เข้าสู่ระบบ
Faye’s Point of View
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Pagkatapos kong matanggap ang mensahe ni Manang Loida, nagmamadali akong umuwi para makita si Matheo. Kung totoo ang sinabi niya, hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman ko. Nariyang nawala ang pag-aalala sa puso ko dahil nakauwi na ang magaling kong asawa, pero sumisiksik ang galit dahil mahigit isang linggo niya rin akong pinag-alala! Ang walanghiyang ‘yon! Ilang araw akong naghintay na tumawag siya o magtext pagkatapos ng cryptic text niya sa akin! Talagang pinag-alala niya ako ng husto! “Manang! Manang?!” Sumisigaw na ako habang nasa pinto pa lang. Sinalubong ako ng ibang kasambahay. “Ma’am…” “Nasaan si Matheo?” Agap kong tanong nang makalapit ang kasambahay. “Nasa likod po si Sir, sa may pool.” Imporma ni Amelyn. Nilagpasan ko sila at nagmamadaling nagtungo sa likod ng bahay kung nasaan si Matheo. Ngayon na sigurado na akong nakauwi na nga siya, nanginginig na ang laman ko sa inis. Gusto ko siyang talunan at sabunutan! Palagi niyang sinasabi sa akin ang lahat. Hindi man siya perpektong asawa, pero hindi niya ako pinag-aalala ng ganito kalala! Natanaw ko siya sa dulo ng pool, palakad-lakad sa gilid nito at parang sinisipat ng tingin ang kaniyang paligid. Nagtagis ang ngipin ko. “My God, Matheo!” Hindi ko na napigilan at napasinghap na ako. Lumingon siya sa akin. “Hindi mo ba alam kung gaano mo ‘ko pinag-aalala? Huh? I’m already losing my mind thinking about your whereabouts! Sana sinasabi mo sa akin kung ano’ng ginagawa mo at pinagkakaabalan mo. Wala akong pakialam kung anuman ‘yon basta keep me updated about it! Hindi na para akong tanga kakaisip kung napaano ka na!” Malalaki ang hakbang ko kaya nakalapit agad ako sa kaniya. Nakatayo lang siya ng matuwid at sinusundan ako ng tingin. Nagdidilim naman ang paningin ko sa inis. “Gusto mo ba talaga na mabaliw ako? Bruha ka talaga!” Nang malapit na ako sa kaniya, hindi ko na napigilan ang sarili at talagang tinalunan ko na siya para lang mahawakan ang buhok niya at masabunutan siya. Nakita ko ang paglaki ng mga mata niya, nagulat na bigla akong tumalon. “Nakakainis ka!” Galit kong sigaw, gigil na gigil habang hawak ang buhok niya. “D*mn, woman!” Sigaw niya. “F*ck, get off me!” Hinawakan niya ang kamay ko at sobrang bilis niya, pinipilit niya ang kamay ko kaya napaikot ako para hindi masaktan. Ngayon ay nasa likod ko na siya at ang kamay ko. Masakit ha! “D*mn. Ganito ka ba talaga?” Reklamo niya. Nanlaki ang mga mata ko at napalingon, pero sobrang hirap dahil iniipit niya pa rin ang kamay ko sa likod ko. Bumilis ang tibok ng puso ko, hindi na dahil sa inis, kung hindi sa gulat at pagtataka. “Bitiwan mo nga ako!” Sigaw ko at sinubukang makawala. Bahagya niya akong itinulak kaya napalayo ako sa kaniya. Pero madali akong nakabawi at muling humarap sa kaniya. Ngayon ay magkasalubong na ang kilay ko nang tingnan siya. I immediately scanned his face. Mukha ni Matheo. Kahulma ni Matheo. Walang pagkakaiba kay Matheo… maliban sa kung paano siya tumingin at magkunot-noo. Matheo doesn't frown like that! “M-mikhael?” Utal at gulantang kong sambit sa pangalan niya. Mas lalong kumunot ang kaniyang noo. “Ano’ng Mikhael? Sino’ng tinatawag mong Mikhael? Hindi mo na ba ako nakikilala?” Tanong niya. Umawang ang bibig ko. Humakbang ako palapit para mas lalong maobserbahan ang mukha niya. Bigla’y napaatras siya at nakita ko ang pagdaan ng kakaibang emosyon sa mga mata niya. “Faye.” Pigil niya sa akin nang sinubukan ko ulit na lumapit. Napasinghap ako. “Ikaw nga!” Itinikom niya ang bibig at matuwid siyang tumayo. Kita ko ang pagdaan ng galit sa mga mata niya kaya mas lalo akong nakasigurado na siya si Mikhael at hindi si Matheo… kahit na halos magkamukhang-magkamukha sila. Ako naman ngayon ang napaatras. “Where’s Matheo? Why are you here? W-why are you copying him now?” Naguguluhan kong tanong. Highschool pa lang ay magkilala na kami ni Matheo. We’ve become best friends since then. Dalawang taon na rin kaming kasal at magkasama sa iisang bahay. Hindi na ako maaaring magkamali kung totoong Matheo ang nasa harap ko o hindi. “Where's my h-husband?” “I’m here. Hindi mo ba ako nakikita?” Medyo iritado niyang sabi. Nagtagis ang bagang ko. “You can never fool me, Mikhael. I know Matheo too well. Isang tingin lang… alam kong hindi siya ikaw.” Ngayon na iniisip kong siya nga si Mikhael, mas nagiging malinaw na sa akin ang pagkakaiba nilang dalawa. Mas malapad ang likod niya kumpara kay Matheo. Halata rin na bagong shave lamang ang kaniyang balbas, hindi kagaya kay Matheo na pinapalaser niya iyon para hindi na tumubo. Mas intense rin ang tingin niya, walang ingat o kahinahunan. At ang noo niya… hindi ganyan magkunot-noo si Matheo sa akin. Humaba ang katahimikan nang hindi siya magsalita. Mas nadepina ang bilis ng tibok ng puso ko. Huli kaming nagkita noong college, bago siya umalis papunta sa ibang bansa at doon ituloy ang passion niya sa pag-aaral ng martial arts. Iniwan niya ang kaniyang pamilya at ang buhay sa Pilipinas… buong akala ko hindi ko na siya makikita ulit. Bumuntong-hininga siya kalaunan. “F*ck.” Pabulong niyang mura. “How can you easily see through my disguise? Ang mga katulong niyo hindi nagduda, pero ikaw… tsk.” Marahas siyang nag-iwas ng tingin. So, it's true, he’s not Matheo but Mikhael. “Nasaan si Matheo?” Nanghihina kong tanong. Sumulyap siya sa akin at nakita ko na naman ang iritasyon sa mga mata niya. “Hindi ko pa alam, kaya nga narito ako para mahanap siya.” Hinagod ko siya ng tingin at parang lulubog ang puso ko. Kinopya niya si Matheo, at kung hindi ko sila kilala ng mabuti ay mapagkakamali kong siya nga si Matheo. “Bakit mo ginagaya ang asawa ako, Mikhael? Naguguluhan ako. Bakit nagpapanggap kang si Matheo?” Unti-unti siyang humarap sa akin. Seryoso na ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Mas lalo ko tuloy nakikita si Mikhael na nagbabalat-kayo. “Since, I cannot fool you, then I might as well tell you the truth. And you have to cooperate… para mapadali ang paghahanap natin sa asawa mo.” Kung gano’n nawawala nga si Matheo! Sa ilang araw na wala akong natatanggap na text at tawag galing sa kaniya, alam kong may hindi magandang nangyayari. Ayaw ko lamang mag-overthink. Pero ngayon na narito na si Mikhael at nangyayari ito, mas lalo kong napagtatanto na delikado ang sitwasyon ni Matheo. Ibinuka ko ang bibig at balak na sanang magsalita nang biglang matanaw ang isang kasambahay na naglalakad papunta sa amin. “Ma’am, narito po ang Mommy ninyo.” Nanlaki ang mga mata ko. Si Mommy… ang Mommy ni Matheo. Narito siya. Ngayon pa talaga siya pumunta!Faye’s Point of View The next morning, I woke up next to an empty bed. Wala na si Mikhael sa tabi ko noong magising ko. Maayos din at walang gusto ang side ng bed kung saan siya nahiga. But thank goodness, it's better this way. Dahil kung nagising ako na nariyan pa siya sa tabi ko ay baka mataranta lang ako at kung ano na namang katangahan ang magawa ko. I’m not used to waking up next to another person. Hindi rin naman kasi kami nagtatabi ni Matheo kaya sa paggising ko, walang ibang bumubungad sa akin. Last night, my sleep was normal. Hindi ko napansin na nariyan siya. Hindi ko alam kung dahil ba sa pagod kaya naging mahimbing ang tulog ko o kung dahil sa bumaba nga siya bago pa mag-alas dyes para maghanap sa mga sekretong silid. Oh, yes, those secret rooms. Dali-dali akong bumangon nang maalala ang napag-usapan namin ni Mikhael. Sa gabi, siya ang maghahanap sa mga sekretong silid dito sa bahay. At sa umaga naman, tutulong ako sa paghahanap. Dahil wala rin naman akong trab
Mikhael’s Point of View Mag-iisang oras na ang lumipas nang buksan ko ang mga mata. Unang bumungad sa akin ang maamong mukha ng babaeng natutulog sa tabi ko. Faith Yeselyn Suarez. My brother’s best friend turned-girlfriend, and now… his wife. I looked at her as she slept peacefully beside me. Mas mukha siyang maamo kapag natutulog. At kapag gising naman, parang dragon sa bangis, at sirang stereo na maingay— parang hindi na titigil kakadaldal. Noong highschool kami, mabilis ko siyang nahahanap sa dagat ng mga istudyante dahil siya ang pinakamaingay at pinakamalikot sa lahat. Naalala ko pa palagi silang pumupunta sa gym noon kapag intramurals day para manood ng laban ko sa taekwondo. She would cheer my name. Siya ang may pinakamalakas na boses sa pagche-cheer. Madali ko lang siyang nahahanap sa mga nanonood dahil maliban sa malakas niyang boses at kakaibang ganda… palagi niya rin kasama si Matheo. Simula pa noong highschool, hanggang ngayon, hindi na talaga yata sila mapag
Nakakalungkot palang isipin na akala ko alam ko na lahat sa buhay ni Matheo… sa sobrang talaga naming magkakilala at nagkakasama, akala ko kilalang-kilala ko na siya, pero ngayon ko lang nalaman na hindi pala lahat ay talagang alam ko tungkol sa kaniya. May mga sekreto rin pala siya na itinatago sa akin. “Ano’ng oras natutulog ang mga katulong?” Tanong niya bigla. “Ten usually.” Hindi ko pa sigurado kung tama ba iyong sinabi ko. Kasi kapag alas dyes at bumababa ako sa kusina ay naabutan ko pa ang ilang katulong na naroon. Kung hindi naglilinis ay kumakain pa lang, o kumakain ulit bago matulog. Wala naman iyong kaso sa akin dahil marami naman ang pagkain sa kusina. Kaysa mapanis ay mas mabuting kainin nila. “Bababa ako kapag tulog na ang mga katulong. I’ll search the house, baka sakaling may mahanap akong sekretong silid.” Parang sinipa ang dibdib ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. “Ha?” Naguguluhan kong tanong. “This is a huge house. Sinubukan kong maghanap ng blueprin
Faye's Point of View Pabalik-balik ako sa paglalakad sa tabi ng kama habang pinapakinggan ang lagaslas ng tubig galing sa loob ng banyo. Kapag tumitigil iyon ay napapalingon ako sa pinto ng banyo saka inihahanda ang sarili. Pero kanina pa sa loob si Mikhael at parang hindi siya matapos-tapos sa pagligo. Nakakainis. Kinakabahan ako lalo pa’t naisip niya pang maligo bago matulog! I mean, that's hygienic, yes… but… it's awkward for me. Nakakainis talaga. Dito kaya siya matutulog? Magtatabi kami sa iisang kama? Sinulyapan ko ang malaking kama at napangiwi na lang sa sarili. Malaki naman iyon at kasyang-kasya kaming dalawa, pero talaga bang magtatabi kami? Unti-unti kong nilingon ang secret door malapit sa mini-library. Ang sekretong pinto na ‘yon ay papunta sa extension room nitong master’s bedroom. May maliit na silid iyon sa loob kung saan natutulog si Matheo. Hindi kami nagtatabi ni Matheo matulog. Napagkasunduan namin na sa magkaibang silid kami matutulog para hindi maging aw
Faye’s Point of View Nauna akong matapos kumain kaya mabilis akong umakyat sa kuwarto para hanapin ang phone ko. Kinalikot ko ang message conversation namin at isa-isang dinelete ang tingin ko ay nakakaduda— at malalaswa. To Matheo: Bruha ka. Umuwi ka na rito bago pa maghatinggabi, kun’di pag-uuntugin ko kayo niyan ni Tyler. To Matheo: Nasaan ka? Papunta raw si Mommy sa bahay, bibisita. Umuwi ka muna, bilisan mo. Kinakabahan na ako rito. To Matheo: Tumawag sa akin si Tyler, hinahanap ka. Nag-away ba kayo? O chini-check kung nagmimilagro na tayo? HAHAHAHAH From Matheo: Should I buy s*x toys for you? Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita ang text na iyon galing kay Matheo na noong nakaraang taon pa naman iyon ipinadala! Talagang umabot na ako rito sa pagdedelete ng mga mensahe. Nanginginig ang kamay na sinubukan ko iyong idelete. Palibhasa’y aktibo ang s*x life niya kaya alalang-alala siya sa akin. Naisipan niya pa talaga na ibili ako ng s*x toys! Naalala ko
Faye’s Point of View Umalis si Mikhael at hanggang ngayong hapon ay hindi pa rin siya bumabalik. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta, pero mas gusto ko iyong wala siya rito kaysa narito siya. Para na akong masisiraan ng bait, lalo pa noong sinubukan kong tawagan si Tyler pero hindi ko pa rin siya ma-contact. Palaging out of converage area, hindi ko alam kung wala bang signal sa lugar nila o sadyang nakapatay ang phone niya. Sh*t. Sa college pa lang, si Tyler na talaga ang nagugustuhan ni Matheo, pero nagkukunwari pa kaming magboyfriend no’n kaya umiiwas sa amin si Tyler. Pero noong napagbigyan sila ng pagkakataon na makapagtrabaho sa iisang pharmaceutical company, doon na lumalim ang pagkakakilala nila sa isa’t isa. Doon din siguro nagsimula ang relasyon nilang dalawa. Naputol lang iyon noong kinailangan kong pakasalan si Matheo dahil ayaw kong magpakasal sa lalaking napili para sa akin ng mga magulang ko. Gusto nila akong ipagkasundo sa mga Escobar para mapatibay ang pagi







