MARIING nakakuyom ang mga kamao ni Gray habang nakahiga sa kama at nakatitig sa kisame. Kumikirot ang sugat niya sa palad pero hindi niya iyon iniinda dahil sa tindi ng galit na nararamdaman. Hindi niya maintindihan ang sarili. He's not in love with Ilana, so why does the idea of his cousin pursuing her bothers him?
Nagkita sila ni Grant bago siya umuwi. Nang ihatid niya si Michelle sa condo nito ay hindi inaasahang nagkita sila ng pinsan. At hanggang ngayon ay naglalaro pa rin sa kaniyang isipan ang mga salitang ibinato nito sa kaniya. “So, you're seeing your ex-lover while still married to Ilana? I know you're an ass, but not this much.” Gulat na napatingin si Gray sa taong nakasandal sa kaniyang kotse. It was Grant, his cousin. He just came back from another country at hindi niya inaasahang dito pa sila magkikita. Tumayo ng tuwid si Grant ang sinulyapan ang matayog na condominium tower. “Still so head over heels with her?” Nagtagis ang bagang ni Gray. “What are you doing here?” Tumawa si Grant. “I came here to take back what's originally mine, Gray.” Agad na kinuwelyuhan ni Gray ang pinsan at nagtatagis ang bagang na tiningnan ito. “What the hell are you talking about?” “Akala mo ba hindi ko malalaman na magdidivorce na kayo?” Umawang ang labi ni Gray, nagulat dahil alam ng pinsan ang tungkol sa bagay na iyon. “Hindi na mahalaga kung paano ko nalaman ang sikreto niyo, ang mahalaga ay mababawi ko na ang babaeng mahal ko.” Ibinalya ni Gray ang pinsan sa kotse. “Do you think you can get her? She's married to me, Grant. And divorcing her doesn't mean you can have her.” “Bakit hindi? She's originally mine, Gray. Hindi ko alam kung paano mo siya naagaw sa ‘kin pero hindi ako papayag na hindi ko siya mabawi. Ngayon pang narealize ko na hindi mo siya deserve.” Umiling-iling si Gray. “And who deserves her? You? Don't make me laugh.” Nangunot ang noo ni Grant. “You don't love her, Gray. You're even seeing Michelle while still married to her. You are cheating on her!” Nagtagis ang bagang ni Gray. “I never touched Michelle. How was it cheating, Grant?” Tumindi ang galit na nararamdaman ni Grant. “You are cheating, Gray! You're in love with another woman while married to Ilana. You are seeing someone else! Gaano ka katanga para hindi marealize iyon?” Saglit na natigilan si Gray. Hindi niya maintindihan ang sarili. He wants to be selfish. He wants to hide Ilana from his own cousin. Hindi! Hindi siya papayag na magkabalikan ang dalawa. Hindi niya maintindihan ang sarili pero malinaw ang pagtutol sa kaniyang kalooban. Grant will never have Ilana. Even after he dies. Umiling si Gray at marahas na binitawan ang pinsan. “Hindi mo siya makukuha sa akin, Grant. Try if you can and I’d love to see you dying to hold her again. She will be trapped with me forever.” Nagtagis ang mga ngipin ni Gray habang nakahiga sa kama. Inangat niya ang kamay na may sugat. Tinitigan niya ito saka unti-unting nawalan ng emosyon ang mga mata. I will never sign the divorce papers, Ilana… *** “HE what?!” Gulat at galit ang makikita sa mukha ni Lovella habang nakaupo sa harapan ni Ilana. They met again and Ilana told her everything. “Nagkamali ka, Lovella. Walang nararamdaman para sa ‘kin si Gray dahil hanggang ngayon ay si Michelle pa rin.” Masakit pero wala siyang magagawa kundi tanggapin ang katotohanan na iyon. Kasunduan lang ang mayroon sila ni Gray at una palang ay malinaw na kung sino ang mahal ng kaniyang asawa. Bumuntong-hininga si Lovella at hinawakan ang kaniyang kamay. “I’m sorry, Ilana. Kung sana hindi ko na sinabi iyon…” “It’s okay.” Pilit na ngumiti si Ilana. “Mabuti na rin na nalaman ko iyon.” Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Lovella. “Ano nang gagawin mo ngayon? Paano ang pamilya ni Gray? Hindi nila alam ang nangyayari sa inyo. Ni hindi nila alam na hindi totoo ang relasyon niyo.” Kinagat ni Ilana ang pang-ibabang labi. Isa pa iyon sa problema. Magagawa niyang makawala kay Gray pagkatapos ng divorce nila pero hindi siya sigurado kung makakawala siya sa galit ng pamilya nito na niloko nila. His grandmother was so fond of her. She loves her like a real granddaughter at natatakot siyang mabigo ito. Natahimik silang dalawa. Maya-maya pa ay kinailangan nang umalis ni Lovella dahil tapos na ang lunch break nito. Nanatili naman sa restaurant si Ilana habang nakatulala sa kaharap na kape nang may naupo sa kaniyang harapan. Gulat siyang napatitig sa guwapong lalaking nasa harapan niya ngayon. Nakatitig sa kaniya ang mga mata nitong sing itim ng gabi. His serious expression slowly changed and a sweet smile crept on his lips. “Kumusta ka na, Ilana?” Kay lambing ng boses nito. Tulad pa rin ng dati. “Grant…” bulong niya habang nakatitig sa binatang kaharap. “I’m glad you still remember me.” ‘...I will not allow you to date my cousin.’ Mariing napapikit si Ilana nang bumalik sa isipan niya iyon. Pait ang naramdaman niya sa kaniyang puso dahil sa masakit na salitang iyon. Tila ba diring-diri si Gray sa presensya niya. Pinilit ni Ilana na ngumiti. Kahit papaano naman ay may pinagsamahan sila ni Grant at may malaki siyang kasalanan sa binata. “Ayos naman ako. Ikaw? Nakabalik ka na pala.” Tumitig sa kaniya ang binata. Kakaiba ang kislap ng mga mata nito na nagpakaba sa kaniya. “May binalikan ako.” Ilana immediately felt uneasy. “Grant…” “Sabihin mo sa ‘kin, Ilana. Is my cousin treating you right?” Suminghap si Ilana. “Syempre naman. Ano bang iniisip mo, Grant? Maayos ang pagsasama namin ni Gray—” “Kaya ba kayo magdidivorce?” Binundol ng kaba ang dibdib ni Ilana. No! Paano nito nalaman? Wala siyang natatandaang sinabi niya sa lalaki ang tungkol sa relasyon nila ni Gray. Imposible! Sinabi kaya ni Gray? Sumeryoso ang mukha ng binata. “If he's treating you right, then why are you divorcing?” Humugot ng malalim na hininga si Ilana. “Grant—” “He's cheating on you, right?” Marahas na umiling si Ilana. “Hindi, Grant…” “Don't try to cover him up, Ilana. I know my cousin. He's still in love with Michelle. He's hurting you!” Napayuko si Ilana. Oo, nasasaktan siya pero hindi niya inaasahan na sasaktan rin siya ng binata. Tumayo si Ilana at kinuha ang kaniyang bag. Agad rin namang tumayo si Grant. “‘Wag kang sumunod, Grant. Masaya akong nakabalik ka na pero ‘wag kang susunod. Please! Gusto kong mapag-isa.” Tuluyang lumabas mg restaurant si Ilana pero ganoon nalang ang gulat niya nang bumangga siya sa isang matigas na dibdib. Halos mabuwal siya sa lakas ng impact pero maagap na nasalo ng kaharap niya ang kaniyang likod at baywang. Mahigpit ang hawak ng malaking kamay na iyon sa likod niya at ramdam niya ang init nito. Nanuot sa kaniyang ilong ang pamilyar na pabango ng lalaking kaharap at ganoon na lamang ang gulat niya nang mag-angat siya ng mukha at sinalubong siya ng madilim at matalim na tingin ng lalaking hindi niya inaasahang makita dito. “G-Gray…” Halos tumigil sa pagtibok ang kaniyang puso habang nakatingin sa mga mata nito. He's still wearing his corporate attire. The tie was loosened. His hair was a bit disheveled and his jaws were constantly clenching. Malinaw ang emosyong nakikita niya sa mga mata nito. Galit. “Ilana!” Suminghap si Ilana at napalingon sa likuran. Naroon si Grant at matalim ang tingin sa pinsan. Bakit pa ito sumunod? Nagulat si Ilana at nagwala ang kaniyang puso nang takpan ni Gray ang kaniyang mga mata kasabay ng mahinang bulong nito sa kaniyang tainga. “Get in my car, Ilana. You have a lot of explaining to do, my wife.”PAREHAS na nakatulala sa kisame sina Gray at Brian. Kapwa sila hindi makatulog. Hindi dahil hindi sila komportable kundi dahil iniisip nila ang iisang babae. “Bakit hindi mo siya niligawan noong highschool? Ikaw ang unang nakakita sa kaniya,” tanong ni Gray na siyang bumasag sa nakabibinging katahimikan. “I was a delinquent,” malamig na tugon ni Brian. “Marami akong kaaway. Marami akong binangga na gang. Ayokong madawit siya sa gulo at masira ko ang tahimik niyang buhay.” Bumuntong-hininga si Gray. “You graduated as a valedictorian. Madali ka niyang mapapansin kung nagpakilala ka lang. And about being a delinquent, I don't believe you can't protect her.” Nilingon ni Brian si Gray. Madilim ang paligid pero mula sa liwanag ng buwan na nanggagaling sa labas ay nakikita nila ang isa't-isa. “I planned to pursue her in college. Baka sakaling maayos na ang buhay ko noon…” “Dumating si Grant…” mahinang sambit ni Gray. “Hindi kaagad naging sila pero magaling bumakod ang pinsan mo
“HAPPY birthday to you! Happy birthday to you!Nakangiti si Ilana habang sumasabay sa kanta para sa anak. Nakatayo silang dalawa ni Nayi sa dambuhalang cake. Kailangan pa nilang tumuntong sa unang bahagdan para kahit papaano ay maabot nila ang kandila.Birthday ni Nayi ang pinaghandaan ni Ilana dahil para sa kaniya ay mas higit pa sa birthday gift ang pagdating ng kaniyang anak pero hindi niya alam na may ibang plano pala si Gray at ang kanilang pamilya.They made a surprise not only for Nayi’s birthday but also for her birthday. Alam ni Ilana na hindi nakalimutan ng mga Montemayor ang birthday niya lalo na’t kasabay ito ng birthday ng kaniyang anak pero hindi niya inaasahan ang bonggang surpresa ng pamilya.“Happy birthday…” Nakangiti si Gray nang iabot nito sa kaniya ang isang malaking gift box. Nag-abot rin ito ng para kay Nayi.“Salamat.” Ilana smiled sweetly.Who would’ve thought that after everything, sa pamilya pa rin ni Gray ang balik niya. Nagkasakitan sila noon pero malinaw n
ILANA and Nayi are swimming on the pool. Nag-eenjoy silang mag-ina habang naglalaro ng bola nang biglang nagtanong si Nayi.“Mama, love mo ba po si papa dati?”Saglit na natigilan si Ilana bago marahang inihagis sa anak ang bola. Nasa mababaw na parte si Nayi samantalang nasa hanggang sikmura naman ang tubig sa kinatatayuan ni Ilana.“Oo naman.” Nakangiting sagot ni Ilana. She saw how her daughter’s eyes twinkled and her lips stretched into a sweet smile. “Mabait po ba si papa sa inyo?”Muli ay natigilan si Ilana. “Mabait siya at maalaga, baby.”“Talaga po? Pero…” Biglang nabura ang ngiti nito. “Bakit hindi po natin siya kasama dito sa bahay? Bakit po kayo naghiwalay?”Lumunok si Ilana at hinaplos ang basang buhok. Binitawan niya ang bolang ibinalik sa kaniya ni Nayi saka nilapitan ang anak. She caressed her cheek. “Hindi madali kay mama na iwan si papa, anak. Pero kailangan dahil nasaktan ng husto si mama.”“Sinaktan po kayo ni papa?”Umiling si Ilana. “Hindi pero parang ganoon. Nagk
ALAM ni Ilana na mahirap nang ayusin ang mga bagay na nasira. Tulad ng tiwala na mahirap ibalik ng buo. Hindi mapapantayan ang bawat sakit na naranasan niya habang pilit na inaabot ang kaligayahan at tahimik na buhay. Sa paglakad niya sa diretsong daan ay may mga tao siyang nasaktan hanggang sa hindi niya namalayang naliligaw na pala siya at hindi na makita ang paroroonan.Her failed marriage with Gray was planned. She just tried to fight for it pero alam niyang iyon talaga ang kahahantungan.“Mama, thank you sa pagtupad ng wish ko.”Napatingin si Ilana sa batang katabi. Yakap nito ang isang malaking manika. Nakatirintas ang mahaba at tuwid nitong buhok at kitang-kita sa mga mata ang kislap ng kaligayahan. Ngumiti si Ilana at hinalikan ang pisngi ng batang babae. “Basta para sa baby ko.”“Mama, may isa pa akong wish.”Bahagyang hinarap ni Ilana ang anak. Nasa eroplano sila pauwi sa Pilipinas. Seventh birthday na ni Nayi sa isang araw at nagrequest ito na magcelebrate ng birthday kasa
HINDI mapakali si Ilana habang palakad-lakad sa harap ng emergency room. Akala niya ay ayos lang ito pero nang kinaumagahan ay nilalagnat na ang bata kaya naman agad niya rin itong dinala sa hospital. Nayi was checked last night after everything, and although Ilana knows this might happen, she’s still shocked.Habang palakad-lakad ay natagpuan ng mga mata ni Ilana si Grant na naglalakad sa hallway at padaan sa gilid niya. Nakita siya nito at agad na bumalatay ang pag-aalala sa mukha.“Anong nangyari?”Tiningnan ni Ilana ang emergency room. “Nagkaroon ng mataas na lagnat si baby.”Napabuntong-hininga si Grant. Kinagat naman ni Ilana ang pang-ibabang labi. Hindi niya nakumusta ang kalagayan ni Gray dahil kagabi ay agad na rin siyang nahiwalay sa mga ito. Nang dumating kasi ang pamilya nina Gray at Grant ay agad nang umatras at umalis si Ilana.“Kumusta…si Gray?” Hindi napigilang tanong ni Ilana.“Nasa ICU,” pabuntong-hiningang sagot ni Grant. “Kritikal siya at kailangang tutukan ng dokto
HABANG nakatingin at nagmamakaawa si Ilana kay Tres ay biglang gumulong mula sa kung saan si Grant. Duguan ang mukha nito at may sugat sa kilay habang nakahiga sa harapan niya at sapo ang tiyan.“Grant!” Lumuhod si Ilana sa harapan ng lalaki.Umubo ito at dumura ng dugo. “I’m fine…”Mula sa pinaggalingan ni Grant at lumabas ang isang lalaking may malaking katawan. Hindi ito kilala ni Ilana pero tiyak niyang kasama ito ni Tres nang kunin ang anak niya.Pinagmasdan ni Ilana ang lalaki—malaki ang katawan at mukhang sanay makipagpatayan.Muling tiningnan ni Ilana si Tres. “Tres, please…ibalik mo na sa akin ang anak ko. Ako nalang ang parusahan mo. Ako nalang…”Tumawa ang lalaki. “Ibabalik ko naman siya sayo, Ilana. After ten years.”Nanginig ang mga labi ni Ilana. “W-What?”Maya-maya pa ay lumabas si Gray. Nagulat si Ilana nang makitang may tama ng ng baril ang tagilan nito pero pinipilit pa ring maglakad.Dumura ito ng dugo at tiningnan ng masama si Tres. “Ibalik mo ang anak ko, gago ka!”