Share

CHAPTER 5

Penulis: Mayonaka_Kisaki
last update Tanggal publikasi: 2026-02-06 16:00:54

Luna's POV

Habang nakasandal sa dibdib ng aking asawang si Bryan ay hindi ko mapigilan ang mapahawak sa aking sariling dibdib. May kulang sa aming pagitan—isang bagay na pilit kong hinahanap ngunit tila hindi niya nararamdaman. Gusto kong iparamdam sa kanya ang nararamdaman ko, ngunit sarili lamang niya ang kanyang naiisip.

"Ayan..." mahinang buntong-hininga ko, hindi ko na alintana ang matinding pagod na nararamdaman dahil sa paulit-ulit na ganitong kaganapan sa aming relasyon.

Umupo si Bryan at dahan-dahang humawak sa aking mga balikat, habang pilit na nagpapakita ng lambing sa gitna ng katahimikan ng silid.

"Ganyan nga..." halos masabunutan ko ang sarili kong buhok habang naaalala kung paanong napakabilis niyang matapos at mawalan ng pagnanais na alalamin ang nararamdaman ko.

Hindi ko mapigilang buksan ang aking mga mata nang marinig ang kanyang malalalim na paghinga.

Mas lalo siyang sumandal sa kama habang hawak-hawak ang aking bewang. Hindi ko malaman kung paano magiging masaya, ang aking mga kamay ay humahanap ng suporta dahil anumang oras ay tila bibigay ang aking damdamin dahil sa matinding panghihinayang.

Gayunpaman, bago man lang ako makaramdam ng tunay na kasiyahan ay naramdaman ko na ang pagbibigay ng kanyang katawan at ang pagtatapos ng kanyang sariling pananabik.

"Ohhh..." buntong-hininga ng aking asawa bago ito tuluyang napahiga sa tabi ko.

"Ang sarap mo talaga, honey," humihingal na sabi nito sa akin habang dahan-dahang pumipikit at iniiwasan ang aking mga mata.

Hindi ko mapigilang ma-disappoint sa aking loob-loob dahil napakababaw ng kanyang pagtingin sa aming koneksyon. Gayunpaman ay dumapa na lang din ako sa kanyang tabi at hinayaang makapagpahinga ang kanyang katawan.

Ilang sandaling nakaganun ang aming pwesto bago siya tuluyang lumayo at humarap sa kabilang side ng kama, kasunod nito ang malamig na hangin sa silid na nagpaalala sa akin ng kawalan ng init sa aming relasyon.

Dahan-dahan akong bumangon nang marinig ko ang marahang paghinga nito. Tama nga ako—nakatulog na si Bryan. Hindi niya alintana na ako'y naiwang nag-iisa at naguguluhan. Sumakit lang ang aking dibdib dahil sa naramdamang pagkabitin at kawalan ng pansin mula sa kanya.

Mabilis kong kinuha ang aking nighties na nakatupi sa tabi at agad na isinuot ito dahil ako'y lalabas upang kumuha ng tubig. Hatinggabi na at tulog naman na siguro si Bryden, ang kapatid ng aking asawa na kararating lang dito sa Maynila kanina.

Marahan ang aking lakad na lumabas ng silid. Madilim ang hallway ngunit kitang-kita ko ang paglabas ni Bryden mula sa kanyang silid. Dahan-dahan niya itong sinarhan, at bahagya kong inayos ang aking mahabang buhok upang maging maayos ang aking hitsura bago lumapit sa kanya.

Dahil marahan ang aking lakad, hindi ito lumikha ng ingay. Nakita ko itong humarap ngunit hindi ko agad ito naiwasan.

"S-sorry…"

"Sorry!"

Sabay naming nasabi at saglit na nagtagpo ang aming mga tingin.

"Buti nagising ka na," mahinahon na sabi ko rito. "Nagugutom ka ba? Ipag-iinit kita ng ulam sa baba, tara."

Nakita ko ang bahagyang pagdaan ng hiya sa mukha nito, napakamot pa ito sa kanyang batok kaya hindi ko maiwasang matawa.

"Huwag na, Ate. Ako na," nakangiting sagot niya sa akin.

"Hahaha, ano ka ba. ’Wag ka nang mahiya. Tara na sa baba," natatawang sabi ko sa kanya. "Tulog na si Kuya mo. May kasabay ka sanang kumain."

Nauna ako ritong naglakad pababa, at mabilis naman kaming nakarating sa kusina. Agad kong binuksan ang ilaw at lumapit sa refrigerator.

Kinuha ko rito ang ulam na adobo na tira kaninang hapunan. Bigla namang bumalik sa isip ko ang nangyari kanina habang kumakain kami.

Flashback

"Honey, tawagin mo muna si Bryden," utos sa akin ni Bryan habang nakaupo at naghihintay na ihain ang pagkain.

"Sige, sandali lang," sagot ko sa kanya at nagpunas ng kamay saka ako nagmadaling umakyat.

Kinatok ko ang p***o ng silid ni Bryden.

"Bryden?" pagtawag ko rito, "Kakain na, baba ka muna."

Wala akong narinig na sagot kaya bumaba na rin ako.

"Mukhang mahimbing ang tulog ni Bryden, Honey," sabi ko kay Bryan, "Mamaya na lang, tirhan na lang natin siya ng ulam."

Ngumiti naman sa akin ang aking asawa, "Oo, sige. Baka pagod sa biyahe."

Nag-umpisa na akong maglagay ng pagkain sa hapag-kainan, habang si Bryan naman ay nag-umpisa nang kumain.

"Hon, parang ang tabang yata ng adobo mo," natatawang sabi ni Bryan.

Ngumiti na lang ako rito at nagpatuloy sa pagkain.

'Kung sana tinikman mo 'yung niluluto ko kanina noong pinatitikman ko sa'yo, 'di sana nalaman ko kung may kulang,' nasabi ko na lang sa aking isipan.

FLASHBACK END

Hinanap ko ang liquid seasoning upang timplahan ito muli. Ngunit napansin ko na ubos na pala ang laman ng bote. Tumingin ako sa taas dahil nasa itaas ng storage 'yung mga stocks.

"Bryden," dahil hindi ko abot, naisipan ko na itong tawagin. "P’wede mo bang iabot sa akin 'yung liquid seasoning? Ubos na pala ’tong nasa baba."

"Ah… oo," sagot niya sa akin at dali-daling tumayo sa kanyang pwesto.

Nakatingin lang ako sa kanya nang makalapit siya sa aking pwesto. Agad niyang kinuha sa taas ang seasoning at hindi ko naiwasang mapansin ang kanyang kaunting pagkabalisa at panginginig nang tumaas bahagya ang kanyang suot na sandong puti.

Doon ay nakita ko ang kanyang tindig at ang matinding tension sa kanyang katawan na tila labis siyang naiilang sa akin. Mabilis akong nagiwas ng tingin, ngunit sa pag-iwas ng aking tingin ay ang siyang pagtama muli ng aming mga mata sa isa't isa.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • His Brother's Wife   EPILOGUE

    Bryden’s POVIsang taon ang lumipas bago ko naisip na hindi pala lahat ng pag-uwi ay tungkol sa lugar.Minsan, tao.Minsan, sarili.Nasa maliit na café kami ni Luna sa Tagaytay nang araw na iyon, sa parehong lugar kung saan minsan niyang kinausap si Bryan tungkol sa mga bagay na hindi na nila kayang itago. Hindi iyon plano. Hindi namin sinadya. Pauwi sana kami galing sa probinsya matapos bisitahin si Nanay, pero biglang umulan, at si Luna ang unang nakakita sa signage.“Dito tayo,” sabi niya.Tumingin ako sa kanya. “Sure ka?”Tumango siya, hawak ang paper bag ng pasalubong ni Nanay. “Oo. Hindi naman multo ang lugar.”Hindi nga.Pero may mga lugar na marunong magtago ng lumang sakit sa ilalim ng magandang tanawin.Umupo kami sa may bintana. Sa labas, makapal ang hamog, halos lamunin ang kalsada. Si Luna ay nakasuot ng simpleng dress, may cardigan sa balikat, at nakasabit pa rin sa bag niya ang moon keychain na ibinigay ko noong birthday niya. Sa daliri niya, wala pa ring singsin

  • His Brother's Wife   CHAPTER 100

    Luna’s POVAnim na buwan ang lumipas bago ko muling natutunang tawaging payapa ang isang umaga.Hindi ibig sabihin naging madali ang lahat. Hindi ganoon kabait ang buhay. May mga papeles pa ring kailangang ayusin, mga pamilyang kailangang kausapin, mga matang kailangang tiisin, at mga gabing bigla na lang akong magigising na may bigat sa dibdib dahil may lumang alaala na dumaan nang hindi kumakatok.Pero hindi na ako tumatakbo.Hindi na rin ako nagtatago.Si Bryan at ako ay natutong mag-usap nang hindi laging may sugat na binubuksan. May mga araw na masakit pa rin, lalo na kapag napag-uusapan namin ang bahay, ang mga gamit, ang mga taon na hindi naman peke kahit natapos. Pero naging mabuti kami sa isa’t isa sa paraang kaya namin. Hindi perpekto. Hindi madali. Pero totoo.Noong huli kaming nagkita, iniabot niya sa akin ang isang folder ng papeles at isang maliit na paper bag.“Rice cooker?” biro ko, kahit may kaba sa dibdib.Napatawa siya. “Grabe ka. Hindi na ako uulit.”Nasa loob ang

  • His Brother's Wife   CHAPTER 99

    Bryan’s POVNakita ko sila.Hindi ko sinadya.At siguro, iyon ang mas masakit.Dapat hindi ako dumaan sa park na iyon. Dapat diretso na ako sa condo pagkatapos kong maglakad para palamigin ang ulo ko. Pero may mga gabing ang paa mo ang pumipili ng dadaanan bago pa makasunod ang isip. Nandoon ako sa kabilang side ng fountain, bahagyang natatakpan ng puno, nang makita ko si Luna.At si Bryden.Magkahawak ang kamay.Hindi sila nagtatago. Hindi rin sila nagpapakita. Parang dalawang taong pagod na sa dilim, pero hindi pa rin sanay sa liwanag.Nakita ko ang halik.Maikli lang. Hindi marahas. Hindi yung halik na puno ng kasakiman. Mas masakit pa nga dahil maingat. Parang pinangakuan muna nila ang mundo na hindi sila tatakbo bago nila hinayaang magdikit ang labi nila.Doon ko naramdaman ang huling piraso ng pag-asa ko na dahan-dahang bumitaw.Hindi siya sumabog.Hindi ako sumigaw.Hindi ko rin sila nilapitan.Tumalikod lang ako at naglakad palayo, habang sa dibdib ko may bagay na tahimik na n

  • His Brother's Wife   CHAPTER 98

    Bryden’s POVHindi ko alam kung gaano katagal kaming naglakad ni Luna sa park.Wala kaming malinaw na pupuntahan. Sinundan lang namin ang pathway na paikot sa fountain, dumaan sa ilalim ng mga punong may dahong kumakaluskos sa hangin, at paminsan-minsan, sabay na tumatahimik kapag may pamilyang dumadaan o batang tumatakbong halos sumalpok sa tuhod namin.Hawak ko ang kamay niya.Hindi mahigpit. Hindi rin alanganin. Sapat lang para maramdaman kong totoo siya. Sapat para malaman kong hindi ko siya guni-guni, hindi text sa screen, hindi lihim na binubulong sa dilim.Nandito siya.At pinili niyang lumapit.“Bryden,” sabi niya matapos ang mahabang katahimikan.“Hm?”“Kinakabahan ako.”Napatingin ako sa kanya. Hindi siya nakatingin sa akin. Nasa daan ang mata niya, pero ang daliri niya ay bahagyang humigpit sa kamay ko.“Ako rin,” amin ko.“Akala ko sasabihin mo, ‘huwag kang kabahan.’”“Hindi. Masama akong liar.”Doon siya napatawa, mahina, pero sapat para gumaan ang kabang nakahiga

  • His Brother's Wife   CHAPTER 97

    Luna’s POVTatlong linggo.Ganoon pala kahaba ang pagitan ng pagbitaw at paghinga.Sa loob ng tatlong linggo, hindi ako umuwi sa bahay namin ni Bryan. Minsan, dumadaan ako para kumuha ng gamit, pero hindi ako natutulog doon. Si Bryan naman ay nasa office condo niya. Hindi kami nag-away. Hindi rin kami biglang naging okay. Tuwing Linggo, nagkikita kami sa isang café na pareho naming hindi paborito, para walang alaala na madudumihan. Doon kami nag-uusap.Noong unang Linggo, puro iyak.Noong pangalawa, puro katahimikan.Noong pangatlo, doon namin unang nasabi ang salitang matagal naming kinatatakutan.“Separation.”Hindi legal muna. Hindi final sa papel. Pero totoo sa buhay.Kailangan naming humiwalay sa dating anyo namin para malaman kung may babalikan pa ba. At habang masakit sabihin, mas masakit aminin ang kasunod: hindi ko na hinahanap ang pagbabalik sa dating kami.Ang hinahanap ko ay sarili ko.At unti-unti, nahanap ko siya.Hindi buo agad. Hindi dramatic. Hindi yung tipong isang u

  • His Brother's Wife   CHAPTER 96

    Bryan’s POVHindi ko sinundan si Luna.Alam kong nasa labas siya kasama si Mara. Alam kong kailangan niya iyon, kahit may parte sa akin na gustong magmaneho papunta roon, hilahin siya pabalik, at sabihin sa kanya na dito siya dapat, sa bahay namin, sa tabi ko, sa buhay na pinili naming dalawa.Pero anong klaseng pagmamahal iyon kung kailangan kong bantayan para manatili siya?Kaya nanatili ako sa bahay.Mag-isa.Sa unang oras, naglinis ako. Hindi dahil madumi ang bahay, kundi dahil hindi ko alam kung saan ilalagay ang kamay ko. Inayos ko ang mesa, hinugasan ang isang basong malinis na, inayos ang unan sa couch, binuksan ang ref, isinara ulit. Para akong bisita sa sarili kong bahay.Doon ko lang napansin kung gaano karaming bahagi ng bahay ang may bakas niya.Hindi lang ni Luna.Ni Bryden din.May mug siyang naiwan sa pinakadulong shelf, yung kulay gray. May lumang resibo sa ilalim ng center table mula sa grocery na binilhan niya siguro noong wala ako. Sa kusina, may maliit na garapon

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status