Share

Problem Solving

Jarred'sPOV

Hindi ko maiwasang maging emosyonal nang malaman ang tungkol sa ibig sabihin ng tattoo ni Jasmine sa batok kaya naman sinugod ko siya at mariing hinalikan sa mga labi. Wala akong pakielam kahit nasa harapan pa namin si Khael. Nang mga sandaling iyon, sa halik ko ipinaramdam kay Jasmine ang aking nararamdamang kasiyahan. Hindi ko maiwasang mapangiti ng tugunin ni Jasmine ang aking halik.

Nagtagal ng ilang segundo ang aming halikan hanggang sa may tumikhim. Agad na pinutol ni Jasmine ang halik na aming pinagsasaluhan. Namumula ang kaniyang pisngi habang nakayuko ang ulo. Tumingin ako sa tumikhim na walang iba kundi si Khael. Nakangisi ang loko at para bang nang-uuyam.

"Live kissing talaga? Hindi ako fan niyan. By the way, aalis na ako. Ayaw ko naman makaistorbo sa inyong dalawa. Nahiya tuloy ako." ani Khael at humakbang palapit sa pintuan nang maalala ko ang cellphone # na tumawag kay Khael, na siyang nagsabi kay Khael tungkol sa relasyon namin ni Jasmine.

Malakas ang sapa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status