MasukKumunot ang noo ni Marco nang makita ang pagbagsak ng dancer sa stage. Naisip niyang paano kinahumalingan ng mga naroon ang babae kung ganoong kalampa ito. Pero ang babae ay muling gumalaw. Mula sa pagkakasalampak nito sa sahig ay gumalaw ang mga kamay nito. Ang bawat pilantik ng daliri nito ay nakakabighani. Nasa ritmo. Muli itong tumayo. Sumayaw sa saliw ng tugtog. Nabura ang nangyari kanina. Naging bahagi na lamang ng sayaw ang pagbagsak niya.Hindi alam ni Ysabella kung paano niya natapos ang kaniyang sayaw. Sa bawat galaw niya, ramdam niya ang mabigat na titig na sumusunod sa kaniya. Sanay siya sa mga titig ng mga panauhin. Pero iba ang mga titig na ipinupukol sa kaniya ni Daniel.Buti sana kung namalikmata lamang siya. Pero hindi. Si Daniel talaga ang lalakeng nasa harapan. Maliit talaga ang mundo sa kanilang dalawa. Pinagtatagpo sila ng kapalaran kahit iwasan niya.Pagkatapos ng kaniyang sayaw ay nagmamadali siyang umalis sa entablado. Hindi na niya kayang tumagal pa sa apo
Nakatitig si Benjamin sa kuha ng cctv sa loob ng hospital. Hindi niya alam kung anong mararamdaman dahil hindi lang si Kaye ang nahanap niya kundi ang hinahanap rin ng kaniyang kaibigan na si Daniel.Si Ysabella. Hindi siya maaaring magkamali. Kahit pa halos itago ng babae ang sarili sa pamamagitan ng sumbrero at maikling buhok ay nakilala pa rin niya ito. Kung paano nagkakilala si Kaye at Ysabella ay kailangan niyang alamin.Sa ngayon, ang pinagdadalawang isipan niya ay kung sasabihin ba niya kay Daniel ang nalaman."Not yet..." sabi niya sa sarili. He has time. Sa ngayon ay may gusto muna siyang alamin.Mas importante. Mas nangangailangan ng agarang aksyon.Tinawagan niya ang doctor na tumitingin kay Lilay."I want a specimen from Lilay. Yes, as soon as possible, then send it to me. A hair will do."Hindi na niya kailangang gawin iyon dahil sigurado siya at ramdam niya sa sarili.Pero batid din niyang itatanggi ni Kaye ang katotohanan kaya mas mabuting may hawak siyang ebidensiya.
"Sorry, napatagal ako. Binili ko pa ang gamot sa botika sa kabilang bayan. Wala na sila sa malapit na drugstore," paliwanag ni Kaye noong dumating. Humahangos pa ito na parang hinabol ng ilang kalabaw. Nagmamadali din talaga siya dahil kailangan ang gamot na iyon kinabukasan. "Lilay, may dala si Mama."Lumiwanag ang mukha ni Lilay at sumilay ang malawak na ngiti. Itinaas ni Kaye ang paborito niyang pagkain. Isang bucket ng fried chicken at spaghetti ng isang sikat na fast food.Si Ysabella ay lumapit kay Kaye para kunin ang dala nito. Inilapag niya iyon sa table bago muling harapin ang kaibigan."Kaye, hindi na ako magtatagal pa. Hinintay lang talaga kitang dumating."Nagtaka si Kaye. "Bakit? May problema ba?" tanong niya dahil sa nakikitang pagkatuliro ng kaibigan.Umiling ito. Ramdam niyang may itinatago si Ysabella. Pero inintindi niya ito at hindi na gustong ungkatin pa dito anuman iyon."Kumuha ka ng share mo sa pagkain na dala ko. Mag-ingat ka sa pag-uwi."Tumango si Ysabella.
"Belle, puwedeng ikaw muna ang bahala kay Lilay, bibilhin ko lamamg ang gamot na inireseta ng doctor."Tumango si Ysabella kay Kaye nang magpaalam ito. Kagagaling lamang ng neurosurgeon ni Lilay at may iniresetang gamot. Kinakailangan nito iyon para magstabilize ang kondisyon lalo at nasa risk na ang bata.Lilay has a tumor on her brain. At habang pinapatagal ang kailangang operasyon ay nanganganib ang buhay nito. Kaya tinutulungan na rin ni Ysabella si Kaye para makaipon ng salapi para sa operasyon nito."Take your time. Akong bahala kay Lilay," sabi pa niya sabay kindat kay Lilay na napangiti sa kaniya."Salamat Belle. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag wala ka. Hulog ka ng langit sa aming mag-ina."She dismissed her right away."Malaki rin ang tulong na ginagawa mo sa akin, Kaye. Kaya huwag mong isipin iyon..." sabi niya.Halos ilang libingan na rin sa Manila ang napuntahan nito para magtanong. Risky pero kailangan niyang mahanap ang kaniyang ina. Bago siya tuluyang maglaho
Ang pagbabalik.Muling binuhay ang lungsod ng Sta. Monica.Ilan lamang ang mga iyon sa balitang kumakalat simula noong magbalik siya. Halos isang taon din siyang nawala at nang bumalik, malugod na tinanggap ng lahat."Mabuhay si Mayor Elizalde! Mabuhay!" sigaw ng mga mamamayan sa lungsod. Nagtipon-tipon ang mga ito sa harapan ng munisipyo. Sa kaniyang pagbabalik ay masayang masaya ang mga ito."Mabuhay si Mayor Elizalde!"Seryoso siyang tumango tango sa mga tao. Kumaway siya mula sa terasa ng malaking munisipyo na pamilya niya ang nagpatayo. Kaya kahit nawala siya, walang nangiming pumalit sa posisyon niya. Ang bise mayor at tumayong Mayor noong nawala siya ay agad na bumaba sa puwesto nang mahanap na siya.Pinsan niya iyon at hindi gustong kalabanin ang ama niya at pamilya nila. Pinagkakatiwalaan din naman nila ito.Bumalik siya sa kaniyang opisina nang magsiuwian na ang mga taong bigla na lang nagpapakita sa harap ng munisipyo. Hindi pa rin makapaniwalang nakabalik na nga siya.Tho
"Miss..."Nagulat at napaiwas agad si Ysabella nang makitang may mga nag-aabang na lalake sa exit door kung saan siya dumadaan. Isa lang ang nasa harapan niya pero may napansin pa siyang kasama ito. Inayos niya ang suot na sumbrero at mask na nasa bibig at ilong bago mailap na lumayo sa mga ito. Pero ikinagulat niya nang biglang humarang sa kaniya ang isa pang lalake na halatang lasing na. Namumula ang mga mata nito at nakangising nakatunghay sa kaniya."Miss ang ilap mo naman..." sabi nito. "Gusto lang namin makipagkilala. Bago ka yata dito."Kinabahan si Ysabella. Kinipkip niya ang bag na naglalaman ng suweldo niya. Nandoon din ang kutsilyong bigay sa kaniya ni Guyam pero wala na siyang oras na kunin iyon. Alangan namang kalkalin pa niya sa oras na iyon na nasa harapan na mismo niya ang kapahamakan.Pinalibutan siya ng tatlong lalake. "W-wala kayong mapapala sa akin," sabi niyang nilakasan na lang ang loob. Batid naman niya sa sarili na kapahamakan ang maidudulot sa kaniya sa pagp







