Share

Chapter 7

"TARA, ROSALIA!" Pang-aaya ni Aling Anita Kay Rosalia, nang magpara ito ng tricycle pagkalabas nila ng bahay. Biglang tumakbo ang Ginang na sumakay sa likod ng driver ng tricycle. "Hoy! Sumakay ka na!"

Wala nagawa si Rosalia kundi sumakay na lang sa loob. Hindi sa ayaw niya ngunit wala siyang alam na trabaho sa bar... Ok sana kung maghuhugas lang ng pinagkainan si Rosalia, ngunit nai-kwento sa kanya ng Ginang na pwede siyang maging waitress sa bar. 

Ngunit paano nga ba? Kung hindi naman siya maalam. 

Habang nasa byahe ay nag-text si Rosalia sa kanyang Inay, pagkatapos ay sa kanyang mga kaibigan na agad ring nag-sunod-sunod ang text. 

[Annie: Love you! Ingat ka diyan palagi! Susunod ako diyan soon, pag nakaamin na ako sa crush ko!] 

Gulat na palayo ang mukha ni Rosalia sa cellphone niya at napatawag na lang. Sunod niyang binasa ang text na dumating. 

[Reon: Next month nariyan na ako at it-take kita sa isang mamahalin restaurant. Take care!]

 

Napangisi siya. Sunod na binasa ang huling mensaheng  na-receive na galing sa kanyang Inay. Puno ng kaba si Rosalia habang binabasa ang text ng kanyang Ina sa kanya. 

[Cecilia: Mabuti naman. Mag-iingat ka diyan apo, nagising na rin pala ang Itay mo. Medyo ok na ang pakiramdam niya. Inamin ko na rin sa kanya na magta-trabaho ka sa Maynila, pero panandalian lang, kaya siya pumayag... Sige na anak, I mag-ingat ka riyan. Ang sarili h'wag papabayaan. Mahal ka namin anak!] 

Tumigil ang tricycle na sinasakyan nila. Agad na nakita ni Rosalia si Aling Anita dahilan para bumaba siya at ilagay ang cellphone sa bulsa. 

"'Eto bayad kuya! Salamat!" Rinig niya sabi ni Aling Anita. 

Hindi siya nakatingin doon kundi sa isang malaking gusali na nasa harapan nila. Kakaiba ang bar na ito, kasing laki niya ang mga fast food. Napatingin si Rosalia sa entrance kung saan may lumabas na lalaking naka-white na damit at black pants na mukhang mamahalin, at babaeng naka red at sobrang ikli ng shorts. Parehas silang nagatatawanan ngunit ang babae ay nanghihina na dahil sa kalasingan. 

"Hoy, tulala ka na diyan!" Mahina ng siniko ni Aling Anita sa tagiliran si Rosalia. Sinundan rin nito kung saan nakatingin si Rosalia. "Ay, ang swerte niya naman!" Nagpapadyak ang Ginang. 

"Aling Anita. Sigurado po ba kayong dito ako magta-trabaho kung sakali man na matanggap ako?" Taka ni Rosalia nang hindi nalingon at nakatitig lamang sa mga nalabas. "Parang nakakatakot po kasi pag nasa loob na."

"Ano ka ba! Normal lang iyan para sa baguhan na katulad mo." Ani ni Anita Kay Rosalia. "Mabuti pa, Tara na sa loob. Maraming pogi diyan sa loob! Sigurado akong magugutuhan ka rin ng iba pag nakita ka nila... Balato ha?!" Sabi ni Aling Anita Kay Rosalia habang paakyt sila sa maikling hagdan. 

Hindi sumagot si Rosalia. Kaba ang nararamdaman niya dahil sa mga sinasabi ni Aling Anita sa kanya. Dederetso na sana sila papasok ng bigla silang harangin ng dalawang lalaki na naka-itim. 

"Card?" Malaking boses na sabi ng isang lalaki na nakatayo sa labas saka nila had ang kamay niyo. Habang ang isa naman ay nakaharang ang kamay sa pa pasukan nila. "Hindi pwede ang walang card dito, kailangan niyong may maipakitang card sa amin."

Hindi makatingin ng ayos si Rosalia sa dalawang lalaki, dahil sa takot. Hinawakan niya si Aling Anita sa braso saka hinatak. "Aling Anita, mabuti pa umuwi na lang tayo-"

"Tumigil ka Rosalia! Kailangan mo rin naman ng trabaho kaya wala ka ng choice kundi dito na lang sa bar." Singhal ni Aling Anita habang nakatingin kay Rosalia. "Ah, Pasensya na mga bossing, may mag-a-apply kasi ng trabaho rito sa bar." Mabilis niyang tinulak paharap si Rosalia sa dalawa at siya naman ang nasa likod. "Siya 'yung mag-a-apply."

Bumalot ang takot sa buong katawan ni Rosalia. Napakagat labi pa siya nang titigan lang siya ng dalawang lalaki. Wala ito sa plano ni Rosalia, ngunit narito siya ngayon sa harap ng bar, at bala na ipasok sa isang trabaho. 

"Anong pangalan mo? Kasama mo ba iyang nasa likod mo?" Seryosong tanong ng isang lalaking nakaharang ang kamay. 

Mabilis na tumango si Rosalia dahil sa takot, "Ako po si Rosalia. At opo. K-kasama ko po siya. Siya ang Tita ng kaibigan ko." Aniya. 

"O, naniniwala na kayo?! Sabi sa inyong kasama ko itong magandang babae na 'to." Bwelta pa ni Aling Anita magsalita. 

Napa-atras sila Rosalia kasabay nang pagpasok ng isang lalaki at kausapin ang kasama nito. Saglit lang silang nag-usap bago tingnan mula ulo hanggang paa si Rosalia. Napataas ang kilay ni Rosalia dahil sa walang alam na pag-uusap ng dalawang lalaki. 

Kinuha ng lalaki ang isang maliit na card na kulay itim at inabot iyon kay Rosalia. Takang binasa sa isipan ni Rosalia ang nakalagay sa card. 

"Allowed to interview?" Takang tanong ni Rosalia dapat sa isipan ngunit nasabi niya iyon. 

"Oo. Pamasok na kayo kung ayaw niyo pang mapa-alis kayo. Nasa office si boss, nasa itaas iyon, kasama ang iba pang mga nag-a-apply sa bar na 'to." Sabi naman ng isang lalaki kay Rosalia. 

"Salamat mga bossing!"

Napaigtad si Rosalia nang bigla siyang itulak papasok ni Aling Anita. Nakita ng buo ni Rosalia ang Bar. Ang daming tao na nag-iinnuman at nagakkasiyahan, ngunit formal. Hindi masyadong maingay, pagkakapasok pa lang. May isa pang entrance sa dulo, na puno ng mga iba't-ibang ilaw, kung saan kahit nakasarado ang transparent door nito ay maririnig sa kinatatayuan ni Rosalia ang malalakas na tugtog. Katulad rin sa entrance na pinasukan nila ay may nagbabantay rin doon ngunit isa lamang. 

"Woah! Ang ganda talaga rito! Tingnan mo iyung chandelier sa itaas, Rosalia!" Tumingin rin naman si Rosalia sa itinututo ng daliri ni Aling Anita na may nakalaylay na chandelier na naikot. "Ang sabi ay naka-customized 'yan at real diamond ang mga nakakabit diyan!" Puna ni Aling Anita. 

"Aling Anita, bakit hindi na lang po kayo rito ang mag trabaho?" Tanong ni Rosalia na ikinatigil ng Ginang. "Kasi po maayos naman kayo, saka wala akong alam sa gagawin ko rito. Saka nakikita niyo po ba? Nakalimutan ko ang mga requirements ko para mag apply."

Nagtaka si Rosalia nang mapansin hindi nga pala siya nadala ng kahit anong requirements ngunit pinapasok sila para sa interview agad-agad. Tanging ang cellphone lang naman ang dala nito. 

"Eh, baka naman nagustuhan ka ng mga bossing na 'yon!" Tukoy ni Aling Anita sa dalawang lalaki kanina sa entrance. "Mabuti pa, tara na sa taas. Baka hindi ka pa makapasok! Nako! Sayang ang pera ngayon."

Tumango na lang si Rosalia at sinundan si Aling Anita. At nang makaakyat sila sa second floor ay may isa pa doong lalaki na malaki rin ang katawan. Hindi pinapasok ang Ginang at tanging si Rosalia na lamang ang tumuloy. 

"Galingan mo, ha?! Maganda ka! Papasa ka, sure ako!" Sigaw ni Aling Anita. 

Tumingin sa baba si Rosalia saka ngumiti sa ginang. "Makaka-asa po kayo, Aling Anita!" Sigaw ni Rosalia. Huminga ng malalim si Rosalia bago tinungo ang office na nasa kaliwa at dulo. 

Walang ka-tao-tao. Tanging siya lang at ang lalaki ang nasa 2nd floor. Sobrang dilim kahit na maaga pa naman. Ang tanging nagbibigay liwanag lamang sa daan ang pa habang ilaw na nasa gilid sa ibaba ng pader. 

Iniligay niya ang braso niya sa gitna ng d****b habang hawak-hawak ang card na handa ng ibigay. Kumatok muna siya na umabot pa ng limang beses bago mabuksan ng isang naka-skirt na babae at may kanipisang puting polo. Dahan-dahan na sumilip si Rosalia sa loob at doon nakita niya ang isang upuan na kulay itim na nakatalikod at may naka-upo at may biglang lumabas na usok.

Sigarilyo ba 'yon? 

"What?" Mataray na tanong ng babaeng nagbukas. 

Napatingin si Rosalia sa babae hanggang sa umabot niya sa d****b ng babae nang makitang may name tag doon. Gail ang nakasulat. Pumitik ang babae malapit sa kanyang mukha kaya agad siyang natauhan.

"I said, what are you doing here?!" Hinarangan ni Gail ang pwesto kung saan makikita ang upuan. 

Hindi nagawang magsalita ni Rosalia dahil sa takot sa babae. Nasunduan ni Rosalia nang tingin ng babae nang mapunta ito sa d****b niya at makita ang hawak niyang card na hawak niya pa rin sa kanang kamay habang nasa d****b.

Mabilis na nilahad ni Rosalia ang kamay niyang may hawak na card. "C-card ko po para sa mag-a-apply ng trabaho." Utal na sabi ni Rosalia sa babae na ngayon ay naktaas ang kilay sa kanya. 

Hindi kinuha ng babae sa kanya nag card bagkos tininng lang nito si Rosalia mula ulo hanggang paa sabay ng malakas na pagtawa. "Where the f*ck did you get that card?"

"A-ah, binigay kasi sa akin nung dalawang lalaki sa entrance nitong bar." Ngumti si Rosalia bago binaba ang kamay niya. "Saka ang sabi ay dito raw po ako magpunta para sa interview."

"Oh my gosh!" Sarkistong napatawag ang babae. "Baguhan ka lang ba dito? Saka where is your requirements?" Tumaas ang kilay ni Gail. 

Agad na umiling si Rosalia at mapa-tungo. Lungkot ang nararamdaman niya na sa unang pagkakataon na maghanap siya ng trabaho ay bigo siya. Siguro nga ay hindi ito ang para sa kanya maging trabaho. 

"Who si that, Gail? Can I talk to her now?" 

Umangat ang mukha ni Rosalia at sinundan kung saan nanggaling ang boses na iyon. Na pako ang tingin niya sa lalaking biglang tumayo ngunit nakatalikod lamang ang lalaki. 

Tumingin si Rosalia sa babae at makitang inirapan siya nito bago mag salita. 

"'Eto na po, sir! Mag-a-apply daw ang babaeng ito." Napahalukipkip si Gail at walang buhay na tumingin kay Rosalia. "Pumasok ka na,baka magalit pa iyan sa akin." 

Napangiti si Rosalia sa sinabi ni Gail. "Salamat!" Mahinag sabi ni Rosalia ngunit ito' y natutuwa. 

Inirapan lang siya ni Gail bago ito maglakad paalis at isarado ang pinto ng padabog. Nagulantang pa si Rosalia dahil sa lakas niyon. 

Ngayon ang sandaling nararamdaman ni Rosalia ang seryosong tensyon sa office. Pinakalma niya muna ang sarili bago mag salita. 

"Ahm, goodmorning po sir... Ako nga po pala si Rosalia Selim." Pagpapakilala ni Rosalia.

"And?" 

Halos kilabutan si Rosalia sa boses na nanggaling sa lalaki na halos mag-echo sa kwartong iyon. Ang lago ng boses na mahahalata ang kalaliman noon. Ngunit kumunot ang noo ni Rosalia sa sinabi. 

Nag-isip ng ibang sasabihin si Rosalia bago tumayo ng tuwid. "Ah, taga-Bicol po ako. Nagka-problema po kasi kami sa pera at nagkasakit ang Itay ko kaya dito ako napadpad sa Maynila para mag trabaho." Aniya. 

"And then?"

Napa-awang na lang ang bibig ni Rosalia. Napakamot siya sa ulo dahil sa hindi niya alam kung bakit iyon lang ang tanging sinasabi ng lalaking nasa harap niya habang nakatalikod ito. 

"A-ano sir, sa dorm po ako ngayon nakatira. Ang kaibigan ko rin po ang tumulong sa akin para makahanap ng matutuluyan at saka isa pa, ang trabaho." Sabi ulit ni Rosalia. 

"And then what, Ms. Rosalia Selim?"

"Ano pong ano, sir?" Napakamot n a lang ng ulo si Rosalia habang napapangisi nang may pagtataka. "Hindi ko po kasi kayo maintindihan. Puro na lang po 'and then?', ang  tinatanong at sinasabi niyo. Pasensya na po kayo pero nalilito rin po ako." Kalmadong sabi ni Rosalia. Hindi niya na kasi maintindihan ang lalaki. 

Narinig niyang tumawa ang lalaki kasabay nang paghara nito aky Rosalia habang natatawa. Natigilan si Rosalia nang makita ang lalaki. Matangos ang ilong. May dimple. May kaputiang ang kutis. Nag-p-pink na kulay ng labi, at makapal na kilay. Iyan ang malalarawan sa lalaking nakaharap ngayon kay Rosalia habang may hawak na Sigarilyo sa kanang kamay nito na nausok pa. 

"I'm Teff Mival... And actually, I should have fired you from my office earlier. I'm tired of hearing the names ng mga nag-a-apply, over and over again-- where do you live, it's so annoying. But," tiningnan ni Teff mula ulo hanggang paa si Rosalia sabay napa-kagat sa iba bang labi. "Looks like you're something to me... I hope you just said earlier that you will take the job."

"Sorry po!" Agad na nag-vow si Rosalia. "Hidni ko pao alam na iyon ang kailangan. 

"That's ok. By the way, your hired... You can leave now. Go to my secretary Gail and please let her now start working." Ani ni Teff bago maupo sa upuan niya at parang wala lang ang pakiki-usap kay Rosalia dahil binuklat nito ang isang folder na naglalaman ng mga papeles. 

"Salamat po ulit!" Natutuwang sabi ni Rosalia bago lumabas ng office. Ngunit sa Paglabas niyo ay nakita niya nag isang lalaking pamilyar sa kanya. 

"Woah! Bakit ka narito?" Hindi makapaniwalang sabi ni Vion na may halong pang-aasar. "Nag-apply ka ba ng trabaho rito?" Sarkisto itong napatawa.

Tumungo na lang si Rosalia at aalis na sana ngunit pinigilan siya nito ng Mariin sa braso. 

"Kinakausap pa kita, bakit ka aalis agad? Rejected na naman ba?" Sabi ni Vion na matalim ang tingin kay Rosalia. "Kung tinanggap mo lang sana ang offer ko sa 'yong pagpapakasal noon ay wala ka sana dito. Nasa kama ka dapat natin at nagpapakasarap-"

Malakas na sinampal ni Rosalia si Vion at Patakbong umalis para makatakas sa bastos na lalaking iyon. 

Puno ng galit si Rosalia at napapaiyak na lang habang pababa ng hagdan. Ngayon lang siya nakarinig ng mga salita ng iyon na hindi niya inaasahan. Ngunit may parte rin sa puso ni Rosalia na guminhawa dahil tama ang naging desisyon niya na tanggihan ang alok ni Vion na magpakasal. 

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Rheamae Gemeniano
beautiful story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status