Share

Chapter 5 - Necklace

• Sofie POV •

Salamat kay Mateo dahil pinasaya niya ako kanina saka binilhan pa niya ako ng mga damit. Hindi ko akalain na magiging ganito pala ka saya ang may minamahal pero sana hindi lang ito panandalian lang. 

Dito ako ngayon sa kwarto ko nagmumuni-muni lang hanggang sa makatulog ako.

Nang kinaumagahan ay na gising ako sa ingay "Manang Joy, pasensya na po. Wala pa po kaming pambayad. Pwede po ba bukas na lang, promise po mababayad na talaga kami ng renta," pakiusap ni Kuya Shad.

"Hanggang kailan ang bukas mo na yan ah!Kahapon sabi mo bukas magbabayad na kayo tapos ngayon bukas ulit?" Tugon ng landlord namin.

Tumayo ako at lumabas na ng kwarto nakita ko si Kuya na pinipigilan si Manang Joy na pumasok.

Nakita niya ako "Oh nandito pala ang kapatid mong si Sofie eh, baka may balak na kayong magbayad," sabi nito habang hinahawakan ang pinto na pilit buksan.

"Good morning po," Salita ng boses lalaki sa likod ni Manang Joy.

"Oy pogi, Ano sadya mo? Magrerent ka ba? Tanong ni Manang.

"Hindi po, nandito po ba si Sofie?" Tanong ng lalaki.

Pamilyar ang boses kaya pinabuksan ko na kay kuya ang pinto.

"Matias ano ginagawa mo dito?" Tanong ko naman.

"Bibisitahin ka, pwede ba ako pumasok?" Pakiusap niya.

"Teka sandali, bago kayo magpapasok dito ay magbayad muna kayo na kahit magkano," Sabi nito sabay lahad ng mga palad niya sa'min.

"Magkano po ba?" Tanong ni Matias.

"20k in one month," Sagot naman agad ni Manang.

"20k meron akong cash dito kakawithdraw ko lang na alam ko kasi kakailanganin ko," Sabi ni Matias habang kinukuha ang wallet saka kinuha ang bayad at iniabot kay manang Joy.

"Matias wag' na... kaya na namin bayaran yan," Pagpigil ko sa kaniya.

Bigla kinuha ni manang Joy ang pera saka nagsalita "Kung kaya niyo na rin lang magbayad ng buo eh di sana hindi niyo na ako pinahirapan pa balik-balik dito," Reklamo nito saka umalis.

"Pasok ka umupo ka sa sofa," utos ni kuya saka sinarado ang pinto

"Sorry Sofie di na ako nakatawag o nagchat man lang sayo," Sabi ni Matias saka umupo.

"Ano ba ang trabaho mo?" Tanong ni Kuya.

"Business man.. nagtatrabaho sa isang companya," Sagot ni Matias.

"Ilan ba sweldo mo buwan-buwan?" Tanong ulit ni kuya.

"Kuya tama na nga yan, Siya si Matias boyfriend ko," Pagpapakilala ko kay Matias kay kuya.

"Boyfriend? Hoy tumayo ka nga!" Utos ni kuya.

Nagulat ata siya kasi wala pa akong dinalang lalaki dito sa bahay. Tumayo si Matias at tiningnan siya ni kuya mula ulo hanggang paa.

May bumukas na pinto "Ate? kuya? Good morning po," sabi ni Sean bunso namin, lalaki siya. Nakapikit ang dalawa niyang mga mata.

"Sean, Good morning. Buksan mo nga mga mata mo para makita mo kami," utos ko.

Pagbukas niya ng kaniyang mga mata ay "Aaaaaaaaaay! Nakakahiya ate, may bisita pala tayo. Nakakahiya talagaaaa!" Hiyang-hiya siya kasi nakasuot siya ng short at n*******d saka niya muling sinarado ang pinto.

Tumawa kaming tatlo sa reaksyon niya. 

"Pasensya ka na Matias, si Sean yon bunso namin. Binabae kasi yon!" Sigaw ko.

"Aaaaateeee! Narinig ko yon!" Sigaw din niya.

"Kuya pwede ko po ba hiramin si Sofie?" Pakiusap ni Matias.

"Anong kuya? Shad na lang parang magkasing edad lang naman tayo eh, kaso lamang nga lang ako sayo ng kagwapohan," tugon ni kuya.

"Dito ka muna Matias maliligo lang ako at magbibihis, mabilis lang," Sabi ko sabay pasok sa kwarto.

Bumukas ulit ang pinto sa kwarto ni Sean dahil na ririnig ko ang bawat tunog at mga salita nila sa loob ng kwarto ko. 

Pagkatapos ng ilang minuto lumabas ako sa kwarto at lumabas na kasama si Matias. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse at pumasok ako saka pumasok na din siya sa kabilang pinto.

"Salamat pala sa ginawa mo kanina," Sabay halik sa pisngi niya.

"It's nothing, kailangan ko talaga gawin yon para sa girlfriend ko," tugon niya.

Kinuha niya ang necklace na suot niya at isinuot niya sa'kin iyon "Bigay ito ng Mommy ko sa'kin bago siya pumanaw, kaya ibibigay ko ito sayo dahil na aalala ko siya sayo,"

Hinawakan ko siya sa pisngi saka kinalikan sa labi na agad naman niya ibinalik sa'kin hanggang sa hinalikan niya ako papunta sa leeg ko "Sa-sandali Matias, di-di ba may pupuntahan tayo," Paguutal ko.

Tumigil siya sakanagdrive na lang ng kotse, nanahimik kaming dalawa sa loob na sinira ko iyon ng nagtanong ako.

"Saan tayo papunta?" Tanong ko.

"Sa bahay ko," sagot naman niya agad.

Pagkalipas ng ilang minuto ay nakarating na kami sa bahay niya, pagpasok namin sa gate binati siya ng guard "Good morning sir Matias," 

Paglabas namin sa kotse ay bumati sa kaniya ang isang katulong "Good morning sir Mateo," 

"Sino si Mateo?" Tanong ko kay Matias.

"Pwede ba sa kusina ka muna," utos niya sa katulong na agad naman ito sumunod.

Hindi niya ako sinagot sa tanong kaya sa tingin ko baguhan lang ang katulong iyon. 

"Tara pasok tayo sa loop," Sabi ni Matias sabay hawak sa bewang ko habang naglalakad.

Pagpasok namin sa loob maraming mga magagarang gamit "Umupo ka muna Sofie, pupunta lang ako sa kitchen," Sabi niya saka umalis.

Dinala niya ako sa sala kaya nandito ako ngayon, may nakita akong mga larawan kaya tumayo ako para matingnan pa ito. Nakita ko sa larawan na may dalawang bata magkamukha sila tapos yong isa kahawig lang ng dalawang bata.

"Sofie ano ginagawa mo dyan?" Tanong ni Matias.

"Yong mga bata sa larawan, sino sila?" Tanong ko.

Nakita kong pinataob niya ang picture frame "Kami yan ng mga kapatid ko," sagot niya.

"Gusto mo makita ang kwarto ko?" Tanong niya.

"Sige bah,” sagot ko naman agad na hinawakan siya sa braso.

Pagpasok namin sa kwarto na pagsarado niya ng pinto hinalikan ko siya sa labi na agad naman niya iyon sinalo pero kumalas din siya bigla. "Sofie may sasabihin ako sayo," pagtatapat niya.

"Ano yon?" Tanong ko naman habang nakahawak sa leeg niya sa may bandang batok ang dalawang kamay ko.

Bigla tumunog ang selpon niya kaya tingnan niya muna ito, binitawan ko siya. Umupo ako sa may kama. Maganda ang kwarto niya, malinis, at mabango pero habang hawak niya ang selpon niya tinititigan ko siya.

Binaba niya sa mini table ang selpon niya saya lumabit sa'kin "I miss you Sofie," sabi saka niya ako kinalikan sa leeg.

May kumatok naman sa pinto. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status