author-banner
rejielynsiapel25
Author

Novels by rejielynsiapel25

Dear Ex-husband, Look At Me Now

Dear Ex-husband, Look At Me Now

Minsan nang inialay ni Sydney ang puso kay Vince pero tinanggihan siya nito… pati ang anak na hindi niya alam na ipinagbubuntis ni Sydney. Pagbalik ni Sydney matapos ang anim na taon, iba na ang babae sa harap niya at hindi na siya madaling saktan. Pero sa muling pagtatagpo, ang lalaking minsang nagpaalis sa kanya ay siya ngayong takot siyang bitawan. Pag-ibig pa ba ito na may pangalawang buhay, o panibagong sugat lang na naghihintay?
Read
Chapter: Chapter 4
Nagising si Sydney na may sakit na nararamdaman sa buong katawan. Napatingin siya sa bintana at mukhang maliwanag na sa labas. Dahan-dahan niyang inangat ang katawan dahilan upang makita ang sarili rekta sa salamin na nakatayo sa gilid ng kama.Kita ang pulang mga marka na nagkalat sa leeg at sa dibdib ni Sydney. Doon sa kanya nanumbalik ang nangyari sa kanila ni Vince na ngayon ay wala na sa tabi niya. Napahinga na lang siya nang malalim at pinilit ang sarili na tumayo sa kama kahit na kumikirot pa ang gitnang parte.Kinuha niya ang bathrobe na nakasabit sa likod ng pinto at plano niyang lumabas ng kuwarto.Pagbukas ni Sydney ng pintuan ay napatigil siya nang makita si Vince na nakatayo doon at akmang hahawakan ang doorknob ngunit huli na dahil nabuksan na niya ito.“Buti naman gising ka na,” seryoso nitong sabi.Napalunok si Sydney at napatingin nang diretso sa mata ni Vince. Mukhang bumalik na ito sa dati nitong pagkatao, ang seryoso, malamig, at may galit na Vince.“Don’t give any
Last Updated: 2025-11-26
Chapter: Chapter 3
Dahan-dahan binabagtas ni Vince ang kamay niya mula sa bewang ni Sydney paakyat sa likuran nito habang mapusok ang binibigay niyang halik kay Sydney.Naramdaman ni Sydney na ipinasok ni Vince ang kamay nito sa loob ng damit niya at dahan-dahan iyong hinubad. Dahan-dahan siyang inihiga ni Vince sa kama habang patuloy pa rin sila sa paghahalikan.Damang-dama nila kung gaano sila kagutom at kung paano nila ginugusto ang mga nangyayari, dahil sa mga oras na ito mas lalong nagliliyab at umiinit ang kanilang tagpo. Hinawakan ni Sydney ang sando ni Vince at siya mismo ang nagtanggal noon. Bumungad kay Sydney ang malapad na dibdib at matitigas na braso ni Vince. Mas lalo siyang nag-init nang maglakbay ang mata niya pababa sa tiyan nito. Kitang-kita ang six pack abs nito lalo na ang buhok mula sa pusod pababa.Wala sa isip ni Sydney na darating sila sa ganitong pangyayari. Gusto niyang pigilan si Vince pero mismong katawan niya ang sumusuko rito.Hinawakan ni Vince ang kamay ni Sydney. Napalun
Last Updated: 2025-11-26
Chapter: Chapter 2
Tahimik si Sydney sa buong biyahe nila papunta sa mansyon ng mga Marquez. Hindi siya sinundo ni Vince kaya ang kapatid na lamang nitong si Victor ang sumundo sa kanya.Napakaraming sinasabi ni Victor, pero nag-a-agree na lang siya kahit na hindi niya naiintindihan ang sinasabi nito. Hindi niya rin alam kung bakit sobrang wala siya sa focus sa mga oras na iyon.Nakatingin lang siya sa labas ng sasakyan ni Victor at pinagmamasdan ang tanawin patungo sa bahay nila."Hey, andito na tayo."Nagising na lang si Sydney sa ulirat niya at napatingin sa labas at tama nga si Victor, nasa harapan na sila ng bahay nila."Kanina ka pa tahimik," nakangiti niyang sambit."Sorry, marami lang din akong inisiip," wika ni Sydney kay Victor."Tungkol ba iyan sa kasal ninyo ni Vince?" tanong ni Victor sa kanya. Napakibit-balikat na lang si Sydney."Hindi ko rin alam, eh." Hindi niya masagot ang tanong ni Victor, hindi dahil hindi siya sigurado, pero dahil wala naman na talaga siyang maibibigay na sagot dito
Last Updated: 2025-11-26
Chapter: Chapter 1
Anim na taon ang lumipas at maraming nagbago sa buhay ni Sydney. Pitong taon simula nang maghiwalay sila ni Vince, anim taon simula nang mawala sa pangalan niya ang Marquez. Madami siyang sinakripisyo, at madami siyang napagdaanang sakit at pagsubok sa loob ng pitong taon. Pero hindi niya akalain na makakaya niya, na kaya niya pala na makawala sa nakaraan, na makawala sa sakit at multo ng kahapon.Iyon siguro ang epekto ng sakit na idinulot ni Vince, at ng paghihirap na dinanas ni Sydney sa taong magkasama sila. Ngunit ngayon, malaya na siya mula sa sakit at pamamalimos ng pag-ibig. Sa pagkakataong ito, siya naman muna.Kailangan niyang maging matatag, kasama ng dalawang dahilan kung bakit siya matatag, ang kaniyang kambal. Ang mga ito ang dahilan kung bakit siya bumabangon sa pang-araw-araw.Lumaki silang mabuti, masisipag, at mapagmahal, malayo sa ugali ni Vince. Ngunit kung titingnan, halatang anak sila ng isang Marquez, ang mga mata at labi nila ay kahawig ng kay Vince. Mabuti na
Last Updated: 2025-11-26
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status