LOGIN
Islaine's Point of View
Hindi ko kayang tingnan ang aking sarili sa harap ng salamin habang inaayusan ako ng buhok ng aking hairstylist. May sapat na liwanag naman galing sa ilaw na nakapalibot sa amin, pero parang naninilim ang aking paningin. I've been holding back my tears the moment I sat in this make up chair and I have to hold a little longer para hindi masira ang make up na nilagay sa mukha ko. “Ikaw 'ata ang pinakamagandang bride na inayusan ko,” dinig kong sabi ng hairstylist, pero parang wala lang iyon sa akin. Pumasok lang iyon sa kanan at kaagad ding lumabas sa kaliwa. I can't pay attention to whatever she says since my brain is already preoccupied. I tried to distract myself by recollecting some of my favorite unforgettable memories, but the most disgusting scene I ever witnessed in my entire life kept playing in my head. “Fūck it! You're so tight!” “I will keep on poūnding your sweet pūssy until you beg me to stop.” Ilan lang iyon sa mga salitang narinig kong sinabi ni Mathias, my fiancé, habang umuulos sa nakatihaya at nakabukakang wedding coordinator namin kagabi. They were both naked, sweats dripping all over their body as they shamelessly enjoyed themselves on a bed. Dapat sana ay sumigaw ako at sinugod sila. Pero nanatili lang akong nakatago sa likod ng pinto—nakasilip at nakatakip ang bibig habang pinapakinggan ang malakas nilang palitan ng ungol. Ayon sa paniniwala, bawal daw magkita ang babae at lalaki sa gabi bago ang kasal nila. Sinunod namin iyon ni Mathias kung kaya'y sa condo namin siya magpapalipas ng gabi. Pero dahil hindi ko kayang matiis na hindi siya makita, I swallowed enough courage, para i-surprise siya. Turns out, ako pala itong masu-surprise. He was supposed to be spending the night with his groomsmen, not with our wedding coordinator. Nang hindi ko na kayang pakinggang ang kababuyan nila, napagdesisyunan kong umalis na sa condo at umuwi sa bahay na tinitirhan namin para mag-empake. I didn't cry. Hindi ko hinayaang may masayang na butil ng aking luha para sa lalaking katulad niya. I was supposed to run away last night, but I thought of giving them my bittersweet revenge during our wedding. “Ma'am?” Isang tapik. “Ma'am!” Tapik ulit. Saka lang ako nahimasmasan sa pangalawang tapik sa aking balikat ng hairstylist. Hindi ko alam kung malakas iyon, pero sapat na iyon para makuha nito ang atensyon ko. “Uhm . . .” naguguluhan kong sabi, napasulyap sa kaniya pero hindi siya tinitingnan sa mata, “you were saying?” Napangiti lang siya at saka naglakad ulit patungo sa aking likuran. “Ang sabi ko po, tapos na.” Napatingin ako sa salamin hindi para tingnan ang aking sarili, kung hindi para tingnan ang repleksyon niya. “Excited na excited na siguro kayo sa kasal niyo,” dagdag pa nito. She was right and wrong. Yes, I am excited, pero hindi para sa kasal. Kalaunan, sabay kaming napasulyap sa pinto nang marinig ang boses ng wedding coordinator. “Ready for your gown, Ma'am?” malumanay at magalang nitong tanong. Ibang-iba sa pagal niyang mga ungól kagabi. Napakuyom ako bilang pagpipigil lalo na't malapit lang sa akin ang hair blower. Baka mahampas ko ito sa kaniya. “Yes, I am,” nakangiti ko namang sagot at napatayo. Hinintay niya ako sa may pintuan kung kaya'y dali-dali akong lumapit sa kaniya. Dahil suot ko na ang aking bridal sandals, sinadya kong apakan siya—pinatama ang heel sa paa niya. Nilagpasan ko siya na parang walang nangyari at nang mapalingon ako sa kaniya, nakaupo na ito habang hinahawakan ang naapakan niyang paa. The left corner of my lips raised as satisfaction filled my stomach. Napaisip ako kung alin ang mas masakit—Mathias' dīck or the heel? I can vouch that it's the latter. ------ Kahit na nakaupo, randam ko ang bigat ng suot kong wedding dress. The first time that I wore this after its completion, all I felt was comfort. Binibilang ko pa nga ang araw kung kailan ko ito maisusuot ulit dahil gustong-gusto ko ang pakiramdam no'n. Pero ngayon, binibilang ko na ang minuto kung kailan ko ito mahuhubad. Kung wala lang videographer at photographer, baka pumasok ako ng sasakyan na hindi ito suot. Napatingin ako sa rear view mirror ng sasakyan nang pumasok na ang driver ng bridal car. Napangiti pa ito sa akin at napasipol, may sinunusundang tono ng kanta. “Sa wakas, dumating na rin ang pinakahihintay mo, Ma'am,” wika nito at pagkatapos ay binuhay na ang makina ng sasakyan. “Wala na itong atrasan, ha?” Kaagad din naman akong napasagot, “Wala na. Buo na ang desisyon ko.” Habang binabaybay namin ang daan, tumunog ang aking cellphone at kinuha ko iyon mula sa pouch na nakapatong sa katabi kong upuan. Someone's calling and I'm expecting it to be my mom. And I was right. “Islaine, are you on your way now? Everything is set already,” sambit nito sa kabilang linya. Naririnig ko ang parang bulungan, mukhang nandoon na nga talaga ang mga dadalo. “Yes, Mom. I'll be there at the expected time of arrival,” sagot ko naman. Napangiti ako para magmukhang masaya, bago sumeryoso uli ang mukha. “Okay, darling. I'll inform the coordinator,” tugon naman nito. The word coordinator is now considered a curse in my vocabulary. “I love you.” “I love you too, Mom,” sagot ko bago ibaba ang tawag. Napatingin ako sa kalsada. Everything is familiar. “Ma'am malapit na po tayo,” wika ng driver. Hindi na ako sumagot dahil alam ko naman na iyon. Napalingon ako sa aking likuran at nakita ang nasa dalawang sasakyan na papunta rin sa venue. Galing kay Mathias ang text. “I can't wait to see you, babe.” Nag-type lang ako ng reply, pero hindi ko na muna iyon s-in-end. Sa halip, ibinaling ko ulit ang aking atensyon sa kalsada. Nakikita ko na sa kalayuan ang simbahan. Napahawak ako sa aking engagement ring. Naglaro ulit sa aking isipan noong araw na nag-propose siya sa akin sa concert ng isang international artist. I was the happiest girl during that night. Napahinga na lang ako nang malalim nang maramdaman ang nagbabadyang pagtulo ng aking luha. “Not worth it,” I reminded myself. Napasulyap na lang ako muli sa rear view mirror at saktong napatingin sa akin ang driver. “Kuya, 'yong bouquet at 'yong envelope,” wika ko nang unti-unti nang bumagal ang takbo ng sasakyan. Inabot din naman sa akin ng driver ang hinihingi ko. Sobrang lapit na namin sa simbahan. Kaagad kong tinanggal ang aking engagement ring. at pagkatapos ay ibinaba ang bintana ng sasakyan. May nakikita akong may nakabantay sa labas, naghihintay sa aking pagbaba. Kumaway pa ang mga ito, lalo na ang videographer na nakahanda nang kunan ako kapag bumaba na. Napangiti naman ako, pero sa halip na mapahinto, saglit lang na bumagal ang takbo ng sasakyan sa tapat ng simbahan para magkaroon ako ng pagkakataon na itapon ang bouquet, engagement ring at ang mga litrato na nasa loob ng envelope kanina. Guess what those pictures were? Siyempre, ang mga kuha ko habang may kababuyang ginagawa si Mathias at ang wedding coordinator. Pagkatapos no'n, pinaharurot na ng driver ang sasakyan—ang isa sa mga kasabwat ko. Nakahinga ako nang maluwag. Ngayon ay oras na para magpakalayo-layo at hindi na magpakita pa sa kanila. Habang mabilis ang takbo ng sasakyan namin, nag-ring na naman ang aking cellphone. Tumatawag si Mathias.Islaine's Point of View“Kanina ka pa ba nagising?” tanong sa akin ni Uncle Nereus nang makapasok siya sa loob ng bahay. Nang makita ko siyang bumaba sa bangka at naging abala roon, pumasok na ako. Ayaw kong isipin niyang binabantayan ko siya o hindi kaya ay hinihintay ko ang pagdating niya.Nandito ako sa tapat ng mesa, nagpupunas. Hindi ko na mabilang kung ilang punas ko na itong nagawa. Nakatutok ang mga mata ko sa basahan, pero dahan-dahan din itong naglakbay patungo kay Uncle Nereus nang marinig ko ang tanong niya.Hindi pa rin siya nagdamit. Nakasabit lang iyon sa balikat niya. Ngayon ay mas nakikita ko nang malinawan ang detalye ng brusko niyang pangangatawan. Tinapunan ko ng tingin ang kamay niyang may bitbit na balde. Ang laki ng braso niya at maugat.Para akong napapitlag nang mapatikhim siya. “Islaine?”Napatikhim din ako at saka napalunok. Kagyat lang akong napatingin sa kaniyang mukha. His brows met each other, forehead creasing.“A, kanina pa po,” sagot ko na lamang at t
Islaine's Point of View I could feel the weight of my eyelids upon opening my eyes. Kahit na tinatamad pa, napabangon na ako at napahawak sa aking tagiliran dahil sa sakit ng aking katawan. I have nothing to blame but this bed. Gawa ito sa kahoy at parang napaglipasan na ng panahon ang banig dito. Pero mas maayos na rin ito kumpara naman sa labas kung saan natulog si Uncle Nereus. Inayos ko muna ang aking hinigaan. Tinupi ang kumot at saka ipinatong sa ibabaw ng unan bago lumabas ng kuwarto. Alam kong umaga na dahil mainit na, pero medyo madilim pa rito sa loob dahil nakasirado pa ang lahat. Si Uncle Nereus naman ay tiyak akong nasa dagat na. Isa na siyang mangingisda, iyon ang sinabi niya sa akin kagabi. Pinaalalahanan niya rin ako na huwag magkuluwento sa kahit sino ng tungkol sa marangyang buhay na mayroon ang pamilya namin. Nagtungo muna ako sa may radyo at kinuha ang maliit at pabilog na salamin. Mugto pa ang aking mga mata at ang buhok ko naman ay medyo makalat—buhaghag. Inayo
Nereus Point of View Napamulat ako ng aking mga mata nang marinig ang pagtilaok ng mga manok. Kaagad akong napabangon at pansamantalang napaupo sa papag na siyang tinulugan ko. Dito ako sa labas ng kuwarto natulog, samantalang nasa loob naman si Islaine. Bahagya akong napainat at napahawak sa aking likuran. Masakit sa likod ang papag. Parang nangalay din ang mga hita ko dahil hindi naman malapad ang papag—mahabang upuan lang ito. Napatayo na ako at saka binuksan ang solar lamp na nakalagay malapit sa radyo. Maging ang radyong de baterya ay binuksan ko na rin. Alas kuwatro pa lang ng umaga at kapag ganitong mga oras, walang kuryente. Tuwing ala una ng hapon hanggang ala una ng madaling araw lang may kuryente rito. Naririnig ko na sa labas ang tila bulungan ng mga kalalakihang nag-uusap. Bagong umaga na naman, pero walang bago para sa mga katulad naming mangingisda. Gigising ng maaga at pupunta sa laot. Paulit-ulit, walang bago, pero puno ng pag-asa at saya. Habang tumutugtog ang Mag
Nereus Point of View“Tumakbo ka sa iyong kasal?” Hindi makapaniwala kong sabi nang magtapat si Islaine kung bakit siya narito. Napabuntong-hininga na lang ako at napahawak sa aking noo. “Bukas na bukas, kailangan mong bumalik sa inyo.”Kaagad siyang napailing at humakbang palapit sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko. Her hands were soft like cotton. Mas lalo lang ding nangibabaw ang kaputian niya nang mapahawak siya sa pulsuhan ko.Mula sa kaniyang kamay, naglakbay ang aking mga mata papunta sa kaniyang mukha. Kahit ayaw kong pansinin ang kagandahan niya, mahirap iyon ibalewala. Bumabagay lang ang kaniyang wavy na buhok sa mapungay niyang mata, matangos na ilong, kulay roses na labi at maliit na mukha. Pasimple naman akong napalunok nang bumaba ang aking titig sa napakalaking umbok sa kaniyang hinaharap. I know I shouldn't feel awkward, but I am too caught off guard for this. Not to mention that her cleavage is waving at me.“Uncle Nereus, ayaw ko nang bumalik doon. There's no way I'
Islaine's Point of ViewHindi pa tuluyang nakalubog ang araw kung kaya'y nakikita ko pa rin ang mukha niya. Hindi ako sigurado kung si Uncle Nereus ba talaga ito dahil hindi siya umimik nang sambitin ko ang pangalan niya. Kung boses ang pagbabasehan, alam kong si Uncle Nereus ko ito. Kabisado ko ang mababa, seryoso at ma-awtoridad niyang boses. Pero ang mukha niya—ang buong hitsura niya, ibang-iba sa Uncle Nereus na kilala ko.Ang dating maputi nitong balat na palaging nagtatago sa likod ng kaniyang suit at airconditioned na office na ay biglang naging kayumanggi. Iyon talaga ang una kong napansin. I wonder what he has been doing that made his skin more Filipino-looking. Ang kaniyang buhok naman ay katamtaman lang ang haba at tila hindi rin nasuklay nang maayos. Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang ilang puting hibla ng kaniyang buhok.But then his black and commanding eyes were still there. Expressive yet authoritative. Siya ang tipo ng taong kaya kang kunin sa simpleng tingin.
Islaine's Point of ViewIt's been two hours since I ran away. May isang oras pa na biyahe bago ako makarating sa port kung saan naghihintay ang private yacht ng kakilala ni Auntie Nympha. Sa palagay ko, alas tres na rin ng hapon. Bukod kasi sa ala una dapat ang kasal namin, pansin ko ring tilang hindi na ganoon kaliwanag ang araw.Napaisip akong tawagan ngayon si Auntie Nympha. Pero kung bubuksan ko ang aking cellphone, baka maunahan pa akong matawagan nina mommy bago ko matawagan si Auntie Nympha. Hindi pa kasi ako nakakapagpasalamat uli sa kaniya. Hindi ako makakatakas sa kasal na iyon kung ako lang.Panay tingin ako sa likuran ko kung may kahina-hinala bang nakasunod sa amin, pero wala naman. Kung sa bagay, ang alternative route na pili lang ang dumaraan ang dinaanan namin. Isinandal ko ang aking noo sa bintana ng sasakyan at napapikit.After arriving at the port, the private yacht will take me to another port, Bancalan Port, which will take a one-day trip. Pagkarating sa port nama
![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)






