LOGINArcher's PoV
BAGO ang araw ng birthday party ni Anya, dumating sa bahay ko si Eliza. Katulad ng dati, punong-puno na naman ito ng kaartehan sa katawan. May suot na mamahaling diamond necklace, mga bracelets at earings. Bitbit pa nito ang Himalayan limited bag collection nito na nagkakahalaga ng dalawang milyong piso. Nakasuot ng designers clothes na nanggaling pa sa Paris at high heels na nasa dalawang pulgada ang taas. Nakipagbeso sa akin si Eliza. “Hindi ka pa rin nagbabago, Archer. Seryoso ka pa rin, at mainitin ang ulo. Tatanda kang malungkot at mam@matay na malungkot dahil sa ugali mong iyan.” Umupo si Eliza sa couch at tinawag ang mga katulong ko sa bahay para pagsilbihan ito. Inayos ko ang black suit ko at umupo sa couch na kaharap ito. Sumandal ako sa couch, nag-cross legs at tumingin sa smart watch ko. “Wala pa rito si Anya, ang sabi niya sa akin sa condo muna siya magi-stay ng ilang araw kasama ang matalik niyang kaibigan,” malamig na sabi ko sa kanya. “Kaibigan? Isang babae ba na ka-level natin ang pamumuhay o isang babae na mas mahirap pa sa daga.” Nagsalubong ang aking mga kilay sa sinabi nito. “Hindi ko pinapakialaman kung sino ang mga kaibigan ni Anya dahil buhay niya iyon. At kung saan siya masaya, sinusuportahan ko siya. Unlike you na palagi na lang busy sa career. Mabuti nga ngayon mo at inaasikaso mo ang birthday party ng anak natin.” Pinanlakihan ng mga mata si Eliza dahil sa mga sinabi ko. “Archer…” Tumayo ako at inayos muli ang aking suot na black suit. “Marami pa pala akong dapat na gawin sa office. Mag-stay ka rito sa bahay kung gusto mo, at hintayin mo si Anya na dumating. Huwag na huwag mo lang siyang pagbabawalan na gawin ang mga gusto niyang gawin. Naiintindihan mo ba ako, Eliza?” matiim na tanong ko sa kanya. Napalunok naman ito at napantango. Tuluyan na akong umalis kahit na tinawag pa ni Eliza ang pangalan ko. Hindi na ako interesado pa sa kanya dahil tapos na ang anumang uganayan namin. Alam ko kung bakit gustong ilapit ni Eliza ang loob nito sa anak namin para sa akin… umaasa siya na makikipagbalikan ako sa kanya. Kung noon baliw na baliw ako kay Eliza dahil sa taglay nitong alindog at ganda. Ngayon wala na akong nararamdaman kun’di galit at pagkamuhi sa kanya. HABANG nagdra-drive ako patungo sa kompanya ko ay nakita ko sa may pedestrian lane si Scar. Tumigil ako sa pagdra-drive at nang makatawid na ito ay sinundan ko siya. Napansin niya ako dahil nakababa ang roof ng sasakyan ko. Itinaas ko ang suot kong round black shades at nginitian ang dalaga. Inihinto ko ang sasakyan ko sa tapat niya. Pansin ko sa mukha ng dalaga na namumugto na naman ang mga mata nito. Mukhang ginabi-gabi na nito ang pag-iyak. Tumingin ako sa kanya mula ulo hanggang paa. Nakasuot ng tattered jeans at white na blouse ang dalaga. Napansin ko rin ang lumang kulay itim converse shoes na suot nito. “Sir, nasa gilid na ako ng daan. Hindi mo na ako mababangga rito kaya bakit ka pa huminto?” mataray na tanong niya sa akin. Napalunok ako at iniwasan ang tingin nito. “Ba-Bakit ka kasi naglalakad? I mean.. malayo pa ang coffee shop na pinapasukan mo, hindi ba? Gusto mo bang sumabay? P'wede naman kitang ihatid at hindi naman kita sisingilin ng pamasahe,” nakangiting pang-aalok ko rito. “Hindi na kailangan, sir. May dalawa akong paa, may dalawang mata at kaya kong maglakad. Maraming salamat na lang po sa kabutihang loob ninyo, sir. Mag-iingat po kayo palagi at huwag muna kayong kunin ni Lord.” Naglakad na siya palayo sa akin. Natatawa akong napailing sa pang-aasar niya sa akin. Hindi siya natatakot sa akin at nakakatuwa iyon. Mukhang sinasadya na yata ng pagkakataon na magkita kaming dalawa ni Scar. Bigla akong nagkaroon ng interest na alamin kung sino siya. Kung saan siya nag-aaral. Kung saan siya nakatira. At kung bakit siya nagtratrabaho sa coffee shop. Gusto ko siyang tulungan para makabawi man lang ako sa ginawa kong panghuhusga sa kanya. Tumunog ang cellphone ko at idinerekta ko na iyon sa earpods na nasa tenga ko. “Yes, sweet heart?” nakangiting tanong ko sa kabilang linya bago magpatuloy sa pagdra-drive. “Dad! May maliit akong problema. Kailangan ko ng dagdag na allowance. Ibibili ko ng damit ang best friend ko para may magamit siya bukas sa birthday party ko. And also… high heels. Please… dad?” “Hindi kaya umaabuso ang ang kaibigan mo? Marami ka namang mga damit na hindi mo isinusuot bakit hindi na lang iyon ang ibigay mo sa kanya? Hindi naman yata tama na ikaw pa ang bibi—” “Daddy! Para ko na kayang kapatid si Scarlet. Hindi ko naman hahayaan na pinaglumaan ko na lang ang ipasuot ko sa kanya. At isa pa, allowance ko naman ang gagamitin ko na pambili. So, please, Dad,” malambing na sabi pa nito sa akin. Nasapo ko na lang aking noo. “Okay. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Ayoko namang magtampo ka sa akin. Itra-transfer ko na kaagad ang pera sa Money Account mo. Huwag kang ma-late, okay? At umuwi ka na mamaya sa bahay. Hinihintay ka roon ng mommy mo.” “I love you so much, Dad. You're the best Dad!” natutuwang sigaw pa nito sa kabilang linya. Kailangan ko na ring kilalanin kung sino ba talaga ang Scarlet na iyon na kaibigan ng aking anak.Scarlet’s PoV“HUWAG ka na ngang umiyak diyan!" Okay na ako bestie. Thankful ako sa daddy mo dahil nakita ako ng mga tauhan niya.” Bumitaw sa pagkakayakap sa akin si Anya habang umiiyak.“Kapag may nangyaring masama sa iyo baka hindi ko na buhayin pa si Tommy! Nakakainis siya! He’s devil! Akala ko pa naman mabait siya iyon pala nasa loob ang kulo!” Gigil na gigil na sabi pa ni Anya.“Akala ko nga rin mabait siya. Kalimutan na lang natin ang nangyari. Tama ang daddy mo, bestie. Huwag tayong basta-basta nagtitiwala sa iba. Lesson na ito sa ating dalawa. Paano nga pala ang trabaho ko sa coffee shop kung isasama mo ako sa vacation house ninyo? Wala akong gagawin doon? Hindi ako p’wedeng magbuhay prinsesa na kagaya mo. May mga bills akong binabayaran at saka malapit na ang OJT natin baka mamaya wala akong maipambayad, no. Ang mabuti pa, samahan mo na lang ang daddy mo para naman magkaroon kayo ng bonding together.”Pinahid ni Anya ang luha sa mga mata nito. “Magkano ba ang kailangan mo? F
Archer‘s PoVBUHAT-BUHAT ko si Scarlet at ipinasok ko siya sa isang VIP Room. Inihiga ko siya sa malambot na kama. Tinitigan ko ang mukha ni Scarlet at natukso ako na hawakan ang pisngi nito.“Boss, ako ang gagawin namin kay Tommy Valentino?” seryosong tanong ng isang tauhan ko.“Bigyan ninyo siya ng choice. Ang lumayo para mabuhay o ang kamatay@n niya kapag nagpakita pa siya ulit sa anak ko at kay Scarlet!” matigas na sabi ko habang nakakuyom ang aking isang kamay.“Areglado, boss.” Lumabas na ang mga ito sa loob ng kuwarto. Naiwan kami ni Scarlet sa loob. Nanatili akong nakatingin dito at hindi ko maiwasan na mainis.Mabuti na lang at nakita ng mga tauhan k ang ginawa ni Tommy dahil kung hindi baka tuluyan na itong napahamak.Mayamaya pa nagising na rin si Scarlet. Nagulat pa siya nang makita ako.“A-Anong ginawa mo sa akin?” mabilis na tanong nito at saka kaagad na bumangon sa kama. Tinakpan pa nito ng unan ang sarili.“Hindi ka ba magpapasalamat dahil iniligtas na naman kita, Scar
Scarlet’s PoVNANDITO ako ngayon sa may lobby ng isang luxurious hotel kung saan idaraos ang birthday ni Anya. Hindi ako mapakali habang nakatingin ako sa mga tao na nasa paligid ko. Nakakaramdam ako ng kaba at nerbyos dahil ito ang unang araw na a-attend ako ng isang bonggang birthday party.Nagtungo ako sa seventh floor ng hotel kung saan ang venue ng birthday party ni Anya. Pagpasok ko pa lang sa sliding glass door nakita ko na ang aking kaibigan na nakaupo sa malaking silya na napapalibutan ng magagandang bulaklak. Ang set up ng birthday party floral designs at color white and pink lang ang design. Pakiramdam ko nga ngayon nakapasok ako sa birthday party ng isang prinsesa.Imbes na lapitan ko si Anya ay minabuti ko na lang na tumayo sa may sulok. Maraming bisita ang mga kaibigan ko, mga sikat na celebrities at kilalang mga politicians.Mayamaya pa nagdesisyon na lang ako na lumabas ng venue. Nagtungo ako sa may hallway at nagpunta sa may balcony. Natatanaw ko ang buong El Salvado
Archer's PoVBAGO ang araw ng birthday party ni Anya, dumating sa bahay ko si Eliza. Katulad ng dati, punong-puno na naman ito ng kaartehan sa katawan. May suot na mamahaling diamond necklace, mga bracelets at earings. Bitbit pa nito ang Himalayan limited bag collection nito na nagkakahalaga ng dalawang milyong piso. Nakasuot ng designers clothes na nanggaling pa sa Paris at high heels na nasa dalawang pulgada ang taas.Nakipagbeso sa akin si Eliza. “Hindi ka pa rin nagbabago, Archer. Seryoso ka pa rin, at mainitin ang ulo. Tatanda kang malungkot at mam@matay na malungkot dahil sa ugali mong iyan.” Umupo si Eliza sa couch at tinawag ang mga katulong ko sa bahay para pagsilbihan ito.Inayos ko ang black suit ko at umupo sa couch na kaharap ito. Sumandal ako sa couch, nag-cross legs at tumingin sa smart watch ko.“Wala pa rito si Anya, ang sabi niya sa akin sa condo muna siya magi-stay ng ilang araw kasama ang matalik niyang kaibigan,” malamig na sabi ko sa kanya.“Kaibigan? Isang babae
Archer‘s PoVABALA ako sa pagpirma ng business proposals para sa mga suppliers ng Fierro Distilled Water at Energy Drinks nang tumunog ang cellphone ko sa bulsa ng suot kong black suit.Kahit na busy ako ay sinagot ko pa rin ang tawag na iyon. Iniipit ko iyon sa pagitan ng aking tenga at balikat.“Yes, hello?” mahinang usal ko habang hinihintay na sumagot ito.“Daddy!” boses ng aking anak na si Anya. Malakas ang pagkakatawag niya sa akin ng daddy na halos mabingi ako. Binitawan ko ang hawak kong ballpen at isinandal ang likod sa leather chair ko. Sa tono ng boses ng anak ko mukhang may problema na naman ito. Napahawak ako sa aking sintido at hinintay ang iba pang sasabihin nito sa akin.“Dad, hindi na muna ako uuwi sa bahay this week. Kailangan kasi ako ng best friend ko, muntik na siyang mam@tay. And I can’t loose her. I love her so much, dad. So, I decided na mag-stay na lang muna dito sa condo ko para makita ko siya at baka magpak@matay pa siya ulit. Masiyado pa siyang bata at Mara
Scarlet's PoV"KAILAN MO PA ako niloloko, Vic?!" nanginginig sa galit na tanong ko sa aking boyfriend.Kumalas ang babaeng kahalikan nito at yumakap pa sa bewang ng boyfriend ko. Nginisihan niya ako at tinignan mula ulo hanggang paa."Who is she, babe?" malanding tanong ng babae kay Vic habang nakatingin sa akin."She's my old friend babe," sagot ni Vic na nginisihan pa ako."Walang hiya ka!" umiiyak na sigaw ko at saka sinugod na ito.Itinulak ako ni Vic nang malakas at napaupo ako sa gilid ng pader. Malakas ang akong pagkakabagsak."Scarlet, matagal na tayong tapos. Sinabi ko naman sa iyo kung hindi ka ready na ibigay ang gusto ko hindi na kita mahihintay. Hindi na uso ngayon ang pagiging Maria Clara! Tapos na tayo, Scarlet!" Tinalikuran ako ni Vic."Please." Hinabol ko pa siya at lumuhod sa kanyang harapan. "Mahal na mahal kita, alam mo iyan."Sinipa naman ako ng babaeng kasama nito. "Poor girl!" singhal nito sa akin."Scarlet, humanap ka na lang ng ibang lalaki na babagay para sa







