Five Years AgoAshton Medical HospitalNakaabang sa likuran ng hospital si Liana. Hindi siya mapakali. Mahigit bente minuto nang nasa loob si Kira. Wala siyang kontak dito dahil naiwan nito ang cell phone nito sa bag nito na nasa loob ng sasakyan niya.“Ano na kayang nangyari? Kumusta kaya si Kira sa loob? Kinakabahan ako. Sana magtagumpay siya," ani Liana habang panay ang tapik sa manibela ng patay niyang sasakyan.Matapos mag-usap nina Liana at Kira ay agad din silang nag-isip ng plano kung paano nila makukuha ang sanggol sa nursery nang walang nakakaalam. Kailangan nila itong makuha habang nagpapahinga pa si Lia. Napagkasunduan nila na si Kira ang kukuha ng sanggol dahil ito ang may alam ng pasikot-sikot sa hospital. Ito rin lang sa kanilang dalawa ang malayang makakalabas-pasok sa kahit saang silid ng hospital dahil isa itong nurse roon. Na kay Kira na rin ang patay na sanggol na ipapalit niya sa anak ng best friend niya.“Kira, huwag mo akong bibiguin. Kailangang maisagawa natin
Five Years AgoAshton Medical Hospital Bumitiw si Kira sa pagkakayakap niya sa Tita Liana niya. “Tita, Lia chose her daughter’s life over Owen's críme. Napakabuti po ng puso ng anak niyo kaya hindi ko masisikmura kung papatayin niyo po ang bata." “Hindi ko naman sinabing literal na papatayin ko ang bata. Tulad nga ng sinabi mo, apo ko pa rin ‘yon dahil dugo at laman pa rin ni Lia ang nananalaytay sa batang ‘yon." “Kung gano'n po, tita, ano pong balak niyo? Naguguluhan po ako sa plano niyo," kalmado nang sabi ni Kira. “Palalabasin lang nating patay ang anak nina Lia at Owen." Hinawakan ni Liana ang parehong kamay ni Kira. “Kukunin natin ang bata at dadalhin natin ito sa bahay ampunan." Napaawang ang labi ni Kira sa narinig. “Pero tita, paano naman po nating palalabasing patay ang bata kung wala naman po tayong sanggol na maihaharap kina Lia at Owen?" Mas lumapit pa si Liana kay Kira. “Nagawan ko na ng paraan, Kira. May nakausap na ako tungkol diyan. ‘Yong babaeng kasabayang n
Five Years AgoAshton Medical Hospital“Tita Liana, nanganak na po si Lia! Isang malusog na batang babae ang iniluwal niya. Napakagandang bata,” tuwang-tuwa sambit ni Kira habang papalapit sa ina ng kaniyang best friend."Gano'n ba?” walang emosyong sambit ni Liana."Tita, bakit gan'yan po ang hitsura niyo? Hindi po ba kayo masaya?” nagtatakang tanong ni Kira. Umupo siya sa tabi ng Tita Liana niya.Napalunok si Liana. "Sa totoo lang, hindi ako natutuwa.”Mas kumunot pa ang noo ni Kira. "Bakit naman po, tita? May napakagandang apo na po kayo. Bakit po hindi kayo masaya?”"Ayoko kay Owen. Hindi ko siya nais para sa anak ko. Ayokong mapangasawa siya ni Lia,” prangkang tugon ni Liana."Tita…"“Hindi ko maintindihan, Kira. Kahit anong gawin ko, kumukulo talaga ang dugo ko sa lalaking ‘yon kahit pa isa siyang Ashton. Pakiramdam ko, may mali sa kaniya. Pakiramdam ko, hindi makabubuti sa anak ko kung siya ang mapapangasawa ni Lia." Ipinatong ni Liana ang kaniyang dalawang kamay sa kaniyang mg
“Ako po si Adaline. Isa ako sa naging pasyente ni Ate Lia. Na diagnose ako na may sakit sa atay. Nang mapadpad ako sa hospital kung saan nagtatrabaho si Ate Lia ay kinakailangan ko ng operasyon ngunit hindi sapat ang pera ni mama. Kaya sana binabalak ni Mama na magpa discharge na lang ako at babalik na lang kapag may sapat na ipon na kami. Pero si Ate Lia… Hindi siya pumayag na umalis ako sa hospital. Kinausap niya si mama na hindi ako p'wedeng umalis at kinakailangan ko agad ng operasyon habang hindi pa kumplikado masyado ang sakit ko. Pero pinaintindi ni mama sa kaniya na hindi sasapat ang pera niya para mapa operahan ako. At nang araw na iyon ay sinabihan ni Ate Lia si mama na bukas na lang daw ako magpa discharge… Pero kinabukasan, nabalitaan na lang namin ni mama na nakaschedule na ako for operation. At wala na raw akong babayaran na doctor’s fee. Iyong balanse naman daw ay si Ate Lia na raw ang bahala. Noong una nagalit pa ako sa kaniya kasi hindi ko maintindihan kung bakit niya
Napaluha ang lahat sa narinig. Alam nilang may mabuting puso si Lia dahil napakadaming tao na ng natulungan nito. Kahit saan man ito magpunta ay kahit sino ang nangangailangan ay tinutulungan nito. “Nais ko rin po sanang magbigay ng mensahe,” wika ng isang lalaking biglang dumating sa harapan. Nakatungkod ang lalaki. May edad na siya at medyo mapuputi na rin ang mga buhok niya. Inabot ni Beth ang mikropono sa kaniya.“Magandang araw ho sa inyong lahat. Ako si Mario. Tulad ni Beth, isa rin ho ako sa natulungan ni Ma’am Lia. Naaksidente ho ako noong nakaraang limang taon. Isa ho akong delivery rider dati at nabangga ho ako ng isang kotse. Napuruhan ho ang binti ko. Tinakbuhan rin ho ako noong nakabangga sa akin. At sa lugar na kung saan nangyari ang insidente ay walang cctv kaya wala ho akong naging laban. Ang sabi ng doktor, hindi na raw ako makakalakad. Gumuho ang mundo ko. Paano na lang ang mga anak ko? Paano na ang pag-aaral nila kung hindi ako makakapagtrabaho? Kung magiging imba
Umupo si Kira sa tabi ni Austin. Katatapos lang niyang mag-asikaso ng mga dumating na bisita. Karamihan sa mga iyon ay mga empleyado ng kumpanya ng mga Reed. Sumandal siya sa upuan at saka lumingon-lingon. Kumunot ang noo niya nang hindi niya makita ang ama ng best friend niya.“Austin, bakit wala pa yata rito si Tito Liam?”"Hindi ko rin nga alam eh. Hindi ko pa rin Kanina ko pa siyang tinatawagan, hindi naman siya sumasagot.” Muling kinuha ni Austin ang kaniyang cell phone. Idinayal niya ulit ang numero ni Liam pero hindi talaga ito sumasagot."Austin, hindi kaya may nangyaring masama kay tito?” hinuha ni Kira.Kinabahan si Austin sa sinabi ni Kira. Tumikhim siya bago magsalita, “Hindi naman siguro. Baka late lang. Let’s just hope that nothing happened…that Tito Liam is okay. Subukan ko na lang tawagan ulit.”“Subukan ko ring tumawag sa mansyon. Baka umuwi roon si tito para matulog kasi ilang gabi na rin siyang puyat eh. Kung nandoon man siya ay susubukan kong ipagising sa isa sa mg