เข้าสู่ระบบFaye’s Point of View
“Ang Mommy mo… ang Mommy ninyo narito. Ano’ng gagawin natin?” Kinunutan ako ng noo ni Mikhael. Parang naweweirduhan siya sa bigla kong pagkataranta. “Where are they?” narinig ko na ang boses ni Mommy. Nagpapanic pa naman ako sa tuwing naririnig ko siyang nagsasalita kaya bago ko pa maisipan ang dapat gawin, humarap na ako kay Mikhael, tumingkayad at madali siyang hinalikan sa labi. Dahil matangkad siya, kailangan kong ipalibot ang dalawang kamay sa batok niya para makakuha ng suporta. Ipinikit ko ang mga mata at hindi na tiningnan ang gulat sa mukha ni Mikhael dahil sa paghalik ko sa kaniya. Tingin ko ay hindi na tumuloy si Mommy dahil nakita niyang naghahalikan kami ni Matheo dito sa pool. Binuksan ko ang mga mata at nakitang nakabukas rin ang mga mata ni Mikhael at sobrang dilim no’n. Bigla akong napakalas sa pagkakapit sa kaniya at mabilis na lumayo. “What the h*ck is wrong with you?” Galit niyang tanong. Napaatras ako, mas lalong kinabahan. Noon, kahit pa maghalikan kami ni Matheo ay wala akong nararamdaman na kahit ano. Ngayon, parang sasabog na ang puso ko sa halo-halong emosyon. Hindi. Natatakot lang siguro ako. O kaya’y nandidiri? O baka naiirita! Naiinis kaya? Oo, naiinis nga pala ako sa isang ito. Lalo pa’t siya si Mikhael, talagang inis na inis ako sa kaniya! Dinuro ko siya. “Hoy, ikaw… Ikaw ang may kasalanan nito. Nagpapanggap kang si Matheo. Kapag makita ka ng Mommy niyo, iisipin niya na ikaw si Matheo. Kailangan mong umamin kung sino ka para hindi malito ang mga tao sa inyo ng asawa ko.” Nagtaas ng kilay si Mikhael. “Kagaya kung paano ka nalito ngayon-ngayon lang kaya mo ‘ko hinalikan?” Bigla’y parang nanliit ako. Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Paano ko nga ba sasabihin sa kaniya ang sitwasyon namin ni Matheo at bakit kailangan namin maghalikan kapag nariyan ang mga magulang nila? Pero teka nga, bakit ko naman sasabihin sa kaniya ang sitwasyon namin ng kapatid niya? Siya si Mikhael… at siya ang huli sa dapat kong pagkatiwalaan dito sa mundo. Humakbang siya kaya wala sa sarili na napaatras ako. Agad na dumapo ang tingin ko sa pathway papunta sa bahay, wala na roon si Mommy, mukhang bumalik sa loob. Mabuti na rin, baka magtaka siya kung bakit ganito na kami ng anak niya. “Hindi alam ng mga magulang namin na nawawala si Matheo. At alam mong nawawala siya pero hindi mo sinasabi sa pamilya namin at ganoon din sa mga pulis. I was thinking you just don't care about your husband kaya wala kang pakialam kahit ilang araw na siyang nawawala. Pero nang makita kitang sumusugod sa akin kanina at galit na galit, nalaman ko rin na nag-aalala ka sa pagkawala niya.” Humakbang siya ulit kaya napapaatras ako. “Pero kung talagang nag-aalala ka, bakit hindi mo sinasabi sa awtoridad ang tungkol sa pagkawala ni Matheo?” Matitisod na ako kakaatras. “Bakit, Faye? Bakit hindi mo masabi sa iba ang pagkawala ng asawa mo?” Napalunok ako. “Dahil ayaw kong isipin na nawawala nga siya! He sent me a text message last time. Sinubukan ko iyong intindihin pero hindi ko maintindihan. Tinawagan ko siya, pero hindi siya sumagot. Hanggang sa hindi na siya macontact. I just want to believe that he’s just busy with an important matter. O baka naprepressure lang siya sa trabaho kaya nag-cut loose muna siya pansamantala.” Kumunot ang noo ni Mikhael “He sent you a message? What message?” “Sa cellphone. T-teka…” sinubukan kong kapain ang cellphone ko, pero agad din naalala na marami nga pala kaming personal na napag-uusapan ni Matheo sa conversation na iyon. Nang makita ni Mikhael na natigilan ako ay kinunutan niya ako ng noo. Humakbang siya palapit para siguro kapain ang cellphone ko sa bulsa ng suot kong pants. “Hoy!” Gulat kong saway sa kaniya bago pa dumapo ang kamay niya sa bulsa ko. “Faye?” Bigla’y tawag ng pamilyar na boses ni Manang Loida. Pareho kaming napalingon sa may pathway at nakitang nakatayo roon si Manang at parang nagtataka sa amin ng kasama ko. “Manang.” Pareho kaming napaayos ng tayo ni Mikhael. “Kanina pa sa loob si Ma’am Proserpina.” Ani Manang. Saka ko lang din naalala si Mommy. Kinagat ko ang ibabang labi at napatingin kay Mikhael. “Nakakainis ka.” Mahina kong sabi. “Halika na, bago pa magalit si Mommy sa atin. Bilisan mo. Galingan mong magpanggap at mag-uusap tayo ng masinsinan mamaya.” Nauna na akong maglakad sa kaniya. Hindi ko man alam ang totoong nangyayari, may hula na akong nasa panganib nga ang buhay ni Matheo. Masasabi ko sana kayna Mommy ang tungkol sa pagkawala ni Matheo kung sigurado lamang ako na nawala nga siya o kaya’y dinukot. Pero paano kung tumakas lang pala siya sa magulong mundo at saglit na nagpahinga? O kaya… naisip na niyang makipagtanan? Geez! Yes, I know that’s possible. Posible naman talaga na makipagtanan na lang siya. Pero maayos na ang usapan namin, hindi ba? Isang taon na lang ang— actually sampung buwan na lang pala ang hihintayin at pagtitiisan namin at pwede na kaming maghiwalay. Makukuha na niya ang kaniyang mana at makakapaghati na kami sa pera. Nakatiis siya ng dalawang taon sa akin! Pinagtiisan ko rin siya ng dalawang taon, ngayon na kaunting panahon na lang, bakit hindi pa niya matiis? Gulong-gulo na ako nitong mga nakaraang araw. Hindi ko alam kung maghihintay pa ba ako sa text at tawag niya o magrereport na ba ako sa pulis, o magsusumbong, o mababaliw na lang! Totoo talaga ang kasabihan na ang isang kasinungalingan ay humahabi ng mas maraming kasinungalingan. “Mommy.” Ngumiti ako nang matanaw na si Mommy. Nakaupo siya sa sofa at nakataas ang kilay. “Nakauwi na pala si Matheo?” Tanong niya. Agad na nag-iba ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya, pero na-master ko na rin ang pagpapanggap kaya kahit na kinakabahan ay hindi pa rin halata sa ekspresyon ng mukha ko. “Mom.” Napatalon pa ako ng kaunti sa gulat nang marinig ang malalim na boses ni Mikhael galing sa likod ko. Tiningnan ko ng mabuti ang mukha ni Mommy, naghahanap ng kakaiba sa magiging reaksyon niya, pero wala naman… normal lang iyon. “Noong Friday, pumunta ako rito, pero wala ka pa. Sinabi ni Faye na na-extend ang staycation mo sa Palawan dahil nagustuhan mo ang resort.” Nagtaas ng kilay si Mommy. Napakagat-labi ako. That’s a lie. I made up that lie. Kasi naman, hindi ko pa alam kung bakit hindi pa umuuwi si Matheo that time! Pinapaniwala ko rin ang sarili ko na nagustuhan niya iyong resort kaya nag-extend siya ng ilang araw at wala akong dapat na ipag-alala. Iyon din tuloy ang nasabi kong dahilan kay Mommy nang hanapin niya si Matheo. “Yes, what my wife had said is true.” Unti-unti akong napalingon kay Mikhael dahil sa sinabi niya. Did… did he just say ‘my wife’?Faye’s Point of View The next morning, I woke up next to an empty bed. Wala na si Mikhael sa tabi ko noong magising ko. Maayos din at walang gusto ang side ng bed kung saan siya nahiga. But thank goodness, it's better this way. Dahil kung nagising ako na nariyan pa siya sa tabi ko ay baka mataranta lang ako at kung ano na namang katangahan ang magawa ko. I’m not used to waking up next to another person. Hindi rin naman kasi kami nagtatabi ni Matheo kaya sa paggising ko, walang ibang bumubungad sa akin. Last night, my sleep was normal. Hindi ko napansin na nariyan siya. Hindi ko alam kung dahil ba sa pagod kaya naging mahimbing ang tulog ko o kung dahil sa bumaba nga siya bago pa mag-alas dyes para maghanap sa mga sekretong silid. Oh, yes, those secret rooms. Dali-dali akong bumangon nang maalala ang napag-usapan namin ni Mikhael. Sa gabi, siya ang maghahanap sa mga sekretong silid dito sa bahay. At sa umaga naman, tutulong ako sa paghahanap. Dahil wala rin naman akong trab
Mikhael’s Point of View Mag-iisang oras na ang lumipas nang buksan ko ang mga mata. Unang bumungad sa akin ang maamong mukha ng babaeng natutulog sa tabi ko. Faith Yeselyn Suarez. My brother’s best friend turned-girlfriend, and now… his wife. I looked at her as she slept peacefully beside me. Mas mukha siyang maamo kapag natutulog. At kapag gising naman, parang dragon sa bangis, at sirang stereo na maingay— parang hindi na titigil kakadaldal. Noong highschool kami, mabilis ko siyang nahahanap sa dagat ng mga istudyante dahil siya ang pinakamaingay at pinakamalikot sa lahat. Naalala ko pa palagi silang pumupunta sa gym noon kapag intramurals day para manood ng laban ko sa taekwondo. She would cheer my name. Siya ang may pinakamalakas na boses sa pagche-cheer. Madali ko lang siyang nahahanap sa mga nanonood dahil maliban sa malakas niyang boses at kakaibang ganda… palagi niya rin kasama si Matheo. Simula pa noong highschool, hanggang ngayon, hindi na talaga yata sila mapag
Nakakalungkot palang isipin na akala ko alam ko na lahat sa buhay ni Matheo… sa sobrang talaga naming magkakilala at nagkakasama, akala ko kilalang-kilala ko na siya, pero ngayon ko lang nalaman na hindi pala lahat ay talagang alam ko tungkol sa kaniya. May mga sekreto rin pala siya na itinatago sa akin. “Ano’ng oras natutulog ang mga katulong?” Tanong niya bigla. “Ten usually.” Hindi ko pa sigurado kung tama ba iyong sinabi ko. Kasi kapag alas dyes at bumababa ako sa kusina ay naabutan ko pa ang ilang katulong na naroon. Kung hindi naglilinis ay kumakain pa lang, o kumakain ulit bago matulog. Wala naman iyong kaso sa akin dahil marami naman ang pagkain sa kusina. Kaysa mapanis ay mas mabuting kainin nila. “Bababa ako kapag tulog na ang mga katulong. I’ll search the house, baka sakaling may mahanap akong sekretong silid.” Parang sinipa ang dibdib ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. “Ha?” Naguguluhan kong tanong. “This is a huge house. Sinubukan kong maghanap ng blueprin
Faye's Point of View Pabalik-balik ako sa paglalakad sa tabi ng kama habang pinapakinggan ang lagaslas ng tubig galing sa loob ng banyo. Kapag tumitigil iyon ay napapalingon ako sa pinto ng banyo saka inihahanda ang sarili. Pero kanina pa sa loob si Mikhael at parang hindi siya matapos-tapos sa pagligo. Nakakainis. Kinakabahan ako lalo pa’t naisip niya pang maligo bago matulog! I mean, that's hygienic, yes… but… it's awkward for me. Nakakainis talaga. Dito kaya siya matutulog? Magtatabi kami sa iisang kama? Sinulyapan ko ang malaking kama at napangiwi na lang sa sarili. Malaki naman iyon at kasyang-kasya kaming dalawa, pero talaga bang magtatabi kami? Unti-unti kong nilingon ang secret door malapit sa mini-library. Ang sekretong pinto na ‘yon ay papunta sa extension room nitong master’s bedroom. May maliit na silid iyon sa loob kung saan natutulog si Matheo. Hindi kami nagtatabi ni Matheo matulog. Napagkasunduan namin na sa magkaibang silid kami matutulog para hindi maging aw
Faye’s Point of View Nauna akong matapos kumain kaya mabilis akong umakyat sa kuwarto para hanapin ang phone ko. Kinalikot ko ang message conversation namin at isa-isang dinelete ang tingin ko ay nakakaduda— at malalaswa. To Matheo: Bruha ka. Umuwi ka na rito bago pa maghatinggabi, kun’di pag-uuntugin ko kayo niyan ni Tyler. To Matheo: Nasaan ka? Papunta raw si Mommy sa bahay, bibisita. Umuwi ka muna, bilisan mo. Kinakabahan na ako rito. To Matheo: Tumawag sa akin si Tyler, hinahanap ka. Nag-away ba kayo? O chini-check kung nagmimilagro na tayo? HAHAHAHAH From Matheo: Should I buy s*x toys for you? Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita ang text na iyon galing kay Matheo na noong nakaraang taon pa naman iyon ipinadala! Talagang umabot na ako rito sa pagdedelete ng mga mensahe. Nanginginig ang kamay na sinubukan ko iyong idelete. Palibhasa’y aktibo ang s*x life niya kaya alalang-alala siya sa akin. Naisipan niya pa talaga na ibili ako ng s*x toys! Naalala ko
Faye’s Point of View Umalis si Mikhael at hanggang ngayong hapon ay hindi pa rin siya bumabalik. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta, pero mas gusto ko iyong wala siya rito kaysa narito siya. Para na akong masisiraan ng bait, lalo pa noong sinubukan kong tawagan si Tyler pero hindi ko pa rin siya ma-contact. Palaging out of converage area, hindi ko alam kung wala bang signal sa lugar nila o sadyang nakapatay ang phone niya. Sh*t. Sa college pa lang, si Tyler na talaga ang nagugustuhan ni Matheo, pero nagkukunwari pa kaming magboyfriend no’n kaya umiiwas sa amin si Tyler. Pero noong napagbigyan sila ng pagkakataon na makapagtrabaho sa iisang pharmaceutical company, doon na lumalim ang pagkakakilala nila sa isa’t isa. Doon din siguro nagsimula ang relasyon nilang dalawa. Naputol lang iyon noong kinailangan kong pakasalan si Matheo dahil ayaw kong magpakasal sa lalaking napili para sa akin ng mga magulang ko. Gusto nila akong ipagkasundo sa mga Escobar para mapatibay ang pagi







