NAHIRAPANG matulog si Cassandra dahil sa kakaibang ambiance ng study room. Pakiramdam niya ay maraming matang nakatingin sa kaniya. Naroon pa ang malalaking painting ng kung sinong musician. Mag-uumaga naโy gising pa ang kaniyang diwa. Kung hindi pa siya nagdasal ulit ay hindi siya makatulog. Sumisikat na ang araw nang magising siya. Hindi pala niya nahawi ang kurtina sa glass window kaya lumusot ang sinag ng araw at tinamaan siya sa mukha. Tinatamad pa siyang bumangon at tila ba may isang kabang bigas na nakadagan sa kaniyang katawan. Mamaya ay narinig niya ang tinig ni Stefan, may kausap. Akala niyaโy sa cellphone lang ang kausap nito pero umalingawngaw na rin ang tinig ni Lola Isabela. Ginupo na siya ng kaba. โNasaan si Cassandra?โ tanong ng ginang kay Stefan. โUhโฆ. n-nandito lang siya kanina. Wala po ba sa labas?โ tugon naman ni Stefan, bakas sa tinig ang pagkabalisa. โWala siya sa labas. At bakit mag-isa lang ang unan mo? Saan natulog si Cassandra?โ Napilitan nang bumangon
NANATILING nakayuko si Cassandra at hirap makatayo dahil bahagyang kumirot ang kaniyang paa na natapilok. Nagulat na lang siya nang may malalakas na kamay na umakay sa kaniya patayo.โWhat happened?โ tinig ni Stefan. Katabi na niya ito at nakaakbay sa kaniya.Kung nasa labas lamang sila ng hotel ay gagantian niya si Laura pero nirerespeto niya ang events.โThat woman was a gold-digger! She does not belong here!โ sabi ni Laura.โAnd who are you saying that to my wife?โ ani Stefan.โW-Wife?โ gilalas na untag ni Laura. Tigagal na tumingala si Laura kay Stefan.Umapela naman si Lourdes na kilala pala si Laura. โMs. Marcelo, huwag po kayong mag-eskandalo rito,โ awat nito kay Laura.โWho is she, Lourdes?โ tanong naman ni Stefan.โUh, siya po si Ms. Marcelo, manager ng CNG marketing. Isa rin po siya sa prospect investors para sa Asian contribution ng product natin. Bale sila ang naunang nagpasa ng proposal,โ paliwanag naman ni Lourdes.โI donโt need that attitude in my company. Refuse her pr
ITโS odd when Stefan ride Cassandraโs stupid joke. Tatakutin lang sana niya ito para tumigil pero hindi niya maintindihan bakit nauwi sa halik. And while kissing her tinder lips, a violent heat rose from his innermost. He canโt stop himself from kissing Cassandra, and itโs also aroused his lust; his d*ck instantly stiffened. May control pa siyang nalalabi ngunit biglang tumugon sa halik niya si Cassandra, which is widen the fire of lust within him. He backed off, yet, his manliness madly wanted to proceed with what he had started. Iginiit niya na nagsimula na ring maghanap ng sex ang katawan niya since he started it from Cassandra. And yes, Cassandra was the first who claimed his virginity. Hindi niya alam kung tama ang pinaggagawa niya. Nawala ang pagiging conservative niya simula noong natukso siyang gumalaw ng babae to cure his depression. At mukhang si Cassandra ang lunas talaga. He once tempted to have sex with Janica when the woman asked to do such thing, yet he chose to resp
DAHIL hindi sigurado sa sinabi ni Stefan, pinuntahan pa ni Cassandra sa kuwarto nito si Lola Isabela para lang tanungin kung ano talaga ang apelyido ni Stefan. Noong nagpirmahan kasi sila ng marriage contract, diretso pirma siya at hindi na binasa. Kanya-kaniyang asikaso naman kasi sila ng papeles, minadali at inipon na lang pagdating ng US. Akala niya naman ay may second name si Stefan at pareho sa apelyido ni Lola Isabela ang dala nito. Late na niyang natanto na si Lola Isabela ay nanay ng namayapang ina ni Stefan. At ang apelyidong dala nito ay sa American-German nitong ama. โHindi mo pala alam ang apelyido ni Stefan, hija?โ amuse na gagad ni Lola Isabela. Naputol na ang tawag ni Dr. Guellera kaya nag-text na lamang siya rito ng mga impormasyong kailangan nito. Napakamot siya ng batok. โHindi ko po kasi natuunan ng pansin,โ aniya. Nakaupo lamang siya sa gilid ng kama ng ginang. Totoo palang may second name pa si Stefan, at ang buong pangalan nito ay Stefan Greg Harden. Pero ay
KALMADONG hinarap ni Cassandra si Janica at hinintay itong makalapit nang tuluyan sa kaniya. โYouโre Cassandra, right?โ anito nang huminto sa kaniyang harapan may tatlong talampakan ang pagitan. โUh, y-yes?โ aniya. โIโm Janica, Stefanโs girlfriend,โ pakilala nito, inalok sa kaniya ang kanang kamay. Mukhang hindi pa nito tanggap na ex-girlfriend na ito ni Stefan. Gayunpaman, kinamayan niya ito. โHi! Nice to meet you,โ kaswal niyang tugon. โPasensiya na sa abala. Gusto lang sana kitang makausap kung pahihintulutan mo ako,โ magalang nitong wika. Wala naman siyang problema sa babae kaya pumayag siya. โWalang problema,โ nakangiting sabi niya. โCan we talk over lunch?โ โSure,โ mabilis niyang sagot. Pagkuwan ay niyaya siya nitong sumakay sa kotse nito. Pumayag naman ito na sa gusto niyang restaurant sila kakain. โHowโs Stefan?โ tanong ni Janica nang kumakain na sila. โHm, okay naman siya. Busy lang sa trabaho,โ tugon niya. โPaano kayo nagkakilala? Sabi ni Donie, sa isang bar kay
HINDI kinibo ni Cassandra si Stefan hanggang sa makauwi sila sa mansiyon. Dumiretso siya sa kuwarto at nagbihis. Alas siyete na ng gabi at nagyaya na si Lola Isabela na maghapunan. Pagbaba niya sa hapag ay naroon na ang maglola. Hindi pa nagbihis si Stefan at tumuloy na roon. โKumusta ang launching ng bagong product natin? Maganda naman ba ang sales?โ usisa ng ginang. Nanatili siyang tahimik kahit siya ang nakaaalam sa tanong ng ginang. Mamayaโy kumislot siya nang bungguin ng paa ni Stefan ang kaniyang binti. Magkatapat lang kasi sila nito, at siya ang katabi ni Lola Isabela. Naibaling naman niya ang atensiyon sa ginang. โUh, okay naman po ang sales ng bagong product ayon sa marketing department report. Pero next month pa malalaman kung papasok ba sa target sales. Nauna kasi ang distribution ng product kaysa marketing,โ paliwanag niya. โMabuti kung ganoโn. Wala namang problema kung nauna ang distribution. At least nasa market na ang product bago maglabas ng advertisement. Our comp
LINGGO ng umaga ay nagyaya si Lola Isabela na mag-beach sila. Kahit kulang pa ang tulog ay pumayag si Cassandra. Hindi rin naman nakatanggi si Stefan at gusto ring mag-unwind. Sa Batangas sila nagpunta dahil may beach house roon ang pamilya, nakapangalan na rin kay Stefan. Kung tutuusin ay puwede nang gawing beach resort ang lupain dahil sa lawak nito at tabing dagat, kaso ayaw ni Stefan. Ayaw nitong may ibang taong nakapapasok sa property nito. Isang pamilya ang caretaker doon at naglilinis sa paligid ng lighthouse sa itaas ng burol. Kahit tirik ang araw ay naligo sila sa dagat at doon na rin nananghalian. Meron namang cottage roon na yare sa native material. Hindi siya makapag-focus sa pagkain dahil tinatawanan ni Stefan ang balat niya na mabilis nagbago at naging kayumanggi. Hindi kasi siya nagpahid ng lotion. โTawa pa, mabulunan ka!โ angil niya rito. Malayo sila kay Lola Isabela kaya parang asoโt pusa na naman sila. Sa may pampang ang ginang kumain at naglagay lang ng payong.
NAKATULOG si Stefan pagkatapos umiyak kaya nakalabas ng kuwarto si Cassandra. Madilim na sa labas at naghahanda na ng hapunan si Lola Isabela. Wala silang kasamang kawaksi kaya sila na ang nagluto. Naghatid naman ng ulam ang caretaker pero gusto ng ginang ng ibang putahe.Tinulungan niya ito sa pagluluto ng native na gulay. Mayamaya naman ang sipat nito sa kaniyang mukha, marahil ay napansin ang mugto niyang mga mata.โBakit ganyan ang mga mata mo, hija? Umiyak ka, ano?โ anito. Naghihimay ito ng dahon ng malunggay.โOpo,โ tipid niyang tugon. Naghiwa naman siya ng patola.โAy, bakit? Inaway ka na naman ba ni Stefan?โ Tumaas ang timbre ng boses nito.โHindi po. Nadala kasi ako sa emosyon niya nang magkuwento tungkol sa nangyari sa pamilya niya noon.โMulagat na tumitig sa kaniya ang ginang. โSeryoso ka ba riyan, hija?โโOpo, Lola. Ang lungkot pala ni Stefan.โโHimalang nagkuwento siya,โ komento nito.โBakit po? Ayaw ko pa niyang pinag-uusapan ang pamilya niya?โUmupo sa silya ang ginang
AYAW ni Stefan na may divorce kaya mas pinili nito na sa Pilipinas ang kasal. Wala namang problema โyon kay Cassandra. Isang linggo pagkatapos mag-propose ni Stefan, inasikaso kaagad nila ang papeles sa pagpapakasal. Ayaw rin niyang hinatayin na lumubo pa ang kaniyang tiyan para makapagsuot pa siya ng magandang trahe de buda.Simple lang din ang kasal nila na ginanap sa Tagaytay, sa beach at iilan lang ang bisita. Mga kamag-anak at kaibigan lang naman nila ang dumalo. Pero kahit simple, bigatin naman ang ninong at ninang nila. May nagregalo ng kotse sa kanila, para umano sa anak nila paglaki. Si Mrs. Kim ay nagregalo ng isang set na jewelry na puwede nang pambili ng kotse ang halaga. Siyempre, may regalo rin si Lola Isabela, ang antic nitong alahas.Dumalo ang tiyuhin ni Stefan mula US at si Robin pero hindi rin nagtagal. Dahil buntis na siya, imbes na mag-honeymoon, gumala lang sila ni Stefan. Siyempre hindi nawala ang papa niya, asawa nito at mga anak na malaki rin ang ambag. Bumisit
KUNG kailan kasama na ni Cassandra si Stefan sa bahay, saka naman tila nagpabebe ang anak niya. Lalo itong naging demanding kaya hindi siya makaalis-alis ng bahay. Si Stefan naman ay halos ayaw na umalis sa kaniyang tabi at gustong maasikaso siya.Lahat ng pagkain niya ay ito ang nagluluto. Kung si Lena kasi ang nagluto, sinusuka niya. Tumindi pa ang cravings niya at mabilis magbago ang mood. Regular pa rin naman ang check-up niya kay Tobi. Pasalamat siya dahil hindi nagbago ang pakikitungo nito sa kaniya at bumibisita pa rin sa cafe.Sabado ng umaga ay maaga silang umalis ni Stefan at pinagbigyan siya sa hiling na mamasyal sa rest house nito. Dinaanan nila sa bahay si Lola Isabela dahil gustong sumama. Talagang alas kuwatro ng umaga sila umalis kaya nakaabot sa sunrise. Hindi rin kasi masyadong traffic.Nakaupo sila sa buhangin sa may pampang ng dagat at pinanood ang pag-angat ng araw. Papikit-pikit na si Stefan at hindi na niya inabala. Nakaligo na sila habang underwear lang ang suo
โOKAY na ba kayo ni Stefan?โ tanong ni Tobi kay Cassandra. Kamuntik nang mabitawan ni Cassandra ang kaniyang cellphone sa pagkagulat. Nasobrahan ata siya sa kape at magugulatin na. Pero dahil din sa tanong ni Tobi ay kumalma ang kaniyang sistema. Mukhang aware na ito sa nangyayari sa kanila ni Stefan. Humakbang palapit sa kaniya si Tobi at lumuklok sa katapat ng kaniyang lamesa. Naghihintay ito sa sagot niya. โUhโฆ. nag-usap na kami at nilinaw niya ang nangyari noon na naging dahilan ng galit ko,โ pagkuwan ay tugon niya. โSo, is he really cheated?โ usisa nito. Bumuntonghininga siya. โNo. Iyong ex niya lang ang nagmanipula ng pangyayari at pinaniwala ako na totoo ang lahat. At saka hindi naman pala niya binalikan โyong babae.โ โYou mean, pinatawad mo na si Stefan? Or maybe you have a reason to give him a second chance.โ Napakagat siya sa kaniyang ibabang labi. Hindi na siya magpaligoy-ligoy pa para hindi na rin aasa si Tobi. โUhmโฆ. sorry, alam kong umaasa ka rin na magkaroon tayo
HALOS isang oras nabinbin sa traffic si Stefan kaya ang tagal niyang nakarating sa ospital. Inabot na siya ng dilim. Nailipat na sa private ward si Janica at inasikaso na ni Donie ang ibang kailangan nito. Ito na rin ang bumili ng ibang gamot na nasa reseta ng doktor. Pagdating niya sa ward ay gising na nga si Janica pero hindi pa makapagsalita nang maayos. Nakatingin lang ito sa kaniya. May injury ito sa kanang binti at sabi ng doktor ay matatagalan bago ito maka-recover. Kahilang pa nito ng regular therapy. โWala namang kumplikasyon sa utak niya. Pero sabi ng doktor, obserbahan pa kasi may mild internal hemmoriage,โ sabi ni Donie. โWhat about her parents? May update ka ba?โ usisa niya. โYes. Nasa biyahe na sila papunta rito, nasa airport na kanina last time na tumawag. Nagpadala na rin sila ng pera para panggastos sa ospital. Ako na ang nag-asikaso para hindi ka na maabala.โ Tinapik niya sa balikat si Donie. โThanks, bro. Pasensiya na rin at ikaw ang naabala.โ โNo worries. Hind
KINABUKASAN ng Miyerkules ay bumalik si Cassandra sa kaniyang OB dahil biglang humilab ang kaniyang puson. Hindi ito nawawala at naninigas ang tiyan niya kaya inatake siya ng nerbiyos. Pagkatapos masuri ng doktor, nalaman nito na hurtburn ang nangyari. Hindi pa rin siya napanatag. May ligtas na gamot namang pinainom sa kaniya ang doktor. Acidic na umano siya kaya kailangan niyang bawasan ang pagkonsumo ng maasim na prutas. Nagbago na naman ang diet chart niya, paunti nang paunti ang pagkaing puwede niyang kainin. Habang tumatagal ay pahirap nang pahirap ang kaniyang paglilihi. Mabilis na ring magbago ang mood niya, lalong naging emosyonal. Ang payo ni Tobi, mas makatulong sa kaniya na makapag-unwind, hanapin ang lugar kung saan siya mas komportable. Hindi na sila magkasundo ng kaniyang katawan. Grabe kung mag-demand ang anak niya, ang weird ng mga gustong pagkain, pati paghiga, ayaw ng flat, gusto iyong medyo nakaupo. โAng arte mo, ah. Manang-mana ka talaga sa tatay mo!โ kausap niy
TINUTOO nga ni Lola Isabela ang sinabi na maglagay ng aircon sa salas niya. Nakakabit na ito at umaandar. Tahimik na ang bahay dahil wala ng bisita. Umalis na rin ang papa niya. Alas kuwatro na ng hapon kaya lumabas siya ng kuwarto. Nakatulog naman siya ng dalawang oras. Nasa kusina si Lena kasama ang nurse na si Rica. Dumating na pala ito. Nagkukuwentuhan ang dalawa at tumigil lang nang mapansin siya. โHi, Cass! Pasensiya na ngayon lang ako nakabalik,โ ani Rica. โOkay lang. Kahit nga bukas ka na babalik para matutukan mo anak mo.โ Tuluyan siyang pumasok. โBumuti na ang pakiramdam ng anak ko at kumakain na rin. Nagpadala naman ng pera ang papa niya kaya nakabili ako ng stock na gamot.โ โMabuti naman.โ Tiningnan niya ang niluluto ni Lena sa kawali. Nagmamatamis ito ng saging na saba. Natatakam tuloy siya at natutuksong tumikim pero nakabantay si Rica. โGusto mo nito, ano, buntis?โ ani Lena. โBawal naman,โ aniya. Kumuha na lamang siya ng hinog na saging na saba at kinain matapos
ANIMO idinadarang sa apoy si Cassandra, pinagpapawisan din ng malamig. Nag-alangan siyang lumabas ng kusina at natatakot harapin ang mga bisita.โPatay tayo nito. May dalawang poging dumating, pinag-aagawan ang amo koโng sumasayad ang buhok sa lupa,โ usal ni Lena habang mayamaya ang silip sa salas.Siya naman itong hindi mapakali. Mapapaanak siya nang alanganin dahil sa tensiyon. Hindi puwedeng ganoon siya ng ilang oras. Mabuti naroon si Lola Isabela at kinakausap ang dalawang lalaki. Ang galing pa nitong magbiro.โDoc. Tobi, ako na lang ang ligawan mo, wala kang kaagaw,โ sabi pa ng ginang.Tawa lang nang tawa si Tobi, sinakyan naman ang biro ng ginang. Samantalang si Stefan ay seryosong nakaupo sa couch, malayo sa dalawang nag-uusap. Pero obvious na ang tensiyon sa pagitan ng dalawang lalaki.Kung puwede lang ay lulusot na sa pader si Cassandra at mapunta siya sa ibang dimension. Hindi niya kaya ang tensiyon. Hindi pa roon natatapos ang kalbaryo niya dahil dumating ang kaniyang ama.
HINDI na ulit nabisita ni Cassandra si Lola Isabela sa ospital. Nag-text ito at sinabi na nakauwi na ito sa bahay. Nang Sabado ng umaga ay ginulat siya nito pagdating niya sa cafe. Buena manong costumer nila sa umaga ang ginang kasama ang caregiver nitong babae. โLola! Ang aga nโyo, ah,โ nagagalak niyang bungad dito. Kaagad niya itong nilapitan at nagmano. โOo, talagang inagahan ko para hindi mainit. Alas-kuwatro pa lang ng umaga ay gising na ako,โ anito. Umupo siya sa katabi nitong silya. โAko rin po, maagang nagising. Naiinip ako sa bahay kaya nagpunta ako rito.โ โMabuti na lang pala at dito kami dumiretso. Gusto ko ring matikman ang mga pagkain dito.โ โNako, masasarap po ang luto ng staff namin.โ โOo nga.โ Bumaba ang tingin nito sa kaniyang tiyan. Pagkuwan ay hinipo nito ang puson niya. โEh, kumusta naman ang apo ko sa tuhod? Hindi mo sinabi sa akin na may laman na pala ito,โ sabi nito. โSorry po, Lola. Hindi ko naman balak na itago ang baby ko habang buhay sa inyo. Naghihin
agtantiya ng emosyon. Ayaw naman niyang mapano ang baby nila. May iba pa namang pagkakataon, at titiyakin niya na mas maiintindihan na siya nito. Nang wala na siyang mailuha ay ginupo naman ng galit ang kaniyang puso. He didnโt expect that Janica would do stupid things to ruin his image of Cassandra. Sheโs desperate, and he canโt ignore it. Sa halip na uuwi sa bahay nila, napadpad siya sa condo ni Janica kahit hindi siya sigurado na naroon ito. Nakailang pindot na siya sa doorbell ngunit walang nagbubukas. Tinawagan niya si Donie. โYes, bro?โ kaagad naman nitong sagot. โAlam mo ba kung nasaan si Janica ngayon?โ may gigil niyang tanong sa kaibigan. โUhโฆ. sheโs here in my hotel. Ayaw pa nga umuwi at nagsisimula nang uminom ng alak. Ayaw magpapigil.โ Kumulo na ang dugo niya. โIโll go there,โ sabi niya, saka pinutol ang linya. Malalaki ang hakbang na bumalik siya sa kaniyang kotse at nag-drive naman papunta sa hotel ni Donie. Pagdating sa hotel ay dumiretso siya sa bar, naroon si J