Share

Chapter 1

"JOKE lang! Ano ka ba naman."

Hindi maipinta ang mukha ni Rosalia sa pagtataka nito habang nakatingin kay Reon, na nakahawak sa batok. Dahil sa sinabi kasi nito ay alam niyang niloloko na naman siya nito.

Umakbay siya kay Reon, "Alam mo," panimula niya. Napasinghap. "Hindi naman talaga ako maganda... ang tunay na maganda para sa 'kin ang kalooban ko, ang ugali ko."

Sandaling napatigil ang dalawa sa pag-uusap. Tanging ang sariwang hangin at ingay ng ibang tao lang ang maririnig. 

"You're beautiful, Rosalia..." Inalis ni Reon ang pagkaka-akbay ni Rosalia sa kanya at humarap nang nakangisi. "Kaya sana kung pwede na akong-" 

"Rosalia! Tawag ka ni Aling Lecia!" sigaw ni Annie na papalapit sa pwesto nila. "K-kailangan raw ng pirma mo sa papel, para sa mga kasamang pumunta r-rito." Hingal na hingal nitong sabi pagka-akyat. 

"Gano'n ba? Sige. Kailangan ko nang bumaba..." Nagsimula itong magpaalam sa dalawa at pagkababa ay muling lumingon sa kanila. "Kayo na munang dalawa ang bahala dyan, ha?!" galak niyang sigaw. 

Habang nakatanaw sa pagbaba ni Rosalia... Kumaway si Annie kay Rosalia at haharap na sana sa Mayon na nasa likod niya nang bigla siyang akbayan at hatakin ni Reon palapit sa kaniya. 

"Aray! Teka! Hindi ako makahinga!" Pilit niyang inaalis ang sarili niya sa  pagkaka-higit ni Reon. Rinig pa nito ang pagtawa ng ibang mga nakakakita sa kanila kaya agad niyang binigwasan sa t'yan si Raven, dahilan para siya ay makawala. 

"Annie!" impit na napahawak si Reon sa kanyang t'yan. 

"Bakit mo ba kasi ako hinigit?!" 

Umayos siya ng tayo at humarap sa Mayon, nakahawak pa rin ang kanang kamay sa t'yan.

"Balak ko kasing aminin kay Rosalia na nanliligaw ako sa kanya." napabuntong hininga siya. 

"M-manliligaw ka?" hindi makapaniwalang tanong ni Annie. 

Tumango naman si Reon at humarap sa kaniya. "Simula bata pa lang tayong tatlo, Annie... This is my first time to fall inlove... Eighteen years akong naghintay, na sana, at alam kong pwede na." 

Nanatiling nakikinig lang si Annie sa sinasabi ni Reon. May kumirot sa kanyang dibdib at tila ba'y nawawalan nang gana. Hindi man niya aminin, sa loob nang labing walo taon, napa-ibig rin siya kay Raven. 

"She's beautiful, she's kind..." pagpapatuloy ni Reon sa pagsasalita. "Are you listening, Annie?" 

"H-ha?"  

Hindi na alam ni Annie kung ano ang isasagot niya kay Reon, dahil sa pagkabigla, pag kagulat, at sakit na nararamdaman niya ngayon. 

"Ano nga ulit ang sabi mo?" pag-uulit ni Annie. 

Walang sabi-sabi ay hinatak na lang siya pababa ni Reon. 

ABOT tainga ang saya ni Rosalia sa nakikita niya sa harapan. Puno ng mga Keychain na Mayon ang nasa lamesa, mga siling Keychain, wallet at iba pa. 

"Saan po ito galing?" Napaharap siya sa kanyang Ina pagkadating nito na may bitbit na mga bagong damit. "Saan po nanggaling ang mga 'yan?"

Iniabot Isa-isa ng kanyang Ina ang dala nitong naka-plastic na damit sa mga kasama nila. "Nagbigay ng pera sa 'kin si Reon, anak." Lumapit ito sa kanya at inabutan siya ng Light Violet na damit. "Isuot mo 'yan..." 

Nilabas niya ang damit sa pagkakabalot sa plastic at napangiti dahil sa design sa kanyang damit na nakatatak ang nasa kwintas niya, ang Mayon at ang usok na lumalabas mula rito.  

"Lahat Mayroon niyan, pero sa 'yo lang ang naiiba, request 'yan ni Reon." pagpapaliwanag ni Aling Lecia. 

"Rosalia, tulong!"

Napalingon siya sa kaliwa niya nang makita niya ang pagdating nila Annie. "Reon!" Napalitan nang pangamba ang kanyang tuwa nang makita niya si Annie na pilit inaalis ang kamay ni Reon sa leeg niya. "Anong ginagawa mo kay Annie?" may kabang lumapit siya kay Annie at inaalis ang kamay ni Raven. 

Imbis na sumagot ay tumawa pa lalo si Reon at Napalitan iyon nang isang abot taingang ngiti nang makita niya ang hawak ni Rosalia na damit. 

"Salamat, Rosalia!" naiiyak nitong sabi dahil sa tuwa. Humarap kay Reon. "H'wag mo na 'ko aasarin, baka gusto mong sabihin ko sinabi mo kanina." pabirong pananakot nito. 

Taka namang napatingin si Rosalia sa kanila. 

"Anong sasabihin? Kanino?" taka niyang tanong.

"Ah, wala 'yun!" aniya ni Raven. 

"Nariyan lang pala kayo," Sakto naman ang paglapit ni Aling Lecia sa kanila at binigyan si Annie at Reon ng damit. Nakasuot na sa kanya ang Light blue tshirt na iba ang tatak. 

"Isuot niyo na 'yan. Kailangan na nating maglibot-libot... Pupunta tayo sa kabila, kita rin doon ang Mayon."

"Sabay na 'ko sa inyo, Aling Lecia!" Lumapit sa kanya si Reon. Bago pa man ito maka-alis ay sinenyasan niya si Annie na tumahimik, saka kumaway sa dalawa.

Napabuntong hininga si Annie at tumingin kay Rosalia na nakatingin sa papalayong bulto nina Reon at Aling Lecia. Hindi niya maalis ang pagkukumpara nito sa kalagayan ni Rosalia. Kayumanggi ang kulay, matangkad, at kung sa ugali ang basehan... walang-wala siya.

"Rosalia..." basag niya nang katahimikan. "Kung sakali man na, may magmahal sa 'yong lalaki na sa alam kong hindi mo kayang tanggihan. Sa tingin mo, sasagutin mo ba?"

Hinawakan niya si Annie sa magkabilang balikat. "Annie, ito ang tandaan mo, ha? Kahit sino pa'ng lalaki na 'yan, kahit na makakaya niya 'kong buhayin gamit ang pera niya... Hindi pa rin." Humawak siya sa braso ni Annie at nagsimulang maglakad. "Alam kong nasa tamang edad na ako para mag-asawa, pero hindi pa pwede. Kailangan ko munang suklian ang paghihirap ng mga magulang ko... pagkatapos no'n, pwede na."

"Gano'n ba?"

"Bakit mo nga pala natanong?" tanong niya kay Annie. Ngayon lang niya nakitang naging seryoso si Annie at sa tanong nito ramdam na may lungkot ito. "Alam mo, mabuti pa magpalit na tayo ng damit." pagiiba niya nang usapan. 

Nagpalit sila nang damit na binigay sa kanila sa CR na nakita nila at saka pinuntahan nila ang sinasabing lumubog na simbahan magmula nang pumutok ang bulkan noong kapanahunan, ang Cagsawa Church.

"Oh, maglibot na kayo, kita-kita na lang tayo rito." sabi sa kanila ni Mang Iloy. 

Nasa harap sila ng simabha na lumubog. Nang magkahiwa-hiwalay ay agad na lumapit at hinawakan ni Rosalia ang tuktok ng lumubog na simbahan.

"Kumusta?" ibang saya ang naramdaman ni Rosalia nang mahawakan niya ang tutok ng simbahan. 

"I can't believe to these Church! Pare..."

Napalingon siya nang kaunti sa kanan niya nang makita niya ang dalawang lalaki na nakasuot ng tuxedong black at nag-uusap habang nakatingin sa simbahan. 

"Imagine. Paano kung hindi 'to natabunan no'ng sumabog ang Mayon?" Pagpapatuloy sa sasabihin ng lalaki. 

"That's impossible, dude. Masyadong malakas ang pag-sabog noon, at ayon sa nabasa ko na article, tuktok ito nang Cagsawa. Ang nakakalito lang, lumubog ba o natabunan." ani naman ng isa pang lalaki na kasama nito. 

Napangiti si Rosalia habang nakahawak pa rin sa lumubog na simbahan. "Mananatili kang historya ng mga tao at ng Albay."

Isa sa pinagmamalaki ng lungsod ng Albay ang Cagsawa Church, o ang lumubog na simbahan. Marami ang nagbuwis ng buhay noong sumabog ang Mayon, at marami rin ang kasama sa mga lumubog habang nasa loob ng simbahan. 

"Rosalia! Bili tayo ng souvenir! May mga bagong wallet akong nakita saka mga keychain." galak na sabi ni Annie nang lumapit siya kay Rosalia at humawak sa braso. 

Hinigit siya ni Annie hanggang sa makarating sila sa mga bilihan ng souvenir. Parami nang parami ang mga tao na nagsisi-puntahan kung kaya't siksikan ang mga taong namimili at tumitinigin sa mga tindahan. 

"Magkano po rito?" tanong ni Annie sa nagtitinda ng mga bracelet. 

"Bente isa, Ineng! Libre palagay ng pangalan." 

"Dalawa bente 'yan! Suki!" sigaw muli ng nagtitinda sa mga nabili. 

"Kumuha ka na, Annie. Ako na ang magbabayad." aniya. Kinuha ni Rosalia ang nasa harapan niya na Light brown ang kulay ng bracelet at binigay iyon sa nagtitinda, para ukitan ng pangalan. 

Nang makita niya si Annie na hindi makapili sa mga kulay ng bracelet ay kumuha ulit siya ng isa pang bracelet na kaparehong kulay nang pinili niya. 

"Annie!" Kinulbit niya ito sa balikat at iniangat ang bracelet na nakuha niya. "Ito na rin ang sa 'yo, para parehas tayo!"

"Ito rin po sa 'kin, Kuya!" Inabot ni Annie ang bracelet sa nagtitinda. 

"Ano ang ilalagay?"

"Rosalia at Annie po!" sabay nilang pagkakasabi. 

Napangiti ang lalaking nagtitinda sa kanila at sandaling hinintay ang bracelet bago ito inabot sa kanila. 

"Ang ganda, Kuya! Salamat po!" sabi ni Annie. Inabot niya ang bayad at maingat na kinuha ang bracelet para patuyuin ang nakasulat sa bracelet. 

"Salamat, Kuya!" ani naman ni Rosalia. 

Sa kada-lakad nila ay hinihipan nila ang nakaukit sa bracelet nila habang nakatingin sa mga tindahan na nadadaanan nila. 

"Annie! Okay na-"

"Rosalia..."

Hindi natuloy ang sasabihin niya nang bigla siyang masagi ng lalaki dahilan para siya y matumba. 

"Sorry, Miss." 

"Sorry po! Sorry!" paghihingi niya ng tawad sa lalaki kahit na hindi siya ang nakasagi. "Hindi ko sinadya..."

Nanatili siyang nakayuko at nakatingin sa bracelet na hawak niya para tignan kung maayos pa ito. 

"Rosalia," Inalalayan siya ni Annie na makatayo. 

"Ayos ka lang ba, ha?" may pag-aalala sa boses nito. "Umalis na 'yung lalaki. May masakit ba sa 'yo?" 

Inangat niya ang tingin niya at lumingon sa palayong lalaki na naka-sagi sa kanya. Humarap kay Annie, "Ok lang ako, Annie. Hindi ako tumingin sa dinaraanan kaya nasagi niya ako." mahinahong nitong sabi. 

Napasinghap si Annie dahil sa sinabi niya. 

"Hindi mo kailangan humingi ng tawad sa lalaking 'yon. Ikaw ang nasaktan at hindi siya." may irita sa boses nito. 

"Hayaan mo na... Mabuti pa tara na, aghanap pa tayo ng bibilhin." Humawak siya sa braso ni Annie at hinila ito papaalis. 

Habang naglalakad ay nakaramdam siya nang kaba at muling lumingon sa kanyang likod. Ramdam niya na para bang may kulang sa kanya at hindi alam kung ano iyon. 

"Annie! Rosalia!"

Sabay na napalingon ang dalawa sa kaliwa nila nang makita ang pagtakbong paglapit ni Reon sa kanila, suot ang damit nabili na kulay violet katulad ng sa kanya. 

"Kanina ko pa kayo hinahanap..." hinihingal nitong sabi. 

"Ayos ka lang?" 

Umayos nang tayo si Reon at kung umasta ay parang walang nangyari sa kanya, dahil sa naging tanong ni Rosalia. 

"I'm okay, Rosalia. Thanks." sabi niya. "By the way... Sasama ako sa inyo!"

"Bakit ka naman sasama?" may pagtataka sa boses ni Annie nang sabihin niya iyon. "Bonding namin 'to ni Rosalia 'no." masungit niyang sabi. 

Napatawa na lang siya dahil sa naging reaksyon ni Annie. Sa loob nang labing walong taon na pagkakaibigan nila... hindi natigil si Raven at Annie sa pagtatalo. Kahit pa no'ng isang beses na nagpunta nang ibang bansa si Raven, naiyak si Annie sa tuwing natawag ito sa kanila, para mangamusta. 

"Si Mang Cerio ang nagsabi na samahan ko kayo," Inakbayan ni Reon si Annie at nagsimula silang maglakad papunta sa kung saan, para mamili.

"Yan ka na naman! Lumayo ka nga sa 'kin!" Paulit-ulit na reklamo ni Annie sa pagkakaakbay sa kanya ni Raven. 

Nakarating sila sa hilera ng mga tindahan ng mga damit at malalaking souvenir kung saan nila balak bumili. Maraming mga tao ang nakatingin sa kanila dahil sa ginagawa ni Raven kay Annie, sa kakulitan. Kasabay nang paglalakad nila ay napahawak siya sa kanyang dibdib para sana hawakan ang kwintas niya. 

"Ang kwintas ko..." Napatigil siya sa paglalakad at tumingin sa kalsada, hinahanap ang necklace niya. 

"Bakit? Anong problema, Rosalia?" Nag-aalalang tanong ni Reon, umalis ito sa pagkaka-akbay kay Annie. 

"Ayos ka lang, Rosalia?" tanong naman ni Annie. 

Hindi mapakaling kinapa niya ang leeg niya at bulsa. "Nawawala ang kwintas ko. Saglit baka nandito lang 'yon. Hindi 'yun pwedeng mawala, bigay 'yon sa 'kin ng tunay kong mga magulang." Taranta siyang umatras at iniwan ang mga kaibigan niya. 

"Rosalia, sandali!" 

Rinig niyang sigaw ng mga kaibigan niya sa kanya. HInid niya iyon nilingon at nagpatuloy lang sa paghahanap sa kwintas. Binalikan niya ang mga lugar at mga daanan kung saan siya dumaan kanina. Pawis at hirap sa pag-tingin sa dinaraanan ang ginagawa niya. 

"Makikiraan lang po..." Parami na nang parami ang mga tao sa nadaraanan niya kung kaya ang bawat nakakasalubong niya ay nasasagi siya. "Sorry po!" paghihingi niya nang tawad sa mga tao. 

Malayo na ang narating niya hanggang sa makapunta siya sa isang tindahan, sa binilhan nila ng Bracelet.  

"Bente-bente lang 'yan, mga suki!" 

"Ah, Kuya!" tawag niya sa nagtitinda. "Pasensya na po, ha? Pero may nakita po ba kayong kwintas rito kanina? Maliit lang po siya at Mayon po ang design niya saka rose gold po ang kulay." 

"Ikaw 'yung kaninang bumili rito, 'di ba?" tanong sa kanya ng nagtitinda. 

"Ako nga ho, Kuya," pilit ang ngiti niya saka tumango. "May nakita po ba kayo?" pag-uulit niya nang tanong. 

"Pasensiya na wala- Ay! Meron, Iha. May pinakita sa amin 'yung laki na kwintas na katulad nang sinasabi mo." 

"Talaga po?!" Nabuhayan siya ng diwa dahil sa sinabi ng lalaking nagtitinda. At taka ang hitsura dahil sa lalaki ang nakakuha. Yumuko siya at inisip maigi kung sino ang lalaki... nang biglang sumagi sa isip niya ang nangyari kanina. "Siya kaya 'yon?" bulong nito. 

"Sandali lang, Iha."

Napa-angat ang tingin niya nang magsalita ang lalaki. May tinawag ito mula sa pangalan at lumabas ang isang babae na halos hindi malalayo ang edad nito sa 'kin. Lumapit siya. 

"Ano po 'yon, 'Tay?"

 

"Iha, anak ko," pagpapakilala sa kanya ng lalaki, at muli itong lumingon sa anak niya. "Naalala mo 'yung lalaki kanina na pumunta rito? Siya kasi ang may-ari ng kwintas." Muli siyang tumingin kay Rosalia. "Iha, ang anak ko ang makikipag-usap sa 'yo, siya kasi ang nakausap ng lalaki."

"Magkano rito?" tanong ng namimili. 

Iniwan sila nang lalaki at inasikaso ang mga namimili. 

"Anong kwintas po, Ate?" tanong ng babae sa kanya. 

"Ah, 'yung Mayon, ganito siya kaliit" Kumuha siya ng bente-singkong barya sa bulsa at pinakita iyon. "Rose gold ang kulay niya tapos may usok na lumabas sa Mayon."

"Ah! Si Kuyang pogi ate, ang nakakuha. Nasa kanya ang kwintas mo." sabi nito, kinikilig. "Hindi ko na tandaan ang pangalan niya, Le... Rev... Lev- Ayun, Ate! Lev ang pagpapakilala niya." 

Nakahiga nang maluwag si Rosalia at napangisi dahil sa may nakapulot ng kwintas ko, pero may kaba pa rin dahil sa hindi niya ito kilala. Inisip na posibleng ang lalaki kanina na nakabangga sa kanya ang nakapulot. 

"Salamat po!" Ngumiti siya at tumakbo pabalik kung nasaan sila Annie. Magtitiwala ako sa lalaking nakapulot, alam ko at ramdam ko na nasa mabuting kamay ang kwintas ko. Sambit nito sa isip. 

"Rosalia!" 

Napatigil siya sa pag takbo at aakyat na sana pataas. Lumingon siya sa kaliwa at natanaw sila Reon. 

Patakbong lumapit sila kay Rosalia, hingal na hingal. "Saan ka ba nagpunta? Kanina ka pa namin hinahanap!" sambit ni Annie na katuon ang dalawang kamay sa magkabilang tuhod. 

"Y-yeah, Annie's right. Sinundan ka namin pagkatakbo mo kanina." Hinawi naman ni Reon ang buhok niya na natulo ang pawis. 

Bigla niyang naalala ang kwintas niya, "Pasensya na kayo. Kailangan kong mahanap ang kwintas ko." nag-aalalang sambit niya. "Mabuti pa sa taas ako kayo sa kaliwa."

Hindi na nito hinintay pa ang Dalawa... Nang makaakyat ito, natanaw niya ang lalaking nakatingin sa Mayon at may hawak na kwintas.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Cindy Marcelo Aventijado
update plz
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status