LOGINFreya's POV
Ang init. Ang init sa pakiramdam. Heto na ba ang sinasabi nilang peace kapag namatay ka? Pero paano mahahanap ang totoong katahimikan kung ako ay namatay ng wala man lang nakukuhang kahit na anong hustisya? May yumuyogyog din sa akin at may basang dumadampi sa aking pisngi. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at bumungad sa akin ang pamilyar na lugar. Ang kwarto ko. Anong ginagawa ko dito. Napatingin ako sa asong dumidila sa akin at si Papi iyon. "Papi? Anong ginagawa mo dito? Patay ka na ba? Nakikita mo ako?" sunod-sunod kong tanong sa kanya ngunit tahol lang ang narinig kong sagot mula sa kanya. Bumangon ako saka inilibot ang mga tingin ko. Napatingin ako sa pinto nang may kumakatok doon bago binuksan. "Oh gising ka na pala Freya, halika na at kumain ka na." nanlalaki ang mga matang napatingin ako kay mommy. Umiiyak akong tumakbo papunta sa kanya saka niyakap ng mahigpit. "Bakit ka umiiyak, anak?" malambing niyang wika sa akin. "K-kasi hindi kita naprotektahan. Pasensya na mommy. Kung sana nakinig lang ako sa inyo noon pa, edi sana hindi ka mapapahamak. Sorry talaga mommy. Sobra ang pagkastubborn ko." humahagolgol kong wika sa kanya. Hinahagod niya ang aking likuran habang ako ay sobrang higpit ng yakap ko sa kanya. Ayokong mawalay siya sa akin. Maraming salamat, Lord dahil magkasama na kami ngayon ni mommy. Kahit hindi ko na makuha ang hustisyang nararapat sa akin basta palagi kong kasama si momm, ayos na ako. "Ano bang pinagsasabi mo, iha?" tanong sa akin ni mommy. Hindi ko siya sinagot. Ayaw kong sabihin sa kanya ang nangyari. Bahala na ang Diyos na humusga sa ginawa nila Seb at Marice sa akin. "Oh siya, nanaginip ka ba ng masama iha? Wag kang mag-alala iha, panaginip lamang iyon." umiling lang ako at mas hinigpitan pa ang yakap ko sa aking ina. Miss na miss ko na siya. Wala pa din talaga tatalo sa init ng yakap ng isang mapagmahal na ina. Sana nga panaginip na lang ang lahat para kahit papaano ay maibsan ang sakit na nararamdaman ko. Kung panaginip lang ang lahat, ituturing ko itong masamang pangitain. Hinding-hindi na ako ulit papabilog sa mga matatamis na salita ng mapanlinlang na si Sebastian Crowe, ang aking ex-husband. "Mahal na mahal kita, mommy. Hindi ko man alam kung sino ang aking ama, proud ako sayo dahil nabuhay mo pa din ako mula sa sarili mong mga sikap. Pasensya ka na po talaga at palagi na lang matigas ang ulo ko at hindi nakikinig sayo." panay pa din ang agos ng luha ko kahit na anong patahan sa akin ni mommy. Hindi ko magawang awatin ang aking sarili lalo na at nakita at nakasama ko na si mommy sa kabilang buhay. "Ano bang nangyayari sayo anak? Mahal na mahal din kita." malambing niyang wika sa akin. Ilang oras din akong umiyak sa kanyang bisig at kahit na gusto niyang kumalas ako mula sa pagkakayakap sa kanya ay ayaw kong kumalas dahil baka ito na ang huli kong pagkakataon na mayakap at makasama na naman siya. Tumingin ako kay Papi na tumatahol sa aming mag-ina. Nginitian ko siya. I can't believe na pati siya ay namatay na din. Sinundan kaya niya ako? Napakuyom ako sa aking kamao sa isiping baka sinaktan at minaltrato siya ni Seb at Marice hanggang sa mamatay ito. Mga walanghiya sila. Pati aso ay hindi na nila pinalampas pa. It's okay sweetie, kasama mo na ang furmom mo. Hinding-hindi na kita iiwan pa. Ang aso ko ay isang syberian husky at napakalambing nito. Ayaw na ayaw sa kanya ni Marice dahil palagi niya itong tinatahulan. Gets na gets ko na ngayon si Papi bakit ayaw niya kay Marice. Bakit tila palagi itong galit sa kanya. Yun pala ay mayroon silang lihim na relasyon ng aking asawa. "Iha, tama ka na. Kakain na tayo. Hindi na kita pipilitin na makipagblind-date sa heir ng Rutherford." kumunot ang noo ko sa sinabi ni mommy. Nanginginig ang mga kamay kong kumalas sa yakap sa kanya. Sumisinghot pa akong tumingin sa kanya para hindi mahulog ang aking sipon. "Mommy, anong pinagsasabi mo? Pati sila Rutherford?" ano kayang nangyari bakit pati ang Rutherford na isa sa pinakamayamang pamilya sa buong mundo ay namatay din? Naalala ko yung nagngangalang Ezekiel ang huling humawak sa akin habang ako ay naghihingalo. Napasinghap ako nang maalala ko na dadalhin nila ako sa hospital. Don't tell me na nadisgrasya sila sa oras na iyon kaya sumunod din sila sa amin. "Yes, iha. Hindi mo pa ba nakikita si Ezekiel Rutherford? Aba sobrang pogi nun anak, bagay na bagay kayo. Alam mo ba na isa ka sa pinagpipilian ng kanyang pamilya na maging asawa ng kanilang anak. Anak may laban ka, basta ikaw ang piliin ni Ezekiel." napangiwi naman ako sa pinagsasabi ni mommy. "Mommy." jusko nasa kabilang buhay na nga lang kami nakuha pa niyang magbiro ng kung ano-anong mga bagay. Dapat nga sa ganitong oras ay nagdadasal o nakaluhod na kami para naman siguro maka-akyat na kami sa itaas. Hanggang ngayon kasi ay nasa bahay pa din kami. Saan nga pala kaya ako itinabon? Nasa morgue pa lang kaya ako hanggang ngayon? "Ayaw mo ba talaga sa mga Rutherford, iha? Gusto mo ba talaga sa Crowe?" umasim ang mukha ko sa kanyang sinabi. Marinig ko lang ang apelyidong iyon ay nangangati na ang mga kamay kong sampalin siya at saka itulak din sa hagdan para masama na din siya sa hukay kasama ko. "Mommy, wag na wag mo nga iyang binabanggit sa akin. Naalibadbaran ang tenga ko." naiinis kong wika sa kanya. Siya ang dahilan mommy sa pagkamatay mo kung alam mo lang. Tumingin ako sa kanya saka hinawakan ang kanyang pisngi. Bakit ang init niya? "Ma, hindi ko alam na pati sa kabilang-buhay mainit pa din tayo." sa sinabi ko ay agad akong napatayo at napatakbo nang pagpapaluin niya ako. "Mommy, ano ba yan? Bat ka namamalo sa akin?" takot kong tanong sa kanya dahil ambigat ng kanyang kamay. "Ano bang pinagsasabi mo na kabilang-buhay hah? Ako ba talaga ay iyong pinagloloko? Ganyan ba kasama ang panaginip mo at inaakala mo nang patay na tayo?" naguguluhan akong napatingin sa kanya. "Anak, alam ko naman na ayaw na ayaw mong ipinapakilala kita sa iba dahil si Sebastian lang ang gusto mo, pero sana anak wag ka namang magbiro ng ganyang mga bagay." malungkot niyang sermon sa akin. Naguguluhan talaga ko sa kanyang pinagsasabi. Bagsak ang kanyang balikat na naupo sa kama at malungkot na tumingin sa akin. "Anak, ang company natin ay mababankrupt kapag hindi tayo nakipag-marriage alliance. Sana anak ay naiintindihan mo. Ang gusto ko naman sana ay yung mas mayaman at naka-aangat sa buhay kesa kay Sebastian. Atsaka si Sebastian anak, alam kong gusto siya ng kaibigan mo na si Marice." napapintig ang aking tenga sa kanyang sinabi. Bakit may mga ala-alang pumapasok sa aking isipan na sinabi na niya iyon noong kami ay nabubuhay pa. Inalala ko ang sinagot ko sa kanya noon. "Mommy, mayaman naman sila Sebastian. Sapat naman na siguro iyon para maraming mag-invest sa atin. Total, pinsan niya ang mga Rutherford, ibig sabihin suportado sila ng mga ito." yun ang mismong sinagot ko sa kanya nang hinihikayat niya ako na makipag-marriage alliance kami sa ibang company. Tumingin siya sa akin nang makahulugan. Napalunok ako sa kanyang susunod na sasabihin. "Haist, kung yan ang gusto ng nag-iisa kong unica iha. Ikaw ang masusunod, anak. Ayaw ko namang pilitin ka sa isang bagay na ayaw mo." napaiyak ako sa aking napagtanto. Hindi kaya nanaginip lang ako hanggang sa aking kamatayan dahil sa dito. Hindi ko man maalala kung ano ang mga kasuutan namin noon pero nakatitiyak akong nangyari na ito noon. Hindi ako maaaring magkamali. Dahan-dahan akong lumapit kay mommy na malungkot ang kanyang emosyong nakatingin sa akin. Naupo ako sa kama saka hinawakan ang kanyang mga kamay. "A-anong date na ngayon, mommy?" ibig kong kompirmahin ang nangyayari ngayon. Gusto kong makatiyak at bago magsabi ng kung ano-ano sa kanya. "Ano ba talagang nangyayari sayo anak? Nabagok ba iyang ulo mo noong gabi?" nagtataka niyang tanong sa akin. "Mommy, please sagutin mo ako." atat akong malaman kung anong pesta na ngayon. "May 13, anak. Malapit na ang birthday ni Ezekiel Rutherford kaya maghanda ka at samahan mo akong mamili ng ireregalo ko sa kanya." "Samahan mo akong bumili ng ireregalo kay Ezekiel." parang sirang plakang paulit-ulit na nagrereflect sa aking tenga ang kanyang pinagsasabi. Yun din ang sinabi niya noon sa akin. "Mommy, anong taon na? Please sagutin mo na lang ako. Nabagok nga yata ako kahapon." "Ano? Kung ganun ay halika na at ipakita natin sa mga specialists." taranta niyang wika sa akin ngunit umiling lang ako. "Mommy, unting untog lang iyon promise. Kapag sinagot mo ang tanong ko, promise. Nangangako akong susunod ako sa mga gusto mo. Kahit na imeet ko pa yang sinasabi mong Ezekiel, gagawin ko." seryosong wika ko sa kanya. Eto kasi yung mali sa akin eh, wala akong sariling kalendaryo sa loob ng aking kwarto. "2016 pa lang ngayon. Sure ka dyan sa sinabi mo hah. Deal na yan, bumaba ka na agad para makapag-ayos ka dahil aalis tayo mamayang alas sais ng hapon. Isang oras na lang ang natitira." masaya niyang wika sa akin saka lumabas. Tulala akong napatingin kay Papi na nakatingin din sa akin. Naresurrect ba ako? No, kapag resurrect dapat nabuhay lang ako. Or did I time travelled? Impossible, patay na ako eh. Nanlaki ang aking mga mata nang may pumasok sa aking isipan. Na rebirth ba ako? Mabilis kong tinungo ang aking desk kung saan naroroon ang aking computer saka mabilis na nagsearch kung mayroon nga bang ganitong bagay na nangyayari. Ezekiel's POV "Anak, please. Maging desente ka namang kausap ngayon. Mahiya ka, maganda talaga ang anak ng mga Evans. Hindi ka madidisappoint." blanko ko lang tinignan sila mom and dad na nasa aking harapan. "Can't you see what time is it mom? Is that what we call decent? They're wasting my time. I already told you. I am not into this kind of marriage alliance." puno ng inis kong wika sa kanila. Ilang sandali pa ay napako ang tingin ko sa isang babaeng pumasok ng restaurant na aming kinalalagyan ngayon. She's the girl that I heard Sebastian was talking about. The girl she only needed to succeed of his whatever plans. The second time I meet her, my heart beats fast again. Damn this feeling. I can't compete with Sebastian. He's my cousin. Napako ang kanyang mga mata sa akin. Para akong matutunaw kaya nag-iwas ako agad ng tingin sa kanya. "Good evening, Mr. and Mrs. Rutherford. I'm sorry for the late arrival, heto kasing anak ko masyadong pinaghandaan itong si Ezekiel." "Mommy." sita agad sa kanya ng babae. Namumula ang kanyang mga pisngi. Saan ang pinaghandaan diyan? Hindi man lang naka-ayos ng sariling humarap sa akin. I mean she's neat to see though but not like the other girls who puts make-ups on there face's. "Good evening too, Mrs. Evans. Iha, this is my son Ezekiel." pakilala agad sa akin ng mga magulang ko sa babae. I don't know her name even I was interested with her. "This is my unica iha, Freya Leigh. You can call her Freya." nakangiting pakilala sa akin ng kanyang ina. "Hi. It's nice to meet you." nakangiti niyang wika sa akin. Tinignan ko siya at napapantastikuhan akong napatingin sa kanya. Hindi man lang siya makikipagkamay sa akin. Really? Does this girl know about manners? Freya's POV Jusko ang gwapo naman pala nitong Ezekiel na pinagsasabi ni mommy. Naalala ko noong huling hininga ko, natitigan ko pa siya ng malapitan. Mas pogi siya kapag mumatire na ang kanyang mukha. Although 10 years din naman pala ang itrinavel back ko. Nakakalaglag panty. Bakit nga ba ni kahit minsan hindi ko siya binalingan ng pansin. Di hamak naman na mas gwapo siya kay Sebastian. "As for I know, hindi lang din naman matutuloy itong marriage alliance na ito." malamig niyang wika habang nakatingin sa akin.Freya's POVNagkatinginan kaming tatlo nila Zach at Shane saka tumawa sa sinabi ni Sebastian.“What’s funny bitch?” Tila naaasar na tanong sa amin ni Marice. Hindi kami matigil sa pagtawa dahil sa sinabi ni Zach.“You are funny sometimes, Mr. Crowe. I didn’t know that the heir of Crowe sometimes spit nonsense.” Nang-uuyam na wika ni Zach sa kanya.“Sometimes nga ba? O palaging nonsense ang kanyang mga sinasabi?” Nang-aasar kong tugon sa winika ni Zach. Muli kaming nagtawanan na tatlo at binalewala ang dalawa sa aming harapan.“How dare you to insult me? As far as I know, hindi ka naman kalakasan sa amin.” Mayabang na wika ni Sebastian saka dinuro-duro pa si Zach na tumatawa pa din.“Yeah, maybe we are not that powerful but at least we didn’t spit nonsense.” Nang-aasar muling wika ni Zach. Natigil kami sa pagtawa nang biglang sumugod si Sebastian. Pero bago pa niya masuntok si Zach ay naunahan na siya ni Zach ng malakas na sipa.Sa lakas ng sipa sa kanya ni Zach ay tumilapon siya sa gi
Freya's POV Pagkatapos ng isang linggo kong bakasyon ay bumalik na naman kami sa school. Si Ezekiel naman ay puro trabaho lang ang kanyang inatupag at hindi nagpapa-apekto sa isang linggo kong pangungulit o pang-iinis sa kanya. Minsan napapa-isip na lang ako dahil bakit parang wala talaga akong apekto sa kanya. Kasi naman naka satin dress akong matulog tapos wala din akong bra, hindi man lang ba siya natuturn-on sakin? Bakla ba siya? Impossible, tinigasan na siya sakin noon. Napabuntong-hininga ako. "Ang lakas naman ng buntong hiningang iyan, pres." Napatingin ako sa lumapit sa akin na sila Shane kasama si Zach. Nanlaki ang mga mata kong tumingin sa kanya. "Anong ginagawa mo dito? Hindi ba't nasa ibang bansa ka na dapat ngayon?" Gulat kong tanong sa kanya. Naupo silang dalawa sa pagitan ko. "Well, I transferred here." Nakangiting wika ni Zach sa akin habang si Shane naman ay tumawa lang. "Kiss mark ba iyan?" Nanliliit ang mga mata kong nakatingin kay Shane. Natigil siya sa
Freya's POVGalit akong tumayo saka siya dinuro-duro."You hacked my account? Ang kapal naman ng mukha mo?" Galit kong bulyaw sa kanya. Tumayo naman siya saka sinamaan ako ng tingin."What are you talking about? Sa akin itong account na ito." Bulyaw niya din pabalik sa akin."Hey calm down. Wag kayong mag-away. Freya, do you have any evidence that it was your account?" Tanong ni Nathan sa akin."Of course. I created this when I was 16 years old. Dou ko yung si Zeke for almost 3 years at nahack nang ako'y first year college. I owned limited skins. My main is a sniper preferably the Locus kasi yun ang gustong-gusto kong gamitin." Inis kong wika sa kanya."Blessie, do you have something to say about this?"Umupo si Blessie saka kinuha ang kanyang cellphone."Here, tignan mo. Account ko mismo ito." Galit niyang wika saka naglog in. Naupo naman ako saka hinintay ang kanyang sinasabi at para siyang nataranta nang hindi na niya maaccess."So ikaw pala ang naglalaro niyan? No wonder sinasabi
Freya's POVNagising akong parang may nakapatong na kung ano sa akin.Pagmulat ng mga mata ko ay nanlaki agad dahil sobrang lapit ng mukha sa akin ni Ezekiel. "E..." Hindi ko maituloy ang pagtawag ko sa kanya dahil sa hiyang nararamdaman. Paano ba naman kasi, biglang pumasok ang kanyang kamay sa hoodie niyang suot ko at dahil wala akong bra, hinaharap ko agad ang kanyang nahawakan.Napalunok ako at hindi mapakali dahil sa kanyang kamay na pumipisil ngayon sa aking hinarap. Ang init n kanyang kamay at ang laki. Tinignan ko siya at nakapikit ang kanyang mga mata at tulog na tulog siyang tignan.Is he dreaming of something? He's murmuring something."Uhmm." Impit akong napa-ungol nang diinan niya ang pagpisil sa aking mga hinaharap.Nakailang lunok na ako habang nakatingin lang sa kanyang kamay na pumipisil sa aking mayayamang mga bundok at hindi alam kung aalisin ba ang kanyang kamay saka magtutulug-tulugan o hayaan na lang total nasasarapan naman ako sa kanyang ginagawa.Tumingin ak
Freya's POVNagising akong nananakit ang ulo ko. Pagkagising ko ay mag-isa lang ako sa kama. Napatingin ako sa sahig nang may makita akong gutay-gutay na damit. Damit ko yan kagabi.Napatingin ako sa aking sarili at ibang damit na ang suot ko. Wala akong maalala sa mga pinaggagawa ko kagabi. Pinakiramdaman ko ang sarili ko kung sakaling tama ang iniisip ko pero wala akong maramdamang sakit mula sa pagkababae ko.Inilibot ko ang tingin ko sa buong kwarto at kwarto ito ni Ezekiel. Napangiti ako nang makita kong may mga gamit doon na mukhang gamit pambabae. Mukhang ginawa niya ang gusto kong mga ilagay niya dito kapag lumipat na ako.Bumangon ako saka nilapitan ang kanyang closet. I'm so curious kung may mga gamit na din kaya ako dito sa kwarto aside from that table na may mga gamit pambabae sa itaas niya na parang divider.Napangiti naman ako nang makita ko ang ilan sa mga gamit ko. Kailan pa ako nagkaroon ng gamit dito. Natuon ang pansin ko sa kanyang mga boxer sa gilid. Napalunok nama
Freya's POV Ambilis ng araw at ngayon na ang kasal namin ni Ezekiel. Kakagaling lang namin sa simbahan at ngayon ay nandito na kami sa kanilang malaking mansion upang magcelebrate. "Mom, kanina ka pa umiiyak. Are you not happy?" Tanong ko sa kanya. Humihikbi kasi siyang kinakalas ang mga lock sa aking likuran. "Ano ka ba naman anak, syempre masaya ako para sayo. Ang unica iha ko, iuuwi na ng kanyang mapapangasawa." "Ano ka ba mommy, dadalaw pa din naman ako noh." Natatawa kong wika sa kanya. Natigilan naman ako nang bigla siyang pumaharap at yumakap sa akin. Niyakap ko din naman siya pabalik. "I'm so happy anak dahil sa tamang landas ka napunta. I don't even see your future but I know, Ezekiel will treat you right. Kahit na medyo masungit siya, alam ko anak pahahalagahan ka niya." Nakangiti niyang wika sa akin. Napangiti naman ako sa kanyang sinabi. "Thank you mommy for everything." Lumabas na kami ni mommy after kong magbihis. Nagsalosalo lang kaming lahat kasama na ang i







