Share

Chapter 8

SINIMULANG hanapin ni Rosalia sa ground floor si Gail, na sekretarya ng kanyang magiging boss. 

"Excuse me po, nasaan po si Ms. Gail?" Tanong ni Rosalia sa nakasalubong niyang waiter rin. 

"You mean, Gail Roldez, miss?" Tumaas ang kilay ng babae. "Kung siya nga ang hinahanap mo ay naroon siya" tinuro ng babae sa kanya ang ang nasa dulo dulo na may roon pa pa lang daan doon patungo sa kung saan. 

Tumango si Rosalia, "Sige po, salamat!" Ngumiti siya bago tinungo ang kabilang daan. Katulad ng nasa itaas ay mayroon rin itong isang ilaw na tanging nagsisilbing lang ng daanan. Naging madilim na rin sa loob at mas nagliwanag pa ang chandelier, dahil sa mga bamboo blinds na nakababa sa mga glass door at wall sa buong paligid.

Pagpunta ni Rosalia doon ay nakita niya ang isang mahabang pathway na puno ng mga kwarto. 

"Kwarto ba itong mga 'to?" Tanong ni Rosalia sa sarili habang tinitingnan ang mga punto na may mga ibat-ibang number. 

Umabot hanggang dulo ng pathway si Rosalia hanggang sa makita niya si Gail na naglalakad pasalubong sa kanya. Napatigil pa ito habang si Rosalia ay nakahiga ng maluwag. 

"Ano na anumang ginagawa mo rito?" Masungit na tanong ni Gail habang mabilis itong naglakad papunta kay Rosalia. "Sinusundan mo ba ako?"

"Ah, hindi po," Mabilis na tanggi ni Rosalia sa mga tanong ni Gail. "Pinapahanap po kasi kayo ni Sir Teff, sa akin.. Natanggap na po kasi-"

"W-what?!" Hindi makapaniwalang napa-atras pa si Gail. "Natanggap ka?! Ganon-ganon lang?! Nilandi mo ba si Sir Teff kaya kay agad natanggap?" Tumaas ang kilay ni Gail. 

Natigilan si Rosalia sa mga pinag-sasabi ni Gail sa kanya. Hindi iyon natagalan dahil nakuha niya ang pinupunto ng kausap niya. 

 

"Opo, natanggap na ako. At saka hindi ko po nilandi si Sir Teff, hindi po ako ganoon tao," mahinahog sagot ni Rosalia kay Gail na matalim ang titig sa kanya. "Trabaho po ang pinunta ko rito." Dagdag pang sabi ni Rosalia. 

Napa-atras ang ulo ni Gail dahil sa pagkabiglasa sinabi ni Rosalia. "Girl, hindi ako t*nga para maniwalan diyan sa mga sinasabi mo. Ang hinhin mo pa pero ang totoo naman ay malandi ka! Aminin mo ng nilandi mo si Sir Teff kaya ka niya tinanggap agad! You're a flirt!"

"Hindi po ako ganang tao-"

"Enough!" Naputol ang salita ni Rosalia dahil sa lalaking sumaigaw. Nang lingunin iyon ni Rosalia ay mas kinabahan siya dahil hidni niya naman ito inaasahan. 

"Vion?" Mahina ng patanong na sabi ni Rosalia na mukhang narinig pa ni Gail kaya ito sarkistong napatawa. 

"What the hell is happening here?" Kunot ang noong tanong ni Vion na tanging nakatingin lang kay Gail. Bigla nitong hinatak sa braso si Rosalia at hinarap si Gail. "What are you doing here? Bakit mo sinisigawan si Rosalia?"

"Akalain mo nga naman," mabagal na pumalakpak si Gail habang nakangiti itong nakatingin kay Rosalia. "Kanina si Sir Teff ang nakuha mo, ngayon, eto namang lalaking ito."

"What did you say, miss?" May pananakit sa boses ni Vion. 

Takot nahinawakan ni Rosalia si Vion sa braso, kasabay nito ang pagsalita muli ni Vion.

"I'm a VIP customer here, miss," ani ni Vion. "At ang sinisigawan mo lang naman na babae ay ang asawa ko."

Nanlalaki ang mata ni Rosalia dahil sa narinig niya mula kay Vion. Hindi nito inaasahan na iyon ang sasabihin ng lalaki. Napatingin siya kay Gail at makitang nakatulala na itong nakatingin kay Vion. 

Hinatak paupo ni Rosalia si Vion sa sofa ng bar sa gilid. "Anong sinasabi mo sa kanya?" Inis na tanong ni Rosalia habang nasa harap ni Vion na nakaupo. "Nag sinungaling ka kay Miss Gail, hindi mo siya kilala-"

"So what? And I know her Rosalia." Wala nag buhay na sabi ni Vion na naka-dekwatro pa ang kanang paa nito. Piankatitigan niya si Rosalia. 

"Vion, hindi kita kilala." Magmamatapat ni Rosalia kay Vion na totoo naman. "Unang beses lang kita nakita at noon iyon. Matagal na."

"Ano bang pinupunto mo? Na sinabi ko sa kanya na asawa kita? F*ck, Rosalia! Sinisigawan ka ng babaeng iyon habang ikaw naman panay lang ang ngisi. Hindi ka ba nakakaramdaman na may inis o galit sa 'yo ang isang tao, at ganan na lang ang trato mo sa kanila?!"

 

"Vion, wala silang ginagawa sa aking masama. At ang pinupunto ko ay nag sinungaling ka sa kanya. Paano na lang kung matanggal ako rito sa bar. Tingnan mo pa tuloy ang nangyari, hindi ko nasabihan si Miss Gail na ngayon ako mag ta-trabaho rito." Napasapo na lang ng noo si Rosalia.

Sa totoo lang ay inis ang nararamdaman niya ngayon. Magka-iba ang galit at inis para sa kanya. Hindi naman siya agad madadala ng galit kung hindi matindi ang galit ng kausap niya.

"Kung tinggap mo lang ang alok ko noon. 'Edi sana ay wala ka dito." Sarkistong napatawa bigal si Vion at saka ito tumayo. Napa-atras pa sa gulat si Rosalia sa kanya. "Mahirap ang trabaho dito, Rosalia," titig na titig ito kay Rosalia. "Bibigyan kita ng isa pang pagkakataon na tanggapin ang alok kong pagpapakasal."

Naiwang gulat si Rosalia sa kanyang kinatatayuan. Puno ng kaba ang kanyang naramdaman. Muling hinanap ni Rosalia si Gail at sa hidni inaasahan ay nakita niya ito kausap ang isang babae na parang pinapagalitan. 

"Miss, Gail," tawag ni Rosalia papal at kay Gail. Gustohin man yang hindi ito salubungin ng ngiti ngunit kailanga niyang ipakita na ayos lang siya at walang problema sa magiging trabaho. 

"Wiat a second," Rinig ni Rosalia na sabi ni Gail sa kausap nitong babae, bago siya tingnan. "What?" Tipid nitong tanong na seryoso. 

"Ah, sorry po pala sa nangyari kanina. Hindi ko naman po intensyon na mangyari iyon." Hingi ng tawad ni Rosalia. Nang makita niya ang seryosong mukha ni Gail ay muli niyang tinuloy ang sasabihin. "Ah, kailangan ko raw po kasi sabihin sa inyo na ngayon ang pagsisismula ko ng trabaho." Aniya. 

Tumkhim muna si Gail bago tumango ngunit seryoso ang mukha niya. "Sumama ka na lang sa kanya." Tinuro ni Gail si ang kanilang kausap nito.  "She's Elyn, by the way. Hindi siya baguhan pero kailangan niyang kumuha ng apron dahil sa 'late' siya." Umirap si Gail bago mag paalam sa kanila at umalis. 

Pinakatitigan lamang ni Rosalia ang pag-alis ni Gail ng biglang tumabi sa kanya si Elyn. 

"Ang sungit niya talaga kahit kailan! Hindi naman siya ang may-ari ng bar at sekretarya lang naman siya para pag sabihan ako ng ganoon." Pagrereklamo ni Elyn habang nakanguso. Bigla niyang hinarap si Rosalia at abot tainga ang ngiti. "Siya nga pala, ako si Elyn, waitress dito sa bar ni Sir Mival. Ikaw?" 

Hinarap ni Rosalia si Elyn na nakangisi. "Rosalia Selim ang pangalan ko," Pagpapakilala niya saka nilahad ang kanang kamay na sinundan nang tingin ni Elyn na may ngisi rin sa labi. "Waitress rin ang magiging trabaho ko rito." Dagdag ni Rosalia. 

Tinggaap ni Elyn ang kamay ni Rosalia. Nag-kwentuhan sila ng kung anong bawal at pwede sa bar. Nagulat pa si Rosalia sa mga kwento ni Elyn sa kanya dahil natanggap ang bar na ito na tumanggap ng isang bayaran na babae. 

"Kaya ba maraming mga kwarto sa doon?" Tanong ni Rosalia habang sinusuot ang kanyang kaikliang apron na hanggang tyan. Sext=y ang dating ng apron na hindi mahhalatang nakaganoon sila. Para lamang iyon is nag maliit na design sa harapan ng damit. 

"Oo! Normal na lang iyon dito, basta walang Patayan na magaganap." Napatawa pa si Elyn ngunit bigla iyong sumeryoso. "Mamayang gabi, Rosalia, may bisista si Sir Mival. Ang sabi sa akin ng kaibigan ko dito ay naghahanap iyon ng mababayaran para sa isang gabi nila. Kaya mag-ingat ka, saka kung may i-serve man sa iyo ang bartender para sa mga bisitang iyon, ay ako ang tawagin mo, para hindi ka nila magalaw." Sabi ni Elyn na may pagbabanta pa. 

"Kaya ko naman siguro ang mga iyon. Saka baguhan ako, hindi naman siguro ako nila gagalawin." Kalmadong sabi ni Rosalia. Pilit niyang pinapakalma ang sarili dahil sa mga sinasabi ni Elyn sa kanya na hindi niya pa gaanong maunawaan. 

Unti-unti na ring naninibago si Rosalia sa mga kaganapan niya ngayong unang araw pa lang. Nasa isip niya ay baka dahilan lamang ito sa una niyang pagta-trabaho, ngunit hindi. Ibang-iba ang pakikitungo ng bawat ato hindi katulad sa probinsya nila na kadalasan lang niya iyon naririnig. 

"Iyon nga ang gusto nila, ang baguhan. Ibahin mo mind set mo rito. Impyerno ang lugar na 'to pero maganda naman dahil sa malaking kikitaing sahod. No choice kumbaga." 

Kabadong natigilan si Rosalia na talian ang buhok niya, nang marinig nito ang salita ng Impyerno na alam niyang sobrang sama. 

"I-ibig sabihan mo ba ay masama rito? I-iba ang trato ng bawat tao?" Takot na tanong ni Rosalia habang natigilan.

Kumibit-balikat si Elyn habang nakatingin sa kanya, "Ewan ko."

Umabot ng gabi ang pagta-trabaho ni Rosalia sa bar. Tinawagan niya rin ang kanyang ina at ang dalawa niyang kaibigan upang malaman na siya ay may trabaho na sa isang bar. Nai-kwento niya pa ang pagkikita nila ni Vion sa bar na pinagta-trabahuhan niya. 

Napa-isip si Rosalia sa offer ni Vion sa kanya. Ngunit tumatanggi ang puso at isip niya roon. Hindi niya kayang tanggapin iyon dahil lamang sa pagpapakasal at sa hindi niya rin naman mahal ang lalaki. 

Saglit lang naka-usap ni Rosalia ang mahal niya sa buhay ng tawagin siya ng bartender. 

Taka pa siyang tiningnan ng lalaki, "Baguhan ka?" Tanong nito habang sinasalinan ang champagne glass na nang nakatingin sa kanya. 

"Ikaw ba iyung kausap ko kanina?" Taka ring tanong ni Rosalia dahil hindi na alam ng lalaki kung sino siya. May nakilala na rin siyang bartender at halos kamukhang-kamukha ng lalaking nasa harapan niya ngayon. 

"Ah, no. Brother ko ang kausap mo kanina. I'm Marc." Nilahad ng lalaki ang kamay nito pagkatapos salinan ang lahat ng baso ng champagne.  

Mabilis iyong tinggap ni Rosalia. "Lia." Pagpapakilala niya ngunit maikling pangalan lamang ni Rosalia ang binigay niya sa lalaki. Tinuruan siya ni Elyn na h'wag ring ibigay ang totoo niyang pangalan sa mga kakakilala niya pa lang. Baka raw ay makasama pa iyon sa kanya.

"Para kanino?" Tanong ni Rosalia na nakatingin sa champagne glass na tapos ng salinan ng mga alak. Amoy na amoy niya pa ang tapang mga alak. 

"Sa visitors." Sagot ni Marc. 

Natigilan si Rosalia na nakatitig lamang kay Marc. Nilingon niya kung nasaan si Elyn at makitang may kuma-kausap roon. Sinunod niya kasi si Elyn an ito ang madala ng anumang inumin sa mga bisita ni Sir Mival. Ngunit sa pagkakataon na ito ay mukhang siya na ang magdadala. 

Tinungo ni Rosalia ang nasa gitna ngunit paibabang pwesto na may mahabang sofa. Dahan-dahan pa ang kanyang paglakad dahil hindi pa siya sanay na ibalanse ang mga baso sa tray. 

Pinakalma niya ang sarili ng makalapit sa mga bisita ni Sir Mival. Wala doon ang kanyang boss kaya nabawasan kahit papaano ang kaba niya. 

"Yeah, she's hot! I want her."

"15 thousands, I guess for that girl."

"Make it 20 thousands! I'm sure you enjoy that sexy girl over there."

Naririnig ni Rosalia na mga kwentuhan. Nanghihina ang tuhod niya ngunit kailangan niyang ipakita na hindi siya takot sa mga iyon. Isa iyon sa mga nagpapalakas sa mga bisita na bastusin ang mga natatakot na babae na mag-se-serve. Kaya halos lahat ay matatapang na dalhin ang mga gustong alak ng mga mayayamang tao. 

Habang pababa sa tatlong palapag na hagdan ay tumigil ang iba sa pagsasalita, at makaramdaman si Rosalia na sa kanya nakatingin ang mag lalaking naka-tuxedo, iyong iba pa ay may ka-tabaan at ka-tandaan. 

Ngumiti siya at nilapag ang dalawang champagne glass doon. Aalis na sana siya ng biglang may sumipa sa binti niya dahilan para mapatingin si Rosalia sa may gawa noon. 

"Oh, I'm sorry, miss," hingi ng tawad ng lalaking pumwestong nakadekwatro. Mapungay ang pag-tingin nito kay Rosalia. Sa tanya ng edad nito ay matutulad kay Teff ang edad. Siya nga lang siguro ang natatanging mas bata sa mga kasama niya, ngunit kung kumilos ay matanda. 

"O-ok lang po." Tumalikod si Rosalia at handa ng umalis ngunit may pumigil sa kamay niya dahilan para siya'y kabahan. 

"Free ka tonight?"

"P-po?" Nanlaki ang mata ni Rosalia sa tanong ng lalaking sumipa sa kanyang binti. 

"Magkano ka ngayon? Just to be with me tonight-"

"Hey, hey, what's going on here?"

Nakahiga ng maluwag si Rosalia at Nginitian pa sa mga mata ang kanyang Boss na biglang dumating na nakapamulsa pa. 

"Oh, Teff. I just want her night lang naman. Can I?" Paalam nito nang nakatingin kay Rosalia. 

Parang estatwa lang na hindi makapagsalita si Rosalia kahit na ayaw na ayaw niya. Muling tumingin si Rosalia sa kanyang boss na ngayon ay seryoso ang mukha. 

"I think I know her answer," ani ng boss ni Rosalia na nakatingin lamang sa mga mata niya. "It's a yes."

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status