ログインPagkalipas ng anim na taon, sa Ninoy Aquino International Airport.
Agad na nakuha ni Bella at ng kanyang tatlong anak ang atensyon ng mga tao pagkababa pa lang nila ng eroplano. Simple lang ang suot nya at wala itong make-up, pero lutang na lutang ang ganda niya. Ang mga bata naman ay sobrang cute. Ang malalaki at kumikinang nilang mga mata ay sumisilip mula sa likod ng kanilang mga mask, at ang mahahaba nilang pilik-mata ay sapat na para matunaw ang puso ng sinuman. Marami tuloy ang napapaisip na gusto na rin nilang magka-anak. Hindi na pinansin ni Bella ang mga tingin ng tao. Habang nakatayo sa exit ng airport, pinagmasdan niya ang pamilyar pero medyo nag-ibang paligid. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya. Dati, ang mga salita ni Sebastian na isa syang taksil ang nagtulak sa kanya sa gitna ng gulo. Isang buwan matapos iyon, nalaman niyang buntis siya—na tila nag-confirm sa paratang ni Sebastian. Muntik na siyang malunod sa mga tsismis. Ang mga adoptive parents niya, dahil sa pandidiri at naramdamang wala na siyang silbi, ay itinakwil siya at pinalayas sa bahay. Alam niyang anak iyon ng estrangherong lalaki. Naisip niyang ipalaglag ito, pero pagkatapos ng mahabang pag-iisip, hindi niya kaya. Sarili niya itong dugo’t laman. Itinadhana na maging anak niya ang mga ito, kaya kahit gaano kahirap, kailangang iluwal at palakihin niya ito. Dahil sa takot na makaapekto ang reputasyon niya sa kinabukasan ng bata, lumisan siya sa Manila para manirahan sa probinsya. Napakahirap mamuhay mag-isa lalo na’t buntis siya. Ang paghahanap ng trabaho ang naging unang malaking hadlang para sakanya. Maraming employer ang ayaw siyang tanggapin dahil sa kalagayan niya. Pero hindi siya pwedeng tumigil dahil kailangan niya ng pera. Kailangan niyang kumain, magbayad sa hospital, at paghandaan ang gatas at pag-aaral ng anak niya. Sa wakas, nakahanap siya ng trabaho sa isang restaurant. Sa takot na matanggal, mas nagsumikap siya kaysa sa kahit sino at hindi man lang nag-day off. Dahil dito, nagkulang siya sa nutrisyon at sobrang napagod. Nung siyam na buwan na ang tyan niya, bigla siyang hinimatay sa pagod habang pauwi. Ang nakakapagtaka, pagkagising niya, siya at ang kanyang mga anak ay nasa gitna na ng kabundukan. Hanggang ngayon, hindi niya pa rin alam ang totoong nangyari noon. Sino ang nag-opera sa kanya? Sino ang nagdala sa kanila sa bundok? At bakit? Sabi ng mga nakasagip sa kanila, aksidente lang silang nahanap, naawa, at iniuwi sa bahay ng mga ito. Nanatili sila doon ng limang taon. Masaya at payapa ang naging buhay nila doon. Pero habang lumalaki ang mga bata, kailangan na niyang isipin ang edukasyon at future ng mga ito. Maganda sa bundok, pero maliban sa mga tagapagligtas nila, wala nang ibang tao doon. Kapag nawala na ang mga ito, sila na lang ang matitira. Deserve ng mga anak niya na makita ang ganda ng mundo. Kaya matapos ang mahabang pag-iisip, nagpaalam na siya sa mga nag-alaga sa kanila at bumaba na ng bundok. Ayaw niya talagang bumalik sa Manila dahil sa mga nangyari anim na taon na ang nakakaraan. Pero nung inasikaso niya ang birth registration ng mga bata, nagulat siya na kasal pa rin pala siya. Hindi niya maintindihan kung bakit—sigurado siyang nakapirma na siya ng divorce papers noon! Naging problema ito dahil kasal pa siya, kung ire-register niya ang mga bata, ang pangalan ni Sebastian ang lalabas na tatay. Makapangyarihan ang pamilya Zobel at ayaw sa kanya ni Sebastian kaya siguradong hindi ito papayag na maging tatay basta-basta. Kaya bago ang lahat, kailangan muna niyang makuha ang divorce. Naparito siya para makipaghiwalay na nang tuluyan kay Sebastian. Wala siyang galit dito. Noon, siya naman talaga ang nagkamali at tama naman ang sinabi nito na naging taksil siya. Kung may galit man siya, iyon ay para sa lalaking kumuha ng pagkababae niya nung gabing iyon! Sabi nila, mapanlinlang ang salita ng mga lalaki, at totoo nga. Sabi nung lalaking yon, gagawin niya siyang pinakamasayang babae, pero anong nangyari? Sinira lang nito ang buhay niya! Kapag naiisip niya ang lahat ng hirap, gusto na lang niyang bugbugin ang lalaking ’yon. “Mommy, naiihi po ako,” biglang sabi ng bunsong anak nya habang humahawak sa damit niya. Nagbalik sa realidad si Bella at tumingin sa tatlong anak niya. Agad na gumaan ang loob niya. Kahit naging magulo ang buhay niya noon, kapalit naman ang mga batang ito, kaya worth it ang lahat. Ang tatlong anak niya ang tunay niyang pride. Ang panganay na si Hunter ay parang munting gentleman. Hindi masyadong madaldal pero ramdam ang awtoridad bilang kuya. Matalino at mature na kumilos. Ang pangalawa naman na si Archer ay kabaligtaran—bibo, malikot, at mahilig makipag-away. Ang pangarap nito ay maging invincible sa pakikipaglaban na tinawanan lang nya ngunit hindi na sya nakipag talo. Ang bunso naman na si Ryder ay medyo iyakin at mahiyain, pero sobrang lambing at marunong nang magluto kahit bata pa. Magaling din ito sa fashion. Lahat ng perfume na ginagamit ni Bella ay timpla ng bunso niya. Ngumiti si Bella sa bunso niya. “Sige, sasamahan ka ni Mommy. Hunter, Archer, gusto niyo rin bang mag-restroom?” Umiling ang dalawa. “Hindi po!” “Sige, dito lang kayo ha, wag kayong aalis. Samahan ko lang si Ryder.” Pagdating sa tapat ng restroom, nag-instruct agad si Bella. “Ryder, pasok ka sa men’s room, si Mommy sa women’s room. Pag lumabas ka agad, hintayin mo lang ako dito ha?” Tumango ang bata at tumakbo na papasok. Maya-maya, lumabas na ang bata at masunuring naghintay. Biglang may dumating na grupo ng mga bodyguards na may kasamang isang eleganteng babae. Nakasuot ito ng malaking sunglasses at matingkad na lipstick, at parang galit na galit na nakikipag-usap sa mga kasama niya. “Wag niyo na akong tatanggapin ng mga cheap na script! Ang hirap mag-shoot sa liblib na bundok. Wala pang plane kaya napilitan akong mag-tren! Bagay ba sa status ko ang mag-tren? Tignan mo ang mga tao dito, ang papangit at ang babastos, nakakadiri!” malakas na sigaw ni Astrid. Todo-tango ang manager niya habang ang mga bodyguards ay bastos na nanunulak para hawiin ang daan. “Tabi! Tabi kayo!” Si Ryder, sa sobrang gulat, ay malakas na naitulak bago pa man siya makagalaw. Napaupo siya sa sahig at nasaktan, nangingilid ang luha pero hindi siya makaimik sa takot. “Kaninong anak ba ’to? Umalis ka sa dadaan ko!” mataray na sabi ni Astrid. Natakot si Ryder sa eksena. Nakaupo lang siya doon, nakatakip ang kamay sa bibig at lumuluha habang nakatingin sa babae. Nainis si Astrid. Ang makita ang bata ay parang tinik sa puso niya. Ang itsura nito ay nagpapaalala sa isang tao na kinamumuhian niya. “Sabi ko umalis ka, bakit nakaupo ka pa rin diyan! Wala ka bang modo? Paano ka ba pinalaki ng mga magulang mo?” Pagkasabi noon, malakas na sinipa ni Astrid ang bata gamit ang dulo ng kanyang sapatos bago tuluyang umalis. Napahagulgol na si Ryder dahil sa sakit. “Mommy, kuya, masakit po… waaaah…” Hindi pa nakakalabas si Bella nung marinig nina Hunter at Archer ang gulo kaya agad silang sumugod. “Anong nangyari, Ryder?” Umiiyak na sumagot ang bunso, “Yung… yung auntie… sinipa po ako… kuya, masakit…” Nung marinig iyon, nag-init ang ulo ni Archer. Akala ba ng babaeng ’yon ay walang tagapagtanggol ang kapatid niya?! “Kuya, bantayan mo si Ryder. Ako na ang bahala sa babaeng ’yon!” Pagkasabi noon, mabilis na tumakbo si Archer at nawala sa gitna ng maraming tao.Samantala, wala namang pakialam si Bella sa iniisip nito. Ang mahalaga ay naibalik niya ang pera at gumaan ang loob niya. Sinulyapan niya si River na nakahiga sa hospital bed at iniabot ang kamay nito. Agad na hinawakan ni Sebastian ang pulso niya at nanggagalaiting nagtanong. "Anong ginagawa mo?!" Nagulat si Bella sa bagsik ng boses nito. "Gusto ko lang... gusto ko lang kunin ang pulso niya." Tiningnan siya ni Sebastian nang may madilim na mukha at puno ng galit. Bahagyang umubo si Doctor Bentley para pagaanin ang tensyon. "Maraming salamat sa pag-aalala, Miss Bella." Matagal siyang tinitigan ni Sebastian bago binitawan ang kamay niya. Inis na inis si Bella. Kung hindi lang dahil sa pag-aalala sa bata, hindi na siya mag-aabala! Para itong asong nangangagat sa nagpakain sakanya—hindi marunong kumilala ng mabuting loob! Nagmuramura si Bella sa loob-loob niya, pero maingat pa rin niyang kinuha ang pulso ni River. "Maayos na ang lagay niya sa ngayon. Kapag nagising siy
“Nag-iimbestiga na ang mga tao natin pero wala pa ring mahanap. Nabalitaan ko na kahit si Young Master Sebastian ay wala ring mahanap na impormasyon. Magaling ang kalaban natin.” sabi ng tauhan nya. Bumuntong-hininga si Theodore nang may madilim na mukha. “Siyempre magaling ‘yan. Kung hindi siya magaling, maglalakas-loob ba siyang hamunin si Sebastian?” Sandaling nag-isip si Theodore. “Pumunta ka sa dark web at kontakin ang Princess Belle Number One Backer. Kahit anong presyo ang hingin niya, ibigay niyo, basta matulungan niya akong malaman kung sino ang taong iyon.” Nag-aalala ang kanyang tauhan. “Pero mahirap po itong kontakin. Mailap siya at walang pakialam sa pera. Tumatanggap lang siya ng trabaho base sa mood niya.” Ang Princess Belle Number One Backer ay isang top figure sa mundo ng mga hackers. Dalawang taon na ang nakararaan, bigla itong sumulpot at pinasok ang isang foreign military hangar sa loob lang ng isang minuto, kaya naging tanyag ito agad. Noong subukan siy
“Ganoon pa rin,” sagot ni Sebastian. “Ang dami na nating kinonsultang experts, wala pa rin bang improvement?” “Wala.” “Wala? Si River ang tanging tagapagmana ng pamilyang Zobel. Hindi pwedeng magpatuloy ang ganito.” Bumulong naman ang panganay na anak na babae. “Eksakto! Hindi talaga pwedeng magpatuloy ‘to. Si River ang tanging lalaki sa henerasyon niya. Logically, siya ang rightful heir ng pamilyang Zobel. Pero kung magpapatuloy siya sa ganyang lagay, paano niya mamanahin ang Zobel Group? Ibibigay ba natin ang Zobel Group sa isang sakiting tao? Tsaka, aabot pa ba siya sa…” Bago pa matapos ng panganay ang sasabihin, malamig siyang pinutol ni Sebastian. Pinanlakihan din siya ng mata ni Theodore kaya tumahimik na lang ito kahit bumubuka pa ang bibig. Inip na tinitigan ni Sebastian si Theodore. “Wala kayong pakialam sa mga bagay na tungkol kay River . Limitado lang ang pasensya ko. Sabihin nyo na kung ano ang pinupunto nyo. Stop wasting my time.” Napakunot-noo ulit si Theod
Para makatipid ay sobrang tipid ng pamumuhay nito. Madalas ay tinapay at tubig lang ang kinakain nito, minsan ay may kaunting gulay. Maging ang itlog ay itinuturing na nitong luxury—minsan, isang beses lang itong kumakain sa loob ng isang araw. Bukod doon, kailangan pa nitong tiisin ang pangungutya at tsismis ng mga tao sa paligid nito. Hanggang sa isang araw, noong malapit na itong manganak, bigla na lang itong nawalan ng malay habang pauwi galing sa trabaho. Actually, sinubukan na ring paimbestigahan ni Sebastian ang mga ito noong mga nakaraang araw pero wala silang nahanap. Hindi dahil sa mahina ang mga tauhan niya, kundi dahil pagkatapos bumaba ni Bella sa bundok kasama ang mga anak niya ay itinagong kanyang tagapagligtas ang kanyang nakaraan sa takot na makaapekto ito sa kasalukuyan niyang buhay. Binigyan din siya nito ng bagong identity. Kaya naman ang ibang nag-imbestiga sa kanya ay nalaman lang na isa siyang ordinaryong biyuda na nakatira sa bundok kasama ang kanyang anak
Hindi nagtagal ay natanggap ni Sebastian ang mensahe. Nakatayo siya sa smoking area sa dulo ng corridor at hindi mapakali. “Sinong nagsabi sa kanyang nasa Manila pa ako?” Agad sumagot si Dominic. “Hindi rin niya sinabi, ang sabi lang niya, kapag hindi ka nakipag-divorce ay kukulitin ka raw niya nang kukulitin. Sabi niya rin na divorce lang ang gusto niya at wala siyang kukunin sa inyo kahit ano. Pagkatapos daw nun ay hindi na niya kayo guguluhin.” Nabwisit si Sebastian. “Binabantaan ba niya ako?” Hindi nakasagot si Dominic, tumigil sandali bago nagtanong. “…Anong gagawin natin ngayon? Kapag hindi ka nakipag-divorce, baka mamaya kukulitin ka nga niya? O baka isipin niya na may feelings ka sa kanya kaya ayaw mong makipaghiwalay?” Lalong nainis si Sebastian. “Sabihin mo, pabalik na ako!” Pagdating ni Bella sa Zavier Manor ay sinalubong siya ng bagong katulong doon. Bago na ang lahat ng mga tauhan sa bahay. Yung mga dating nag-aalaga sa kanya noon ay napalitan na. Hin
“May obsession ang batang ito sa Mommy niya, at dahil ‘yun sa sobrang pangungulila.” Nagtaka si Bella. “Sobrang pangungulila sa Mommy niya? Nasaan ba ang nanay niya?” Nagkibit-balikat lang si Doctor Bentley at sumulyap muna kay Sebastian bago sumagot. “Wala siya rito.” Agad na nag-assume si Bella na pumanaw na ito. “Kailan pa namatay ang nanay niya?” Bago pa makasagot si Bentley ay biglang bumanat nang galit si Sebastian. “Sinong nagsabing patay na ang nanay niya? Buhay na buhay ang Mommy niya! Mas malakas pa sa kahit kanino!” Nagulat si Bella sa biglang pagsabog ni Sebastian. Tinitigan niya ito nang masama, gusto sana niyang lumaban pero pinigilan niya ang sarili. Napansin din ni Sebastian na nawalan na naman siya ng pasensya. Bumuka ang bibig niya pero walang lumabas na salita. Marahil dahil hindi niya alam ang sasabihin, tumingin na lang siya sa natutulog na si River. Agad na sumingit si Doctor Bentley para ayusin ang sitwasyon. “Hindi siya namatay, nawala lang siya p







