To be continued~
INALIS ni Gray ang suot na jacket nang makalabas ng terminal. Luminga-linga siya sa paligid para hanapin ang sundo niya nang may sasakyang pumarada sa kaniyang harapan. Bumaba ang bintana sa passenger seat at bumungad sa kaniya ang mukha ng pinsan. Sumilip si Gray sa backseat bago binuksan ang pinto ng passenger seat. “Nasaan ang anak mo?” “Iniwan ko sa sekretarya ko.” “Sekretarya? Akala ko ba ayaw mong malaman ng iba ang tungkol sa kaniya.” Bumuntong-hininga si Grant saka pinaandar ang kotse. “Wala akong choice. Nahuli ako ni Elenita na bumibili ng formula kasama si Gavin.” “Gavin?” “Iyong bata. Last week napansin ko na may nakaburdang pangalan sa panyo na kasama sa mga gamit niya. Gavin ang pangalan niya.” “Napapaternity test mo na ba?” “Oo.” Bumuntong-hininga si Grant. “Ngayong week ko makukuha ang result.” “Anticipating a positive result?” “Hindi ko alam.” Napalunok si Grant. “Sa ilang buwan kasi…parang umiikot na sa batang iyon ang mundo ko.” Pumikit si Gray.
SA LUMIPAS na mga araw at linggo ay napatunayan ni Ilana na handa na siyang harapin ulit ang dating asawa. Habang nakatitig sa salamin at pinagmamasdan ang sariling repleksyon ay hindi na makita ni Ilana ang babaeng dating mahina at baliw na baliw sa pagmamahal sa isang Gray Montemayor. Ang babaeng handang isuko ang lahat para sa pagmamahal na nakakaubos, nakakaupos…Pwede pala iyon… Pwede palang magwork ang isang relasyon kahit hindi ka desperada sa sitwasyon. Pwede palang maging masaya kahit hindi ibuhos ang sarili sa sobrang pagmamahal. Mas magwowork pala kapag may natira pang pagmamahal sa sarili.Isang magaang halik sa pisngi ang nagpabalik kay Ilana sa realidad. She was sitting in front of the vanity, behind her was Cloudio—smiling sweetly, and holding three pieces of tulips.A sweet smile crept on Ilana’s lips. “Mapupuno na ng tulips ang apartment ko.”Mahinang natawa ang binata. “Paalala iyan kung gaano ako kabaliw sayo.”“Bolero.” Inamoy ni Ilana ang bulaklak bago pinatakan n
GRAY was stunned. The sharp contour of her face. Her arched brows emphasizing her deep expressive eyes and long eyelashes. The high bridge of her pointed nose. The natural glow of her pinkish cheeks. Her red, plump—always been kissable lips. Her soft and smooth hair, dancing with the wind. Everything about her changed. The way she carries herself was full of confidence. The heaviness of her stare holds power. Biglang nanliit si Gray. This is what a happy Ilana looks like. “Pinagtataguan mo ba ako?” Ulit nito sa kalmadong boses. Malayong-malayo sa garalgal at nagmamakaawang tono nito noon na malinaw pa sa kaniyang alaala. Malayong-malayo sa babaeng sinaktan niya ng husto. “Ilana…” “Bakit hindi ka sumagot?” “Ilana…” “Kapag hindi ka tumigil sa katatawag sa pangalan ko, ihahampas ko sayo ang bag ko. Sagutin mo ang tanong ko, Gray. Pinagtataguan mo ba ako?” Umiwas ng tingin ang binata at napalunok. “H-Hindi—” “E bakit sinabi ni Grant kay Lovella na hindi ka pa nakakauwi?” “Sinunga
“KAWAWA naman siya.” Kanina pa paulit–ulit na sinasabi iyon ni Lovella. Nagpapahangin sila sandali dahil talagang tumaas yata ang presyon ni Ilana sa inis kay Gray. “Kawawa naman siya… Para siyang naliligaw na tuta nang iwan mo…” Tiningnan ng matalim ni Ilana ang kaibigan. “Hindi siya naawa sakin nang ako ang saktan at iwan niya, Lovella. Saka akala ko ba gaganti ka sa ginawa niyang pananakit sakin? Balak mo pa ngang pasabugin ang mga Montemayor. Ano? Bumaliktad ka na?” Sumimangot ang dalaga. “Syempre hindi! Naawa lang ako kasi mukhang nagsisisi naman iyong tao.” Umismid si Ilana. “Hindi siya nakakaawa.” “Pero infairness, very good ka don! Pintrakis mo?” Umiling si Ilana at humigop ng iced coffee. Leche! Bakit ba iced coffee ang binili ni Lovella para sa kaniya? Ipinatong ni Ilana ang cup sa bench saka sinagot ang kaibigan. “Impromtu iyon. Nairita lang talaga ako nang manghingi siya ng isa pang chance. Ni hindi nga niya alam ang mga ginawa niyang kasalanan sakin. Ang ak
NAKANGANGA si Lovella kay Ilana mula sa screen ng laptop. Hindi na nagsalita si Ilana matapos sagutin ang tanong ni Lovella. It's been a week since she met with Gray, and she hasn't reached out to him since then. Kahapon ay tumawag si Lovella sa kaniya dahil nagtanong daw dito si Gray kung may sinabi na siyang oras, araw, at lugar. Ngayon naman ay tumawag para kumustahim siya. “Hindi mo siya sisiputin?” Hindi makapaniwalang tanong ni Lovella. Nakaupo sa kama si Ilana at patuloy sa ginagawang pagtutupi ng mga damit. Tulog si baby Nayi, samantalang nasa trabaho naman si Cloudio. Tanghali na at tiyak na sa mga oras na ito ay naiinip na sa paghihintay si Gray. “Hayaan mo siya.” Bahagyang naningkit ang mga mata ni Lovella. “So, you gave him the date, time, and location, but you have no plans of showing up today?” Umiling si Ilana. “Hayaan mo siyang mabulok roon nang maramdaman niya kung ano ang pakiramdam ng naghihintay sa wala.” Bumuntong-hininga si Lovella. “Gumaganti ka ba?” Nagk
ILANA set another schedule to meet Gray to talk about the divorce. Tulad ng unang beses ay hindi siya pinigilan ni Cloudio. Ito pa mismo ang nagpresinta ng kotse nito para gamitin niya kahit noong una ay tumanggi siya dahil matagal na siyang hindi nakakapagmaneho. Cloudio supports her in everything, and that’s what she likes about him. “Here, take this.” Inabutan siya ni Cloudio ng water tumbler nang makasakay siya sa kotse. Buhat nito si baby Nayi habang nasa parking lot sila ng apartment. “Ano ‘to?” Tanong ni Ilana habang tinitingnan ang pink na tumbler. “Lemon water. Maganda iyan sa katawan.” Marahang tumango at ngumiti si Ilana. Dumungaw siya sa bintana at marahang hinila palapit ang binata. She planted a kiss on baby Nayi’s lips before she kissed Cloudio’s cheek. “I’ll be home by midnight.” Ngumiti at tumango ang binata. “Opo, Cinderella. Sige na. Sayang ang oras.” “Ang mga bilin ko ha?” Pabiro pang sumaludo si Cloudio saka siya kinindatan. Ilana started the engine and dro
NAPATINGIN si Ilana kay Gray. “Wag kang magsinungaling dito, Gray.” Nag-angat ito ng tingin at tinitigan siya sa mga mata. Ang mga mata nito ay nangungusap. “Three months bago matapos ang agreement natin, nasa akin na ang divorce papers na iyon, Ilana. Hindi ko…mapirmahan kasi naguguluhan ako. Hindi ko alam kung…kakayanin ko pa ang buhay na wala ka matapos kong masanay na nasa tabi kita.” Natawa si Ilana. “Hindi ba nga’t bumalik na ang ex mo bago pa matapos ang tatlong taon natin? Nahuli ko pa nga kayong nagtatawanan sa opisina. Masayang-masaya ka noon, Gray. Kaya paano ako maniniwala na hindi mo siya ginustong balikan?” “We were catching up. Nagkukwento siya ng experiences niya abroad.” Natawa muli si Ilana—mas malakas, mas sarkastiko. “You were planning your marriage with her, Gray!” “She was planning it, I wasn’t.” Nagtagis ang bagang ni Ilana. “Tama na, Gray! Kung talagang wala kang planong pakasalan siya, sana sinabi mo na kaagad noon pa pero hindi mo sinabi. Pinagmukha niyo
PAGOD na umuwi si Ilana at inabot na siya ng madaling araw sa daan. Tahimik siya nang buksan ang pinto at sa tingin niya ay tulog na rin si Cloudio sa kwarto. Dumiretso si Ilana sa kusina para uminom ng malamig na tubig. Pakiramdam niya ay tuyong-tuyo ang lalamunan niya at wala siyang lakas. An argument with Gray literally took her strength away. Para siyang kandila na naupos. Lumabas si Ilana matapos uminom ng tubig. Ayaw niyang magising si Cloudio at makita ang hitsura niya kaya tumambay siya sa harap ng pinto ng unit. Nakahawak siya sa railing habang tulala sa kawalan nang may magsalita. “You look exhausted.” Agad na napalingon si Ilana sa kaliwa niya. Nasakandal ang likod ni Tres sa railing habang ang kaliwang kamay ay may hawak na beer. Nasa tapat ito ng unit ni Cloudio. “You’re here…” Tumingin sa kaniya ang binata. “Nalipat ako ng station kaya magiging madalas ako dito. Nag-offer rin si Cloud na dumito na ako sa unit niya.” Tumango si Ilana at hindi na nagsalita. Tumitig si
ILANA and Nayi are swimming on the pool. Nag-eenjoy silang mag-ina habang naglalaro ng bola nang biglang nagtanong si Nayi.“Mama, love mo ba po si papa dati?”Saglit na natigilan si Ilana bago marahang inihagis sa anak ang bola. Nasa mababaw na parte si Nayi samantalang nasa hanggang sikmura naman ang tubig sa kinatatayuan ni Ilana.“Oo naman.” Nakangiting sagot ni Ilana. She saw how her daughter’s eyes twinkled and her lips stretched into a sweet smile. “Mabait po ba si papa sa inyo?”Muli ay natigilan si Ilana. “Mabait siya at maalaga, baby.”“Talaga po? Pero…” Biglang nabura ang ngiti nito. “Bakit hindi po natin siya kasama dito sa bahay? Bakit po kayo naghiwalay?”Lumunok si Ilana at hinaplos ang basang buhok. Binitawan niya ang bolang ibinalik sa kaniya ni Nayi saka nilapitan ang anak. She caressed her cheek. “Hindi madali kay mama na iwan si papa, anak. Pero kailangan dahil nasaktan ng husto si mama.”“Sinaktan po kayo ni papa?”Umiling si Ilana. “Hindi pero parang ganoon. Nagk
ALAM ni Ilana na mahirap nang ayusin ang mga bagay na nasira. Tulad ng tiwala na mahirap ibalik ng buo. Hindi mapapantayan ang bawat sakit na naranasan niya habang pilit na inaabot ang kaligayahan at tahimik na buhay. Sa paglakad niya sa diretsong daan ay may mga tao siyang nasaktan hanggang sa hindi niya namalayang naliligaw na pala siya at hindi na makita ang paroroonan.Her failed marriage with Gray was planned. She just tried to fight for it pero alam niyang iyon talaga ang kahahantungan.“Mama, thank you sa pagtupad ng wish ko.”Napatingin si Ilana sa batang katabi. Yakap nito ang isang malaking manika. Nakatirintas ang mahaba at tuwid nitong buhok at kitang-kita sa mga mata ang kislap ng kaligayahan. Ngumiti si Ilana at hinalikan ang pisngi ng batang babae. “Basta para sa baby ko.”“Mama, may isa pa akong wish.”Bahagyang hinarap ni Ilana ang anak. Nasa eroplano sila pauwi sa Pilipinas. Seventh birthday na ni Nayi sa isang araw at nagrequest ito na magcelebrate ng birthday kasa
HINDI mapakali si Ilana habang palakad-lakad sa harap ng emergency room. Akala niya ay ayos lang ito pero nang kinaumagahan ay nilalagnat na ang bata kaya naman agad niya rin itong dinala sa hospital. Nayi was checked last night after everything, and although Ilana knows this might happen, she’s still shocked.Habang palakad-lakad ay natagpuan ng mga mata ni Ilana si Grant na naglalakad sa hallway at padaan sa gilid niya. Nakita siya nito at agad na bumalatay ang pag-aalala sa mukha.“Anong nangyari?”Tiningnan ni Ilana ang emergency room. “Nagkaroon ng mataas na lagnat si baby.”Napabuntong-hininga si Grant. Kinagat naman ni Ilana ang pang-ibabang labi. Hindi niya nakumusta ang kalagayan ni Gray dahil kagabi ay agad na rin siyang nahiwalay sa mga ito. Nang dumating kasi ang pamilya nina Gray at Grant ay agad nang umatras at umalis si Ilana.“Kumusta…si Gray?” Hindi napigilang tanong ni Ilana.“Nasa ICU,” pabuntong-hiningang sagot ni Grant. “Kritikal siya at kailangang tutukan ng dokto
HABANG nakatingin at nagmamakaawa si Ilana kay Tres ay biglang gumulong mula sa kung saan si Grant. Duguan ang mukha nito at may sugat sa kilay habang nakahiga sa harapan niya at sapo ang tiyan.“Grant!” Lumuhod si Ilana sa harapan ng lalaki.Umubo ito at dumura ng dugo. “I’m fine…”Mula sa pinaggalingan ni Grant at lumabas ang isang lalaking may malaking katawan. Hindi ito kilala ni Ilana pero tiyak niyang kasama ito ni Tres nang kunin ang anak niya.Pinagmasdan ni Ilana ang lalaki—malaki ang katawan at mukhang sanay makipagpatayan.Muling tiningnan ni Ilana si Tres. “Tres, please…ibalik mo na sa akin ang anak ko. Ako nalang ang parusahan mo. Ako nalang…”Tumawa ang lalaki. “Ibabalik ko naman siya sayo, Ilana. After ten years.”Nanginig ang mga labi ni Ilana. “W-What?”Maya-maya pa ay lumabas si Gray. Nagulat si Ilana nang makitang may tama ng ng baril ang tagilan nito pero pinipilit pa ring maglakad.Dumura ito ng dugo at tiningnan ng masama si Tres. “Ibalik mo ang anak ko, gago ka!”
WALA nang magagawa ang pagsisisi at paninisi kaya imbes na magsalita pa ay nanahimik nalang si Ilana. Hanggang sa nasa loob na siya ng kotse ni Gray para puntahan ang mga ari-arian ng mga Fortunato ay hindi siya nagsasalita. Ramdam naman niya ang pagsulyap-sulyap ni Gray sa kaniya.“I’m sorry..” Basag ni Gray sa nakabibinging katahimikan. “I’m sorry kung…nadamay kayo sa gulo ng pamilya ko.”Ilana looked outside. “Tres holds a grudge against my father, Gray. Girlfriend niya ang namatay na kapatid ni Cloud.”Nawalan ng imik si Gray nang marealize ang gusto niyang iparating. Parehas na silang tahimik hanggang sa nakarating sila sa property na tinutukoy ng kausap ni Gray sa telepono.Isang lumang mansion. Neo-classical style. Luma na ang pintura pero malinis pa rin na tila alaga.“This is the place…” Ani Gray habang inaalis ang suot na seatbelt. “Ichecheck ko sa loob. Dito ka lang, Ilana.”Tumango si Ilana. Gusto niyang sumama sa loob pero ayaw niyang magsayang ng oras. Isa pa ay baka may
“ILANA, hindi ka pa pwedeng umalis.”Umiling si Ilana sa ina ni Gray. “Ma’am, kung kayo ang nasa kalagayan ko hindi rin kayo mapapanatag.”Bahagyang natigilan ang ginang. “Naroon na ako pero…”“Hindi po ako matatahimik. Kailangan kong makita ang anak ko. Hahanapin ko siya kahit saan pa ako makarating.”“Ilana…” Bago pa makababa ng hagdanan si Ilana ay tinawag siya ng senyora na kanina pa nakikinig.Humugot si Ilana ng malalim na hininga. Alam niyang malaki ang kasalanan niya sa pamilya ni Gray at hindi niya masisisi ang mga ito nang magalit ito at palayasin siya. Isa sa dahilan kung bakit nangingilag siya sa senyora. Nahihiya siya.Dahan-dahang humarap si Ilana. Walang kahit na anong galit o pagkamuhi na mababakas sa mukha ng matanda.“I’m sorry… For not fighting for you.”Bumigat ang dibdib ni Ilana. Napalunok siya at kumuyom ang kamao. “Sorry din ho sa mga…nagawa ko. Pero senyora, hindi ko kailangan ang awa niyo.”“Alam ko…” Tumango ang senyora. “At hindi ako naaawa sayo, Ilana. Gus
“ANONG sinabi mo?” Pakiramdam ni Brian ay nabingi siya. Tumawa si Tres at naglakad sa harapan niya. “I said Cloud knows. Lahat-lahat. “Tangina, magkasabwat kayo? Niloko niyo si Ilana?” “I didn’t.” Umiling si Tres habang nakataas ang dalawang kamay. “Hindi ko siya niloko. Una palang sinabi ko na sa kaniya na ‘wag siyang magtiwala sa mga tao sa paligid niya. Ayan tuloy…” “Fck you, Tres! Pakawalan mo ako, hayop ka! Papatayin kita!” “See how karma works, Brian? It was cunning.” “Anong karma ang pinagsasabi mong hayop ka? Sadyang malaki lang ang diperensya mo kaya ginawa mo ito! Nasaan ang hayop na Cloudio na iyon? Dalhin mo siya dito. Tangina!” Bumukas ang pinto at natawa muli si Tres. “Well… I don’t really have to bring him here.” Pumasok si Cloudio—walang emosyon ang mga mata. Nagwala si Brian sa kinauupuan. “Hayop ka, Cloud! Pinagkatiwala ko siya sayo tapos traydor ka palang demonyo ka? Hayop ka, mamamat-y ka rin!” Humugot ng malalim na buntong-hininga si Cloudio. “Brian—” “W
MATAAS na ang sikat ng araw nang magmulat ng mga mata si Brian. Nakagapos ang mga kamay at binti niya sa kinauupuan. Bahagyang tumagilid ang ulo niya habang inaalala ang mga nangyari bago siya nawalan ng malay. Naabutan nila nina Tres at Cloudio ang dumukot kay baby Nayi pero may bigla nalang pumalo sa ulo niya at nawalan siya ng malay. “Fuck!” Malutong na mura ang pinakawalan ni Brian habang sinusubukang pakawalan ang sarii. Tyempo namang bumukas ang pintuang nasa harapan niya at pumasok ang isang taong hindi niya inaasahang makita sa sitwasyon niya. “What the fck is this, Tres?” Kuyom ang mga nakagapos na kamay ni Brian habang tinitingnan ang kaibigan na naglalakad palapit sa kaniya. Magulo ang buhok nito pero kalmado ang hitsura. “Makakagulo ka lang, Brian.” Kumunot ang noo ni Brian. “You fcking did this?” Bumuntong-hininga si Tres, tila dismayado. “Wala ka naman kasi dapat sa binyag. Bakit ba pumunta ka pa? Talent mo bang saktan ang sarili mo?” Inuga ni Brian ang sarili sa k
“SUMAGOT ka, Gray!” Puno ng frustrasyon ang boses ni Ilana.Umiling si Gray. “Hindi ko gagawin iyon, Ilana. Hindi ko kukunin sayo ang anak natin!”“Then, why are you leaving?!” Halos magwala si Ilana habang nakaturo sa mga maleta. Nawalan ng imik si Gray at napatitig sa kaniya. Mas lalo namang tumindi ang paghihinala ni Ilana.Gulat ang pamilya ni Gray sa mga naririnig.“Anong nangyayari?”Hindi pinansin ni Ilana ang ina ni Gray, sa halip ay dumiretso siya sa hagdan para pumasok sa kwarto ni Gray. Ramdam niya ang pagsunod nito sa kaniya.“Ilana—”Pabalyang binuksan ni Ilana ang pinto ng kwarto ni Gray. Dumiretso siya sa banyo, sa walk-in closet, saka muling lumabas at binuksan ang iba pang silid. Natigilan siya nang may isang kwarto na nakalock.Hinarap niya si Gray. “Buksan mo ito.”Bumalatay ang sakit at takot sa mga mata ni Gray. “Ilana, that’s Grant’s room. Ayaw niyang pabuksan—”“Bubuksan mo o sisirain ko?!”Walang nagawa si Gray. Kinuha niya ang susi sa sarili niyang kwarto bago