Share

Chapter 119

Author: jhowrites12
last update publish date: 2026-06-28 23:19:59

"Don't mess with my fiance, you bitcĥ!"

Mabilis na hinila ni Raj si Ysabella nang makitang papasugod si Charlotte. Napakanlong sa kaniya ang babae bago niya paandarin ang electric wheelchair paiwas sa babaeng mukhang lasing na lasing na.

Dahil nakaiwas ay hangin ang tila nahawakan ni Charlotte kaya sumubsob ito sa sahig ng entablado.

Some gasped of air because of what happened. Ang iba, tinawanan ang babae. Ang iba naman, napailing na lamang.

Muling humarap si Raj. Nagawa nang umalis ni Ysabell
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
dyann awacay
arayyy... it's a heartache. Nothing but a heartache para kay Daniel. Ano kaya ang susunod na mangyayari? Na excite na naman ako. SalaMuch Ms J!
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Dear Husband: You Love Me Too Late   Chapter 119

    "Don't mess with my fiance, you bitcĥ!"Mabilis na hinila ni Raj si Ysabella nang makitang papasugod si Charlotte. Napakanlong sa kaniya ang babae bago niya paandarin ang electric wheelchair paiwas sa babaeng mukhang lasing na lasing na.Dahil nakaiwas ay hangin ang tila nahawakan ni Charlotte kaya sumubsob ito sa sahig ng entablado.Some gasped of air because of what happened. Ang iba, tinawanan ang babae. Ang iba naman, napailing na lamang.Muling humarap si Raj. Nagawa nang umalis ni Ysabella sa pagkakanlong mula dito. Si Charlotte ay nagawang makatayo at talagang nanlilisik ang mga mata nito kay Ysabella."Raj! I am your fiancee! She is ruining us! Bakit hinahayaan mo siyang gawin sa atin ito?" histerikal na sigaw ni Charlotte.Tumaas ang kilay ni Ysabella. Kung hindi lang mahalagang party ang kinaroroonan nila, pinatulan na niya si Charlotte.Hindi niya ibababa ang sarili dito. May mga pagkakataon pa para mabigyan niya ng leksiyon ang babae. Para makaganti siya sa mga pang-aapi n

  • Dear Husband: You Love Me Too Late   Chapter 118

    Napansin din ni Ysabella ang pagdating ni Raj. Gusto niyang hilain ang kamay mula kay Daniel pero hindi siya binigyan ng pagkakataon ng lalake. Humarap din ito kung saan ngayon ay pumapasok si Raj.Tapos ay bigla itong dumukwang para bulungan siya."We need to act, remember?" Paalala ni Daniel sa kaniya.Madali lang iyon gawin para sa lalake. Dahil noon pa man ay marunong na itong magkunwari lalo na pagdating sa kanilang dalawa. Pero kay Ysabella, hindi niya alam kung kaya ba niya lalo na kay Raj.Matamang tumitig si Ysabella sa lalakeng binabati na ng lahat.Nakawheelchair pa rin ito. Guilt consumed her right away. Iyong makita niya ito ngayon ng harap-harapan ay para bang tinutusok ang puso niya. Hindi pa rin niya maiwasan na sisihin ang sarili sa nangyari dito. Lahit sabihin pang aksidente ang nangyari, part of it, alam niyang may kasalanan siya."Ladies and gentlemen, our celebrant, Mr Rajnielle Lincoln!" malakas na anunsyo ng emcee. Nagpalakpakan ang mga bisita. Si Ysabella ay n

  • Dear Husband: You Love Me Too Late   Chapter 117

    Halos lumuwa ang mga mata ni Charlotte nang makita roon si Ysabella. Ang huling balita kasi niya ay nawawala ito at pinaghahanap ni Daniel. Idinalangin niyang sana ay hindi ito mahanap ni Daniel."Bìtch! Bakit bumalik ka pa! Hindi ka na lang nagtago na parang daga!" gigil na piping saad niya habang nakatunghay sa dalawa. Ang lalong ipinagpupuyos ng kaniyang kalooban ay ang sweetness na nakikita niya sa mga ito."Fake! Fake ! Fake! You are both fake!" nanlilisik ang mga mata niya. Nakuyumos niya ang kaniyang damit dahil sa gigil na nararamdaman.Samantala, ramdam ni Ysabella ang matalim na tingin sa kaniya. Kung nakakasugat ang tingin, baka duguan na siya roon ngayon. Ang puting dait niya ay magmimistulang basahan na pinamunas sa dugo.Lumingon siya sa pinanggagalingan ng masamang tingin. Agad na umarko ang mga labi niya ng kakaibang ngiti. Nanlaki ang mga mata ni Charlotte dahil sa ginawa niya."Bìtch!" She mouthed. Sinuklian niya iyon ng mas malawak na ngiti. "Same!" She mouthed b

  • Dear Husband: You Love Me Too Late   Chapter 116

    Matalino man daw ang matsing ay naiisahan din. Hindi tanga si Ysabella para hindi mapansin na pinapasundan siya ni Daniel. Her senses was trained by Guyam kaya alam na alam niya kung may nakasunod sa kaniya. Nakaisip na siya ng paraan para matakasan ang mga ito sa tuwing papasok siya sa club. Sa isang linggo, sinanay niya ang mga tauhan sa paglabas niya mula sa bahay hanggang sa oras ng kaniyang pag-uwi.Pumupunta siya sa boarding house pagkatapos niyang dumalaw sa puntod ng kaniyang ina. Pagkatapos ay nagkukulong siya kunwari sa silid. She kept the room at hindi kinuha ang mga gamit na naipundar niya. Kapag oras na ng trabaho ay pupuslit siya sa ibang daraanan na itinuro ni Lilay sa kaniya noon. Hindi siya nakikita ng mga tauhan ni Daniel dahil sa harapan lamang naman nakabantay ang mga ito. Wala din talagang daan sa likod kundi ang umakyat sa bubungan papunta sa likod na eskinita. Babalik siya kapag natapos na ang kaniyang pagsayaw.Ten to eleven ang pagsayaw niya. Nine pm nagbu

  • Dear Husband: You Love Me Too Late   Chapter 115

    Habang pauwi na si Daniel ay may pumuslit naman na pigura sa entrance door. Ipinakita niya ang ID niya na nakuha pa sa mga gamit na naiwan sa boarding house. Buti na rin at hindi niya dala ang mga iyon nang bigla na lamang siyang tangayin. Dala na rin niya ang teleponong naiwan din dahil sa pagmamadali niyang mapuntahan noon ang ina.Dali-dali niyang tinalunton ang gawi ng opisina ng manager. Kailangan niya itong makausap agad.Si Bianca naman ay hindi na alam ang gagawin. Kung hindi pa magpapakita si Belle ay siguradong malilintikan sila. May nakapansin na kasing bigating customer na hindi si Belle ang pinapasayaw nila. Sigurado siyang isang araw, mabubulilyaso ang dancer na binayaran nila para gayahin si Belle. Isang impostor para magpanggap na si Belle."Nasaan na kasi ang babaeng iyon!" litanya niya.Nagpabalik-balik siya sa paglalakad habang nag-iisip ng gagawin."Dapat na ba akong kumuha ng iba?"tanong sa isipan niya. Pero malakas ang hatak ng babaeng nakamaskara sa mga parokya

  • Dear Husband: You Love Me Too Late   Chapter 114

    Napahilot si Daniel sa bridge ng kaniyang matangos na ilong. Then napunta ang mga daliri sa kaniyang sentido. Sumasakit na naman ang kaniyang ulo dahil sa matinding pag-iisip at sa stress na hatid ng trabaho at ni Ysabella."You've changed." Iyon ang agad na bungad ni Benjamin nang makita siya. Gaya ng napag-usapan nila, nagkita sila ngayon sa club.Pagod na ngiti lang ang naging kasagutan ni Daniel kay Benjamin. Si Benjamin naman ay biglang may pag-aalala sa kaibigan. Pansin niya ang pag-impis ng katawan nito kaysa sa dati. Pero ang mas nakakaalarma sa kaniya ay ang pagbabago nito bigla sa ugali.Napansin niyang medyo tamed ito ngayon. Kapag ganoon ang lalake, pakiramdam niya ay may pasabog na mangyayari."What happened to you?"Itinaas ni Daniel ang baso ng alak. Pagkatapos ay sinenyasan ang kaibigan na maupo.What happened to him? Marami. Bukod sa nahanap na muli niya si Ysabella. Nahanap na din niya ang kasagutan sa ilang katanungan sa kaniyang sarili.Lalo na ang isang bagay.K

  • Dear Husband: You Love Me Too Late   Chapter 53

    "Gusto ko lang na ihabilin ka kay Daniel. Hindi ko alam kung tatagal pa ako, Bella. Asawa mo si Daniel, gusto kong makasigurong maayos kayo na mag-asawa bago man ako mawala."Paulit-ulit na nagpe-play sa isipan ni Ysabella iyon. Na kahit papunta na sila sa event ay okupado pa rin ng isipin na iyon

  • Dear Husband: You Love Me Too Late   Chapter 52

    Dalawang linggo ang nakalipas. Sa pagbabalik ni Charlotte ay may misyon siyang dapat gawin. Hindi dapat masayang ang nangyari sa kaniya. Ang pagdurusa niya sa kamay ng isang masamang nilalang. She should be married to the Lincoln family. Ano man ang mangyari. Kaya gagawin niya ang lahat para matulo

  • Dear Husband: You Love Me Too Late   Chapter 48

    Muling uminom si Daniel hanggang sa naubos niya ang laman. So iyon ang pakilala ni Ysabella sa sarili...Kasama niya sa party. Hindi asawa o anopaman. Mapait siyang napangiti. Hindi niya alam sa sarili kung dapat ba siyang maging masaya sa pakilala nito. Iyon ang dapat pero..."Is she single?" tan

  • Dear Husband: You Love Me Too Late   Chapter 47

    Hinila ni Ysabella ang gown niya pataas dahil nakikita ang pisngi ng kaniyang mga dibdib dahila labas ang kaniyang cleavage. Hindi naman masasabing malaswa pero hindi siya sanay kahit pa nga may ipagmamalaki siya. Inakala kasi niya noong una ay sa likod ang V style nito pero sa harapan pala. Ngayon

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status