Share

Chapter 4: Hopeless

Dumating ang umaga at laking pasasalamat ko na nakakain ako nang maayos. Tinabihan ako ni Alvin habang kumakain kaya naman hindi ako nagawang lapitan nina Helen.

Naglibang muna ako habang walang ginagawa. Niligpit ko ang ibang higaan nila na iniwan lang nilang makalat. Feeling ko talaga mga bata kasama ko rito tapos 'yong mga ugaling brat. Nilinis ko na rin ang C.R para manahimik naman si Helen. Ilang minuto rin akong naglinis dito at sakto naman na pagkatapos kong maglinis ay may bantay na tumawag sa akin.

"Nasaan si Autumn Bender? May gustong dumalaw sa kanya," tanong nito. Sigurado akong si Ginger na 'to. May nahanap kaya siyang abugado? Sana naman meron para makaalis na ako rito.

"Ako po." Sabay taas ko ng kamay. Tumayo ako para pagbuksan ng bantay at saka n'ya ako hinatid kung saan pwede kausapin ng mga dadalaw ang mga nakakulong rito. Habang naglalakad ay natanaw ko na si Ginger, pero hindi maganda ang timpla ng mukha n'ya kaya naman pagkalapit ko sa kanya ay ngumiti ako.

"Ang aga-aga nakabusangot ka?" bungad ko sa kanya saka umupo. Napabuntong hininga naman s'ya na animo'y napakalaki ng problema ang dinadala niya. Hindi maganda ang pakiramdam ko rito, may hindi magandang sasabihin 'to kapag ganito siya kumilos.

She faced me with teary eyes then pats my right shoulder. Nagulat na lang ako sa kanya nang bigla siyang umiyak. Doon ko lang napansin na ang lalim ng eyebags n'ya na halatang wala pang tulog. 

"Hey? A-ano ba nangyayari sa 'yo?" nag-aalala kong tanong. She shakes her head and continues crying. Hindi ako magaling magpatahan but I am trying to comfort her and calm her. 

And finally, she talks. "I'm sorry sis. Wala pa akong tulog para maghanap ng abugado pero wala talaga. Hindi ko na alam paano ka ilalabas dito," she said while crying. Samantala ako naman ay natulala. Para akong nawalan ng pag-asa sa sinabi n'ya.

I want to cry but, it seems my eyes are too tired to cry. 

Panay ang sorry sa 'kin ni Ginger kahit wala naman siyang kasalanan. I know she's doing all her best pero sadyang malupit siguro talaga ang mundo sa 'kin ngayon. Iniisip ko pa lang na ilang taon ako mabubuhay rito sa kulungan ay hindi ko na kakayanin. 

Bakit kasi ako pa napili ng mundo? Ako na mahina, mahiyain, di nagsasalita, at walang kwenta! Bakit hindi na lang sa mga malalakas? Sigurado naman akong kaya nila 'to e! Bakit?

"Bakit ako pa?" wala sa sariling sambit ko.

Nagulat naman si Ginger sa sinabi ko. At doon ko na lang namalayan na may tumutulo ng luha sa mata ko.

Amazing! This shit really envelopes me.

"Autumn, stop it. I know what you're thinking. It's not like that okay? Makakalaya ka rin dito. Malalaman din natin kung sino ba talaga ang pumatay kay Dina."

"Sana nga... kasi ayoko rito. Iyong mga kasama ko sa kulungan hindi sila mababait Ginger. Papahirapan lang nila ako," ani ko na parang batang nagsusumbong. Ramdam ko naman ang inis niya sa sinabi ko.

"Autumn naman! Kailangan mo maging palaban sa mga panahong 'to. Huwag kang papayag na api-apihin ka!" 

"Ang dali sabihin niyan pero di naman ako kasing palaban mo." Nakita ko ang awa sa mga mata niya. Sana pala kaugali ko na lang siya para alam ko paano lumaban dito.

Tumayo na ako dahil sa sakit na nararamdaman ko. "Gusto ko muna mapag-isa. Balikan mo na lang uli ako rito bukas." I wipe my tears and left her. 

Let me sink in my fate. Baka sakaling matanggap ko na ito talaga ang kapalaran ko. Ginger knows I'm in deep pain, and she knows I always wanted to be alone when I have problems. Kaya naman hinayaan na lang muna niya ako. 

Ito ang ayaw ko sa sarili ko. Lagi lang minumukmok ang sarili na akala mo'y masasagot ng pag-iyak ang mga problema ko.

Matamlay ang aking mga mata habang nakayukong naglalakad pabalik ng selda. Hindi ko talaga alam ano ang mararamdaman ko sa mga oras na 'to. I feel so alone and no one can help me.

Iyong mga inaasahan ko na tutulong sa 'kin ay wala rito. Sobrang busy nina mom and dad sa business nila in Japan na kahit pangungumusta man lang sa 'kin ay hindi magawa. 

Lagi na lang ako mag-isa. Ako lang lagi ang sumasalo ng mga problema. 

Minsan napapaisip na lang ako. Mabait naman ako na tao pero bakit pinarurusahan ako? Naging masunurin naman akong anak, mabuting bata, may respeto sa iba pero bakit ako ang nandito?! Do I deserve this?

I keep asking myself why I can't fight like Ginger? Why I'm so weak?

Hindi ko namalayan na pinasok na pala ako ng bantay sa kulungan. Dumeretso ako sa isang sulok. Pagkaupo ko, napansin kong sinusundan ako ng tingin ni manang. Hindi ko pa pala alam ang pangalan n'ya pero mukha naman siyang mabait. Ano kayang nagawa niya at nakulong siya? Matanda na siya pero heto ang buhay n'ya.

Nilingon ko naman siya at nginitian ko. Iba ang pakiramdam ko sa matandang 'to, feeling ko hindi siya masamang tao gaya ng nararamdaman ko kay Alvin.

Bigla akong na-curious kay manang. Mamaya na lang ako magmumukmok.

"Ano po ang pangalan n'yo?" tanong ko sa kanya nang makaupo siya sa tabi ko. Mga ilang segundo muna akong naghintay bago siya sumagot.

"Fely"

"Paano po kayo napunta rito?" I ask out of nowhere. Parang nabigla naman siya sa tanong ko. 

Wait? Nakaka-offend ba ang tanong ko? Hala, baka privacy 'yon! Naku naman! Dapat kasi talaga umiiyak ako ngayon, hindi nakikipagkwentuhan sa matanda. Pero nakita kong ngumiti rin siya pagkatapos kaso slight smile lang. Parang may halong lungkot ang ngiti n'ya.

"Nagnakaw ako," malungkot niyang sagot. She's not looking into my eyes. It seems like she's remembering what happened. 

Pero nagnakaw siya? Bakit naman kaya? Pero ayoko nang tanungin pa kase baka ma-offend pa siya.

"Wala na akong pamilya. Ang asawa ko ay maagang namatay. Yung dalawa ko namang anak ay parehong nasa ibang bansa at hindi na ako binalikan. Walang wala ako at may sakit pa kaya gustuhin ko man magtrabaho, hindi ko kaya"

Napalingon ako sa gawi niya nang magsalita siya. Hindi naman ako masyadong interesado kung bakit niya nagawang magnakaw pero heto, kinikwento nya sa 'kin ang dahilan n'ya sa pagnakaw. Actually, nakaramdam ako ng awa para sa kanya. Matanda na siya tapos mag-isa lang sa buhay kaya siguradong sobrang hirap talaga no'n.

Nakatitig lang ako kay Nanay Fely habang naghihintay ng susunod na ikikwento niya. "Lahat ng pera ko sa bangko ay nagamit ko na para sa gamot ko at pagkain pero hindi naman gano'n kalaki ang naipon ko kaya mabilis lang naubos 'yon. Ang mahal pa ng mga gamot ko. At sa sobrang gutom, nagnakaw ako ng mga pagkain sa isang grocery. Nandukot din ako ng pera sa tao. Nang dahil do'n, napunta ako rito."

So that's why she's here. Alam kong masama ang magnakaw pero may dahilan naman siya bakit niya nagawa 'yon. Nakakalungkot lang na sobrang laki ng part ng pera sa buhay ng isang tao. At masakit isipin na mga mahihirap ang nagsa-suffer sa ganitong bagay. Samantala ako, ang iniisip ko noon ay bakit kailangan magnakaw kung pwede sila maghanap-buhay. Pero di naman pala lahat kayang maghanap-buhay gaya na lang ni Nanay Fely.

"Hindi nyo ba sinubukan na tawagan ang mga anak n'yo?" tanong ko. Siguro naman maginhawa ang buhay ng anak n'ya. Pero nalungkot siya sa tanong ko.

"Hindi. Ayoko maging pabigat sa kanila. Mas ayos na rin na nandito ako kaysa nasa labas" Bigla naman akong nagtaka. Sinong gugustuhin na mag-stay dito?

Napansin niya ata naging expression ko. "Sa labas wala akong pagkain, wala akong tubig, hindi ako nakakaligo, at siguradong di ako mabubuhay roon. Dito libre ang mga pagkain, may paliguan dito at sakali man na magkasakit ako, sila ang magpapagamot sa akin." 

Na-realize kong tama nga siya. Parang blessing in disguise pa tuloy 'tong pagkakulong niya. Pero nakakalungkot pa rin isipin. Nakaka-dissapoint yung dalawa niyang anak. Matapos silang palakihin tapos pinabayaan lang nila nanay nila! Mabuti nga sila nariyan ang nanay nila sa tabi nila, samantala ako wala. Malakas at may pera nga pero wala naman sa tabi ko.

"Pasensya ka na ha? Noong pumasok ka rito at nakita kong hindi ka marunong lumaban sa mga tao rito ay naalala ko ang sarili ko sa 'yo. Kaya ko sinabi 'yon sa 'yo."

Sinabi ny'a? Anong sinabi nya sa 'kin? "Noong naglilinis ka sa C.R," sagot niya. Napansin niya siguro na hindi ko alam ano ang tinutukoy n'ya. Pero ang natatandaan ko na sinabi niya no'n ay,

'nasa kulungan ka iha at wala sa bahay. Matuto kang tumayo para sa sarili mo'

Ano naman kinalaman no'n sa pagkaalala niya sa sarili niya sa 'kin?

Nagsimula naman siyang magkwento sa 'kin, while me is just sitting here quietly and listening to her, "Noong dalaga pa ako, hindi rin ako marunong lumaban. Napakahina kong tao at lagi ako dumedepende sa kapatid ko. Pero simula nang mawala ang magulang namin, nagbago takbo ng buhay namin dahil pinagsamantalahan kami ng mga kamag-anak namin," she paused. Napalunok muna siya bago nagpatuloy.

"Dahil nga hindi ako palaban, naging kawawa ako at walang narating. Sinabi ko 'yon sa 'yo dahil ayaw kong matulad ka sa 'kin. Sa mga panahong wala kang karamay, kailangan mas maging matatag ka. Hindi pwede ang mahina dahil kung hindi talo ka."

This time ako naman ang napalunok. Bigla akong natauhan. Siguro nga tama siya, dapat maging matatag ako. 

I smiled a bit.

"Salamat po," ayun na lang ang nasambit ko.

Ngumiti naman siya and this time, masaya tingnan yung ngiti n'yang 'yon. Siguro hindi lang n'ya nakikita ang sarili n'ya sa 'kin. Nakikita niya rin ang anak niya sa 'kin. I never heard these kind of words from my parents. Kung nandito sila, matutulungan kaya nila ako?

Parang pareho pala kami ni Nanay Fely. Ang mga anak niya nasa ibang bansa at walang kaalam-alam na nasa kulungan siya at ano ang sitwasyon ng buhay niya ngayon. Ako naman, magulang ko ang nasa ibang bansa at hindi rin nila alam ang nangyayare sa 'kin ngayon.

That's why I feel something different about her, it's because we are the same. We feel each other because we understand each other.

Ang lupit talaga ng mundo. Isang matanda na walang lakas lumaban at isang mahinang babae ang nilagay niya sa sitwasyon na 'to. But I don't want to see the negative part of this. Siguro may gusto sa 'kin ituro ang mundo kung bakit nangyayare sa 'kin 'to.

Ngumiti ako nang malapad at sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. The feeling of being lonely is somehow faded. Feeling ko ay nagkaroon ako ng kakampi. 

Hinagod-hagod ni Nanay Fely ang buhok ko na parang isang bata. I felt her warmth and comfort. And by that, nakatulog ako.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status