TATLONG araw. Iyon ang ibinigay na palugit ni Tiyo Dan sa pananatili ko sa bahay ni Aling Marsing. Pagkatapos noon, kukuhanin niya na ako ulit at ibabalik sa kanila. Pero ayoko na. Ayoko nang bumalik sa impiyernong iyon.
Kaya nakakadalawang araw pa lang ako ay nagpaalam na ako kay Aling Marsing na uuwi. Pumayag naman siya kaagad dahil alam niya na kapag inabutan ako ni Tiyo Dan doon ay wala na kaming magagawa parehas kapag sapilitan na akong binawi ng demonyo kong tiyuhin.
Magdidilim na nang umalis ako sa bahay ng matandang manggagamot. Ang destinasyon ko, sa bahay kung saan ako tumira noon. Bahala na kung lasenggo pa rin si Papa o may sariling mundo at laging galit pa rin sa akin si Kuya. Ang mahalaga, kahit papaano ay mas kampante na ako roon dahil kasama ko na ang totoong pamilya ko. Ang totoong mga kadugo ko.
Para makauwi, nag tricycle na lang ako at nagpadiretso na sa mismong bahay namin. Binigyan naman ako ni Aling Marsing ng two hundred pesos, sapat na iyon para sa pamasahe ko. Baka nga sobra pa.
Habang nasa daan ay palinga-linga ako. Natatakot ako na baka makasalubong namin nang hindi sinasadya si Tiyo Dan o si Kuya Denver. Kahit si Tiya Poleng ay ayoko na ring makita pa. Buong biyahe ay parang tinatambol ang dibdib ko dahil sa kaba.
Nakahinga lang ako ng maluwag nang sa wakas ay huminto na ang tricycle sa mismong tapat ng bahay namin. Nagbayad ako at dali-dali nang naglakad papasok sa loob.
Pagbukas ko ng pinto, bumungad sa akin si Papa na mag isang nag iinom. Halatang nagulat din siya sa pagdating ko dahil hindi agad siya nakapagsalita. Ako naman, patakbo ko siyang nilapitan at niyakap ng mahigpit pagkatapos. Hindi ko na rin napigilang maiyak.
“P-Papa…” usal ko habang nakayakap sa kanya.
Niyakap niya naman ako pabalik, at ang ginawa niyang iyon ang lalong nakapagpaiyak sa akin.
“A-Anong ginagawa mo rito? Bakit ka bumalik?” dinig kong tanong niya. Hindi pasigaw ang tanong niyang iyon. Wala rin akong mabakas na galit o inis; pero parang may kakaiba.
“A-Ayoko na po roon. A-Ayoko na. G-Gusto ko na rito ulit. D-Dito na lang ako, Papa…”
Gusto kong magsumbong at sabihin sa kanya lahat ng nangyaring kababuyan sa akin sa loob ng halos dalawang taon na paninirahan ko kila Tiya Poleng. Pero hindi ko kaya. Wala akong lakas.
Hinagod-hagod ni Papa ang likuran ko. Hindi niya ako binitawan habang sige pa rin ako sa pag iyak. Mayamaya pa, pinaupo niya ako at binigyan ng tubig.
Naninibago ako sa mga kilos niya. Oo, halatang lasenggo pa rin siya. Pero ngayon, kahit papaano ay nakikitaan ko na siya ng kaunting pagbabago. Inaasikaso na niya ako, bagay na hindi niya ginawa kahit isang beses man lang noong nabubuhay pa si Mama.
“Magkwento ka. Alam kong may dahilan kung bakit bigla kang napasugod dito. Pinagalitan ka ba ng Tiya Poleng mo?” sabi ni Papa pagkaraan ng ilang minuto.
Umiling ako. Naramdaman ko na naman ang kagustuhan kong umiyak at magsumbong.
“W-Wala po, ‘Pa. Naisipan ko lang talaga na umuwi na ulit. K-Kasi sabi naman ni Tiya Poleng, doon muna ako sa kanila hanggang sa gusto ko lang,” pagsisinungaling ko.
Inabot ni Papa ang kamay ko at marahang hinaplos iyon. Hindi ko mapigilang mapapitlag at makaramdam ng pagkailang. Hindi ko alam kung dapat ba, pero matapos ang nangyari sa akin sa kamay nina Tiyo Dan at Kuya Denver ay parang nagkaroon na ako ng hindi maipaliwanag na takot sa mga lalaki.
“Huwag ka nang magsinungaling. Magsabi ka na. Sige na,” udyok pa rin ni Papa.
Maraming beses akong nagsinungaling pero mukhang walang balak si Papa na sumuko. Hanggang sa napahagulhol na lang ako.
“S-Si Tiyo Dan kasi… S-Sila ni Kuya Denver… M-Mga demonyo sila, ‘Pa. P-Pinagsamantalahan nila ako. Paulit-ulit. K-Kahit nagmakaawa na ako na ayoko na, h-hindi pa rin nila ako tinigilan…”
Tumayo si Papa at lumapit sa akin. Niyakap niya ako at pilit na inalo. Hinaplos-haplos niya ulit ang buhok ko, hanggang sa ang haplos na iyon ay bumaba sa likod ko. Nandoon pa rin iyong hindi ko maipaliwanag na pagkailang na nararamdaman ko. Pero mas nangibabaw ang pakiramdam na ligtas na ako ngayong kasama ko na si Papa.
“D-Diring-diri na ako sa sarili ko, ‘Pa. S-Sinira nila ako. M-Mga hayup sila—P-Papa?!”
Sa gitna ng pag iyak ko ay patulak kong inilayo ang katawan ni Papa mula sa akin. Ginawa ko iyon dahil bigla kong naramdaman ang mga kamay niya na mula sa simpleng paghagod sa likod ko ay dumapo na iyon sa hook ng suot kong bra. Naglilikot ang kamay niya roon na parang sinusubukan niyang alisin iyon.
Nang tingnan ko siya, wala na ang kaninang maamo niyang mukha. Nanlilisik na ang mga mata niya habang nakatitig sa akin. Nakangisi rin siya ng malademonyong ngisi.
Niyakap ko ang sarili ko. Ramdam ko ang malakas na kabog ng dibdib ko. Muli ay sumukob sa akin ang takot na nararamdaman ko noong nasa bahay pa lang ako nina Tiya Poleng. Mas matindi pa nga ngayon.
“P-Papa, anong ginagawa niyo?! A-Anong nangyayari sa iyo?!” umiiyak na singhal ko sa kanya.
“Huwag ka nang magpakipot, Lara. Huwag ka nang umakto na parang birhen ka pa—”
“Papa, ano ba?! Anak mo ako!”
Nanghihinang napasalampak na lang ako sahig. Umuwi ako dahil akala ko, ligtas na ako rito. Pero hindi pa rin pala. Pati ba naman ang sarili kong ama, kaya akong pagtangkaan at gawan ng kababuyan?
Nagsimulang humakbang si Papa palapit sa akin. Gusto kong tumayo at tumakbo pero hindi ko magawa. Sobra akong nanghihina. Pero kahit na nakasalampak, pinilit ko pa rin na makaatras.
“P-Papa, tama na po. N-Natatakot na ako. H-Huwag namang pati ikaw…” pagmamakaawa ko pero parang wala siyang naririnig. Parang ibang tao ang nakasukob sa buong katauhan niya ngayon. Parang hindi na niya ako nakikilala na anak niya.
Naging mabilis ang mga sumunod niyang galaw. Nakalapit siya sa akin at nagawa niya akong kulungin sa mga bisig niya. Ang tanging kaya ko lang ay ang magpumiglas. Pero sa lakas niya ay wala man lang epekto ang ginagawa kong pagpalag.
Sinimulan niya akong hawakan sa buong katawan. Sa bewang, sa hita… Narinig ko ang tunog ng napunit na tela. Iyong damit ko…
Napahagulhol na lang ako dahil sa sobrang panlulumo. Mukhang ang inakala kong kalayaan ay isa na namang impiyerno.
Sa gitna ng pag iyak, nahagip ng mga mata ko ang mga bote ng alak na nakapatong sa maliit na lamesa. Hindi na ako nag isip pa. Dinampot ko ang pinakamalaking bote na nandoon at gamit ang natitira kong lakas, hinampas ko ang boteng iyon sa ulo ni Papa. Nabasag ang bote. Si Papa ay nawalan ng malay at agad na bumulagta sa sahig.
Good morning, peeps! I know, updates should be DAILY at 8 P.M. but due to unforseen circumstances, I wasn't able to fulfill what I actually said first. So to make "bawi", I will be updating a few chapters now and later at 8, there will still be an update. This is your author Eyah saying "Mag-comment kayo para sipag-sipagin naman ako." HAHAHAHA Endaaaayyyyyy, thank yooouuwww!
"LARA, where have you been? It's almost midnight."Imbis na takot ay gulat ang naramdaman ko nang biglang magsalita si Ninong Azrael. Kapapasok ko pa lang sa madilim na salas at boses na niya ang bumungad sa akin.Biglang bumukas ang malamlam na ilaw at doon, sa wakas ay nakita ko na si Ninong Azrael na nakaupo sa isa sa mga sofa. Mukhang kanina pa siya nandoon at naghihintay."N-Ninong—""Now tell me, saan ka galing?" seryosong tanong niya.Tinapik-tapik niya pa ang space sa sofa na malatozpit sa kanya. Paraan niya iyon para sabihin na lumapit ako sa kanya at umupo sa space na iyon."Now, I know kung bakit Lara's so afraid to go home late. It's because you're so mahigpit towards her!" biglang singit ng isang boses."Maecy?" gulat na saad ni Ninong Azrael.Nilagpasan ako ni Maecy at dire-diretso siyang lumapit kay Ninong Azrael. Yumuko pa siya at hinalikan ito sa labi, walang pakialam kahit na na nakikita ko sila. Bumalik tuloy sa akin ang mga nangyari noong gabi mg debut ko. Parang
"TARA NA! NANDITO NA TAYO!""What, really? Finally!" bulalas ni Maecy.Dahil marahil sa excitement ay bigla siyang tumayo. As in, iyong straight na tayo. At dahil mababa lang ang bubong ng jeep, nauntog siya roon at lumikha pa iyon ng malakas na tunog."O-Ouch," daing niya, nakayuko na habang sapo ang ulo niyang nasaktan.Nagtawanan naman ang nasa paligid. Imbis na sawayin ko sila ay nakitawa pa ako."Yumuko ka kasi," sabi ko sa kanya. Tumayo na rin ako at nakayukong naglakad palabas ng jeep.Sumunod din sa akin si Maecy pero mukhang hindi pa tapos ang kahihiyan niya dahil paghakbang niya pababa, muli na naman siyang nauntog at muntik pang madulas.Natapik ko na lang ang noo ko habang kagat ang labi, nagpipigil ng tawa."You…!" bulalas niya lang at nauna nang maglakad papasok sa entrance ng mall.Hindi ko naman agad magawang sumunod sa kanya dahil hindi ko maiwasang mamangha sa nakikita ko ngayon. Iyong Opulence Oasis na sinasabi niya, para nang five star hotel sa laki. Oo, first time
BUONG araw na naging laman ng isip ko si Maecy at ang "friendship" na ino-offer niya.Ngayon, nakaupo ako sa bench malapit sa gate ng school—naghihintay sa pagdating niya. Hindi para taguan siya o takasan, kundi para sumama sa gala na sinasabi niya."Hey, Lara! I'm here na! I thought, you're gonna make tago."Tipid na ngiti lang ang sinagot ko kay Maecy. Medyo nagulat pa ako sa biglang paglitaw niya. Hinihintay ko kasing dumating ang sasakyan niya pero wala. Bigla na lang siyang sumulpot sa tabi ko."Ahm, nasaan iyong sasakyan mo?" wala sa sariling natanong ko."My car? Ano eh… Nasiraan ako on my way here. So I guess, we have to commute—""Ha? M-Magco-commute tayo?!" gulat na bulalas ko."O-Oo? Look, I'm so sorry, Lara. I didn't mean to cause such inconvenience. If you don't want to commute, I'm gonna call Azi na lang—""Hindi! H-Huwag na," putol ko sa kanya. "Sanay naman ako mag-commute. Ikaw iyong iniisip ko kasi—""You think I can't commute?" natatawa niyang sabi. Nag aalangan man
NANLAKI ang mga mata ko nang makita kong naglalakad palapit sa amin si Maecy, dala-dala ang bag na naiwan ko sa sasakyan niya.Dire-diretso siyang lumapit sa akin at tinulungan akong tumayo."A-Anong ginagawa mo rito?" tanong ko nang makatayo na."You left your bag in the car that's why I've decided to bring it to you," sagot niya. Tumingin pa siya kay Kylen at sa mga kasama nito. "Are they bothering you? Sila ba iyong dahilan kung bakit nakadapa ka riyan sa sahig?"Hindi ko magawang kumibo agad. Naninibago ako. Malayung-malayo na ang tono ng boses niya kaysa kanina noong nasa sasakyan pa kami. Biglang nagkaroon ng diin iyong boses niya. Parang meron nang galit doon. May awtoridad."And who's this extra bitch? The guts to make pakialam, ha?" tukoy ni Kylen kay Maecy bago tumawa. Sinundan naman siya ng mga utu-uto niyang alipores."Yeah, I'm a bitch. I won't deny the hell of that. But do you know what this bitch can do to you and to your… cheap and gullible minions?"Inabot sa akin ni
WALA pang alas sais ng umaga pero sinimulan ko nang maglakad palabas ng subdivision.Lunes ngayon at may pasok ako. Usually, hinahatid ako ni Ninong Azrael o kung hindi siya pwede, tumatawag siya ng tauhan niya para ihatid ako. Pero ngayon, pinili kong maglakad kasi… gusto ko lang. Gusto kong iwasan siya.*Peep-peep!Napapitlag ako at gulat na napaatras nang umalingawngaw ang dalawang magkasunod na busina. Lumingon ako sa pinanggalingan noon at ganoon na lang ang pagtataka ko nang makita ang isang kulay pink na sasakyan. Nakahinto iyon, pero mayamaya ay umandar din at huminto ulit nang nasa harapan ko na. Unti-unting bumaba ang bintana niyon at bumungad sa akin ang mukhang pinaka hindi ko inaasahang makita ngayong araw."Hey! Papasok ka na? Wanna ride? Ihahatid na kita!" masiglang sabi ni Maecy at oo, siya nga ang sakay ng pink na pink na kotseng huminto sa harapan ko. All smiles pa siya habang nakatingin sa akin, hawak pa rin ang manibela ng sasakyan niya."H-Hindi na. Ano… may dadaa
"GOOD morning, Lara. Breakfast?"Pilit na ngiti lang ang sinagot ko kay Ninong Azrael. Mag isa siyang nagkakape nang abutan ko sa kusina. Himala na walang laptop sa mesa. Himala rin na nakangiti siya. Parang ang ganda-ganda ng gising niya. Parang ang saya-saya niya.Paano namang hindi sasaya, eh may kababalaghan na naganap kagabi?Bumalik sa isip ko ang mga nakita ko kagabi. At syempre, bumalik din ang kakaibang sakit na dulot niyon. Hindi ko pa nga tanggap ang katotohanan na may ibang babae na sa buhay ni Ninong Azrael; kailangan ko pa talagang harap-harapan na makitang ginagawa nila iyon?Naghila ako ng upuan at walang kibong kumuha ng toasted bread. Pinahiran ko iyon ng strawberry jam at kinagat. Nakatulala lang ako."Do you want warm milk to compliment your toast?" rinig kong tanong ni Ninong Azrael.Umiling lang ako bilang sagot pero hindi ko siya tiningnan. Hindi ko kaya. "How about juice? We have lemon, orange—""Huwag na. Okay na ako rito. Sa labas na lang ako babawi ng kain m