LOGINCzarina
PAGDATING sa loob ay nabungaran ko si Richard sa may sala. Tila naghihintay na ito roon sa akin, nang makita ako ay biglang ngumiti. Alanganin akong tumugon. This was the first time na umuwi ako nang gabing-gabi. Past 8 already. But at least ay nagpaalam naman ako rito. "Mabuti naman at nakauwi ka na, Czarina. Wala si Selmo kaya ang --" "Pasensya na. M-May importante lang kasi kaming pinuntahan ng mga kaklase ko," putol ko sa mga sinasabi nito. Agad akong lumapit kay Richard at kunwa'y nagbeso rito. Sinadya ko iyon dahil batid kong nakasunod sa akin ang anak nito. Gusto kong ipakita sa antipatikong iyon na 'mahal' ko ang ama nito. Nang mabawas-bawasan naman ang porsyento ng pagiging oportunista ko sa isip nito. Unang beses ko lang din iyong ginawa kay Richard. In-imagine ko na lang na ama ko ito na binabati sa pag-uwi. Tutal sa loob ng isang buwan na maging mag-asawa kami, he never acted like my husband. We were always civil, and he was more likely a father figure to me. "Pinasundo kita sa anak ko dahil wala ang driver. I'm hoping that you two have finally introduced yourself to each other." Aawang pa lang ang bibig ko para magsalita nang lumitaw na nga sa eksena ang anak nito. "Not yet, daddy. I have not yet properly introduced myself to my stepmom." Ngayon mas naging malinaw ang detalye ng mukha at kabuan ng anak ni Richard sa mga mata ko. He sure looked so much like his dad pero mas prominente ang aura nito. Unang tingin ko kay Richard, nakita ko agad kung gaano ito ka-approachable na tao. Magaan ang awra nito hindi tulad ng anak nito na palaging patuya kung tumingin. Parang hinuhusgahan parati ang kaharap kung makatitig. He looked like a predator awaiting for the right timing to dominate its prey. Ewan kung bakit ganoon ang tingin ko rito. Too late to notice that I was a bit shaking. "Ganoon ba? Pero mabuti't sumama siya sa iyo. Czarina, this is my only son, Travis. I have not yet mentioned his name to you before, but I believe I have already told you about having a son." Tumango na lang ako. "And Travis, anak," bumaling ito rito. "Please meet my new wife, Czarina. I know I can't replace your mother in your heart, but I hope you will respect her just how you respect your mom." So Travis is his name? "Nice to meet you stepmom," anito. Sandaling nagkatitigan kami ni Travis bago ito nakakalokong ngumiti at naglahad ng kamay sa akin. Parang ayokong abutin iyon. Pinapawisan ang aking kamay dahil sa magkahalong nerbiyos at inis dito. Nandoon na naman kasi ang nakakabuwisit na paraan ng pagtitig nito sa akin. Sarcasm was manifested on his handsome face. And I know he wouldn't do it just what his father said. He would never respect me just like his mom. Nang bigla akong may maalala. Hindi ko tinanggap ang pakikipagkamay nito. "A-Ah, R-Richard..." I gazed at my husband and saw his immediate reaction. Nagtatanong ang mga mata nito. "May problema ba, Czarina?" I bit the back of my lower lip saka huminga nang malalim. Makakaya ko bang tahasang sabihin dito? Sa loob ng isang buwang pananatili ko roon, he never said anything that might offend me. Sure I didn't want to be his wife, alam nito iyon, pero dahil sa kabutihan namang pinapakita nito sa akin, parang nakakakonsensya kung bigla ko na lang itong babastusin. Aksidenteng napabaling ako ng tingin kay Travis. Nakatingin pa rin pala ito sa akin. Naghahamon ang mga mata nito. "I... I'm not feeling well. I'm a bit tired. Dederetso na ako sa kuwarto." I couldn't. Baka mag-cause pa ng gap sa mag-ama kapag tahasan kong sinabi kay Richard ang napag-usapan namin kanina ng anak nito. Baka magbago ito ng pakikitungo sa akin. And for sure, hindi ito papayag, na i-annul ang kasal namin. Tumango si Richard. "Ganoon ba? Sige, tumuloy ka na at magpahinga." "Yeah, right. Stepmom needs a rest because she's a little bit drunk. Amoy-sigarilyo pa." Akmang pahakbang na ako palayo nang marinig iyong sinabi ni Travis. Para akong tinulos sa kinatatayuan ko. How did he know? I'm not that drunk! Alanganin akong napatingin kay Richard. "N-Nagpaalam naman ako sa 'yo, hindi ba?" Kung puwede nga lang na maglaho na lang ako sa harap ng mga ito ay ginawa ko na. Talagang desperado ang Travis na ito para wasakin ang imahe ko at mapalayas doon. But thank God he had a very matured father. "Yes, iho. Nagpaalam siya sa akin kanina na magpupunta sa classmate niya. Maybe they had some celebration and they drunk. Maigi't hindi ako pumayag na mag-commute siya. She might end up somewhere else." Pero halatang hindi nagustuhan ni Travis ang sinabi ng daddy nito. "Oh, well, you're letting your wife do that? Even smoking? Huwag mong sabihing pati paninigarilyo, hinahayaan mong gawin niyan?" Bigla akong napatungo at pasimpleng sininghot ang amoy ng blouse ko. Isang stick lang iyon na halos hindi ko nga nabawasan, kumapit na agad ang amoy sa akin. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Richard. "She's no longer a teenager, my son. She's 20. And she can do whatever she wants." . . . . . TATLONG sunud-sunod na katok ang pumukaw sa akin kaya agad kong binitawan ang hawak na libro. It was past ten already at nagpapaantok na lang ako. Tumayo ako at lumapit sa pinto. Binuksan ko na rin. "Bakit p--" Awtomatiko akong natigilan nang makita si Richard. "Can I talk to you?" mahinang tanong nito matapos lumingon sa kung saan. Maybe checking if someone was out there. Tumango ako at niluwagan ang pagkakabukas ng pinto. "Tungkol saan?" Saka ko naalalang kailangan ko nga palang mag-apologize. I drunk without his consent. At iyong 'paninigarilyo' ko, parang kailangan ko ring linawin. "About my son," mabilis na sagot nito. Magkadistansya kaming naupo sa mahabang couch na mayronn sa kuwarto. "I didn't know he was coming today and I'm so surprised. Alam mo bang halos isang dekada mula nang umuwi siya sa bahay na ito? He intentionally avoided going back here because he hated me as his father. I never thought he could ever forgive me. He's blaming me for his mom's death many years ago and since then, hindi na siya halos nakikipagkita o usap man lang sa akin. He stayed in America for almost ten years. Kung umuuwi man siya rito sa Pilipinas, wala akong kaalam-alam. Sinusbukan ko siyang bisitahin doon pero talagang sinasadya niyang hindi ako kausapin. But I'm so happy now that he's finally back." Bakas nga sa mukha ni Richard ang hindi maipaliwanag na saya habang nagkukuwento. Bagama't hindi ako masyadong maka-relate sa nararamdaman nito dahil hindi ko pa nararanasang maging magulang, pero nakaka-relate naman ako rito bilang anak. That bastard Travis. Paano natiis ng isang 'yon na halos isang dekadang hindi umuwi para makipagkita sa ama? Kung ako man ang nasa sitwasyon nito, kahit gaano pa ako kagalit sa magulang ko, panigurado ako na hindi ko makakayang magtiis nang ganoon katagal. "I invited him to come to our wedding but he did not come," patuloy pa ni Richard. Buti nga hindi siya dumating. Dahil ang araw na iyon ang itinuturing ko noong pinakamasamang pangyayari sa buhay ko. Baka lalo lang sumama iyon kung naroon ang Travis na 'yon. "Pero wala na rin iyon sa akin. Ang mahalaga ay naririto siya. He said he'll be staying here for a month but I already asked him to stay a little longer. He might be that hard-headed and cold, but he's still my son. Alam kong nagtatampo lang siya sa akin kaya ganito siya makipag-usap, but I'm still hoping na magkakaayos kaming muli, and I hope too, iha, that you get along with him well." Masaya ako para rito but me, getting along well with his son, hindi ko lang alam kung mangyayari. Pareho naming hindi gusto ang isa't isa, and right now, namomroblema na nga ako kung paano ito maiiwasan. Ngayon pa nga lang ay hirap na ako paano pa sa loob ng mahigit sa isang buwan? Parang gusto ko ngang hilingin na sana'y hindi na ito nagbalik. "I-I hope too. Nga pala , Richard, about doon sa..." "Don't bother about it. I know you're young at natural lang sa mga kabataan ang ganoong gawain. May tiwala naman ako sa 'yo. I know you won't do something na sa tingin mo ay hindi na tama." Napatango na lang ako sa sinabi nito. Pagkuwa'y napangiti. "T-Thank you." Ngumiti rin ito. At mayamaya rin ay tumayo na. "Sige na, Czarina. Magpahinga ka na. Lalabas na ako." Nang makalabas ito ay marahan kong ipininid ang pinto. Bumalik na ako sa pagkakahiga sa kama ngunit hindi ko na pinagkaabalahan pang balikan ang binabasa ko kanina. Pinatay ko na rin ang natitirang ilaw. "Good luck, Czarina. Good luck to you!" sabi ko sa sarili bago pinilit matulog nang gabing iyon.CZARINA NAALIMPUNGATAN ako nang maramdamang may yumuyugyog sa balikat ko. Pagmulat ko ng mga mata ay agad ko ring naipikit iyon nang tumama sa mukha ko ang liwanag ng araw. Napangiwi ako nang sunod namang maramdamang may kumurot sa aking tagiliran. "Gumising ka na. Tanghali na!" Nang marinig ang boses ni nanay ay parang binuhusan ako ng malamig na tubig at kagyat na bumalikwas ng bangon. Nasapo ko ang ulo na bigla na lang ding sumakit. Hindi ko na halos matandaan kung anong oras ako nakatulog kagabi, pero ang tanging natatandaan ko ay pabangon-bangon ako sa kama hindi ako dalaw-dalawin ng antok. "Aray naman, 'nay. Wala naman akong pasok ngayon." Sabado iyon pagkakaalam ko. Wala kaming Saturday class sa school. "Miski na! Wala ka sa bahay at hindi ka na dalaga ngayon kaya masanay ka nang gumising palagi nang maaga kahit walang pasok." Wala akong nagawa kung hindi tuluyan nang umahon sa kama. Oo nga pala. Hindi na ako ang dating Czarina na malaya. May asawa na nga pala at nag buwa
Czarina PAGDATING sa loob ay nabungaran ko si Richard sa may sala. Tila naghihintay na ito roon sa akin, nang makita ako ay biglang ngumiti. Alanganin akong tumugon. This was the first time na umuwi ako nang gabing-gabi. Past 8 already. But at least ay nagpaalam naman ako rito. "Mabuti naman at nakauwi ka na, Czarina. Wala si Selmo kaya ang --" "Pasensya na. M-May importante lang kasi kaming pinuntahan ng mga kaklase ko," putol ko sa mga sinasabi nito. Agad akong lumapit kay Richard at kunwa'y nagbeso rito. Sinadya ko iyon dahil batid kong nakasunod sa akin ang anak nito. Gusto kong ipakita sa antipatikong iyon na 'mahal' ko ang ama nito. Nang mabawas-bawasan naman ang porsyento ng pagiging oportunista ko sa isip nito. Unang beses ko lang din iyong ginawa kay Richard. In-imagine ko na lang na ama ko ito na binabati sa pag-uwi. Tutal sa loob ng isang buwan na maging mag-asawa kami, he never acted like my husband. We were always civil, and he was more likely a father figure to m
Czarina PARANG may mga dagang nagri-rigodon sa dibdib ko nang mga sumunod na sandali. Tahimik habang nasa biyahe na kami ng aking stepson. Matapos ako nitong sigaw-sigawan kanina, tinawag ako nitong stepmom. Hindi ko man ibig maniwala, ngunit nang tuluyan kong makita ang hitsura nito ay unti-unti rin akong nakombinsi. Sigurado ako na siya nga ang nag-iisang anak ni Richard na sinasabi ni nanay noong nakaraan. Hindi ko na kailangan pa ng konpirmasyon para malaman iyon dahil sapat na ang ebidensyang makikita sa mukha nito. It was like I was looking at my husband's younger-self. Kuhang-kuha ng lalaking kasama ko ngayon ang halos lahat ng physical attributes ng ama nito. From his hairline, his eyes, his jawlines, his nose at sa timbre ng boses. Kaya pala imahe ni Richard ang biglang pumasok sa isip ko unang beses na marinig ang boses nito. Kahit ang intimidating, domineering na tindig na ama nito ay kuhang-kuha rin. Nanlalamig ang pakiramdam ko nang mga sandaling 'yon na parang hin
Czarina "CLASS DISMISSED!" Pagkasabi niyon ng professor ay halos sabay-sabay na ring nagpulasan ang mga estudyante. Kanina pa handa ang mga gamit namin para umuwi. Iyon ang huling klase namin para sa araw na iyon. Four-thirty ito natapos. Isinukbit ko na ang shoulder bag at naghandang lumabas ng classroom. Sinadya kong yumuko upang walang makapansin sa akin. Naglalakad na ako sa mahabang pasilyo nang maramdamang may dumantay na kamay sa aking balikat. "Czarina!" Paglingon ko ay nakita ko ang kaklase at isa sa mga pinaka-close friend kong si Khate. Nakangiti ito. "Khate!" Alanganin akong ngumiti rito. Nakagat ko ang pang-ibabang labi pagkuwan. Ito talaga ang pinagtangkaan kong takasan kaya nagmamadali akong lumabas ng classroom kanina. "Pumayag ka na kasi, Czarina. Marami naman tayo. Saka saglit lang naman tayo kina Leslie. Special day ng bff natin. Baka magtampo." Ito kasi ang katabi ko sa upuan kanina kaya alam nito na hindi ako makakasama sa lakad ng mga ito. Birthday
TRAVIS Montejar"S-Sir Travis?" hindi halos makapaniwala --- may kasama pang pagdududang bulalas ng katulong na nagbukas sa akin ng gate. Matagal akong pinagmasdan nito mula sa nakababang salamin ng sasakyan. Titig na titig ito sa akin, sa aking mukha, sa aking mga mata. Kung hindi pa ako sunod-sunod na bumusina ay parang hindi ito mababalik sa huwisyo. Nang tumabi ito sa gilid ay saka ko lang naiusad ang sasakyan.Binabati ko ito because she still recognized me. Ilang taon na ba akong hindi umuwi sa mansyong iyon? Eight years? Ten? Eversince my mother died, I never stepped foot on that place anymore. Ngayon lang ulit. At pilit na pilit pa. Itinigil ko lang ang sasakyan sa nakita kong space sa may garden kahit pa nakitang bukas at may bakante sa indoor parking lot saka bumaba. Tinanggal ko ang suot na shades upang mas malinaw na pagmasdan ang paligid. Nag-angat ang mga mata ko at lumibot sa harap ng mansyon. Nothing changed. Ganoon pa rin ang disenyo niyon mula sa pagkakaalala ko. H
Czarina Lei dela Cruz"AYOKO!" mariin at naiiyak na sabi ko. "Huwag n'yo akong pilitin sa gusto ninyo, nanay, o talagang maglalayas ako!" banta ko pa kahit sa isip ko ay hindi ko naman talaga kayang gawin iyon."Pero, anak..."Agad kong ipinilig ang braso nang tangka iyong hawakan ni nanay. "Hindi ba kayo nanginginig diyan sa sinasabi n'yo? Sarili n'yong anak, ibibigay ninyo sa matandang iyon. At hindi lang basta ibibigay, pumayag pa kayong ipakasal!"Magkahalong takot at galit ang nararamdaman ko nang mga oras na 'yon. Kadarating ko lang galing eskuwelahan ay iyon agad ang sinabi ng nanay. Pinasok niya ako sa kuwarto at kinausap nang masinsinan. Sobrang halaga raw ng kaniyang sasabihin. "Madi-discharge na sa ospital si Patricia. Bukas puwede na raw siyang lumabas."Natuwa pa ako sa ibinalita niyang iyon. Isang buwan mahigit din mula nang maospital ang aking kakambal, si Patricia. Identical twins kami at magkamukhang-magkamukha. Pareho kaming pinag-aaral ni nanay sa isang State Unive






![Hiding The Dangerous Bodyguard's Son [A.G.S #3]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)
