Share

Chapter 11

BUMALIK sa trabaho sina Rosalia. Pababa na sila ngayon ng hagdan habang nakasimangot ang mga mukha. 

"Ano ba 'yan, Rosalia! Sa susunod kasi mag-ingat ka rin." Sigaw ni Gail Kay Rosalia nang maka-baba sila ng hagdan at pa-deretso sa loob. "Tingnan mo tuloy ang nangyari, bawas ang sahod nating tatlo- kahit ako na secretary pa ni Mival. Myghod!" Inis na hinawi ni Gail ang knayng buhok

"Hindi ko naman po talaga nakita si Ms. Lalaine kanina," napakagat sa ibabang labi si Rosalia bago tumingin kina Gail at Elyn. "Sorry nadamay ko pa po kayo."

Dere-deretso silang pumasok ng bar at makitang mas dumami pa ang mga tao. Makikitang may babaeng lasing na lasing pa na nasayaw sa pole na nasa gitna. Makikitang lahat ng mga tao ay naroon at naghihiyawan na rin ang iba. 

Nag-paalam kina Rosalia si Gail dahil sa mga visitors ng kanilang boss na darating. Nagtungo na muna sila Rosalia at Elyn kung saan ang pwesto ng bartender na si Marc upang makuha ang mga wine na para sa mga customers. 

Sobrang ingay. Hindi na halos maririnig ang mga hiyawan ng mga tao dahil sa lakas ng tutog ng dj na nasa itaas. 

"Oh, late kayo? Kanina pa maraming customers. Galit na nga ang iba sa inyo." Sabi ni Marc sa kanila habang sinssalin ang wine sa champagne glass. 

Umupo si Elyn sa dulo at saka ito nagpalumbaba nakaharap kay Marc. "May nangyari kasi kanina. Ayon, pinatawag kami ni sir sa office niya." 

Tumingin si Marc kay Rosalia upang kumpirmahin ang mga sinabi ni Elyn. Hiyang napatango si Rosalia sabay iwas nang tingin sa dalawa. 

Tumingin si Rosalia sa paligid hanggang sa mapatingin sa bagong bisita ng kanilang boss. Mga kasing edad lamang ito ng kanyang Boss na halos kasing edad niya rin. Ang ibang mga na sayaw ay napatigil habang paglakad sila patungo sa kaliwa sa harapan, ngunit dulo iyon. 

Pormal ang mga kasuotan nila. May iba pang hinawi ang mga buhok at napapangisi. 

Kumunot ang noo ni Rosalia habang nakatingin pa rin sa mga kalalakihan nasa malayo. Hindi niya maiwasang mamangha sa mga lalaking iyon. Nakikita niya kasi kung gaano mga kayaman ang mga ito kahit na nasa pang-labas na kaanyuan pa lang. 

"Hoy!"

"Oh!" Gulat na napatingin si Rosalia si Rosalia sa kaliwa niya nang gulat in siya ni Elyn. Ano ka ba naman, Elyn." Mahina niyang hinampas si Elyn sa braso. 

"Ay, titig na titig girl?" Natawa si Elyn. "Kailangan na kasi nating mag-serve. Anong oras na 'Magayon'." 

"Osya, Tara na." Mahinhin na sabi ni Rosalia na natatawa. Kinuha nila pareho ang tray na saktong puno na ng laman ng baso ng wine. 

"Oh, doon 'yan, Rosalia, sa mga grupo ng mga kababaihan, ha?" Ani ni Marc na tinuro ang nasa kanan nila na nasa gitna. Tumango si Rosalia. "'Yung sa 'yo naman Elyn, sa kaliwa sa mga visitors. Nariyan na ata sila. Sige dalhin niyo na." Utos ni Marc sa kanila bago kinausap ang isang lalaking mag-o-order ng alak. 

Muling tumango si Rosalia bago kinuha ang kanyang tray na may lamang limang baso na puno ng alak. Ganoon rin si Elyn. 

"S-sige na, Rosalia," hinarap ni Elyn si Rosalia. "Simula na sa trabaho. H'wag muna natin isipin ang sahod. Fighting!" 

"Fighting!" Sigaw rin ni Rosalia na nakangiti upang lakasan ang kanyang loob. Ngunit may side rin na malungkot nang makita niya ang kanyang kaibigan na may kaba. Sa visitors ang punta niya. Hindi kaya, sila ang nagbayad sa kaibigan nito? 

Nagkahiwalay sila ng dereksyon sila Rosalia at Elyn. Maingat ang naging paglakad ni Rosalia habang bitbit ang tray. Sinasabihan in nito na daraan siya sa mga sumasayaw na hindi siya nakikita. Ayaw niya ng magka-problema muli.

"Here's your drink, ma'am." Isa-isa nilapag ni Rosalia ang mga wine. Ngunit habang nilalagay niya iyon sa lamesa ay naramdaman niyang may humawak sa pang-upo niya. Mabilis na tumayo ng tuwid si Rosalia at makita ang lalaking naka-tuxedo na lumingon pa sa kanya habang nakangiti ang lalaki. 

Mukhang isa iyon sa mga bisista ng kanyang boss. 

Hindi na lang pinansin ni Rosalia ang lalaki dahil baka hindi iyon sadya, dahil masyadong marami ang tao na nagsasayawan. Bumalik si Rosalia sa pwesto ng bartender at makita niyang nakangiti ito. Sinundan niya kung saan nakatingin si Marc at makita ang isang babaeng may kasayaw na lalaki na nakatingin ang babae kay Marc. 

"Hoy, masama 'yan," Sabi ni Rosalia habang na kasunod ang tingin sa babaeng tinitingnan ni Marc. Napaiwas nang tingin ang babae at makitang mas pinulupot pa nito ang braso sa ka sayaw niya. "Oh, tamo, mahal niya iyung lalaki, Marc." Nilingon ng may ngisi si Rosalia at makitang nakasimangot si Marc sa kanya. 

"Rosalia naman. Pagkakataon ko na 'yon, eh." Reklamo ni Marc kay Rosalia bago kinuha ang ilang bote ng wine sa likuran niya. "I like that girl, Rosalia... The way she look at me. I feel like I'm the wine in her drink and she taste me."

"Marc!" Kilabot ang naramdaman ni Rosalia. Natawa namna si Marc bago tinuloy ang ginagawa niyang pag-mix ng mga wine sa baso. 

Hindi naman maikakaila na gwapo si Marc. Sa hitsura pa nga nito ay hindi mo mapag-kakamalan na nangangailngan. Maputi. Palaging maayos ang pananamit. At higit sa lahat, rolex pa ang relo nito na hindi manlang alam ni Rosalia. 

"Mali kasi ang ginagawa mo, Marc. Makakasira ka pa ng ibang tao kung aagawin mo iyung babae na 'yon sa lalaki." Mahinahong sabi ni Rosalia. Tumingin siya sa kanna at makita sa dulo noon si Elyn na kausap ng lalaki. 

Hindi naalis ni Rosalia ang kaba na nararamdamn niya. Hindi pa pala sila nag-uusap ni Elyn tungkol sa sinabi ni Gail na binayaran si Elyn. At ang nakita rin nito na nakasakay si Elyn sa sasakyan ng kung sino. 

"Ano naman, Rosalia? She's cute. I think I liked her." 

Naagaw ng pansin ni Rosalia si Marc ng magsalita ito. Tinuon ni Rosalia ang kanyang siko. "Hindi mo naman ako naiintindihan, Marc. Marami namang babae diyan. H'wag iyung may boyfriend na." Tumaas ang kilay niya na nakatingin kay Marc. 

"Eh, sinong babae ang gugutohin ko? Ikaw, Rosalia?" Napakagat labi si Marc habang nilalagyan ng cherry at lemon ang mga champagne glass. "Pwede naman. Maganda ka naman. Saka sexy."

"Tugilan mo ako, Marc. Hindi nakakatuwa ang mga biro na 'yan." Napa-seryoso na lang ang mukha ni Rosalia. Hindi pa rin siya maunawaan ni Marc. "Hindi pa ako ready sa mga ganiyan-ganyan."

"You mean lovelife?" Tanong ni Marc. 

"Oo, eh," nahihiyang sabi ni Rosalia. Pero totoo naman. "Wala sa plano ko ang mga ganyan. Matagal pa bago ko mapag-isipan 'yang mga lovelife. Kailangan ko munang matulungan sila Inay at Itay." Sabi niya. 

"Ah, you told me you're from Bicol. Is that why you came here because of work and to help your parents?" Tanong ni Marc kay Rosalia bago ilagay ang tatlong baso muli ng champagne sa tray nito. 

"Oo." Tipid na sagot ni Rosalia. 

"Goodluck sa trabaho rito, Rosalia. Alam kong marami ka pang hindi nalalaman dito." Ngumiti si Marc kay Rosalia. "Dalhin mo 'to sa VIP seats. May bagong dumating sa kanila." Utos nito. 

Agad na tumango si Rosalia kay Marc. Tinungo ni Rosalia ang nasa dulong pwesto kung saan ang mga bisita ng kanyang boss. 

"'Eto na po ang- s-sir," natigilan makalapit si Rosalia sa pwesto ng mga bisita ng kanyang boss nang may mahigpit na humawak mula sa kanyang bewang. Tumingin siya sa humawak sa kanya at manlaki ang mata na ang kaninang lalaki iyon na nasagi ang kanyang pwetan.

"S-sir bitaw po." Pilit na nagpumiglas si Rosalia. Hindi nito maialis ang kamay ng lalaki sa bewang niya dahil sa hawak na tray na hindi niya pa nai-bababa. "Sir, parang-awa niyo na." Kinakabahan na gusto ng humingi ng tulong si Rosalia ngunit naalala niya ang gulong pinasok niya kanina. 

"Magkano ka miss?" Parang hangin na bumulong ang lalaki sa tainga ni Rosalia. 

"H-hindi po. Ayoko po. Bitawan niyo 'ko" Pagpupumiglas ni Rosalia. Wala na sa sarili kung mahulog pa ang kanyang gawak na tray. Unti-unti na lamnag niyang naramdaman ang pagbaba ng kamay ng lalaki hanggang sa makaabot sa pwetan niya. 

Sa galit ni Rosalia ay malakas niyang naitulak ang lalaki na napahiwalay na sa kanya. Doon nakahinga ng maluwag si Rosalia na nanghihina na ang tuhod. Nagsisimula na ring bumuhos ang kanyang luha habang matalim ang tingin sa lalaki. 

"Ang sungit mo naman! Pinagbibigyan ka na nga! Akala mo kung sinong maganda."

"Ayoko po kasi, sir! Hindi niyo po ba alam ang salitang 'yon?!" Singhal ni Rosalia sa lalaki. Hindi niya makita ng malinaw ang lalaki dahil sa pa-iba-iba na naging ilaw ng disco light. 

"Bakit?! Isang beses lang naman ah! Kala mo kung sinong virgin-"

"Sinabi na ng babae na ayaw 'di ba?"

Gulat na napalingon si Rosalia sa kanyang likuran at makita ang isang lalaking naka-face mask na black at naka-sumbrero.

"At sino ka naman ha?!" 

Mabilis na nilapitan ng lalaking naka-sumbrero ang bastos na lalaki sabay itong kinuwelyuhan. 

"That's none of your business." Pagkakasabi niyang iyon, mabilis na sinikmuraan ng lalaking naka-sumbrero ang bastos. 

"S-sir. Tama na po." Naiiyak ng sambit ni Rosalisa sa lalaking sumuntok. Ayaw niyang makarating ulit ito sa kanyang boss. 

"G-gago ka, ah!" Sigaw ng lalaking bastos na nasa sahig pa rin at pilit na tumatayo. 

Ngunit agad iyong tinadyakan ng lalaking naka-sumbrero, dahilan para mapaupong muli. 

"F*ck you, asshole!" 

"Parang-awa niyo na. Tama na po." Pigil ni Rosalia. Gusto niyang hawakan at pigilan ang lalaking tumulong sa kanya ngunit malakas na ang pag-sigaw nito dahilan para makuha ang atensyon nila kahit na malakas ang music at tago ang kanilang pwesto sa gilid. 

Sa hiya, napabagsak na lang sa sahig si Rosalia kasabay ng pagkabasag ng dala niya. Umulit na naman. 'Eto na ba ang katapusan niya? Matatanggal na ba siya sa trabaho dahil sa umulit na pangyayari? Hindi niya kasalanan. Kasalanan ito ng lalaking tumulong sa kanya na mapapa-lala pa ang kanyang sitwasyon. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status