Share

Chapter Twenty Six

Author: Hanni
last update publish date: 2026-04-30 09:33:51

"Kahit na disabled si Sebastian gaya ng asawa mo ay sobrang daming pwedeng ikwento tungkol sa kanya na aabutin ka ng tatlong araw at tatlong gabi. Ganito kasi yan—kahit kailan hindi pa siya nagpapakita sa business world, at hindi man lang alam ng mga outsiders kung ano ang itsura niya, Pero isa siya sa mga bachelor na nasa rich list na agad, at kapag may kalamidad ay nagdo-donate siya ng isang milyong piso! Pero privileged individual siya at wala siyang masyadong interaction sa ating mga ordina
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Divorce Denied: Make Billionaires Daddy Cry!   Chapter Twenty Six

    "Kahit na disabled si Sebastian gaya ng asawa mo ay sobrang daming pwedeng ikwento tungkol sa kanya na aabutin ka ng tatlong araw at tatlong gabi. Ganito kasi yan—kahit kailan hindi pa siya nagpapakita sa business world, at hindi man lang alam ng mga outsiders kung ano ang itsura niya, Pero isa siya sa mga bachelor na nasa rich list na agad, at kapag may kalamidad ay nagdo-donate siya ng isang milyong piso! Pero privileged individual siya at wala siyang masyadong interaction sa ating mga ordinaryong tao kaya wag kang matakot porket nakakarinig ka ng balita tungkol sa kanya. Hindi naman natin siya kinakalaban, at hindi niya tayo kilala, kaya wag kang matakot." Mas lalong gustong maiyak ni Bella. Paanong hindi siya nito makikilala? Asawa kaya siya nito! At siya ang asawa na nagtaksil dito na naging dahilan para magalit ito nang husto. Hindi lang siya nagkaroon ng relasyon dito, kundi talagang ginalit niya ito nang todo! "Hindi ko na ito kaya..." Natakot si Bella na mapansin ni Mica

  • Divorce Denied: Make Billionaires Daddy Cry!   Chapter Twenty Five

    Eksaktong alas-siyete ng gabi, dumating ang grupo sa Harbor Hotel.   Ito ang pinakamatanda, pinaka-distinctive, at pinakamahal na hotel sa Manila, isa sa mga property ng Zobel Group.   Maraming celebrities, leaders, at foreign envoys ang kumakain dito kapag bumibisita sa Manila.   Agad silang naging center of attention.   Kahit naka-mask silang lahat ay hindi maikakaila ang ganda nila.   Lalo na si Bella. Natural ang ganda at dahil pinalaki sa bundok, maputi at makinis ang balat niya at may kakaibang aura. Kulang ang salitang maganda para i-describe siya.   Agaw-pansin din ang tatlong bata: isang little gentleman, isang sporty prince, at isang fashion darling.   Hindi napigilan ng mga waiter na purihin sila.   Pagdating sa top floor ay may staff na naghatid sa kanila sa private room.   Pagkasara pa lang ng pinto ay tinanggal agad ng mga bata ang masks nila at tumingin sa floor-to-ceiling windows. "Wow, ang ganda!"   Sinabihan sila ni Bella na mag-mask sa labas dahi

  • Divorce Denied: Make Billionaires Daddy Cry!   Chapter Twenty Four

    "Bilis, sabihin niyo, hindi ba ang ganda ni godmother?"   Sabay-sabay na sumigaw ang tatlong bata. "Maganda!"   "Hahaha, sabihin niyo naman, hindi ba ang cute ni godmother?”   "Cute!"   "Dyosa ba si godmother?"   "Dyosa si godmother!"   "Hahahaha." Halos mabuhat na ang bubong sa lakas ng tawa ni Mica.   Hindi naman mapigilang mapatawa ni Bella. Ngayong araw, nung malaman nito na nanganak pala sya at mag-isang pinalaki ang mga bata sa loob ng limang taon ay iyak nang iyak si Mica.   Kahit dalaga pa si Mica, alam niyang hindi biro ang magpalaki ng anak lalo na para sa isang single mother.   Naawa si Mica sa kanya. At habang naaawa ay hindi din nito mapigilang sobrang ma-in love sa mga bata. Kaya nung makatanggap siya ng tawag mula kay Theodore kanina habang kausap ito ay nagpaalam si Mica kung pwedeng itong dumiretso sa tinutuluyan nila para makita ang mga bata.   Binuksan ni Bella ang pinto at pumasok sa kwarto. Pagkakita pa lang sa kanya ng tatlong bata ay agad silang tu

  • Divorce Denied: Make Billionaires Daddy Cry!   Chapter Twenty Three

    Samantala, wala namang pakialam si Bella sa iniisip nito. Ang mahalaga ay naibalik niya ang pera at gumaan ang loob niya. Sinulyapan niya si River na nakahiga sa hospital bed at iniabot ang kamay nito. Agad na hinawakan ni Sebastian ang pulso niya at nanggagalaiting nagtanong. "Anong ginagawa mo?!" Nagulat si Bella sa bagsik ng boses nito. "Gusto ko lang... gusto ko lang kunin ang pulso niya." Tiningnan siya ni Sebastian nang may madilim na mukha at puno ng galit. Bahagyang umubo si Doctor Bentley para pagaanin ang tensyon. "Maraming salamat sa pag-aalala, Miss Bella." Matagal siyang tinitigan ni Sebastian bago binitawan ang kamay niya. Inis na inis si Bella. Kung hindi lang dahil sa pag-aalala sa bata, hindi na siya mag-aabala! Para itong asong nangangagat sa nagpakain sakanya—hindi marunong kumilala ng mabuting loob! Nagmuramura si Bella sa loob-loob niya, pero maingat pa rin niyang kinuha ang pulso ni River. "Maayos na ang lagay niya sa ngayon. Kapag nagising siy

  • Divorce Denied: Make Billionaires Daddy Cry!   Chapter Twenty Two

    “Nag-iimbestiga na ang mga tao natin pero wala pa ring mahanap. Nabalitaan ko na kahit si Young Master Sebastian ay wala ring mahanap na impormasyon. Magaling ang kalaban natin.” sabi ng tauhan nya. Bumuntong-hininga si Theodore nang may madilim na mukha. “Siyempre magaling ‘yan. Kung hindi siya magaling, maglalakas-loob ba siyang hamunin si Sebastian?” Sandaling nag-isip si Theodore. “Pumunta ka sa dark web at kontakin ang Princess Belle Number One Backer. Kahit anong presyo ang hingin niya, ibigay niyo, basta matulungan niya akong malaman kung sino ang taong iyon.” Nag-aalala ang kanyang tauhan. “Pero mahirap po itong kontakin. Mailap siya at walang pakialam sa pera. Tumatanggap lang siya ng trabaho base sa mood niya.” Ang Princess Belle Number One Backer ay isang top figure sa mundo ng mga hackers. Dalawang taon na ang nakararaan, bigla itong sumulpot at pinasok ang isang foreign military hangar sa loob lang ng isang minuto, kaya naging tanyag ito agad. Noong subukan siy

  • Divorce Denied: Make Billionaires Daddy Cry!   Chapter Twenty One

    “Ganoon pa rin,” sagot ni Sebastian. “Ang dami na nating kinonsultang experts, wala pa rin bang improvement?” “Wala.” “Wala? Si River ang tanging tagapagmana ng pamilyang Zobel. Hindi pwedeng magpatuloy ang ganito.” Bumulong naman ang panganay na anak na babae. “Eksakto! Hindi talaga pwedeng magpatuloy ‘to. Si River ang tanging lalaki sa henerasyon niya. Logically, siya ang rightful heir ng pamilyang Zobel. Pero kung magpapatuloy siya sa ganyang lagay, paano niya mamanahin ang Zobel Group? Ibibigay ba natin ang Zobel Group sa isang sakiting tao? Tsaka, aabot pa ba siya sa…” Bago pa matapos ng panganay ang sasabihin, malamig siyang pinutol ni Sebastian. Pinanlakihan din siya ng mata ni Theodore kaya tumahimik na lang ito kahit bumubuka pa ang bibig. Inip na tinitigan ni Sebastian si Theodore. “Wala kayong pakialam sa mga bagay na tungkol kay River . Limitado lang ang pasensya ko. Sabihin nyo na kung ano ang pinupunto nyo. Stop wasting my time.” Napakunot-noo ulit si Theod

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status