akalain na ganito ang magiging kapalit ng kulang-kulang two hundred thousand na iyon na binayaran sa ospital. Bonus na raw ang kumpletong mga gamot at kailangan ng tatay niya sa loob ng dalawang linggo.

Dalawang linggo?

Napapiksi si Catie at kumamot sa ulo. Siya ba si Cleopatra para makapagpaibig ng lalaki sa ganoon kaikling panahon? She was rehearsed. She was trained to seduce a stranger. She was trained for a night.

“Mapapatay kita kuya sa oras na umuwi ka!” Gigil na sambit niya dahil sa matinding galit sa kapatid.

Dalawa na nga lang sila ay pinabayaan pa siya ng kuya niya na saluhin ang problema na ito. Iyon naman ang itinaguyod ng tatay niya para nga makapagpulis at siya ay nagsakripisyo ng dalawang taon na hindi mag-aral. Ngayon, paano pa siya makakapag-aral kung ganito ang sitwasyon niya? Anong naghihintay sa kanyang bukas?

Tumingin siya sa kalsada. Ang tagal naman. Nilalamok na siya ay wala pa ang sinasabing kukuha sa kanya.

Maya-maya ay natanaw niya ang isang itim na sasakyan pero hindi iyon van. Isa iyong kotse na humaharurot at biglang tumigil sa kanyang harapan. Napanganga si Catie. Bumukas ang pinto ng kotse tapos ay bumaba ang isang lalaki. Agad siyang napalunok ng laway.

She was not expecting Timoteo to look this good. Mali. Hindi lang good. Very good.

“Catie?” Malalim na sabi nito kaya tumayo siya nang tuwid.

“C-Code poison ivy 2…2…naletse na nakalimutan ko. 269!”

He smirked. Ang pogi. He May hikaw ito sa tainga, tatlong maliliit na piraso. Ang buhok nitong medyo mahaba sa normal na buhok ng isang lalaki ay abot sa batok. He has bangs. Nakakagwapo pala ang bangs. Ang ilong nitong napakatangos ay parang kayang bumuhat ng ekonomiya ng Pilipinas. Parang tutulo ang laway niya sa gandang lalaki nito. He is so tall. Halos tingalain niya ito habang nakaawang ang mga labi.

“T-Timoteo?” Kandautal siya.

“No…”

No? Napakunot-noo siya. May pangalan na bang No? Anong apelyido nito? Body? No Body?

Binuksan nito ang passenger's side saka siya nilingon, “Hop in.”

Napakurap si Katie dahil hindi naman ito ang sinasabi na kukuha sa kanya. Hindi siya rito basta pwedeng sumama. Her mission is Fabien de Ravelo. Kung sino man ang hudas na iyon ay wala siyang alam. Ni litrato nga ay hindi sa kanya ipinakita ng mga taong namamahala sa isang club na iyon kung saan siya dinala.

“H—” nawala sa isip niya ang sasabihin nang bigla na lang may sumulpot na sasakyan mula sa kaliwa at may lalaking lumabas sa bubungan, hawak ang isang armalite.

“Dapa! Dapa! Dumapa ka, ‘king ina!” Agad niyang tili at kahit na ang taas ng takong ng kanyang sapatos ay nagawa niyang tumakbo palalapit sa sasakyan.

Nakabibinging putukan ang kanyang narinig kaya parang sumasabay ang katawan niyang nanginginig. Pakiramdam niya ay katapusan na niya, lalo na nang bumunot ng baril ang lalaking katabi niyang nakatago sa gilid ng kotse.

Napangiwi ito at nagpaputok din ng baril, nakipag. Kulay ginto ang baril nito at ang nasa isip kaagad niya ay kung pwede iyong ibenta. Ginto siguro iyon na totoo.

Kahit na takot na takot si Katie ay tumingin siya sa sasakyan na papalayo. Ang pagkagimbal niya ay sobra-sobra dahil umikot iyon at muling babalik.

Nakarinig siya ng pagdaing kaya tumingin siya sa lalaki. Nakahawak iyon sa tagiliran at nakangiwi.

“H-Hoy! May tama ka!” Bulalas niya nang mukha itong tutumba. Agad siyang kumilos at sinalo ito. Kamuntik siyang matumba pero pinilit niyang balansehin ang sariling katawan.

“Run!” Singhal nito sa kanya pero hindi siya nakinig.

Isinalya niya sa loob ng kotse ang lalaking kasimbigat ng mundo sa pakiramdam niya tapos ay isinalya niya rin ang mga sapatos na may takong.

Ang palda niya na iisang dangkal ay parang umangat na ang laylayan pero wala siyang pakialam. What matters is her life, their lives.

“Susi!” Mabilis niyang isinara ang pinto habang nasa backseat ang lalaki.

Naroon pa ang susi, nakakabit sa susian kaya agad niyang inistart ang makina ng sasakyan. Papalapit na ang kotse ng armadong mga lalaki kaya wala siyang sinayang na oras. Pinaikot lang niya ang kotse at kahit na sa una ay gegewang-gewang ang takbo nila ay natuwid na lang nang bagtasin niya ang kahabaan ng daan na iyon.

“Ano iyon? Bakit ka nila pinapatay?!” Daldal niya.

Pasalamat siya at tinuruan siya ng kuya niyang magmaneho magmula nang maging pulis iyon.

“D-Do you have a d-driver's license?” Paisa-isa ang hininga ng lalaki. He has an accent. Sosyalin si Timoteo.

“Mamamatay ka na pero lisensya pa ang iniisip mo. Magdasal ka na nakatakas tayo!”

Ano ito? Ang taong nasa bingit, sa lisensya kumakapit? Siya nga, hindi niya iniisip na nagmamaneho lang naman siya ngayon ng isang luxury car. Napaka-smooth ng manibela nito kaya yata sila sumasayaw sa gitna ng kalsada dahil kaunting kabig lang niya ay tuluyang sumasama, hindi tulad ng mga sasakyan na nahawakan niya. Sa halip na ang manibela ang umikot ay mga braso niya ang umiikot dahil sa sobrang tigas kabigin.

Sinulyapan niya ang lalaki at matindi ang pagpipigil nito ng sakit. Ang mukha nito ay pawis na pawis, pero hindi pa rin nawawala ang kagwapuhan na taglay.

“Saan kita dadalhin? Please huwag kang mamatay,” pakiusap niya.

“H-Hindi ako mamamatay. Just keep on driving.”

Ganoon ang kanyang ginawa. Hindi man niya gamay ang sasakyan ay nagmaneho siya nang mabilis at kung saan-saan sumusuot. Sa monitor ay wala siyang nakikita na mga sasakyan sa mga kalsada, iyon ang kanyang pinipili na ruta.

This car is so high-tech. Nakikita rin niya ang sasakyan na humahabol sa kanila sa likuran kanina pero ngayon ay wala na siyang nakita.

“Press the blue button on the monitor,” utos ng lalaki sa kanya.

Ginawa niya iyon.

“Route to de Ravelo mansion,” anito.

De Ravelo mansion? Doon ang kanyang punta.

Lumabas ang bagong ruta sa monitor at may guide sa kalsada.

“Please follow the route to de Ravelo mansion. The estimated time is thirty-five minutes at 60kph. At 100, the estimated time is…”

“Makakaabot ka ba roon ng buhay?”

“I will,” anito at pumikit.

Nalaglag ang hawak nitong cellphone kaya matinding kaba ang bumalot kay Catie.

Is this man already dead?

“Hoy! Sabi mo walang patay! Mabuhay ka kung hindi papatayin kita!”

“Buhay pa ako. Sinong mamamatay sa ingay mo?”

Aba, letseng lalaki ito. Pinintasan pa ang bibig niya pero kung kailangan niya itong daldalan hanggang sa makarating sila sa mansyon ay gagawin niya, basta huwag lang itong matulog at mamatay.

“Kakantahan kita basta magising ka lang habambuhay! Bahay kubo, kahit munti, ang halaman doon…”

“Jesus…” mahina nitong sambit.

“Hoy! Nakikita mo na ba si Hesus? Huwag, please. Marami pa akong pangarap. Hindi ako pwedeng masangkot sa kamatayan mo. Saka ka na lang mamatay kapag wala na ako sa tabi mo.”

Narinig niyang ikinasa nito ang baril kaya tumahimik siya. Baka barilin nito ang kanyang bunganga ay mahirap na.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Deal to Seduce the Devil Heir   Kabanata 8

    Kabanata 8NANG lumabas sila ng bakuran ay nakita pa ni Catie si Vitto na iiling-iling habang nakatanaw. Kabuntot naman nila sa pagkakataon na ito ang mga bodyguard. May dalawa sa unahan at may isa sa likod. Daig pa nito ang isang politician.“Ganoon ka talaga siguro kayabang…”“What?”“Eee, kayaman dahil ang dami mong bodyguards.”“You could say that.”“O…ganoon ka nanganganib kaya marami ang dapat na magbantay sa iyo?”There was no answer. Isinara na lang niya ang bibig. Sino nga ba naman siya para pagsabihan nito ng kwento? She's nobody. And of course, a bad person doesn't open up himself to anybody, or to get closer to anyone. Kung ang ending niya ay bahala na basta kabutihan pa rin ang ipakikita niya rito katulad ng ginagawa niya sa tatay niya at kapatid. Puro siya paubaya at sa huli ay siya ang kawawa at nakatunganga. If she was given the same chance like what her elder brother received, siguro ay wala siya rito ngayon. Hindi sana siya nag-iisip kung pagkatapos ng dalawang ling

  • Deal to Seduce the Devil Heir   Kabanata 7

    Kabanata 7Black market?NAWALA ang kanyang sigla sa kanyang narinig. Black market sounds evil. Mas lalo pa ang mga salitang binitiwan ni Fredrin tungkol sa sinasabing ibebenta siya roon ni Fabien pagkatapos na siya ay gamitin.If it's true, her only chance is to really make him fall for her, but that's so impossible. Sa dami ng babae na binili nito, na alam niyang mas higit pa sa kanya ang iba roon, imposible na wala itong napusuan. Kaya lang, wala talaga sa itsura ni Fabien ang lumagay sa tahimik.She doesn't know why. Ang tanging magagawa na lang nita ay makiusap sa bandang huli na makabalik siya sa kanyang ama. If she has to trade, she will.“Tama!” Aniya nang may magandang ideya ang pumasok sa isip niya.“Hindi mo ako maiisahan!” Litanya niya sa mop na hawak. Kunwari ay ito si Fabien.“Alam ko na ang gagawin ko. Akala mo ha. Ako pa rin ang magwawagi sa huli. Makakauwi ako nang maayos sa tatay at kuya!”Inalog niya ang mop, “Tandaan mo ‘yan at itaga mo sa titi mong malaki!”“Catie

  • Deal to Seduce the Devil Heir   Kabanata 6

    Kabanata 6 HINDI umalis ang lalaki sa harap ni Catie kahit na sinabi na niyang nasa loob ang pinsan nito. Nakatingin pa rin ito sa kanya kaya mas lalo siyang napaiwas. Kay Fabien ay hindi siya ganito. Normal lang siya sa harap ng lalaki at nagagawa niyang magbiro.“Are you his current girlfriend?”Umiling siya.“His visitor?”Umiling din siya.“Or you're this woman who saved my cousin?”“Siguro po,” kibit niya.“So, you witnessed how he fainted when he saw his own blood,” umiling na sabi nito.“Maayos na po siya. Phobia niya po siguro ‘yon na hindi pa niya napapakawalan.”Ngumiti ito, “I like you,” kindat nito sa kanya, “You're witty. What's your name? Don't answer me with a po. I am just twenty-eight.”“Cataleya.”“I'm Fredrin. Kane Fredrin.”Tumango lang siya pero nakipag-kamay pa ito sa kanya.“Fredrin.”Agad na napatingin ang dalaga sa pinanggalingan na boses na iyon. Nakatayo si Fabien sa may kalayuan, nakapamulsa habang nakatingin sa kanila.Mas matanda ito kay Fredrin pero mal

  • Deal to Seduce the Devil Heir   Kabanata 5

    Kabanata 5NANGINGINIG pa rin ang kamay ni Catie habang hawak ang kanyang cellphone. Tatawagan niya ang kanyang ama pero hindi siya makapag-dial. She was so overwhelmed. Napasma siguro siya sa ipinagawa sa kanya ni Fabien kaya hanggang ngayon ay ganito pa rin ang kanang kamay niya.Shaky, she lifted it up and looked at her palm. Kanina lang ay hawak niya ang matigas na pagkalalaki ni Fabien. Hindi naman natagalan ang ipinagawa no'n sa kanya pero dahil siguro hindi pa siya nakararanas ng ganoon kaya parang nagka-epilepsy ang isang kamay niya.“Hello, anak,” halata sa boses ni Romeo ang saya nang sagutin ang tawag niya.“Tatay…” she replied with a smile, “Kumusta ka?”“Ay eto maayos naman. Pinaalis ko na iyong caregiver na iniwan mo kasi kaya ko naman na.”“Hindi naman ba kumontra?”“Aba, hindi. Saan ka ba kumuha ng ipinasasahod doon? Sayang ang pera pwede mo ng ipang-tuition sa sunod na pasukan.”“Ah, hayaan mo na ‘yon, tatay. Makakapag-ipon din ako ulit. Hindi pa ako makakauwi. Dalawa

  • Deal to Seduce the Devil Heir   Kabanata 4

    Kabanata 4 “UNDRESS me,” utos ni Fabien kay Cataleya nang makapasok sila sa loob ng kwarto.“Wala ka man lang bang balak na pagkapehin ako?” Aniya naman na para bang tatay lang niya ang kanyang hinubaran ng t-shirt.Wala siyang malisya.And that's wrong. She's supposed to be seducing him, not treating him like a father.“O, pantalon, hubad na,” aniya pa, “tumayo ka at ako na ang maghuhubad sa iyo.”Sumunod naman ito sa kanya. Hinubararan niya ito at medyo lumaki ang mga mata niya nang makita na hindi one hundred percent na patay ang pagkalalaki ni Fabien. Kumbaga sa na-stroke na tao ay kalahating buhay, kalahating patay. Ang laki pero hindi pa rin niya pinagtuunan ng pansin.“Ano pa ang kailangan mo? Towel, roba. Bath tub?” She normally asked as if there was no naked man in front of her.Tumingin siya sa loob ng banyo. Napakalaki ng banyo ng kwarto niyo, parang kasinlaki na ng isang 100sqm na bahay.”She grabbed the towel and the robe. Parehas na itim ang mga iyon, nasa loob ng isang

  • Deal to Seduce the Devil Heir   Kabanata 3

    Kabanata 3 FABIEN sighed the moment the door shut. Inalis niya ang nakatakip na kumot sa kanyang hita na tinamaan ng bala. Here are the people again who wanted to see him dead. Kung sino sa mga kalaban nila sa black market ay hindi niya alam. Maraming beses na kasi siyang napagtangkaan na patayin.Sermon pa ang inabot niya sa kanyang ama kanina. Kasalanan ba niya kung napapagod na siyang buntutan ng mga tauhan niya? Since he was kidnapped when he was still a kid, Vitto always wanted him to be surrounded by lots of bodyguards. High school siya ay pinagtatawanan siya ng mga kaklase niyang lalaki. Crush siya ng mga kababaihan dahil maangas siya, pero nasisira ang imahe niya sa tuwing susulpot ang mga tao ng kanyang ama.Pinagkakamalan tuloy siyang bakla na nagtatago sa bad boy image. Ang iba ang tawag sa kanya ay Papa's boy.His mother promised him a normal life, behind the reality of being the next don of de Ravelo clan but it didn't happen. As soon as Luciana brought her to the city w

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status