Share

Chapter 72

Nagimbal si Sandro nang marinig niya ang boses na iyon. Halos manigas siya sa kanyang kinatatayuan. Hindi pa rin siya makapaniwala.

Ang boses ni Vana.

Lulan ng boses na iyon ay ang alaala ng isang nakagigimbal na eksena sa kanyang buhay. Ang sugatang katawan ng kanyang lola, ang mga nanginginig na mga kasambahay nila, at ang nadatnang walang buhay na secretary na si Georgie. Lahat iyon ay tila isang sampal na bumalik sa kanyang isipan.

Napatiim-bagang siya. Mahigpit ang kanyang paghawak sa aparato kung saan ay tumatawag ang kanyang ex-girlfriend.

Naipipinta na niya sa kanyang isipan ang mga salitang nais niyang sambitin sa babae. Gusto niya itong murahin. GUsto niya itonh sumpain. Ang babae na nasa kabilang linya ang dahilan ng kanyang paghihirap kabilang ang kanyang mga mahal sa buhay.

Ngunit wala siyang magagawa sa panahong ito. Hawak ni Vana ang buhay ng kanyang mag-iina. Hindi siya maaaring magkamali ng galaw.

Naroon ang mga kapulisan at naka-standby lang habang nakikinig sa kanil
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Joel Antonio
Buwiset n novil to Kay dami arti s buhay Manga Bobo
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
hula ko di jhaz or demitri
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status