LOGINCZARINA
PROBLEMA no'n? Palihim kong sinundan ng tingin ang kaka-walk out lang na Travis. Hindi niya nagalaw ang nakahaing pagkain. Unang tingin pa lang niya sa 'kin ay halata ko nang mainit na naman ang ulo niya. Lalo na nang makalapit ako kay Richard at b****o sa asawa ko. Lalong hindi maipinta ang kanyang mukha. He should not be my problem, paulit-ulit na sabi ko sa isip mula pa kaninang pababa ako mula sa kuwarto. Hindi na nga 'normal' ang buhay 'may-asawa' ko, magpapa-apekto pa ba ako sa isang 'yon? Una, wala naman akong ginagawang masama. His father was the one who wished for this marriage at ito rin ang kusang nagbibigay ng mga pangangailangan ko. God knows na wala akong pagnanasa sa pera nito o naghahabol sa mana na maaari nitong iwan sa pagdating ng panahon. Secondly, wala akong pakialam sa isyu nilang mag-ama. Kung may galit man si Travis kay Richard, wala siyang karapatang idamay ako dahil hindi naman ako parte ng kanilang nakaraan. Matagal nang biyudo si Richard. Pati ba naman dahil hindi matanggap ni Travis na nag-asawa ng bago ang daddy niya po-problemahin ko pa? "Ahmm.. L-let's eat?" Pero naiilang pa rin talaga ako na tumingin kay Richard kapag kaming dalawa na lang ang magkasama. Still I find it hard to believe that this man is my husband. Though he never treated me like one. Ngumiti lang si Richard at nagsimula na kaming kumain. "So how did you find my son, Czarina?" Natigil ang pagnguya ko nang magsalita si Richard. Nagkatinginan kami ngunit agad akong nag-iwas ng tingin. Masyado bang halata ang pagka-intimidate ko sa harap ni Travis? Napansin ba niya kung ilang beses akong napapatingin sa anak niya? "W-Well... w-what can I say?" nagugulumihang saad ko. "H-He's... he's..." "He looks like my younger version of me, right?" nakangiting wika ni Richard. Tumango ako. "O-Oo.." "Pero sa totoo lang ay talagang mas guwapo ako noon kumpara sa anak ko dati." He chuckled. Kataka-taka na wala akong nabanaag na kayabangan sa pagkakasabi niya. Maybe it was true? Guwapo pa rin naman talaga si Richard kahit may edad na. "Mas malaki ang katawan ko. I loved horseback riding when I was young. Batak ang katawan ko noon sa pag-eensayo because I used to join competitions before. Dumadayo pa ako sa iba't ibang lugar, I even competed twice outside the country. I had a lot of trophies... I was even interviewed and documented. Meron ding nag-alok sa akin noon na maging artista but I refused. I loved my peaceful life here at ayoko ng magulang buhay. And I had a lot of women too" Natawa siyang muli. "But suddenly my horseback riding career came to an end when I got married to Travis' mother. That's when everything changed." Nang matapos ito sa huling pangungusap ay biglang napalalim ng hininga si Richard. His mood suddenly changed dahil biglang ring nawala ang sigla sa mukha nito. Maybe he remembered his wife, their happy memories together. I wonder what happened and how his wife died. Anong klaseng asawa ang ina ni Travis at kung bakit... after so many years ay naisipang magpakasal ulit ni Richard. And why did it have to be me? "K-Kung.. kung buhay pa siguro ang asawa mo, masaya siguro ang buhay nio ngayon. H-Hindi siguro kayo magkakalayo ni Travis." I suddenly bit my lower lip. Sa isang buwan namin bilang "mag-asawa" ni Richard, ngayon lang kami tumagal ng ganitong pag-uusap. Noong una, wala talaga akong pakialam tungkol sa buhay niya. All I ever thought about ay kung paano kaya ako makakawala sa buhay niya. Kahit mabait naman siya sa akin, kung minsan ay natatakot pa rin akong lumapit at makipag-usap sa kanya. And it always horrified me thinking that one day, hihilingin niya na gampanan ko na ang role ko bilang asawa niya. I could hardly imagine myself. But suddenly, lahat ng takot at agam-agam ko kay Richard ay unti-unting nawawala at biglang nabaling sa bagong dating na si Travis. That one seemed to be an untamed beast. Unang beses pa lang naming magkita ay may takot na akong nararamdaman dito. His presence was always so overwhelming na parang gustong-gusto na niya akong sugurin upang burahin sa buhay nilang mag-ama. "Maybe," kibit ang balikat na maikling tugon ni Richard. Naghintay pa ako ng kasunod niyon ngunit iba na ang lumabas sa bibig niya. "So how's your school, Czarina? You're taking Architecture, right? Wow! You should be a very smart and intelligent lady. Ang sabi nila, isa ang Architecture sa mga mahihirap na course. At madalas lalaki ang kumukuha niyon. But you as a woman... you're mother must be really proud." Ngumiti na lang ako sa sinabi niya. Obviously, he changed the topic dahil ayaw niyang mapag-usapan ang nakaraan. "Thank you. Hindi naman ako sobrang talino. Sa totoo lang, kaya lang ako nag-Architecture dahil medyo may talent ako sa pagdo-drawing. And I love designing houses and buildings. Bata pa lang ako, sinasabi ko lagi kay nanay at tatay na paglaki ko, ako ang magpapagawa at magdedesenyo ng malaki naming bahay. Pero hindi ako masyadong magaling sa Math, ha?" Then I hoped that, that dream would come true. Saka ang gusto ko talaga ay sa Manila magtrabaho pagka-graduate ko. Gusto kong makipagsapalaran doon. Then when I got the opportunity ay gusto kong magtrabaho sa ibang bansa. Iyon lang ang tanging paraang naiisip ko para kumita agad ng pera. Para masimulan na ang aming dreamhouse. But I don't think na mangyayari pa iyon. Ngayon pang may "asawa" na ako? "Well congratulations ngayon pa lang dahil alam kong matutupad ang pangarap mong 'yan. When you graduate, I will let you design your own house at ako ang bahala sa lahat." "H-Hindi, Richard..." mabilis at kinakabahang tutol ko. "Bakit? Nagbago na ba ang pangarap mo sa buhay?" Hindi ako nakaimik agad at malalim na humugot ng hininga. Tiningnan ko siya, the man was patiently waiting for my answer. Pero hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin. Alam kong tututol siya. Ilang saglit ba, naramdaman ko ang palad niyang masuyong dumantay sa balikat ko. "I think I know what it is, Czarina," malumanay at tila nakakaunawang saad ni Richard. "After your graduation, do not worry, hindi kita oobligahing manatili rito. I will let you do everything that you want. I'll let you fly. Hindi kita pagbabawalan sa laht ng gusto mong gawin. I know you have your dream at gusto kong suportahan ka." Parang matutunaw ang puso nang mga sandaling 'yon at maagap na pinunasan ang luhang nagbabadyang pumatak sa aking mga mata. "T-Totoo? Talagang hahayaan mo ako, Richard? K-Kahit gusto kong pumunta sa Manila at ---" Ngumiti at tumango siya. "I said everything, Czarina. Everything." Sa sobrang galak ko ay bigla akong napayakap sa kaniya. "Thank you. Thank you, Richard." "But there is one condition, Czarina." Agad akong napakalas ng yakap at matamang tumingin sa kanya. "A-Anong kondisyon?" kabadong tanong ko. "Sa lahat ng gagawin mo, sa lahat ng lugar na pupuntahan mo, I would like you to be accompanied by my son. To make sure you're okay at para hindi ako nag-aalala kapag malayo ka." 'No!' malakas na tutol ng isip ko. 'Mas gugustuhin ko pang h'wag na lang umalis kesa makasama ang anak mo.' Ngunit hindi ko masabi sa kanya. "P-Pero Richard...." naiiling na tutol ko. "Kaya ko naman kahit mag-isa ako. May mga kaibigan akong kasamang magpupunta rin doon." "Final decision, Czarina. Hindi ka maaaring umalis sa lugar na ito nang hindi kasama ang anak ko. I hope you understand. I'm only thinking about you." Matagal bago ako naka-react. Ilang sandali ang pinalipas ko bago ako pilit na sumang-ayon. Maybe he was thinking that I would be running away? Ngunit paano ko magagawa 'yon? He got a lot of money and finding me would be so easy for him. 'Travis...' Just thinking of that name made me shiver.TRAVIS "DAMN that whore!" gigil na anas ko habang nakamasid sa dalawa. I wonder what kind of sexy things my father and his young wife were talking about. Mukhang magkasundo nga ang mga ito at nakuha pang yumakap ng babaeng 'yon sa daddy. 'Or maybe the old fool is promising her all the luxury in the world at nagdadrama ang oportunistang babaeng 'yon.' Napangitngit akong lalo sa naisip. The two were obviously using each other at ayokong magtagal ang mga ito. Sadyang hindi sila bagay dahil mukhang magtatay na ang mga ito. Ano na lang ang sasabihin ng mga kakilala namin sa Manila at sa ibang bansa kapag nalaman nila na nag-asawa ang daddy ng halos triple ng bata sa edad nito? I checked their marriage status at talagang rehistrado ang kasal ng mga ito. How on Earth could I break these two? 'Bright idea... Good. Good.' Mula sa balcony ng kuwarto ko kung saan palihim kong pinagmamasdan ang dalawa ay pumasok ako ng kuwarto at namili ng damit. Simpleng t-shirt at jogging pants ang si
CZARINAPROBLEMA no'n? Palihim kong sinundan ng tingin ang kaka-walk out lang na Travis. Hindi niya nagalaw ang nakahaing pagkain. Unang tingin pa lang niya sa 'kin ay halata ko nang mainit na naman ang ulo niya. Lalo na nang makalapit ako kay Richard at bumeso sa asawa ko. Lalong hindi maipinta ang kanyang mukha.He should not be my problem, paulit-ulit na sabi ko sa isip mula pa kaninang pababa ako mula sa kuwarto. Hindi na nga 'normal' ang buhay 'may-asawa' ko, magpapa-apekto pa ba ako sa isang 'yon?Una, wala naman akong ginagawang masama. His father was the one who wished for this marriage at ito rin ang kusang nagbibigay ng mga pangangailangan ko. God knows na wala akong pagnanasa sa pera nito o naghahabol sa mana na maaari nitong iwan sa pagdating ng panahon. Secondly, wala akong pakialam sa isyu nilang mag-ama. Kung may galit man si Travis kay Richard, wala siyang karapatang idamay ako dahil hindi naman ako parte ng kanilang nakaraan. Matagal nang biyudo si Richard. Pati ba n
CZARINA NAALIMPUNGATAN ako nang maramdamang may yumuyugyog sa balikat ko. Pagmulat ko ng mga mata ay agad ko ring naipikit iyon nang tumama sa mukha ko ang liwanag ng araw. Napangiwi ako nang sunod namang maramdamang may kumurot sa aking tagiliran. "Gumising ka na. Tanghali na!" Nang marinig ang boses ni nanay ay parang binuhusan ako ng malamig na tubig at kagyat na bumalikwas ng bangon. Nasapo ko ang ulo na bigla na lang ding sumakit. Hindi ko na halos matandaan kung anong oras ako nakatulog kagabi, pero ang tanging natatandaan ko ay pabangon-bangon ako sa kama hindi ako dalaw-dalawin ng antok. "Aray naman, 'nay. Wala naman akong pasok ngayon." Sabado iyon pagkakaalam ko. Wala kaming Saturday class sa school. "Miski na! Wala ka sa bahay at hindi ka na dalaga ngayon kaya masanay ka nang gumising palagi nang maaga kahit walang pasok." Wala akong nagawa kung hindi tuluyan nang umahon sa kama. Oo nga pala. Hindi na ako ang dating Czarina na malaya. May asawa na nga pala at nag buwa
Czarina PAGDATING sa loob ay nabungaran ko si Richard sa may sala. Tila naghihintay na ito roon sa akin, nang makita ako ay biglang ngumiti. Alanganin akong tumugon. This was the first time na umuwi ako nang gabing-gabi. Past 8 already. But at least ay nagpaalam naman ako rito. "Mabuti naman at nakauwi ka na, Czarina. Wala si Selmo kaya ang --" "Pasensya na. M-May importante lang kasi kaming pinuntahan ng mga kaklase ko," putol ko sa mga sinasabi nito. Agad akong lumapit kay Richard at kunwa'y nagbeso rito. Sinadya ko iyon dahil batid kong nakasunod sa akin ang anak nito. Gusto kong ipakita sa antipatikong iyon na 'mahal' ko ang ama nito. Nang mabawas-bawasan naman ang porsyento ng pagiging oportunista ko sa isip nito. Unang beses ko lang din iyong ginawa kay Richard. In-imagine ko na lang na ama ko ito na binabati sa pag-uwi. Tutal sa loob ng isang buwan na maging mag-asawa kami, he never acted like my husband. We were always civil, and he was more likely a father figure to m
Czarina PARANG may mga dagang nagri-rigodon sa dibdib ko nang mga sumunod na sandali. Tahimik habang nasa biyahe na kami ng aking stepson. Matapos ako nitong sigaw-sigawan kanina, tinawag ako nitong stepmom. Hindi ko man ibig maniwala, ngunit nang tuluyan kong makita ang hitsura nito ay unti-unti rin akong nakombinsi. Sigurado ako na siya nga ang nag-iisang anak ni Richard na sinasabi ni nanay noong nakaraan. Hindi ko na kailangan pa ng konpirmasyon para malaman iyon dahil sapat na ang ebidensyang makikita sa mukha nito. It was like I was looking at my husband's younger-self. Kuhang-kuha ng lalaking kasama ko ngayon ang halos lahat ng physical attributes ng ama nito. From his hairline, his eyes, his jawlines, his nose at sa timbre ng boses. Kaya pala imahe ni Richard ang biglang pumasok sa isip ko unang beses na marinig ang boses nito. Kahit ang intimidating, domineering na tindig na ama nito ay kuhang-kuha rin. Nanlalamig ang pakiramdam ko nang mga sandaling 'yon na parang hin
Czarina "CLASS DISMISSED!" Pagkasabi niyon ng professor ay halos sabay-sabay na ring nagpulasan ang mga estudyante. Kanina pa handa ang mga gamit namin para umuwi. Iyon ang huling klase namin para sa araw na iyon. Four-thirty ito natapos. Isinukbit ko na ang shoulder bag at naghandang lumabas ng classroom. Sinadya kong yumuko upang walang makapansin sa akin. Naglalakad na ako sa mahabang pasilyo nang maramdamang may dumantay na kamay sa aking balikat. "Czarina!" Paglingon ko ay nakita ko ang kaklase at isa sa mga pinaka-close friend kong si Khate. Nakangiti ito. "Khate!" Alanganin akong ngumiti rito. Nakagat ko ang pang-ibabang labi pagkuwan. Ito talaga ang pinagtangkaan kong takasan kaya nagmamadali akong lumabas ng classroom kanina. "Pumayag ka na kasi, Czarina. Marami naman tayo. Saka saglit lang naman tayo kina Leslie. Special day ng bff natin. Baka magtampo." Ito kasi ang katabi ko sa upuan kanina kaya alam nito na hindi ako makakasama sa lakad ng mga ito. Birthday







