ログインTRAVIS "DAMN that whore!" gigil na anas ko habang nakamasid sa dalawa. I wonder what kind of sexy things my father and his young wife were talking about. Mukhang magkasundo nga ang mga ito at nakuha pang yumakap ng babaeng 'yon sa daddy. 'Or maybe the old fool is promising her all the luxury in the world at nagdadrama ang oportunistang babaeng 'yon.' Napangitngit akong lalo sa naisip. The two were obviously using each other at ayokong magtagal ang mga ito. Sadyang hindi sila bagay dahil mukhang magtatay na ang mga ito. Ano na lang ang sasabihin ng mga kakilala namin sa Manila at sa ibang bansa kapag nalaman nila na nag-asawa ang daddy ng halos triple ng bata sa edad nito? I checked their marriage status at talagang rehistrado ang kasal ng mga ito. How on Earth could I break these two? 'Bright idea... Good. Good.' Mula sa balcony ng kuwarto ko kung saan palihim kong pinagmamasdan ang dalawa ay pumasok ako ng kuwarto at namili ng damit. Simpleng t-shirt at jogging pants ang si
CZARINAPROBLEMA no'n? Palihim kong sinundan ng tingin ang kaka-walk out lang na Travis. Hindi niya nagalaw ang nakahaing pagkain. Unang tingin pa lang niya sa 'kin ay halata ko nang mainit na naman ang ulo niya. Lalo na nang makalapit ako kay Richard at bumeso sa asawa ko. Lalong hindi maipinta ang kanyang mukha.He should not be my problem, paulit-ulit na sabi ko sa isip mula pa kaninang pababa ako mula sa kuwarto. Hindi na nga 'normal' ang buhay 'may-asawa' ko, magpapa-apekto pa ba ako sa isang 'yon?Una, wala naman akong ginagawang masama. His father was the one who wished for this marriage at ito rin ang kusang nagbibigay ng mga pangangailangan ko. God knows na wala akong pagnanasa sa pera nito o naghahabol sa mana na maaari nitong iwan sa pagdating ng panahon. Secondly, wala akong pakialam sa isyu nilang mag-ama. Kung may galit man si Travis kay Richard, wala siyang karapatang idamay ako dahil hindi naman ako parte ng kanilang nakaraan. Matagal nang biyudo si Richard. Pati ba n
CZARINA NAALIMPUNGATAN ako nang maramdamang may yumuyugyog sa balikat ko. Pagmulat ko ng mga mata ay agad ko ring naipikit iyon nang tumama sa mukha ko ang liwanag ng araw. Napangiwi ako nang sunod namang maramdamang may kumurot sa aking tagiliran. "Gumising ka na. Tanghali na!" Nang marinig ang boses ni nanay ay parang binuhusan ako ng malamig na tubig at kagyat na bumalikwas ng bangon. Nasapo ko ang ulo na bigla na lang ding sumakit. Hindi ko na halos matandaan kung anong oras ako nakatulog kagabi, pero ang tanging natatandaan ko ay pabangon-bangon ako sa kama hindi ako dalaw-dalawin ng antok. "Aray naman, 'nay. Wala naman akong pasok ngayon." Sabado iyon pagkakaalam ko. Wala kaming Saturday class sa school. "Miski na! Wala ka sa bahay at hindi ka na dalaga ngayon kaya masanay ka nang gumising palagi nang maaga kahit walang pasok." Wala akong nagawa kung hindi tuluyan nang umahon sa kama. Oo nga pala. Hindi na ako ang dating Czarina na malaya. May asawa na nga pala at nag buwa
Czarina PAGDATING sa loob ay nabungaran ko si Richard sa may sala. Tila naghihintay na ito roon sa akin, nang makita ako ay biglang ngumiti. Alanganin akong tumugon. This was the first time na umuwi ako nang gabing-gabi. Past 8 already. But at least ay nagpaalam naman ako rito. "Mabuti naman at nakauwi ka na, Czarina. Wala si Selmo kaya ang --" "Pasensya na. M-May importante lang kasi kaming pinuntahan ng mga kaklase ko," putol ko sa mga sinasabi nito. Agad akong lumapit kay Richard at kunwa'y nagbeso rito. Sinadya ko iyon dahil batid kong nakasunod sa akin ang anak nito. Gusto kong ipakita sa antipatikong iyon na 'mahal' ko ang ama nito. Nang mabawas-bawasan naman ang porsyento ng pagiging oportunista ko sa isip nito. Unang beses ko lang din iyong ginawa kay Richard. In-imagine ko na lang na ama ko ito na binabati sa pag-uwi. Tutal sa loob ng isang buwan na maging mag-asawa kami, he never acted like my husband. We were always civil, and he was more likely a father figure to m
Czarina PARANG may mga dagang nagri-rigodon sa dibdib ko nang mga sumunod na sandali. Tahimik habang nasa biyahe na kami ng aking stepson. Matapos ako nitong sigaw-sigawan kanina, tinawag ako nitong stepmom. Hindi ko man ibig maniwala, ngunit nang tuluyan kong makita ang hitsura nito ay unti-unti rin akong nakombinsi. Sigurado ako na siya nga ang nag-iisang anak ni Richard na sinasabi ni nanay noong nakaraan. Hindi ko na kailangan pa ng konpirmasyon para malaman iyon dahil sapat na ang ebidensyang makikita sa mukha nito. It was like I was looking at my husband's younger-self. Kuhang-kuha ng lalaking kasama ko ngayon ang halos lahat ng physical attributes ng ama nito. From his hairline, his eyes, his jawlines, his nose at sa timbre ng boses. Kaya pala imahe ni Richard ang biglang pumasok sa isip ko unang beses na marinig ang boses nito. Kahit ang intimidating, domineering na tindig na ama nito ay kuhang-kuha rin. Nanlalamig ang pakiramdam ko nang mga sandaling 'yon na parang hin
Czarina "CLASS DISMISSED!" Pagkasabi niyon ng professor ay halos sabay-sabay na ring nagpulasan ang mga estudyante. Kanina pa handa ang mga gamit namin para umuwi. Iyon ang huling klase namin para sa araw na iyon. Four-thirty ito natapos. Isinukbit ko na ang shoulder bag at naghandang lumabas ng classroom. Sinadya kong yumuko upang walang makapansin sa akin. Naglalakad na ako sa mahabang pasilyo nang maramdamang may dumantay na kamay sa aking balikat. "Czarina!" Paglingon ko ay nakita ko ang kaklase at isa sa mga pinaka-close friend kong si Khate. Nakangiti ito. "Khate!" Alanganin akong ngumiti rito. Nakagat ko ang pang-ibabang labi pagkuwan. Ito talaga ang pinagtangkaan kong takasan kaya nagmamadali akong lumabas ng classroom kanina. "Pumayag ka na kasi, Czarina. Marami naman tayo. Saka saglit lang naman tayo kina Leslie. Special day ng bff natin. Baka magtampo." Ito kasi ang katabi ko sa upuan kanina kaya alam nito na hindi ako makakasama sa lakad ng mga ito. Birthday







