LOGINThird Person's POV
"A-ah… salamat," mabilis na sabi ni Luna, sabay kuha sa seasoning na parang iyon lang ang mahalaga sa sandaling iyon.
Nanlalamig ang batok ni Bryden. Parang gusto niyang lumubog sa sahig sa sobrang hiya.
'Tanga ka, Bryden… bakit ba kasi—' hindi na niya tinapos sa isip.
Mabilis siyang bumalik sa upuan, halos madapa sa pagmamadali. Umupo siya nang mariin at inayos ang sando, pilit tinatakpan ang kung ano mang dapat takpan. Yumuko siya nang bahagya, kunwaring antok at walang malay, kahit ang totoo’y kabog na kabog ang dibdib.
Tahimik.
Tanging tunog ng kumukulong ulam at ugong ng bentilador ang maririnig. Si Luna naman, halatang nagmamadali sa mga galaw. Paulit-ulit nitong hinahalo ang ulam, binubuksan at sinasara ang takip ng kawali, tapos biglang kinapa ang sandok na para bang nawawala.
Para siyang naghahanap ng pagkakaabalahan para hindi humarap kay Bryden.
Si Bryden naman, nakatitig sa mesa, hindi malaman kung saan ipupwesto ang kamay. Hindi niya magawang tumingin kay Luna, pero ramdam niya ang ilang nito—ramdam niyang gusto na nitong matapos ang lahat.
Maya-maya, pinatay ni Luna ang kalan.
"Ayan… luto na," sabi nito, pilit na normal ang tono pero may bahid ng pagmamadali. Kumuha ito ng plato at nagsandok ng ulam, saka kanin. Mabilis. Masyadong mabilis. Inilapag nito sa harap ni Bryden pati kutsara’t tinidor, saka baso ng tubig.
"Kain ka na," sabi ni Luna, bahagyang iwas pa rin ang tingin. "Inaantok na ’ko. Aakyat na ’ko."
"Salamat, Ate," mahinang sabi ni Bryden.
Tumango lang si Luna, tapos nagpunas ng kamay sa nightwear na parang may dumi kahit wala naman. Saglit itong huminto na parang may sasabihin pa, pero binalikan lang nito ang hagdan.
"’Wag ka na maghugas kung ayaw mo," dagdag pa ni Luna, mas mabilis ang boses. "Basta… i-lock mo na lang mamaya."
At bago pa makasagot si Bryden, umakyat na si Luna.
Naiwan si Bryden sa mesa, nakatingin sa plato. Biglang bumigat ang sikmura niya, kahit gutom siya kanina. Umigting ang hiya at guilt sa dibdib.
'Tama ba ’to…?'
Pinilit niyang kumain. Subo, nguyâ, lunok—pero halos hindi niya malasahan. Ang nasa isip niya lang, yung biglang tingin ni Luna, yung mabilis nitong pag-iwas, at yung katahimikang iniwan nito.
Tinapos niya ang pagkain nang mabilisan, hindi dahil busog, kundi dahil gusto na niyang umakyat at magtago sa kwarto.
Pagkatapos, mabilis niyang binanlawan ang plato at kutsara, hindi na nagtagal. Pinatay niya ang ilaw sa kusina at dahan-dahang umakyat, nakikinig kung may tunog sa taas. Tahimik. Wala.
Pagpasok niya sa kwarto, isinara niya ang pinto at sandaling sumandal dito.
"Haa…" napabuntong-hininga siya, saka kinamot ang batok.
'Tanga ka talaga, Bryden…'
Nilapitan niya ang mga gamit niyang nakasalansan—maleta, bag, kahon—at sinimulan niyang mag-unpack. Isa-isang inilabas ang mga damit, isinabit sa aparador, yung iba tinupi. Nilabas din niya ang toiletries, charger, earphones—kahit alin, basta may gawin lang ang kamay para hindi bumalik ang isip sa nangyari sa baba.
Hanggang sa mapansin niya ang laptop.
Natigilan siya saglit, saka kinuha ito at inilapag sa mesa. Parang may pamilyar na bigat itong dala—yung tipong kapag nandito siya, may kontrol siya sa sarili niyang mundo.
Binuksan niya ang laptop. Umilaw ang screen, tumama sa mukha niya ang malamig na liwanag. Nag-login siya, kumonekta sa internet, tapos binuksan ang trading platform.
Lumabas ang charts, mga linya, candlesticks, watchlist—mga bagay na kaya niyang intindihin nang walang halong hiya at guilt. Dito, malinaw ang rules.
"Focus," bulong niya sa sarili at pilit na di pinapansin ang kanyang matigas na alaga.
Sinilip niya ang mga presyo, tinignan kung may dapat i-adjust, kung may dapat bantayan. Nagpalit siya ng timeframe, nag-zoom in, saka huminga nang mas malalim.
Unti-unti, humupa ang kabog ng dibdib niya.
Pero kahit nakatutok ang mga mata niya sa screen, may anino pa ring kumakapit sa gilid ng isip niya—yung sandaling nakita siya ni Luna at yung pagmamadali nitong umalis na tila naapektohan to ng sobra sa kanyang nakita.
Napahigpit si Bryden sa panga.
'Bukas… dapat normal na ulit.'
At habang tumatakbo ang mga numero sa monitor, pilit niyang ibinabaon ang sarili sa trading—sa mundong hindi siya puwedeng magkamali dahil lang sa isang sulyap.
Bryden’s POVUmaga pa lang, ready na akong bumalik ng Maynila.Pero hindi pala ganoon kadali umalis kapag ngayon ka pa lang natututong manatili.Nasa kusina si Nanay, nakaupo sa bangko habang nakatingin sa gamot na binili namin kahapon. Hindi niya hinahawakan. Tinitingnan lang, parang personal niyang kaaway ang maliit na kahon.“Ma,” tawag ko habang naglalagay ng damit sa bag. “Inumin mo yan pagkatapos kumain.”“Titingnan ko muna.”“Hindi yan halaman na lalaki kapag tiningnan mo.”Tinapunan niya ako ng masamang tingin. “Ang daldal mo na ngayon.”“Nagmana ako.”Si bunso, na nasa may pintuan habang nagsusuot ng sapatos, tumawa. “True.”“Isa ka pa,” sabi ni Nanay, pero may ngiting pilit niyang tinatago.Ganoon kami nag-almusal. May kaunting asaran, may kaunting sermon, may kaunting katahimikan na hindi na kasing bigat ng dati. Hindi pa ayos ang lahat, pero may parte ng bahay na parang nakahinga mula nang umuwi ako. O baka ako iyon. Baka ako lang ang ngayon lang ulit natutong huminga rito
Luna’s POVSinabi kong magiging okay ako.At noong una, pinaniwalaan ko rin ang sarili ko.Pagkababa ng phone, inayos ko ang kusina, niligpit ang pinagkainan, tiningnan ang lock sa pinto, at sinilip ang CCTV app kahit wala namang dahilan para gawin iyon. Tahimik ang paligid. Maayos ang bahay. Wala nang dapat ikatakot.Pero habang lumalalim ang gabi, unti-unting lumalawak ang katahimikan.Hindi ito katulad ng katahimikan noong may umaaligid pa sa labas. Wala nang banta. Wala nang yabag na dapat pakinggan. Ang meron ngayon ay mas mahirap takasan: sariling isip.Umupo ako sa sala, hawak ang folio sa kandungan ko. Paulit-ulit kong binuksan at isinara iyon, parang bata na may bagong gamit sa eskwela. Nandoon ang requirements ko, ang pen, ang notebook, at ang card na ilang beses ko nang binasa kahit alam ko na ang nakasulat.Para sa mga bagong simula mo. Proud ako sa’yo.Bryan ang pangalan sa dulo.Pero kamay ni Bryden ang nararamdaman ko sa bawat letra.Napapikit ako at isinandal ang ulo s
Bryden’s POVHindi ko namalayan kung gaano ko pala na-miss ang bahay namin hanggang sa narinig ko ulit ang tunog ng kaldero ni Nanay sa kusina.Hindi siya dapat nagluluto. Iyon ang una kong sinabi pagkagising ko, pero tinapunan lang niya ako ng tingin na parang ako ang may sakit.“Umupo ka diyan,” sabi niya. “Bisita ka ba para hindi pakainin?”“Ma, kaya kong bumili ng pagkain.”“Ano ngayon? Porket may pera ka, hindi ka na kakain ng luto ng nanay mo?”Tumahimik ako agad.Si bunso, na nasa mesa habang nag-aayos ng gamit sa school, napangisi. “Talong-talo ka talaga kay Nanay.”“Traitor ka,” sabi ko.“Realist ako.”Dapat mabigat ang umagang iyon. May checkup si Nanay. May usapan pa kaming hindi tapos. May mga papel na nasa mesa pa rin kagabi, patunay na may parte ng buhay kong kailangan nilang tanggapin kahit hindi nila agad maintindihan.Pero habang kumakain kami ng sinangag at itlog, may kakaibang gaan. Hindi perpekto. Hindi biglang ayos ang lahat. Pero may simula.“Bryden,” tawag ni Na
Luna’s POVTahimik pala talaga ang bahay kapag wala si Bryden.Akala ko dati, tahimik na kapag wala si Bryan. Sanay na ako roon. May mga gabing late siya umuuwi, may mga araw na halos phone calls at messages lang ang kasama ko. Pero iba ang katahimikan ngayon. Hindi ito yung katahimikang galing sa pagiging mag-isa. Ito yung katahimikang may kulang na tunog.Walang yabag sa hagdan na pilit dahan-dahan pero mabigat pa rin. Walang boses na magtatanong kung kumain na ba ako, kahit alam kong siya rin naman ang hindi kumakain sa oras. Walang taong biglang susulpot sa pinto ng kusina at magsasabing tutulong, kahit halatang hindi marunong kung saan nakalagay ang sandok.Nakakainis.Mas nakakainis dahil napapansin ko.Sinubukan kong gawing normal ang araw ko. Naglinis ako ng sala, naglaba ng kaunti, inayos ang requirements ko para sa trabaho. Inilagay ko sa folio ang lahat ng papeles: résumé, IDs, printed offer, medical clearance na kailangan ko pang asikasuhin. Maayos lahat. Parang kay
Bryden’s POVHabang palayo nang palayo ang bus sa Maynila, unti-unting nagbabago ang tanawin sa bintana.Nawala ang matataas na building. Kumonti ang sasakyan. Lumuwag ang kalsada. Ang mga poste at signage ay napalitan ng palayan, tindahang may yelong nakasabit sa plastik, at mga bahay na kilala ang amoy kahit matagal mo nang iniwan: usok ng kahoy, sinampay na natuyo sa araw, lupa pagkatapos madiligan.Probinsya.Dito ako lumaki.Dito rin ako unang nakaramdam na parang hindi ako kasya.Pagbaba ko sa terminal, sinalubong agad ako ng init at ingay. May mga tricycle driver na nagtatawag, may nagtitinda ng mani, may batang may hawak na supot ng buko juice. Saglit akong tumayo roon, bitbit ang maliit kong bag at ang eco bag ni Luna, habang kinukuha ng katawan ko ang bigat ng pagbabalik.Hindi pa ako nakakalakad palabas nang makita ko si bunso.Nakatayo siya sa may gilid, naka-school shirt, hawak ang cellphone, at halatang kanina pa nag-aabang. Pagkakita niya sa akin, hindi siya ngum
Bryden’s POVHindi ko inakalang ganoon kabigat mag-empake ng kaunting damit.Isang araw lang naman ang balak kong pag-uwi sa probinsya. Dalawang shirt, isang pantalon, charger, wallet, at ilang papeles kung sakaling kailangan kong ipakita kay Nanay na hindi galing sa kung anong madilim na gawain ang perang hawak ko. Pero habang inilalagay ko ang mga iyon sa maliit na bag, pakiramdam ko mas marami akong iniiwan kaysa sa dinadala.Sa sala, tahimik si Luna.Hindi siya umaakyat para tulungan ako. Hindi rin siya nagtatanong kung anong oras ako babalik. Nasa kusina siya, naghahanda ng baon na hindi ko naman hiningi pero alam kong hindi ko rin kayang tanggihan. May kanin, ulam, tubig, at isang maliit na pack ng tinapay.Parang ang tagal ko mawawala.Parang ayaw niyang sabihing ayaw niya akong umalis, kaya nilagyan na lang niya ng pagkain ang pag-alis ko.Pagbaba ko, nakita ko siyang maingat na isinasara ang lunch box.“Hindi ako pupunta sa bundok,” sabi ko, pilit nagpapagaan ng tono.
Bryden’s POV“Bryden, tapos ka na ba?”Dinampot ko ang wallet ko, pati cellphone na matagal ko nang hindi napapalitan. Napatingin pa ako sa salamin—hindi dahil arte ako, kundi dahil ayokong magmukhang bisita na walang direksyon sa buhay.“Palabas na,” sagot ko, saka lumabas ng kwarto.Nasa sala si
Luna's POV"A-ah… salamat," mabilis na sabi ko dala ng pagka-ilang. Kinuha ko agad yung seasoning at nag umpisa na sa pagluluto.Bumalik sa upuan niya si Bryden, habang tuloy tuloy lang ako. Nag iinit ang aking katawan, hindi ako mapakali. Nag halo halo ang pakiramdam dahil sa aking nakita o marahi
Bryden's POVNapatingin ako sa kanya.“Ito na,” sabi niya ulit. “Mas bagay sa kulay mo. Mas malinis tingnan.”Tumango si Kuya. “Oo nga. Mas mukhang fresh. Yung puti, okay din, pero ito… mas ikaw.”“Mas ako?” ulit ko.“Oo,” sagot ni Ate Luna. “Hindi mo kailangang magmukhang sobrang pormal agad. Kail
Tahimik siya habang nakatitig sa mensahe. Pagkatapos ay tumingin siya sa akin. “May pinagbigyan ka bang number mo kung kani-kanino?”“Wala, Kuya.”“Sure ka?”“Sigurado.”Narinig namin ang yabag ni Ate Luna mula sa kusina. Lumapit siya sa sala, hawak ang bimpo. “Bakit?”Tiningnan siya ni Kuya, tapos







