共有

Chapter Three

作者: Hanni
last update 公開日: 2026-04-19 01:46:51

Hindi na napigilan ni Hunter ang kapatid kaya wala siyang nagawa kundi tulungang tumayo si Ryder habang bakas ang pag-aalala sa mukha.

“Saan masakit, Ryder? Sabihin mo kay Kuya.”

“Dito… at dito.” Umiiyak si Ryder habang tinuturo ang pwet at binti niya.

Nang itaas ni Hunter ang dulo ng pants ni Ryder para tignan ay nagulat siya sa nakita. Isang malaking pasa na kulay ube ang malinaw na nakabakas sa maputing balat ng kapatid!

Napuyos sa galit si Hunter. Noong una, ayaw niyang gumawa ng gulo ang pangalawa nilang kapatid, pero ngayon ay parang gusto na niya itong kunsintihin.

Paano nila nagawang saktan nang ganito si Ryder? Akala ba nila ay walang kakampi ang kapatid niya? Dalawa kaya ang kuya nito!

“Sige na, Ryder, hihipan ni Kuya para hindi na masakit.”

Tumango si Ryder na parang kawawang tuta. “…Opo.”

Samantala, naabutan na ni Archer si Astrid sa labas ng airport. Noong akma na itong sasakay sa kotse ay hinarangan niya ang daan nito. Galit pero bakas pa rin ang pagiging bata ng boses niya.

“Ugly woman, sino ba ang nagbigay sa’yo ng lakas ng loob para guluhin ang kapatid ko?”

Ugly woman?

Napakunot ang noo ni Astrid at dinalatan si Archer. Gusto niya sanang sampalin ang bata pero dahil nandoon si Sebastian sa loob ng sasakyan ay kailangan niyang magpa-impress at magpanggap na mahilig sa bata.

Kaya naman, palihim na lang niyang inirapan si Archer at pabulong na nagalit. “Sino ang tinatawag mong pangit?!”

“Ikaw! Hindi ka lang ugly, matanda ka pa! At masama ka pa! Ugly, matanda, at masama—wala ka ng pag-asa!”

Pagkasabi noon, naglabas si Archer ng isang maliit at matalim na kutsilyo at sinimulang paikutan ang luxury car. Nang makita ni Astrid ang mahahabang gasgas sa itim na sasakyan, halos lumuwa ang mga mata niya.

“You brat, stop right now! Ang bastos mong bata! Tumigil ka nga! Alam mo ba kung kaninong sasakyan ‘yang ginagasgasan mo? Wala ka bang utak?!”

Sinubukan ni Astrid na pigilan siya, pero umiwas si Archer. Hinabol niya ito ngunit masyado itong mabilis. Paikot ikot ito sa paligid ng sasakyan.

Nasa loob ng sasakyan si Sebastian dahil sya mismo ang pumunta para sunduin si Astrid.

Nakita niya ang nangyayari kaya kumunot ang noo niya at sumulyap kay Dominic. “Get out and take a look.”

“Sige po.”

Papalabas na sana si Dominic nang biglang...

“Bang!”

“Bang!”

“Bang!”

“Bang!”

Apat na malakas na tunog ang narinig nila bago biglang lumubog pababa ang sasakyan.

“Ahhh!!“ Sumigaw si Astrid dahil sa gulat.

Lumabas na rin si Sebastian sa kotse. Pagkakita sa eksena, natigilan siya. Ang apat na gulong ay tuluyang natanggal at gumulong sa kung saan-saan habang umuusok pa. Ang mamahaling sasakyan ay nakahandusay na sa kalsada.

Samantala, ang batang hindi man lang lampas sa bewang niya at naka-mask ay taas-noong nakatayo sa harap ni Astrid.

“Bago lang ako dito ngayon, kaya pagbibigyan ko muna kayo. Pero kapag binu-bully niyo ulit ang kapatid ko, hindi na ako magiging ganito kabait! Pangit! Matanda! Masama! Hmph!”

Si Sebastian. “…”

Ang tapang naman ng batang ’to para magsalita nang ganyan sa murang edad. At pinagbibigyan lang daw sila? Paano pa kaya kung seryoso na siya?

Kaninong anak ito? Sobrang kulit at mayabang!

Akma nang aalis ang bata nang biglang bitbitin nya ito sa kwelyo. Napa angat ang mga paa nito sa lupa. Kumunot ang noo ni Archer at pilit na nagpupumiglas. “Sino ’to?! Bitawan mo ’ko ngayon din!”

Madilim ang mukha ni Sebastian. Inikot niya si Archer para harapin siya.

“What’s your name?” Malamig at walang emosyon ang boses niya.

“Ako…” Natigilan si Archer bago pa niya matapos ang sasabihin.

Grabe, kamukhang kamukha nya ang lalaki na ito! Parang giant version lang nila.

Siya kaya yung cheap nilang tatay na gumawa sa kanila pero hindi sila pinalaki?

Pero hindi ba patay na daw ang tatay nila?

Sabi ng Mommy nya, namatay daw ito dahil naipit sa pila habang bumibili ng gatas at diaper.

Siguro coincidence lang ng itsura?

Napatango si Archer sa sarili nya bago muling tiningnan si Sebastian at mayabang na nagsalita.

“Sige, pagbibigyan kita kasi kamukha mo yung dad ko. Ibaba mo na ako ngayon din, kundi hindi ako magiging mabait. Para sabihin ko sayo, nakakatakot ako kapag nagalit!” Nag-make face pa siya para takutin ang lalaki.

Lalong lumamig ang ekspresyon ni Sebastian. Ang liit-liit pa pero ang daldal na! Kung hindi lang dahil sa mga mata nito na kamukhang-kamukha ng anak niyang si River ay baka itinawag na niya ito sa pulis.

“Alam mo bang labag sa batas ang ginawa mo?”

“Yung pangit, matanda, at masamang babaeng ’yan ang nauna!” sigaw ni Archer.

Nanggagalaiti na si Astrid sa gilid. Sinong matanda?!

“Aaaaaahhhhhh! How dare you?!” sigaw ni Astrid pero hindi na sya pinansin ng dalawa.

Malamig na sabi ni Sebastian, “No matter the reason, your behavior is wrong!”

Kumunot ang noo ni Archer. “Hindi ka naman si Daddy ko, anong karapatan mo para utusan ako? Sino ka ba?”

“Nasaan ang mga magulang mo?” hindi nasisiyahang tanong ni Sebastian. Hindi siya papatol sa bata, pero pananagutin niya ang mga magulang nito. Ang kotseng ito ay bago—limampung milyon ang halaga at nawasak agad sa unang araw.

Isa pa, yung apat na gulong na umuusok… parang sinira gamit ang isang precision bomb. Paano natuto ang isang bata na gumamit niyon?

O may gumagamit sa bata para sa masamang plano? Para siguradong safe, kailangan niyang malaman.

Medyo nag-panic si Archer noong marinig na ipapatawag ang parents niya. Lahat naman ng makulit na bata, takot sa ganoon. Walang kinatatakutan si Archer kahit si Kamatayan pa, pero takot siya sa Mommy niya. Hindi siya pinapalo ni Mommy nya pero takot siyang malungkot ito dahil sa kanya.

Biglang nagbago ang timpla ni Archer at nag-pout. “Kung gusto mo siyang hanapin, dun ka sa daddy ko. Busy ang mommy ko at wala siyang oras na makipagkita sa ’yo.”

Tumingin si Sebastian sa kabilang direksyon. Sakto, ayaw din niyang makipag-usap sa babae.

“Nasaan si Daddy mo?”

“Si Daddy ko? Nasa impyerno siya, sa ika-labingwalong palapag. Mas mabuti pang pumunta ka roon at hanapin mo siya.”

Si Sebastian. “…”

Hindi nakatiis si Astrid at sumabat. “Sebby, tignan mo! Sinusumpa ka ng bastos na batang ’to na pumunta sa impiyerno! Halatang laki sa hirap kaya walang modo!”

“Ha! Ako walang modo? Ikaw nga itong matanda na pero pumatol sa limang taong gulang. Paano ka ba pinalaki ng nanay mo?!” sagot ni Archer.

Galit na galit si Astrid. “Twenty-eight lang ako ngayon!”

“Huh? Talaga? Hindi halata. Akala ko eighty-eight ka na.”

“Ikaw…”

“Shut up! Kung inulit mo pa ‘yan, ako na mismo ang magtuturo sa’yo ng leksyon para sa mga magulang mo.”

Eksaktong tumunog ang smartwatch ni Archer. Tumatawag na ang Mommy niya. Siguradong hinahanap na siya nito. Ayaw niyang mag-alala ang mommy niya kaya tumingin siya kay Sebastian.

“Aalis na ako, ayaw ko na kayong kausap Bye-bye!” Pagkasabi noon ay biglang kinalas si Archer ang butones ng suot niyang jacket—parang bula siyang nakatakas at naiwan ang coat sa kamay ni Sebastian.

“Sa ’yo na lang ang jacket! Welcome!” sigaw ng bata habang mabilis na nawala sa gitna ng maraming tao.

Lalong nagdilim ang mukha ni Sebastian habang hawak ang jacket. “I-check niyo ang impormasyon ng batang ’yon at dalhin dito ang mga magulang niya! I-check niyo rin kung paano sumabog ang mga gulong na ’yan!”

“Sige po!” Agad na sinenyasan ni Dominic ang mga bodyguards na pumasok sa airport.

Tumingin si Sebastian kay Astrid, halatang hindi masaya. “Bakit sinabi nung bata na binu-bully mo ang kapatid niya?”

“Paanong mangyayari ’yon? Baka nakita niyang mukha akong mayaman kaya nagtatangka silang mang-scam. Sinungaling ang batang ’yan. Siguradong hindi matitino ang mga magulang niyan. Kung ako sa ’yo, wag mo na silang kausapin—ipakulong mo na lang ang buong pamilya para magtanda!”

Malamig lang siyang tinignan ni Sebastian at hindi na pinansin.

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • Divorce Denied: Make Billionaires Daddy Cry!   Chapter Twenty Three

    Samantala, wala namang pakialam si Bella sa iniisip nito. Ang mahalaga ay naibalik niya ang pera at gumaan ang loob niya. Sinulyapan niya si River na nakahiga sa hospital bed at iniabot ang kamay nito. Agad na hinawakan ni Sebastian ang pulso niya at nanggagalaiting nagtanong. "Anong ginagawa mo?!" Nagulat si Bella sa bagsik ng boses nito. "Gusto ko lang... gusto ko lang kunin ang pulso niya." Tiningnan siya ni Sebastian nang may madilim na mukha at puno ng galit. Bahagyang umubo si Doctor Bentley para pagaanin ang tensyon. "Maraming salamat sa pag-aalala, Miss Bella." Matagal siyang tinitigan ni Sebastian bago binitawan ang kamay niya. Inis na inis si Bella. Kung hindi lang dahil sa pag-aalala sa bata, hindi na siya mag-aabala! Para itong asong nangangagat sa nagpakain sakanya—hindi marunong kumilala ng mabuting loob! Nagmuramura si Bella sa loob-loob niya, pero maingat pa rin niyang kinuha ang pulso ni River. "Maayos na ang lagay niya sa ngayon. Kapag nagising siy

  • Divorce Denied: Make Billionaires Daddy Cry!   Chapter Twenty Two

    “Nag-iimbestiga na ang mga tao natin pero wala pa ring mahanap. Nabalitaan ko na kahit si Young Master Sebastian ay wala ring mahanap na impormasyon. Magaling ang kalaban natin.” sabi ng tauhan nya. Bumuntong-hininga si Theodore nang may madilim na mukha. “Siyempre magaling ‘yan. Kung hindi siya magaling, maglalakas-loob ba siyang hamunin si Sebastian?” Sandaling nag-isip si Theodore. “Pumunta ka sa dark web at kontakin ang Princess Belle Number One Backer. Kahit anong presyo ang hingin niya, ibigay niyo, basta matulungan niya akong malaman kung sino ang taong iyon.” Nag-aalala ang kanyang tauhan. “Pero mahirap po itong kontakin. Mailap siya at walang pakialam sa pera. Tumatanggap lang siya ng trabaho base sa mood niya.” Ang Princess Belle Number One Backer ay isang top figure sa mundo ng mga hackers. Dalawang taon na ang nakararaan, bigla itong sumulpot at pinasok ang isang foreign military hangar sa loob lang ng isang minuto, kaya naging tanyag ito agad. Noong subukan siy

  • Divorce Denied: Make Billionaires Daddy Cry!   Chapter Twenty One

    “Ganoon pa rin,” sagot ni Sebastian. “Ang dami na nating kinonsultang experts, wala pa rin bang improvement?” “Wala.” “Wala? Si River ang tanging tagapagmana ng pamilyang Zobel. Hindi pwedeng magpatuloy ang ganito.” Bumulong naman ang panganay na anak na babae. “Eksakto! Hindi talaga pwedeng magpatuloy ‘to. Si River ang tanging lalaki sa henerasyon niya. Logically, siya ang rightful heir ng pamilyang Zobel. Pero kung magpapatuloy siya sa ganyang lagay, paano niya mamanahin ang Zobel Group? Ibibigay ba natin ang Zobel Group sa isang sakiting tao? Tsaka, aabot pa ba siya sa…” Bago pa matapos ng panganay ang sasabihin, malamig siyang pinutol ni Sebastian. Pinanlakihan din siya ng mata ni Theodore kaya tumahimik na lang ito kahit bumubuka pa ang bibig. Inip na tinitigan ni Sebastian si Theodore. “Wala kayong pakialam sa mga bagay na tungkol kay River . Limitado lang ang pasensya ko. Sabihin nyo na kung ano ang pinupunto nyo. Stop wasting my time.” Napakunot-noo ulit si Theod

  • Divorce Denied: Make Billionaires Daddy Cry!   Chapter Twenty

    Para makatipid ay sobrang tipid ng pamumuhay nito. Madalas ay tinapay at tubig lang ang kinakain nito, minsan ay may kaunting gulay. Maging ang itlog ay itinuturing na nitong luxury—minsan, isang beses lang itong kumakain sa loob ng isang araw. Bukod doon, kailangan pa nitong tiisin ang pangungutya at tsismis ng mga tao sa paligid nito. Hanggang sa isang araw, noong malapit na itong manganak, bigla na lang itong nawalan ng malay habang pauwi galing sa trabaho. Actually, sinubukan na ring paimbestigahan ni Sebastian ang mga ito noong mga nakaraang araw pero wala silang nahanap. Hindi dahil sa mahina ang mga tauhan niya, kundi dahil pagkatapos bumaba ni Bella sa bundok kasama ang mga anak niya ay itinagong kanyang tagapagligtas ang kanyang nakaraan sa takot na makaapekto ito sa kasalukuyan niyang buhay. Binigyan din siya nito ng bagong identity. Kaya naman ang ibang nag-imbestiga sa kanya ay nalaman lang na isa siyang ordinaryong biyuda na nakatira sa bundok kasama ang kanyang anak

  • Divorce Denied: Make Billionaires Daddy Cry!   Chapter Nineteen

    Hindi nagtagal ay natanggap ni Sebastian ang mensahe. Nakatayo siya sa smoking area sa dulo ng corridor at hindi mapakali. “Sinong nagsabi sa kanyang nasa Manila pa ako?” Agad sumagot si Dominic. “Hindi rin niya sinabi, ang sabi lang niya, kapag hindi ka nakipag-divorce ay kukulitin ka raw niya nang kukulitin. Sabi niya rin na divorce lang ang gusto niya at wala siyang kukunin sa inyo kahit ano. Pagkatapos daw nun ay hindi na niya kayo guguluhin.” Nabwisit si Sebastian. “Binabantaan ba niya ako?” Hindi nakasagot si Dominic, tumigil sandali bago nagtanong. “…Anong gagawin natin ngayon? Kapag hindi ka nakipag-divorce, baka mamaya kukulitin ka nga niya? O baka isipin niya na may feelings ka sa kanya kaya ayaw mong makipaghiwalay?” Lalong nainis si Sebastian. “Sabihin mo, pabalik na ako!” Pagdating ni Bella sa Zavier Manor ay sinalubong siya ng bagong katulong doon. Bago na ang lahat ng mga tauhan sa bahay. Yung mga dating nag-aalaga sa kanya noon ay napalitan na. Hin

  • Divorce Denied: Make Billionaires Daddy Cry!   Chapter Eighteen

    “May obsession ang batang ito sa Mommy niya, at dahil ‘yun sa sobrang pangungulila.” Nagtaka si Bella. “Sobrang pangungulila sa Mommy niya? Nasaan ba ang nanay niya?” Nagkibit-balikat lang si Doctor Bentley at sumulyap muna kay Sebastian bago sumagot. “Wala siya rito.” Agad na nag-assume si Bella na pumanaw na ito. “Kailan pa namatay ang nanay niya?” Bago pa makasagot si Bentley ay biglang bumanat nang galit si Sebastian. “Sinong nagsabing patay na ang nanay niya? Buhay na buhay ang Mommy niya! Mas malakas pa sa kahit kanino!” Nagulat si Bella sa biglang pagsabog ni Sebastian. Tinitigan niya ito nang masama, gusto sana niyang lumaban pero pinigilan niya ang sarili. Napansin din ni Sebastian na nawalan na naman siya ng pasensya. Bumuka ang bibig niya pero walang lumabas na salita. Marahil dahil hindi niya alam ang sasabihin, tumingin na lang siya sa natutulog na si River. Agad na sumingit si Doctor Bentley para ayusin ang sitwasyon. “Hindi siya namatay, nawala lang siya p

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status