Masuk"Magpapanggap akong asawa mo sa harap ng lola mo at ni Raj at sa iba pang nakalaalam na kasal tayo. Pero magiging malaya ako. Makakapunta ako sa kung saan ko gusto na hindi mo ako pinapasundan sa kung sino. Huwag mo rin kontrolin kung anong gagawin ko gaya noon. Gusto kong maging malaya!" pahayag ni Ysabella.Nakinig lamang si Daniel. Nagtiim bagang habang naririnig ang mga kagustuhan ni Ysabella. Ayaw sana niya. Pero mukhang desidido na si Ysabella sa gusto nitong gawin. "Kung papayag ako sa gusto mo, I still want you to go home at this place. This is our home now," sabi niyang gustong ipaintindi sa babae na ang bahay na iyon. Ang lugar na iyon ay ginawa dahil kay Ysabella.Because he wants to start a new life with her. Hindi pa niya nasasabi iyon dahil hindi siya binibigyan ng pagkakataon ni Ysabella. To redeem himself to her."We will be strangers here," wika naman nito. "Nothing to do to each other. Huwag nating pakialaman ang isa't isa. Malaya kang gawin ang gusto mo." Habang s
Pagkatapos ma-settle ang mga naiwang trabaho sa opisina ay umuwi agad si Daniel. Dala niya ang isang papeles na pinakuha niya kay Nando. Alam niyang magmamatigas pa rin si Ysabella pero pagdating sa ina nito, hindi ito makakatanggi. Iyon lang ang naisip niyang para pumayag si Ysabella sa gusto niya.Habang nasa sasakyan ay nakapikit siya. Panaka-naka siyang sinusulyapan ni Nando pero hindi ito nagsalita.Si Daniel naman, kahit nakapikit ay ramdam niya ang paligid. Ramdam niya ang mga tingin ni Nando sa kaniya."May sasabihin ka, Nando?" tanong niyang nakapikit pa rin. Napalunok si Nando. Kailangan niyang i-report ang nangyari. Hindi man naging tagumpay iyon ay kailangan pa rin niyang ipaalam."Sinubukan daw tumakas ni Miss Ysabella, Boss."Doon ay agad na nagmulat ng mga mata si Daniel. "What did she do?" Mahina pero ramdan ni Nando ang pagtitimpi nito sa boses."Sinubukan niyang umakyat sa puno sa may hardin para makasampa sa pader."Napabuga si Daniel ng hangin. Alam niya ang pun
Pabiling biling sa higaan.May nakikita siya na batang lalake. Nasa kotse ito. Bumangga ang sinasakyan. Nasunog ang kotse. Naroon ang batang lalake.Parang hindi siya makagalaw na pinanood ang pagtupok ng apoy sa sasakyan habang sumisigaw ang batang lalake na iligtas ito. Gusto niyang humakbang pero para naman siyang naipako sa kinatatayuan.Umungol siya. Kailangan niyang iligtas ang bata.Kailangan."Guyam..."Wala siyang magawa. Ang katawan niya, ayaw sumunod sa gusto niya."Guyam!" sigaw sa pangalan niya.Bumalikwas si Marco nang may tumapik sa kaniyang mukha kasabay ng pagtawag sa kaniya sa isang pangalan.Dahan-dahan siyang nagmulat ng kaniyang mga mata."You're dreaming..." sabi ni Angela na siyang nakasampa na sa kama niya. Ito din ang gumising sa kaniya sa bangungot na paulit-ulit sa loob ng maraming taon.Hanggang ngayon ay wala pa ring kasagutan ang panaginip na iyon. Nagtanong na siya sa psychiatrist na pinapuntahan niya sa ibig sabihin niyon pero wala itong maisagot."Oka
Nagkulong si Ysabella sa kaniyang kuwarto. Kahit kinatok na siya ni Aling Juvie dahil nakahanda na ang hapunan ay hindi siya lumabas. Naghintay siya na gumabi na talaga tsaka lumabas. Sigurado siyang nagpapahinga na si Aling Juvie. At wala ng taong kailangan niyang pakiharapan.Nasa pasilyo siya nang marinig niya ang malakas na ungol mula sa isang kuwarto. At hindi na siya manghuhula pa kung kanino galing iyon. Kilala na niya at sanay na siya sa ganoon.Daniel always likes this when he is sick. Nagdedeliryo ito."Huwag po! Huwag po!" sigaw na narinig niya. Parang batang nagmamakaawa. Batang naghahanap ng kalinga."Mama! Papa! Please save me! Save me!"Gusto niyang ignorahin iyon. O baka naroon naman sa loob si Aling Juvie. "Sisilip lang ako," ika niya.Dahan dahan niyang binuksan ang pinto sa kuwarto ni Daniel. Sa dim light ay naaninag niya ang pabiling-biling na lalake.Lumapit siya ng dahan-dahan."Ysa, stay...stay..."Napalunok siyang kumuyom ang kamao. Ngayon, tinatawag naman siy
Nanatiling mulat si Ysabella magdamag. Halos ayaw niyang matulog. Paano kung pasukin siya ni Daniel doon kahit pa ni lock niya ang pinto. Kilala niya ito. Nakagagawa ito ng paraan kapag ginusto nito.Kung may tulog man siya, mga dalawang oras lang iyon. Kaya sa umagang iyon ay hikab siya ng hikab. Kinatok siya ng katulong ni Daniel na si Aling Juvie kaya nagising siya."Misis, nakahanda na ang umagahan," sabi nito. Parang robot lang na inutusan. Nakaprogram ang gagawin.Hindi na siya nagmamatigas pa. Bumaba siya agad sa kaniyang kama at nagpunta sa banyo para maghanda ng sarili. Kagabi, para hindi makatulog ay nagawa niyang halungkatin ang buong kuwarto. Doon niya nakitang handa na ang mga kagamitan para sa kaniya. Mula sa mga simpleng damit hanggang sa ilang mga mamahalin na gowns.Gaya kagabi, walang Daniel sa hapag. Hindi niya ito nakita simula pa kahapon.."Nasa trabaho na siguro," sabi sa isip niya. Well, dahil wala ito ay puwede siyang maglibot sa buong bahay at sa paligid. Doo
"Bitiwan mo ako, Daniel! Ano ba!" Nagpupumiglas at halos mamaos na sa kakasigaw si Ysabella habang karga siya ni Daniel. Sinubukan niyang tumakbo pero nahuli siya nito. Nabitiwan nito ang payong kung kaya pareho silang basa sa ulan. Puno ng frustration ang bawat sigaw niya. Pinagpapalo niya ang likuran nito pero walang nagawa iyon. Mabilis at walang kahirap-hirap siya nitong naipasok sa loob ng sasakyan. "Drive Nando," utos ni Daniel sa driver na kanina pa naghihintay. Kanina pa sila naroon sa sementeryo ng amo. Talagang naghintay sila roon. Ilang araw na rin na nakabantay siya roon dahil inaasahan nilang isang araw, mahahanap ni Ysabella ang sementeryo. Nataon na sa araw na iyon ay sumama sa kaniya si Daniel."Saan tayo boss Daniel," tanong ni Nando habang nagmamaneho. "To my house.""Walang hiya ka, Daniel! Pakawalan mo ako!"Pumikit si Daniel at hindi inalintana ang pagwawala ni Ysabella sa loob ng bahay. Hindi pa maayos ang kaniyang pakiramdam at ngayon ay naulanan pa. Pagkar
"Ginawa mo ba ang inutos ko?" tanong ni Daniel kay Nando noong dumating ang lalake at magreport sa kaniyang boss. "Oo boss. Ligtas na nadala ko si Miss Ysabella sa isla." Saglit na sinulyapan siya ni Daniel. Tila nangangati ang dila niya dahil may gusto pa siyang tanungin. "Boss..."Napatigil siya
NOTE: (Ang kuwentong ito ay kathang isip lamang. Kaya huwag masyadong isapuso ang galit. Sige ka, mahighblood ka. Kathang isip din ang isla kaya walang maghahanap kung saan nakarating si Ysabella 😄 🤣. Happy reading.)*****Malaking bahagi ng isla ay niyog. At ang ikinabubuhay ng mga naroon ay kop
Naging maingay sa mansiyon. Naging usap-usapan ang nangyari at siya ang sinisisi. Gusto niyang umalis na lamang. Pero paano? Lalong pinagbuti ni Daniel ang sekyuridad sa mansiyon dahil ayaw nitong makaalis siya. Para saan?Para maparusahan sa kasalanan na wala siyang kinalaman. Kasalanang gawa-gawa
Walang pinagbago ang mga sumunod na araw para kay Ysabella. Pero sa tuwina, si Granny Mira ay umiiwas sa kaniya. Minsan ay sinubukan niyang kausapin ito pero humarang si Lucy. Parang bantay na asong tumahol nang papalapit siya. Mukhang wala na talagang balak na pakinggan ng matanda ang anumang pali







