Mag-log inHello po! I have other stories pa po na you can consider. Kung complete story tapos into office romance, you can read Bound To My Boss. Maraming salamat po.
Islaine's Point of View “Naghintay ako sa bahay kanina. Tapos noong anong oras na at wala ka pa, pumasok na lang ako,” pagsisimula ni Coraleene sa kaniyang kuwento. Kagagaling niya lang sa trabaho at dumiretso siya rito sa bahay para kunustahin ako. Nakaupo siya ngayon dito sa tabi ko, samantalang ako naman ay nakahiga pa rin. “Nagtatanong sila sa akin kung nasaan ka. Kung hindi pa pumunta sa resort si Mang Brendan, hindi naming malalamang nagkasakit ka pala.” Maayos na ang pakiramdam ko dahil nakainom na ako ng gamot. Walang tindahang mapagbilhan si Uncle Nereus, pero nakahingi siya ng gamot kay Perseus. “I wasn't expecting this. Akala ko 'di ako tatablan ng sakit,” wika ko naman. “Salamat pala sa pagbisita.” “So, bukas? Papasok ka na?” tanong niya sa akin, hinihimas ang aking kamay. I forced a smile. “Hindi ko pa alam. Pero malaki ang chance na pumasok na ako bukas.” “Alam mo na sa susunod, ha? Huwag ka nang magpapabasa sa ulan,” paalala ni Coraleene. Kung marinig 'to ni Uncle
Nereus' Point of View Napahawak ako sa aking noo at pagkatapos ay napapikit nang makarating ako sa bahay. Ang ilang butil ng aking pawis ay patuloy din sa pagtagaktak sa suot kong long sleeves. Hindi na kasi ako nagpalit kanina at dumiretso na ako sa paghahanap ng gamot. Ginising ko na ang mga may-ari ng nakasiradong tindahan at nalibot ko na rin 'ata ang buong isla, pero walang mapagbilhan. Huminga na lang ako nang malalim at saka pinakalma ang aking sarili, bago maglakad papunta sa may pintuan ng kuwarto. Dahan-dahan lang ako sa paglalakad dahil ayaw kong magising si Islaine, kung sakaling natutulog man siya. Maingat kong hinawi ang kurtina ng kuwarto at napadungaw. She's sleeping—still in the position of when I left her. Mabuti at nakatulog na siya. Hindi ko na kailangang tumabi pa sa kaniya. Sobrang hirap pa naman sa akin ang magpanggap na parang wala lang. Nagpalit na muna ako ng aking suot at saka nag-init ng tubig. Nag-isip na rin ako ng aking ibang gagawin katulad ng pagsab
Islaine's Point of View Nginitian ko ang dalawang foreign guests na nag-dine in pagkatapos kong maihatid sa mesa nila ang kanilang order. Akala ko ay makakaupo muna ako, pero biglang may ipinasang in-room dining sa akin. This is what I hate most. Ang hirap maglakad sa buhanginan nang may dalang pagkain. Hindi pa man ako tuluyang nakakaalis sa pavilion, napasulyap ako sa kalangitan at saka sa dagat. Lunch time na kung kaya'y dapat sana ay makakasunog na ang init ng araw, ngunit hindi sa mga oras na ito. Unti-unti na kasi iyong tinatakpan ng ulap. Walang duda, sigurado akong ano mang oras ay uulan. I should be worried, but I considered it a blessing. May naisip na naman kasi ako. Nagtungo na ako sa kuwarto para ihatid ang pagkain. Pero sa halip na bumalik na sa may kusina pagkatapos iyong maihatid, naglakad ako papunta sa kuwartong tinutuluyan ni Darya. I knocked three times, maybe four, before placing my ear against the door. There were no incoming footsteps or any kind of noise, le
Islaine's Point of View Hindi ako papasok ngayon. Iyon talaga ang unang bagay na naisipan ko nang mabasa ang reply ni Auntie Nympha sa akin tungkol sa tanong ko. Apparently, behind the lavish and luxurious life, Uncle Nereus has great love for simple things, in fish dishes. Iyon siguro ang dahilan bakit napunta siya rito dahil maraming isda. Maaga akong napabangon ngayon, kasabay lang din ng pagbangon ni Uncle Nereus, pero nauna siyang magtungo sa lamesa. “Hindi po ako papasok ngayon,” saad ko sa kaniya at naglakad papunta sa lababo para maghilamos at magmumog. “Bakit?” tanong niya at saka narinig ko ang pagbukas niya ng garapon ng kape. Pinunasan ko muna ang aking mukha bago sumagot. “Sasama po ako sa pagpunta ninyo sa laot.” It must have been the most shocking thing he has ever heard. Napakunot ang kaniyang noo, bahagyang napanganga, at muntikan pa niya mabitiwan ang garapon ng kape. “Ano? Seryoso ka ba talaga?” tanong pa niya. “It seems that you're half awake.” “Seryoso po
Islaine's Point of View “May nasagap akong tsismis,” saad sa akin ni Coraleene nang mapaupo siya sa tabi ko. Nandito kami sa may pavilion at walang problema kung paupo-upo lang kami dahil wala namang dine-in guests. Nagtaas ako ng aking dalawang kilay sa kaniya, curious sa nasagap niyang tsismis. “Baka sa susunod na linggo, simulan na ang meeting para sa preperasyon sa Tapyahay Festival,” nakangisi niyang sabi. I can see excitement through her flickering eyes. Biglang napakunot ang aking noo at nanliit ang aking mga mata. Sinubukan kong isipin at alalahanin kung narinig ko na ba ang ‘Tapyahay Festival’ na sinasabi niya. I haven't and I don't have any idea what that is. “Ano 'yan?” tanong ko sa kaniya na halatang ikinadismaya niya. Hindi maiguhit ang kaniyang mukha—nagtatagpo ang kilay, nakakunot ang noo, at ang labi ay parang isang pilit na ngiti na hindi ko maintindihan. Napabuntong-hininga siya at pagkatapos ay sumeryoso ang mukha. “Ito ha, nag-uusap ba kayo ni Mang Brendan s
Islaine's Point of View Hindi ko alam kung hanggang kailan lalabanan ni Uncle Nereus ang alindog at init na naibibigay ko sa kaniya. I know that a part of him wants my body too—to touch me, feel me, own me. At hindi ako titigil hanggang sa bumigay siya. I don't care how long it will take. “Si Miss Darya, umuwi na?” tanong sa akin ni Coraleene habang naglalakad kami pauwi. Dito kami sa may dalampasigan dumaan dahil maganda ang sunset. “Hindi ko na siya nakikita.” Napatango naman ako, tuwang-tuwa dahil naalala ko na namang wala rito sa isla si Darya. Sana mas matagalan pa siya sa inaasikaso niya roon para ako lang ang babaeng nasa buhay ni Uncle Nereus. “Mga dalawa o apat na araw na 'ata,” sagot ko pa, hindi sigurado. Nakalimutan ko na rin dahil nakatuon ang atensyon ko sa pang-aakit kay Uncle Nereus. “Sayang nga, e. Wala na akong immunity. Basta kasi kausap ko siya, walang nakakaangal kahit na wala akong ginagawa.” I lied. Hindi ako nanghihinayang. Okay lang maging abala ako sa t







