“LEAVE my wife alone,” matigas na banta ni Gray sa pinsan. Bumuhos ang matinding galit sa kaniya nang dumating siya sa restaurant at nadatnan ang dalawa. He was about to have a lunch meeting with an investor, but he cancelled it immediately after seeing the two. Hindi niya gusto ang paraan ng pagtitig ni Grant sa kaniyang asawa at hindi rin niya gusto ang nakita niyang sakit sa mga mata ni Ilana nang tingnan ang pinsan niya.
Why does it bother him anyway? He should be happy that Ilana will finally be happy with the man she loves, and he’s finally going to be with the woman he’s been waiting for. But why does it bother him? Pakiramdam niya ay mamamatay siya kapag napunta si Ilana kay Grant. Wala siyang pakialam sa ibang lalaking nagkakagusto dito pero ibang usapan si Grant. They were once in love at mukhang hanggang ngayon ay ganoon pa rin. “Sinasaktan mo siya, Gray!” “How did you know? Did you watch us all these years? Did you see us fighting? Did you see her crying because of me? Did you witness how I treated her for three years? Hindi mo alam iyon, Grant! I never hurt her. She’s happy with me—” “Then why are you two divorcing?” Doon napipilan si Gray. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong na iyon. Magulo ang sitwasyon. Kasing gulo ng isip niya. Malinaw pa rin ang mensahe ng pintig ng puso niya nang makita muli si Michelle pero iba ang nararamdaman niya nang makita si Ilana kasama ang pinsan niya. Hindi niya…kaya. “Let me guess…” Grant trailed, smirking. “Because of Michelle? Because she’s back? Now you’re throwing Ilana away because she’s back.” Tumaas ang sulok ng labi ni Gray at matalim na tiningnan ang pinsan. “Who told you I’ll let her go?” Natigilan si Grant at agad na naguluhan. “What?” Gray’s jaw ticked. “Stop chasing my wife, Grant. Hindi mo gugustuhing maging kaaway ako.” Tumalikod si Gray at naglakad palapit sa kotse. Humugot naman ng malalim na buntong-hininga si Ilana nang makapasok sa kotse ang kaniyang asawa. Napansin niyang mahigpit ang hawak nito sa manibela nang magsimulang magmaneho. Ginagamit nito ang kanang kamay sa kambyo at manibela na para bang wala itong sugat. He was doing it recklessly as if the cut wasn’t deep at all. “Why did you meet him?” Suminghap si Ilana. Inaasahan na niya iyon. “Hindi ako nakipagkita sa kaniya—” “Then why were you in a fcking restaurant with him, Ilana? Huh?” Sumulyap ito sa kaniya. Matalim ang tingin. Hindi alam ni Ilana kung paano pakakalmahin ang puso. May pagdududa sa kaniyang isipan na pilit niyang iwinawaksi. Umaasa siya na nagseselos ito kaya ito ganito pero imposible iyon dahil nagbabalak na itong magpakasal kay Michelle. Kaya na nitong ipaglaban ang babae. Nakuha na nito ang mana nito at nakagawa na ng sariling pangalan sa industriya. Kahit wala ang pera at suporta ng ama nito ay kaya na nitong ipaglaban si Michelle Herrera. At anong laban niya sa babaeng matagal na nitong iniibig? Wala. Tumigil ang sasakyan kaya dali-daling bumaba si Ilana at pumasok ng bahay. Hindi niya pinansin ang pagsunod sa kaniya ni Gray at ang mabibigat nitong mga yabag ngunit nagulat siya nang hablutin nito ang kaniyang braso bago pa siya makapasok sa kwarto. “Ano ba, Gray?” “Sabihin mo sa akin ang totoo, Ilana. May relasyon ba kayo ni Grant?” Umawang ang labi ni Ilana, gulat sa paratang ng asawa. “Ano bang iniisip mo, Gray? Wala kaming relasyon!” “Then why did you see him? Anong pinag-usapan niyo? Are you gonna go back to him after our divorce? Are you gonna marry him?” Marahas na hinaklit ni Ilana ang kaniyang braso at galit na itinulak ang dibdib ng asawa. Nangingilid ang luha sa kaniyang mga mata. “Bakit hindi ikaw ang magpaliwanag sa akin? Ikaw itong may planong magpakasal agad pagkatapos ng divorce natin. Bakit binabaliktad mo ang sitwasyon? Ikaw ang may ganoong plano, Gray! Ikaw!” Umiling si Gray at mabigat ang hininga na tinitigan siya. “Aminin mo nalang na nakipagbalikan ka na sa kaniya. Kaya siya biglang umuwi, Ilana!” “Wala akong aaminin sayo!” Tili ni Ilana habang pigil ang luha dahil sa sama ng loob. “Grant and I were over years ago, Gray. Pero kung papipiliin ako, yes, I would date him again instead of putting up with you!” “What did you say?” Gray advanced to her, towering her like a mad predator despite the fact that her expression bothers him. Marahas na pinahid ni Ilana ang sariling luha nang tuluyan itong umagos. Her heart was bleeding so badly. “Hindi kita maintindihan. Ito ba ang dahilan kung bakit ayaw mong pirmahan ang divorce papers, Gray? Ayaw mong maging kami ulit ni Grant? Diring-diri ka ba sa akin? Bakit? Dahil pera ang dahilan ng pagpapakasal ko sayo?” Tuluyang sumabog ang damdamin ni Ilana. Hindi na niya mapigilan ang emosyon samantalang unti-unti namang nahimasmasan si Gray at napatitig sa kaniya. Awang ang labi at isang beses pang umatras. Ilana sobbed. “S-Sa tatlong taon na pagsasama natin, hindi mo ako ginanito. You never raised your voice on me. You were always calm. You never looked at me with this much rage and hatred. Ngayon pang maghihiwalay na tayo? Bakit, Gray? Bakit?” Hindi makasagot si Gray. Sinubukan niyang ibuka ang bibig pero hindi niya alam ang sasabihin. Parang biglang naging blanko ang kaniyang isipan. Walang ibang nakapagpatigil ng ganito sa kaniya. Walang ibang nakaapekto ng ganito sa kaniya. Ang luha lamang ni Ilana. Ilana sobbed again and wiped her tears that kept on flowing. Ang sakit sakit! “J-Just sign the divorce papers, Gray. Kung magkakasakitan lang din naman tayo, parang awa mo na, pakawalan mo nalang ako.” Nangunot ang noo ni Gray kasabay ng paghalo-halo ng kaniyang emosyon. Sakit, pagsisisi, panghihinayang. Hindi niya alam kung bakit nararamdaman niya ito at sa unang pagkakataon, nanghina siya. Nanghihina siya at pakiramdam niya ay nayanig ang kaniyang mundo. Namayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa hanggang sa pumailanlang ang maingay na telepono ni Ilana. Pinahid niya ang luha sa pisngi saka humugot ng malalim na hininga bago sinagot ang tawag. Si Lovella iyon na siyang nurse na nakaassign sa kaniyang ama na comatose sa hospital. He fell into a coma after an accident at halos apat na taon na itong ganoon at natatakot siyang tuluyan na siya nitong iwan. “Hello, Lovella?” Pinilit niyang maging kaswal kahit hindi pa rin siya kumakalma. Halos tumigil ang pintig ng puso niya nang marinig niya ang kabadong tono mula sa kabilang linya. [I-Ilana…] Suminghap si Ilana kasabay ng paglandas muli ng luha sa kaniyang pisngi. “A-Anong nangyari? Lovella, please tell me my father is safe…” [A-Ang papa mo. Gising na siya.]To be continued~ Please rate the book 🥰
GENTLE and wet kisses. Warm touch. Soft moans. Hunger and thirst.Ilana could feel the growing explosion in her belly again. Pang-ilang beses na ba ito? Hindi na niya nabilang. Matagal silang hindi nagsiping at talagang sinusulit naman ng kaniyang asawa.Pawis na pawis si Ilana habang taas-baba siya sa kandungan ni Gray. Mahigpit ang hawak nito sa kaniyang hita at baywang habang mainit na nakatitig sa kaniya ang mga mata nitong nagliliyab sa pagnanasa.“Fck! Fck!” Gray was muttering curses while clenching his jaws.Ilana could feel herself nearing, and she pressed her palms against his hard chest to support her own body. She picked up the pace. Mas lalong nagpabaliw iyon kay Gray.Kapwa sila hinihingal at nalulunod sa masarap na sensasyong ibinibigay nila sa isa’t-isa. Walang pagsidlan ang kaligayahan. Walang paglagyan ng kilig. Kung may bagay man silang natutunan sa lahat ng kanilang pinagdaanan, iyon ay ang magsisi sa anumang nagawang kasalanan, magpatawad, gawing inspirasyon ang na
KASAL. Isang sagradong pag-iisa ng dalawang taong nangako ng panghabangbuhay na pagsasama. Noong unang beses na nagpakasal si Ilana, hindi niya inisip ang sariling kaligayahan. Ang tanging gusto niya ay maisalba ang ama. Hindi siya lumakad sa mahabang red carpet. Hindi siya nagsuot ng magarang traje de boda. Hindi siya humawak ng magaganda at fresh na bulaklak. Walang mga camera. Walang mga palakpakan at pasimpleng hiyaw. Sinong mag-aakala na mauulit ang kasal ni Ilana? Parehong groom at bride pero maraming nag-iba. May mahabang red carpet na nilalakaran niya. May mga taong pumapalakpak. May mga camera sa paligid. May dala siyang mabango, fresh, at magagandang bulaklak. May suot siyang magarang traje de boda na talagang pinaghandaan dahil nasa gitna na siya, ang dulo nito ay nasa entrance pa ng simbahan. Nangingilid ang luha ni Ilana pero pinipigilan niya ang maiyak. Lalo na’t sa altar ay nag-aabang ang parehong lalaki na pinakasalan niya rin noon. Ang kaibahan, umiiyak ito nga
MAGKAHARAP sa isang mesa sina Gray at Tres. Kalmado silang pareho pero kakikitaan ng galit ang mga mata ni Tres. “Pagkatapos ng pinsan mo last week, ikaw naman ngayon. Anong balak niyo, linggo linggo akong suyuin?” Kunot ang noong tanong ni Tres. “Bakit dinaan mo sa dahas? Muntik mong mapatay ang anak ko.” Natawa si Tres. “Sana inisip iyan ng lola mo nang daanin niya sa dahas ang nanay ko.” Bumuntong-hininga si Gray. “Wala tayong magagawa kay grandma dahil ganoon talaga siya. Pero alam kong pinagsisihan niya ang ginawa niya.” “You think so?” Tumaas ang kilay ni Tres. “Itinaboy niya rin ako noon. Nasaan ang pagsisisi?” “I can't justify her actions—” “Sure you can’t.” Sumandal si Tres. “At wala ring kapatawaran.” “Ilana forgave you.” Nangunot ang noo ni Tres. “Iyan ang mahirap sa mababait, mga tanga.” Nagtagis ang bagang ni Gray. “Tanga ang tingin mo sa nagpapatawad? Kaya ba hanggang ngayon puno ka ng galit? Tristan, you hate our grandmother for doing that, but you're also doin
HALOS hindi humihinga si Ilana habang nakatitig si Gray sa kaniya. Kapwa mabilis ang pintig ng kanilang puso at walang patid ang pagtawag ng kanilang damdamin sa isa’t-isa. Ilana could feel it. The sincerity. The overflowing happiness. She knows that this is where her heart and fate is leading her to. Back to the arms of the man she loved so much. “Gray…” Ibinulong ni Ilana sa hangin ang pangalan ng lalaki. Kasabay ng pagtalon ng kaniyang puso sa epekto ng taong ito sa kaniya. He caressed her cheek, staring deeply into her eyes. “Alam kong malabo pa sa tubig kanal ang posibilidad na makalimutan mo ang ginawa ko…” Mahinang natawa si Ilana. “Bakit naman tubig kanal?” Kinagat ni Gray ang pang-ibabang labi. “Ang baho ng past mo sakin e.” Napailing si Ilana at hinawakan ang kamay ng lalaki. “We hurt each other, but we can't only focus on the pain and struggles. Nagkakasundo tayo noon. We share the same thoughts, ideas. You give me surprises, you give me contentment. Masyado lan
PAREHAS na nakatulala sa kisame sina Gray at Brian. Kapwa sila hindi makatulog. Hindi dahil hindi sila komportable kundi dahil iniisip nila ang iisang babae. “Bakit hindi mo siya niligawan noong highschool? Ikaw ang unang nakakita sa kaniya,” tanong ni Gray na siyang bumasag sa nakabibinging katahimikan. “I was a delinquent,” malamig na tugon ni Brian. “Marami akong kaaway. Marami akong binangga na gang. Ayokong madawit siya sa gulo at masira ko ang tahimik niyang buhay.” Bumuntong-hininga si Gray. “You graduated as a valedictorian. Madali ka niyang mapapansin kung nagpakilala ka lang. And about being a delinquent, I don't believe you can't protect her.” Nilingon ni Brian si Gray. Madilim ang paligid pero mula sa liwanag ng buwan na nanggagaling sa labas ay nakikita nila ang isa't-isa. “I planned to pursue her in college. Baka sakaling maayos na ang buhay ko noon…” “Dumating si Grant…” mahinang sambit ni Gray. “Hindi kaagad naging sila pero magaling bumakod ang pinsan mo
“HAPPY birthday to you! Happy birthday to you!Nakangiti si Ilana habang sumasabay sa kanta para sa anak. Nakatayo silang dalawa ni Nayi sa dambuhalang cake. Kailangan pa nilang tumuntong sa unang bahagdan para kahit papaano ay maabot nila ang kandila.Birthday ni Nayi ang pinaghandaan ni Ilana dahil para sa kaniya ay mas higit pa sa birthday gift ang pagdating ng kaniyang anak pero hindi niya alam na may ibang plano pala si Gray at ang kanilang pamilya.They made a surprise not only for Nayi’s birthday but also for her birthday. Alam ni Ilana na hindi nakalimutan ng mga Montemayor ang birthday niya lalo na’t kasabay ito ng birthday ng kaniyang anak pero hindi niya inaasahan ang bonggang surpresa ng pamilya.“Happy birthday…” Nakangiti si Gray nang iabot nito sa kaniya ang isang malaking gift box. Nag-abot rin ito ng para kay Nayi.“Salamat.” Ilana smiled sweetly.Who would’ve thought that after everything, sa pamilya pa rin ni Gray ang balik niya. Nagkasakitan sila noon pero malinaw n