تسجيل الدخولPagkauwi ni Sania sa kanyang apartment ay nagkalkal siya sa kanyang drawer ng damit na maaari niyang gamitin sa interview niya sa lunes. Biyernes pa lang ngayon pero dahil sa excitement niya ay gusto na niyang paghandaan iyon.
Naibalik din naman sa kanya ang nahablot niyang bag sa tulong ng mga autoridad na siyang laking pasasalamat niya. Sa sobrang praning niya ay binilang pa niya iyon dahil baka may kumupit. Charot. Naupo siya sa sofa at muling inalala ang naging engkwentro niya kanina sa gwapong lalaki. Ang daming kadaldalan ang lumabas sa bibig niya pero hindi man lang niya natanong ang pangalan nito. "Bestie, meron ka bang damit pang office diyan na nakatago? Hihiramin ko sana," tawag niya sa kaibigang si Carol. Wala siyang makitang magandang damit pang interview. Ngayon lang niya napagtanto na halos wala man lang siyang mabiling gamit para sa sarili. Karamihan sa mga damit niya ay sobrang luma na, kumukupas na ang kulay at ang iba naman ay may butas-butas na. Napakagat ng labi ang dalaga nang iangat at pagmasdan ang isang bra niyang naghihikahos na. Regalo pa iyon ng kanyang lola noong nagdadalaga pa siya. Ganito na ba siya kahirap at hindi man lang makabili ng bagong underwear? Sabagay, iba rin naman kasi ang mga priorities niya. Wala rin namang ibang makakakita sa mga panloob na suot niya liban sa kanya. "Wala eh. Wala naman akong panggagamitan ng mga ganung damit kaya di ako nabili. Bakit, saan mo gagamitin?" sagot nito sa kabilang linya. "May interview kasi ako sa lunes bilang secretary. Gusto ko ay maging presentable naman ako kahit papaano," aniya habang inaayos ang binukalkal niyang drawer. "Wow. Secretary? Talaga? Eh pahirapan ka ngang makahanap ng trabaho. Saan mo nakita ang job offer?," ani Carol na naguguluhan. Hindi sa wala siyang bilib sa kaibigan, sadya lang talaga na matataas ang requirements ng mga employer ngayon. Natawa naman si Sania sa sinabi nito. Pati nga siya ay hindi pa rin makapaniwala. "Hmm..Meron nga.. Teka sandali," aniya nang maalala ang ibinigay ng lalaki kanina na calling card. Hindi pa niya iyon nasisipat. Baka nandoon din ang pangalan nito. "Logan Bustamante...." bigkas niya sa pangalang nakalagay sa card. Nakaramdam din siya ng kakaiba sa kanyang sikmura nang mabasa ang pangalan ng binata. "Logan..? Logan Bustamante?!" malakas na bulalas ni Carol. Bahagya namang inilayo ni Sania ang cellphone sa tenga at napangiwi. Bakit ba ito bigla-biglang sumisigaw? "Oo nga—" "Teka! Ano ang pangalan ng kompanya na nakalagay diyan sa business card na ibinigay niya?" "Uhh.... Inffinix Global—" "Bakla ka!" sigaw ulit nito sa kabilang linya. "Magkita nga tayo dito sa mall. Tutulungan na rin kitang humanap ng damit na gagamitin mo sa interview. See you, okay? Bilisan mo. Bye!" anito at ibinaba ang tawag. Wala na siyang choice kundi ang magbihis at pumunta sa mall gaya ng sinabi nito. Alas sais pa lang naman ng gabi. Pagkatapos niyang magkwento kay Carol ay binigyan siya nito ng mahinang sabunot sa buhok. Kandahaba rin ang nguso nito at halatang nainggit. "Iba talaga ang maganda, 'no? Lapitin ng swerte. Pero payong kaibigan lang, bakla. Mag-iingat ka doon lalo na at hindi basta-bastang tao ang mga makakasalamuha mo kapag nagtrabaho ka doon," puno ng pag-aalala na wika ng kaibigan. Siya naman ay nanatili pa ring lutang sa mga impormasyon na ibinigay sa kanya ni Carol tungkol kay Logan Bustamante. Isa sa mga pinakamayamang personalidad sa bansa. Ang pinakabata at pinaka- successful na businessman sa kasalukuyan. Sa edad na bente-otso ay umaabot na sa billiones ang net worth nito. Hindi pa doon kasali ang yaman at ari-arian ng buong pamilya nito. May halong banyaga ang binata at ayon na rin kay Carol ay sa America naka-base ang mga magulang nito at ng mga negosyo. "H-Huwag na lang kaya akong tumuloy?" kinakabahan niyang wika. Bigla siyang na-intimidate. Hindi niya alam na ganun pala makapangyarihan ang taong nilandi-landi niya kaninang umaga. Dumagdag pa sa agam-agam niya na baka pinaglokoko lang siya ng lalaki. Sa estado nito, kayang-kaya nitong makakuha ng high class na secretary, hindi iyong namumulot na lang sa kalye. "Ano ka ba," sita ni Carol sabay hila sa kanya papasok sa department store. "Diba sabi nga niya ay kukunin ka niyang secretary? Ang mga ganung klase ng tao ay hindi mag-aabala ng panahon para lang mang-trip ng ibang tao." "Paano kung malaman niyang highschool graduate lang ako? Paano kung—" "Ssshh!" Pagpapatigil ni Carol sa paglilitanya ng kaibigan. "Basta pupunta ka sa interview mo sa Lunes, maliwanag? Kung ayaw niya sa credentials mo eh di ayaw. Basta subukan mo lang. Matagal na tayong magkaibigan kaya alam kong may swerte ka. At tsaka malaki ang sahuran sa mga kompanyang ganun kahit guard lang. Pagkakataon mo na ito para makapag-ipon muli para sa iyong pag-aaral," mahaba nitong litanya habang namimili ng damit para sa kanya. Nasa tabi lang siya ng kaibigan at sunod-sunod na bumuntong hininga. Tama ito, kailangan niyang subukan kahit na alam niyang dehado siya. Kailangan niyang ibalik ang fighting spirit niya! Ngumiti na siya at tinulungan na niya ito sa paghahanap ng damit. "Nabighani siguro siya sa taglay kong ganda," biro niya na siyang ikinatawa nito. May palagay si Carol na ganun nga ang rason. Madaming nagkakagusto sa kanyang kaibigan dahil sa taglay nitong ganda. May halo kasi itong espanyol dahil sa ama. Umiibabaw ang natural nitong itsura kahit na itabi mo pa sa mga naka makeup. Ilang beses na nga rin itong nilapitan at inalokan ng pagmomodelo o artista pero tinatanggihan nito. Mahirap makipagsapalaran sa ganung mga industriya kung wala kang kakilala. "Baka nga," sakay naman niya sa kaibigan na nangingiti. "Baka naghahanap yun ng babaeng aanakan, tapos aalukan ka ng contract marriage pagkatapos ay papipirmahin ka ng divorce papers kapalit ng milyones." Parehong humagalpak ng tawa ang dalawa. Mahilig kasi silang manuod ng mga drama at teleserye kapag wala silang ginagawa. "Ang iksi naman iyan!" naalibadbaran na turan ni Sania sa skirt na napili ng kaibigan. Sa kanilang dalawa ay ito ang mahilig magsuot ng mga maiiksing damit, crop top at mga mini shorts. "Above the knee lang ito. Ganito talaga ang suot ng mga office girls. Alangan namang magsuot ka ng slacks? Babae ka, friend. Dapat palda ang ginagamit mo," pagpupumilit nito. Puro bangayan ang ginawa nila sa department store pero sa huli ay ito pa rin ang nasunod dahil ito ang magbabayad. Bayaran na lang daw niya kapag sumahod na siya. Dalawang pares ng uniform ang nabili nila at isang two inch kitten heel. Sa labas na rin sila kumain at ito rin ang nagbayad. Kahit hindi niya sabihin ay alam nitong tight budget siya dahil sa tuition f*e ng kapatid niya. "Salamat ha," aniya bago sila maghiwalay. "Promise, babayaran din kita dito sa mga pinamili natin kapag nakaluwag luwag ako." "Huwag mo nang isipin yan, friend. Alam kong makakaahon ka rin. Tiwala lang." Mahigpit silang nagyakap bago maghiwalay. Nagpapasalamat siya at nakatagpo siya ng tunay na kaibigan na napagsasabihan niya ng lahat-lahat ng problema niya. Pagkauwi ni Sania sa kanyang apartment ay sakto namang tumunog ang cellphone niya. Si Yngrid ang tumatawag. "Ate! Itinakbo namin si lola sa hospital dahil bigla na lang nawalan ng malay. Hinahanap ka niya at gusto ka raw niyang makita."Dalawang araw ng bumabagyo at hindi siya makabalik sa kanyang apartment dahil doon. Walang biyahe ng bus o kung ano mang mga pampasaherong sasakyan pabalik ng siyudad.Napabuntong hininga si Sania at nangalumbaba sa bintana, pinapanuod ang bawat malalakas na patak ng ulan. Lunes ngayon. Ito ang araw ng interview niya ngunit heto siya at stranded sa kanilang bahay. Nakapaghanda pa naman na siya para sa araw na ito ngunit meron palang ibang plano ang tadhana para sa kanya. "Pasensya ka na talaga, apo. Hindi ka tuloy nakapunta sa interview mo dahil sa akin." anang Lola niya na tumabi sa kanya sa sofa. Bakas din sa mukha nito ang panghihinayang.Ngumiti siya dito upang ipasiguradong okay lang. Wala naman siyang sinisisi sa nangyari. Naiintindihan niya ang kagustuhan nitong makita siya dahil halos dalawang buwan na siyang hindi nakakadalaw sa mga ito. Ang mahalaga sa kanya ay makita itong malakas at malusog na."Huwag mo nang isipin iyon, 'La. Ang mahalaga ay magkakasama ulit tayo. Ayaw n
"What is happening to you, Logan? Hindi ka naman dating ganito," maktol ni Stacey nang walang pasabing umalis ang binata sa kanyang ibabaw.Pabagsak naman na humiga si Logan sa kama at mariin na ipinikit ang mga mata. Sa tanang buhay niya ay ngayon lang siya naging ganito. He can't get hard. Damnit!Kahit anong pangroromansa ang ginawa sa kanya ni Stacey ay wala pa ring reaksyon ang kanyang pagkalalaki na siyang labis niyang ikinaiinis."Come on, Logan. Kating-kati na ako dito. Dalawang oras na tayo dito pero hindi mo pa rin iyan napapatayo," himutok ni Stacey sabay sulyap sa nasa pagitan ng binata. Malaki pa rin iyon sa kabila ng kawalan ng gana."Will you shut up? Sa tingin mo ba ay ginusto ko ito?" sikmat ni Logan sa babae. Ayaw niya sa lahat sa mga babae ay talak nang talak at puro reklamo. He was hard earlier before he met up with her. Ngunit nang nasa kama na sila ay biglang nawalan ng buhay ang alaga niya. Marahas niyang hinablot ang towel sa gilid, itinali iyon sa bewang at
Pagkauwi ni Sania sa kanyang apartment ay nagkalkal siya sa kanyang drawer ng damit na maaari niyang gamitin sa interview niya sa lunes. Biyernes pa lang ngayon pero dahil sa excitement niya ay gusto na niyang paghandaan iyon.Naibalik din naman sa kanya ang nahablot niyang bag sa tulong ng mga autoridad na siyang laking pasasalamat niya. Sa sobrang praning niya ay binilang pa niya iyon dahil baka may kumupit. Charot.Naupo siya sa sofa at muling inalala ang naging engkwentro niya kanina sa gwapong lalaki. Ang daming kadaldalan ang lumabas sa bibig niya pero hindi man lang niya natanong ang pangalan nito."Bestie, meron ka bang damit pang office diyan na nakatago? Hihiramin ko sana," tawag niya sa kaibigang si Carol. Wala siyang makitang magandang damit pang interview. Ngayon lang niya napagtanto na halos wala man lang siyang mabiling gamit para sa sarili. Karamihan sa mga damit niya ay sobrang luma na, kumukupas na ang kulay at ang iba naman ay may butas-butas na.Napakagat ng labi
"What happened?" tanong ni Logan nang marahas na tumigil ang sasakyan. Hindi siya nag-abalang tumingin kung ano ang nangyari at tutok lang sa hawak na cellphone, naiinis sa nabasang mensahe galing sa ina."B-Boss, may nabangga ata ako..." kinakabahan naman na wika ng driver na si Vince."Patay ba?" malamig ulit na tanong ni Logan na siyang lalong ikinaputla ng driver. Kahit kailan talaga ay walang pakialam itong boss niya."H-Hindi ko po alam. Teka at titingnan ko," natatarantang wika ni Vince. Akma na sana siyang bababa nang biglang tumayo ang babae at sinugod ang sasakyang kinalalagyan nila. Sa takot ay dali-dali siyang pumasok ulit at ini-lock ang kotse.Malakas na hinampas ni Sania ang salaming bintana at matalim na tinitigan ang driver mula sa loob. Parang sasabog ang puso niya sa matinding kaba sa nangyari. Hindi niya alam kung may sugat ba siya o ano pero wala na siyang pakialam doon."Hoy, bumaba ka diyan at harapin mo ako! Reckless driving ka ah. Muntik mo na akong sagasahan!
"Ate, huwag mo sanang kakalimutan yung kakailanganin kong tuition para bukas, ha? I love you!"Napabuntong hininga si Sania matapos mabasa ang text message galing sa nakababata niyang kapatid na si Yngrid. Exam kasi nito bukas kaya kakailanganin na nilang bayaran ang remaining balance nito sa paaralan. Fourth year college na nito sa kursong nursing. Sobrang gastos ng kurso na kinuha ng kanyang kapatid, pero dahil sa nakikita niyang kagustuhan nitong makapagtapos ay sinuportahan niya ito kahit na halos wala ng matira pa sa kanya.Ulila na silang magkapatid sa mga magulang at tanging ang lola na lang nila ang karamay nila sa buhay. Isa iyon sa dahilan kaya natigil siya sa pag-aaral. Highschool graduate lang siya at hindi na nakatungtong pa sa college sa kawalan ng pera at suporta. Kaya imbes na magpatuloy ay naghanap na lang siya ng trabaho upang mapag-aral ang kapatid. Nagbabalak pa rin naman siyang ipagpatuloy ang kolehiyo kapag nakatapos na ito, kaya kahit kaunti o barya lang ang







