LOGIN"She discharged herself," ika ni Benjamin habang nakatunghay sa kaniyang telepono. Nakatanggap siya ng text mula sa pag-aari nilang hospital kung saan ay doctor din siya. Ibinilin niyang i-report sa kaniya ang bawat detalye ng galaw ni Ysabella. At iyon nga ang natanggap niya sa gabing iyon.
Napaayos ng upo ang lalakeng sinabihan niya ng impormasyon. Sa kamay nito, isang baso na may laman na whiskey. Umarko ang gilid ng mga labi ni Daniel.Ngunit hindi para sa isang ngiti. Gumalaw ang panga niya habang naaalala ang nangyari kay Ysabella two days ago. Kung paano nagulo ang isip at damdamin niya habang akala niya, mamamatay na ito sa kaniyang mga bisig. Ayaw niyang aminin sa sarili...pero napuno iyon ng takot. Napuno ng hindi maipaliwanag na emosyon. "So what's your plan to her?" tanong ni Benjamin. Sila lang na dalawa ngayon sa private room na iyon sa loob ng isang exclusive bar. Nasa second floor sila at salamin ang nakapalibot. Kita nila ang nasa ibaba pero hindi sila kita roon. Bukod sa sound proof ang private room ay one way mirror din iyon na gawa sa mamahaling salamin. High end bar ang kinaroroonan nila. Pawang mga mayayaman ang naroon. Mga artista, anak ng politiko o mga negosyante. Karamihan ay talagang anak mayaman. "Nothing..." ininom niya ang laman ng baso. "But I don't want to see her just now. Baka mapatay ko lang siya..." ika niyang may pagpupuyos sa kalooban. Humigpit ang pagkakahawak niya sa baso. He doesn't like the fact that he was like that last time. Kahit alam niyang puwedeng sinadya ng babae ang nangyari para makuha ang atensiyon niya. Hindi niya nagustuhan ang naging reaksyon. He panic... "Do you think she really does it intentionally?" tanong ni Benjamin. Nagsalin ng alak sa baso. "Tell me, you are a doctor, not me. Sinadya ba niya o hindi?" Napatitig si Benjamin sa kaniyang baso. Pinaikot at nilaro ang ice na naroon. Pagkatapos ay ininom muna ang laman bago sagutin ang matalik na kaibigan. "Knowing her, she always pulls those cheap tricks! Ilang beses ba tayong napaniwala noon?" ika niya. Walang diretsang kasagutan sa tanong ng kaibigan. But then, there is this lingering feeling about what happened to Ysabella. Naalala niya ang resulta ng blood test ng babae. Hindi naman makapagsisinungaling ang results ng lab test hindi ba? May napansin din siya pero hindi niya binigyan ng buong atensiyon. Bakit pa? Ipinangako na nila sa sarili nila na hindi na sila mahuhulog sa pagkukunwari ng babae. Sa pagdadrama nito. "Do you still plan to...divorce her?" tanong na muli ni Benjamin sa kaibigan. Tumalim ang tingin ni Daniel sa basong hawak pagkabanggit ng salitang iyon. "Yes," sagot niya. Pero humigpit lalo ang hawak niya sa baso. But not now. Darating galing US si granny Mira. She just had heart surgery at ayaw kong bigyan siya ng sakit ng ulo kaagad. Makakarat8ng din kami ni Ysa—Ysabella sa bagay na iyon..." Napainom na muli si Benjamin. "She's with Raj, right?" Humigpit ang pagkakahawak ni Daniel sa baso niya. Kaunti na lang talaga ay mababasag na iyon sa kamay niya. Raj Lincoln is his older brother. The true heir sabi ng kanilang mga relatives. Dahil ito ang panganay ay ito ang nangunguna sa pamumuno sa iiwanang empire ng kanilang Lola. Pangalawa lamang siya. Standby kumbaga. "Coming back will not be that easy. I secured some backing on my end..." wala sa sariling ika niya. Tila mas kinakausap ang sarili kaysa sa kaibigan. Hindi naman na nagulat si Benjamin doon. He knows Daniel very well. Competitive ito lalo na sa nakakatandang kapatid. Kung anong meron si Raj ay dapat meron din ito. Kung laruan noon ay nakukuha nito, ngayon ay hindi na lang simpleng laruan ang aagawin ng kaibigan. Iyon ay ang pamamahala na mismo sa malaking kompanya sa kanilang pamilya. May kung anong madilim na aura ang bumabalot kay Daniel. Hindi niya namamalayang napapangisi na siya mag-isa. Habang wala ang Kuya niya, hindi lang siya basta nakaupo sa trono nito. He is trying to secure some votes for him. Hindi siya basta-bastang patatalo sa dahil sa totoo lang, mas may ibubuga siya sa pamamalakad sa kanilang kompanya. Mas may kapasidad siya sa pamumuno. Kung titingnan lamang sana kung sino ang mas magaling. Sino ang may kakayanan ay siguradong siya ang panalo. Hindi iyong dahil ito ang panganay kaya ito ang may karapatan sa trono. Pinapaboran din masyado ng kanilang Granny Mira ang kaniyang kapatid. Kaya nga siya ang namahala ngayon dahil ginusto nitong si Raj ang kasama sa pagpapaopera sa US. Pinapakita lamang nito na may favoritism ang matandang Lincoln. Tumayo na si Benjamin. Samantalang si Daniel ay napatingin sa ibaba kung saan ay naroon ang karamihan sa nagpaparty. At mula doon, nakita niya si Charlotte. Mula sa dance floor ay umakyat ito sa hagdan. Hindi na siya magtataka kung sa isang iglap, nasa pinto na ito sa kanilang private room. Hindi nga siya nagkamali. Bumungad ang isang nakangiting babae. Hapit ang itim na na damit sa katawan nito. Nakasuot din ito ng maikling palda na kung saan ay halos makita na ang underwear nito. "Benj, aalis ka na?" tanong ni Charlotte nang makasalubong si Benjamin sa may pinto. "Oo. May naka-schedule na surgery bukas," aniya. Lumingon si Benjamin kay Daniel. "Mauna na ako, Daniel," paalam niya. Batid din naman niyang gustong mapag-isa ng dalawa. Hindi na bago sa kaniya iyon. Kapag wala ang pusa, naglalaro ang daga ika nga. Or should he say... Kapag wala ang daga, naglalaro ang mga... Tigre...Ysabella Alcantara Iyon ang gamit niyang pangalan. Pinapalitan niya ang apelyidong gamit niya sa apelyido ng namayapang mag-asawa. Sa tulong na rin ng naging kaibigan niyang totoong kamag-anak ng mga ito. She was an attorney in the US at kaya siyang tulungan sa kaniyang laban. Pero hindi niya ginawa dahil pagod na siyang lumaban lalo at magtatagal lamang ang gusot kung iyon ang gagawin niya. Nagpatulong na lamang siyang mabago ang apelyido niya maging ang buo niyang pagkatao sa birth certificate na hawak niya.Ginamit niya ang birthday ng kaniyang ina. Pinanatili niya ang pangalang Ysabella dahil alaala ng nanay niya ang pangalan na iyon."Ysabella, may dala akong pagkain..." sigaw ni Shiela. Nasa bakuran na niya ito at sa umagang iyon ay ang ingay ng bibig nito ang gumising sa kaniya.Hindi iyon ang unang tanghali na siyang gumising. Simula noong magbuntis siya ay laging pagod ang pakiramdam niya.Bumangon siya at unang sumalubong sa kaniya ay ang pagbaliktad ng kaniyang sikmura. M
Huwag naman sana...False alarm lamang...Isa lang iyon sa mga bangungot niya...Hindi puwede. Hindi maaari. Stress lamang siya. Hormonal imbalance.Mga dalangin at agam-agam ni Ysabella habang lumilipas ang mga araw. Mas marami ang nagiging senyales ng kinakatakutan niyang mangyari. At sa pangalawang buwan niya sa lugar na iyon, nagpasya na siyang magpakonsulta.Kasama niya si Shiela nang pumunta sila sa public hospital sa kabilang bayan. Habang hinihintay ang resulta ng test niya ay hindi siya mapakali. Nanlalamig ang mga kamay niya. Pinaglalaro niya ang mga daliri sa isa't isa dahil sa kaba."Kinakabahan ka ba? Ano ba kasing nararamdaman mo?" tanong ni Shiela na may pagtataka. Mukhang okay naman siya sa paningin nito. Nakagat niya ang kaniyang ibabang labi. Hindi niya sinabi ang totoong dahilan noong nagpasama siya rito. Nagpasama siya kay Shiela dahil wala siyang kaalam-alam sa lugar. At kailangan ng kaibigan kung sakaling totoo man ang hinuha niya."Misis Ysabella..." tawag ng
Halos isang buwan na ang nakalilipas simula noong dumating si Ysabella sa baranggay Mabasa sa bayan ng Dupax del Norte. May naging kaibigan na rin siya roon sa katauhan ni Shiela. Isang matandang dalaga na ilang bahay lang ang layo sa kaniya.Sa una, inakala niyang nakikiusyoso lamang ang ginang nang puntahan siya nito sa kaniyang bahay. Nagdala ng pagkain bilang pagwelcome daw sa kaniya. Marami itong mga kuwento. May mga katanungan na sinagot naman niya ng totoo. Iyong mga katanungan na kaya naman niyang sagutin. Ilang bagay lang naman ang iniiwasan niyang pag-usapan. Kung sa personal niyang buhay, iyong sa lalakeng minahal niya at nanakit sa kaniya ang pilit niyang huwag maging paksa ng anumang usapan. Batid niyang napansin iyon ni Shiela kaya hindi ito nagtatanong."Kung may kailangan ka Ysabella ay magsabi ka lamang sa akin..."Medyo ilag siya kay Shiela sa umpisa. Pero nang malaman niya ang sarili nitong kuwento ng buhay ay humanga siya dito at nagtiwala. Natawa pa nga siya dahi
"Wala na siya rito. Umalis na."Napaawang ang bibig ni Marco dahil sa balita. Bumalik siya sa club dahil siguradong sigurado na siyang si Ysabella ang nakamaskarang nagsasayaw doon."Saan siya pumunta?" Halos hindi niya maibulalas ang tanong na iyon dahil sa panibughong kumakain sa kanya. Akala niya tapos na ang paghahanap niya. Ngayon ay mukhang nabulilyaso na naman. Muli na namang nawala si Ysabella kung kailan ay abot kamay na niya sana.Namura niya tuloy ng lihim ang kaibigan. Kung hindi siya nito nilasing ay napuntahan sana niya kaagad si Ysabella."Walang nakakaalam," sagot ng kausap niya. Tinalikuran siya at umalis ito. Kumuyom ang kamao ni Marco. Anong sasabihin niya kay Angela ngayon? Gusto pa naman niyang surpresahin ang bata na nahanap na niya si Ysabella. Napurnada na naman. Kinuha niya ang telepono niya tsaka tumawag. "I need your help..."Kailangan na niya ng ibang tulong. Hindi na lang kasi ang paghahanap kay Ysabella ang kailangan niyang gawin. May kailangan na rin
Malawak ang ngiti sa mga labi ni Ysabella pagkababa ng tricycle na sinakyan mula sa bayan. Kailangan niyang sumakay pa papunta sa baranggay kung saan siya nakahanap ng bahay at lupa na agad niyang binili. Maliit lamang ang bahay at lupa kaya sakto lamang iyon para sa kaniya. May natira pa para makapagsimula siya ng kahit munting negosyo na hindi pa niya napagdesisyunan. Ang mahalaga ay ang muli siyang makatayo sa sariling mga paa. Bagay na kay hirap gawin noon dahil sa anino ni Daniel sa buhay niya, maging ng mga taong nakapalibot dito. Huminga siya ng malalim. Panahon na para kalimutan niya ang nakaraan. Yakap niya ang vase na kinalalagakan ng abo ng kaniyang ina. Nagdesisyon siyang ipa-cremate ang mga buto ng ina para madali na lamang niyang madala ito sa kahit saan. At least kahit papaano ay kasama na niya ito. Abo man ito, ang alaala nito ay mananatiling lakas niya sa pagharap ng panibagong buhay. "Nandito na tayo, Miss," ika ng tricycle driver. Sumilip pa ito mula sa motor. M
Nagising si Ysabella. Ramdam niya ang mabigat na pakiramdam sa kaniyang ulo. Napasapo pa nga siya roon habang pinakiramdaman ang sarili. Sumigid lalo ang pananakit sa kaniyang ulo nang maalala ang huling kaganapan bago siya mawalan ng malay.Nagtiim bagang siya habang napakuyom. Halos mawalan ng kulay ang kaniyang kamao dahil sa higpit ng pagkakakuyom sa reyalisasyong...She was set up.Wala siyang saplot sa ilalim ng kumot na iyon. Ramdam niya ang sariling katawan. Ang pagod. Wala siyang maalala pero tiyak niyang may nangyari sa kaniya.Lumuha siya. Gusto niyang sumigaw at magwala nang maramdaman ang paggalaw ng isang pigura sa tabi niya. Naroon pa ang lalakeng gumawa sa kaniya ng bagay na iyon.Mabalasik na tiningnan niya ang lalakeng nasa tabi niya. Mapapatay niya ito! Papatayin niya ito...Ngunit ang mabalasik na mga mata ay biglang nanlaki. Bumagsak ang panga niya at lalo siyang nakaramdam ng pagpupuyos sa kalooban. Bumuhos lalo ang kaniyang mga luha na siyang tila bumulag sa k
"Salamat sa pagiging mabuting brother in law.""Ysa, did you say anything?" Biglang humarap sa kaniya si Raj. Parang may naulinagan ang lalake pero hindi niya iyon naintindihan. Kaya naman napatanong siya kay Ysabella habang napatitig.Ngumiti lang si Ysabella. Hindi na inulit ang katagang binanggi
Ayaw man niyang manatili dahil sa pag-aalala niya sa kaniyang inang may sakit at nangangailangan din ng kalinga niya ay nanatili si Ysabella sa hospital. Tama naman si Doc Benjamin. Mahina ang katawan niya, and she needs to be cured. Paano nga naman niya maaalagaan ang may sakit kung pati siya, na
Nang marinig ang sinabi ni Lucy ay napatayo agad si Daniel. Nabitiwan niya ang magazine at natabig ang tasa na pinag-inuman ng kape. Mabilis ang lakad niya. Halo-halong emosyon ang sumasalakay sa kaniyang sistema. Pero ewan niya, biglang nangibabaw ang takot. Takot sa kung saan ay hindi niya a
"Ha!"Nagulat si Ysabella nang may bumuhos na malamig na tubig sa kaniyang mukha. Agad siyang napabangon. Napatingala kaagad sa lalakeng nasa gilid ng kama niya. "D-Daniel..." utal niyang saad. Napuno ng takot ang sistema niya. Agad na nayakap ang sarili. Awtomatiko ang reaksyon niyang iyon kapag







