Share

Chapter 14 PART 2

“Iyan si Darwin. Iyong katabi niya ay iyong Mommy niya,” bulong ulit sa akin ni Terrence. Nagpalakpakan ang lahat nang ipakilala na ang may-ari ng resto. Pagkatapos ay inumpisahan na ang seremonya. Pagkatapos noon ay isa pang masigabong palakpakan at mga pagbati ang umalingawngaw sa kabuuan ng paligid. Nagsimula na ring pumasok ang mga customer. Bawat isa sa kanila ay nakikipagkamay at bumabati kay Darwin. Malapit na kami sa pila kaya umayos na kami ng pagkakatayo at lumakad papunta sa entrance.

“Terrence, pare! Akala ko hindi mo na ako sisiputin!” nagagalakang bati ni Darwin kay Terrence. Malapad ang ngiting tinanggap naman ni Terrence ang kamay niya. Tinapik pa siya nito sa balikat.

“I wouldn’t miss this for the world! By the way, congratulations, buddy!” tugon niya kay Darwin. Lalong lumapad ang pagkakangiti nito saka lumingon sa amin ni Leah. Awtomatikong napangiti ako at nag-congratulate sa kaniya. Ganoon din ang ginawa ni Leah.

“You have company! Care to introduce me to these
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status