로그인
"Who said I'm afraid? Kahit mahuli pa niya tayo, it doesn't matter to me. Wala din naman siyang magagawa, hindi niya din kayang iwanan ako..."
Natutop ni Ysabella ang kaniyang bibig habang naririnig ang mga katagang iyon mula sa kaniyang asawa. Nasa labas lamang siya ng opisina nito. Nakauwang bahagya ang pinto kaya nauulinigan niya ang pag-uusap doon. "Darling, alam naman natin na asawa mo pa rin siya sa mata ng ibang tao at sa pamilya mo..." Tuluyang gumuho ang mundo ni Ysabella nang marinig ang boses na kasama ni Daniel. Parang tinarakan ng kutsilyo ang puso niya. Nahihirapan siyang huminga. Hindi niya akalain na ang babae ng asawa niya ay ang babaeng itinuring niyang isang matalik na kaibigan. Kaibigan maaasahan niya sa lahat ng oras. Kaibigang papanig sa kaniya at Hindu siya kayang traydurin. Nagkamali siya. Dahil sa ngayon, tuluyang gumuho ang pinanghawakan niyang pagtitiwala. "Charlotte, as long as you stay by my side, kahit siya pa ang asawa ko, it doesnt really matter. Stay with me. You will get what you want in perfect time..." Tuluyang bumuhos ang mga luha ni Ysabella. Batid niyang hindi naman siya talagang mahal ng kaniyang asawa. Mabait ito sa kapag may nakaharap. Pero pagmamahal? Hindi siya nito kayang mahalin. Lalo pa kaya na nataniman na ang isipan nito ng mga masasamang bagay tungkol sa kaniya. Mukhang pera. Masamang babae. Walang kuwenta. Lahat ng kayang ibato sa kaniya, nagawa na nito para magmukha siyang masama. Para pasakitan siya. Now she knows who's doing it. Ang mga hinaing niyang nalalaman agad ni Daniel. Ang mga bagay na inililihim niya dito na sa kaibigan lang niya nasasabi. Hindi niya pinag-isipan ng masama si Charlotte dahil sa pagtitiwala. Tiwalang hindi man lamang niyo binigyang halaga. Wala ng sasakit pa kung ang dalawang taong mahal niya at pinagkatiwalaan ang mga taong sisira pala ng tiwalang iyon. Hindi lang pinira-piraso ang kaniyang puso. Dinurog pa ng mga ito ng Pino. Sinubukan niyang umalis sa kinaroroonan pero bigla siyang natumba dahil sa panghihina. Nakagawa ng ingay ang pagkakabangga niya sa pader. Napaidik siya sa pagtama ng siko doon. It scratches her skin. Mahapdi. Pero walang sasakit pa sa pagkadurog ng kaniyang puso. "Sino iyan?" Nataranta si Ysabella sa malakas na boses ni Daniel. Kinabahan siya dahil sa yabag na papalapit sa pinto. Kailangan niyang umalis doon. Ayaw niyang makita siya ni Daniel sa ganoong kalagayan. Na naroon siya. Kawawa. Kaawa-awa... Pero imbes na kaawaan siya, alam niyang tatawanan lamang siya nito. Uuyamin ng mga salitang hindi na kayang lunukin ng kung sino. Kailangan niyang umalis. Pinilit niyang umalis. Kahit pa kailangan niyang hilain ang mga paa paalis. Malalaking hakbang naman ang ginawa ni Daniel para puntahan ang pinto. Hindi pala naka-lock iyon. Ni hindi nga naisara ng maayos. It doesn't matter if someone hears them. Gusto niya lamang malaman kung sino ang mapangahas na nakikinig sa kanila. Binuksan niya ang pinto at lumabas. Batid niyang may anino siyang nakita papaliko sa hallway. Pero hindi niya mapagsino kung kaninong anino iyon. Katulong ba nila? Hindi naman si Ysabella, hindi ba? Imposible. Wala ito ngayon. Nagpaalam itong mananatili sa hospital para bantayan ang ina nitong naroon. "Daniel?" Papahakbang na siya nang tawagin siya ni Charlotte. Lumapit sa kaniya si Charlotte. Hinawakan ang braso niya para pigilan. "Dumaan lang siguro na katulong iyon..." aniya. Hinaplos ang dibdib ng lalake. "Halika na sa loob. May kailangan pa tayong tapusin," sa malambing na boses ay ika nito. Hinila siya sa loob at ito na rin ang nagsara ng pinto. Siguro nga ay katulong lamang na napadaan. At kung katulong iyon, walang mangangahas na kalabanin siya. Subukan ng mga ito na ilabas ang mga narinig. They will face punishment. Hindi naman alam ni Ysabella kung paano siya nakarating sa kuwartong inuukopa niya. Akala niya makikita siya ni Daniel. Akala niya madadapa siya sa lakad takbong ginawa. Halos hindi na niya kasi maramdaman ang mga paa niya. Nanginginig bawat himaymay ng kaniyang katawan. Nanlalamig ang kaniyang mga kamay habang patuloy ang pagbuhos ng kaniyang mga luha. Luhang hindi na natapos-tapos pa. Sana matuyo na lamang iyon para wala na siyang iluluha. Dumausdos siya mula sa pagkakasandig sa pinto. Impit na umiyak habang yakap ang sarili. Tahimik na kinakaawaan ang sarili. Napapatanong. Hanggang kailan niya kayang magtiis? Hanggang kailan niya mamahalin ang taong ni hindi siya kayang mahalin. Ni hawakan. Pinandidirihan siya ni Daniel. Mapalapit lamang siya bahagya dito, para na itong napapaso. Ayaw na ayaw nitong tumatabi siya dito. She curled up lying on the cold floor. Hindi na niya kayang bumangon pa para pumunta sa kama. Hinang-hina ang kaniyang katawan. Sa sakit. Sa pighating dulot ng nalaman. Sa lahat. Pagod na pagod na siya sa kaiisip kung anong kailangan niyang gawin para mahalin siya at tanggapin. Kahit sana bumalik na lamang sila sa dati. Okay na siya. Sa madilim na silid na iyon, tahimik siyang lumuha. Ang apat na sulok lamang ng kuwartong iyon ang saksi sa kaniyang pagdurusa. Tok.Tok.Tok. Sa pagkakapikit ng kaniyang mga mata, nakarinig siya ng mahinang katok. Akala niya ay guni-guni lamang niya iyon. Pero naulit ang pagkatok. Mas malakas. Mas agresibo. Sunod-sunod. "Ysa, are you there?" Natutop niya ang bibig. Si Daniel ang nasa labas ng kanyang kuwarto. Bakit ito naroon? Napapiksi siya sa muling pagkatok. Mas malakas. "Ysa, don't ignore me..." May babalang ika nito. Na tila siguradong naroon nga siya. Bumuka ang bibig niya. Pero walang salitang lumabas. Anong sasabihin niya? Ayaw niyang magpakita. "I'm coming in!" Sinalakay siya ng matinding kaba. Pinilit niyang iusod ang katawan palayo sa may pinto. Nakabalandra siya roon. At kapag binuksan nito iyon, matatamaan siya. Masasaktan. Rinig niya ang pagpihit nito sa seradura. Pabukas na iyon nang magring ang telepono ni Daniel. Nabitin sa ere ang balak nitong pagbukas sa pinto. Habang siya, nakahanda na ang sarili sa anumang masamang reaksyon ng asawa. "Hello..." Nakahinga siya nang maluwag nang umalis si Daniel habang may kausap sa telepono. Pinahid niya ang luha sa mga mata niya at pinilit ang sariling makatayo papunta sa kama. Nang makahiga ay agad niyang binalot ang sarili ng kumot. Nilalamig siya. Kahapon pa masama ang pakiramdam niya at ngayon nga, ramdam niyang nilalagnat na siya. Uminom na siya kanina ng gamot. Pero four hours ago pa iyon. Nawala na ang bisa. Ayaw naman niyang bumaba para kumuha ng gamot, itutulog na lamang niya. Bakasakaling kinabukasan ay maging maayos na siya. Pero ang totoo... Gusto niyang huwag ng magising pa."Do you really need to do this, Raj?" tanong ni Granny Mira. Dalawang araw na lamang ay kasal na nila ni Charlotte."Yes. After the wedding, we will move out. I got us a house already," sagot niya."Alam na ba ni Charlotte ito?"Tumingin siya sa kaniyang grandma. "No. I will tell her today."Batid ni Raj ang kagustuhan ni Charlotte na maging reyna sa pamamahay na iyon. At hindi niya bibigyan ang babae ng pagkakataon. They will move out. Bibigyan niya ito ng sariling kaharian. Whether it is hell or not."Kung ginagawa mo ito para kay Ysabella...""It's not, Granny. Mas mabuting nakabukod kami ni Charlotte lalo at magkakaroon na kami ng pamilya..." rason niya na ewan niya kung tinanggap ng kaniyang grandma."You have power and money, Raj. Why act like a weakling?" Ika nito. "Kaya mong durugin sino man!" Hindi niya sinagot si Granny Mira. Pero sa isip niya, acting weak is his advantage. Dahil sa pag-aakalang tanga siya at bobo, they will think he is an easy target. Madaling manipulahi
"Daniel...sandali!" Gulat na gulat si Charlotte nang bigla siyang hilain ni Daniel. Galing siya sa washroom habang sila Raj ay nasa living room kasama si Granny Mira at Ysabella. Pinag-uusapan nila ang tungkol sa kasal na gagawin. Sinama ni Granny Mira si Ysabella doon kahit ayaw ng babae. Si Daniel naman ay matigas na tumanggi at pumanhik. Kaya nagtataka siyang naroon ito ngayon at kung paano ito pumuslit ay hindi niya alam. Hinila siya ni Daniel sa isang kuwarto. Maraming silid ang mansiyon na hindi nagagamit. Isinandig siya ni Daniel sa pader pagkatapos nitong isara ang pinto."What are you up to?" tanong agad nito. Ang mga mata ay matamang nakatitig sa kaniya. Dissecting every lie her lips will tell.Imbes na kabahan ay nagawa niyang haplusin ang dibdib ni Daniel. Na-excite siya dahil ngayon lang sila ulit nagkalapit ng ganoon. She feels his warm body. Na-miss niya iyon."Dan, I miss you," sabi niya. Pabulong na may landi at lambing.Pinigilan ni Daniel ang kaniyang kamay. "Are
"I'm pregnant."Kumunot ang noo ni Raj. Tinawag niya si Charlotte sa loob ng opisina niya para sa isang report pero iba naman ang inirereport nito sa kaniya. May inilagay itong medical report at ultrasound image sa harap niya."Kagagaling ko lang sa hospital kahapon. Iniiwasan mo ako kaya ngayon ko sasabihin. Buntis ako at ikaw ang ama," ayon dito. " It's because of that night..."That night? Nagtiim bagang si Raj. That night was a mistake! Alam nilang dalawa ang katotohanan. Pero labis na itinatanggi ng babae na may ginawa ito sa binigay na inumin sa kaniya. Pagkatapos kasi noon, wala na siyang maalala. Nagising na lang siya kinaumagahan na magkatabi na sila sa kama nito. Parehong hubad. At sinabi nitong may nangyari sa kanila."Kung ayaw mo akong panagutan. Ipalalaglag ko na lang," sabi nito. Na tila ba kinukunsensiya siya. Pinagbabantaan na mawawala ang bata. And it works. Hindi siya ganoong kasama para hayaan iyon. Walang batang dapat madamay. Walang kamuwang muwang ang nabuong
Hinila ni Daniel si Ysabella. Ibinalandra.It was because Raj was looking. The way he clenched his fist makes Daniel very satisfied. Dahil alam niya, sa larong iyon, nananalo na siya. Anumang oras, Raj will explode like a bomb.Hindi nakahuma si Ysabella sa ginawang iyon ni Daniel. Hindi niya alam na magiging bold ang kilos ng lalake. Lalo na sa harapan ng mga malalaking negosyante. Kung nagulat siya, siya namang ikinainis ni Charlotte. Gaya ni Ysabella, hindi rin inaasahan ng babae na gagawin ni Daniel ang bagay na iyon. It was a statement to everyone. Nobody knows about Ysabella and Daniel. Pero sa ginagawa ng lalake, puwedeng magkaroon ng ibang isipin ang mga nakakakita. And he was never like that when she was with him. Oo sweet sila pero dahil iyon sa clingy siya sa lalake. She makes the move all the time."Raj, ang sweet naman nila. Minsan naniniwala na akong perfect match sila..." ika niya kay Raj. Hindi dapat siya mainggit. Focus dapat siya sa plano niya. At iyon at ang makuh
Hinugasan ni Ysabella ang kamay na may sugat dahil sa kaunting dugo doon. Napangiwi siya nang mabasa ng tubig ang sugat. Mga tatlong kuko ang bumaon doon kaya naman sobrang hapdi. Pagkatapos niyang mahugasan ang kamay ay dahan-dahan niyang pinunasan ang kamay. Hanggang sa matulalang napatitig na lamang siya sa sarili."Nasa tabi ka nga niya, pero totoo naman na wala kang karapatan..." usap niya sa sarili. Batid naman na niya iyon noon pa. Tinanggalan siya ni Daniel ng karapatan. Lalo na noong pinili nitong lokohin siya kasama si Charlotte. "Isa ka lang laruan ni Daniel. Nasa kaniya kung gusto ka niyang laruin o gusto ng itapon.Nagpalipas siya ng ilang sandali doon bago siya magpasya na lumabas. Natigilan siya at bumalatay agad ang gulat nang paglabas niya ay makita si Daniel sa gilid. Nakasandig sa pader na parang hinihintay talaga siya. Saglit lang ang gulat niya. Balak niyang lampasan ito nang patigilin siya ng kataga nito."You shouldn't fight back..."Lumipad ang hindi makapani
"Gusto ko lang na ihabilin ka kay Daniel. Hindi ko alam kung tatagal pa ako, Bella. Asawa mo si Daniel, gusto kong makasigurong maayos kayo na mag-asawa bago man ako mawala."Paulit-ulit na nagpe-play sa isipan ni Ysabella iyon. Na kahit papunta na sila sa event ay okupado pa rin ng isipin na iyon ang sistema niya. Kung paanong naging malungkot ang mga mata ng ina "Can you focus..." bulong sa kaniya ni Daniel. Nagulat siya dahil bigla na lang nitong inilapit ang mukha sa kaniya.Imbes na lumayo ay napatitig siya dito. At dahil doon, ang lalake naman ang naasiwa at kusang lumayo. "Sir Daniel, narito na po tayo," aniya ng driver nang tumigil ito sa isang malaking gusali. Tumango si Daniel. Hinintay na pagbuksan sila ng driver bago lumabas. At sa paglabas nila, sa kanilang likuran ay may dalawang umibis din sa sasakyan. Halos magkakasabay lamang ang kanilang mga dating."Daniel, Ysabella!" Ang matinis na boses ni Charlotte ang nakakuha ng kanilang mga pansin. Sabay silang napalingon







