Share

Chapter 136

Author: Athengstersxx
last update Last Updated: 2025-03-19 13:51:31

"Mga dokuments daw. Nasaan na?" Tumalikod siya at pinaalalahanan si Celestine.

“Ah ito.” Ibinaba ni Celestine ang lahat ng kanyang dala at binigay na roon sa empleyado.

Tumingala ang empleyado sa kanilang dalawa at nagsabi.

"Sigurado ba kayong gusto na ninyong mag-divorce? Alalahanin niyo, walang problemang hindi malalampasan ng dalawang taong nagsasama.”

Agad namang lumapit din ang isa pang empleyado, sumang-ayon din siya sa sinabi noong isa.

“Ay, oo nga po. Normal lang naman sa mag-asawa ang mag-away. Aba, kung hindi niyo naitatanong, malala na ang ginagawa sa akin ng asawa ko pero hindi namin naisipan na maghiwalay.”

Napakunot ang noo ng isang empleyado dahil alam niya ang buhay noong babaeng nagsasalita.

“Maggie, iba naman ang sitwasyon mo sa kanila. Ikaw, tanga ka eh. Pisikal ka nang sinasaktan ng asawa mo, hindi ba? Pero, hindi ka pa rin umaalis sa poder ng asawa mo.”

“Hala. Talagang sabihin pa iyon? Grabe ka naman sa akin. Masakit, ha.”

Nang mapansin ni Celestine na nag-aaway n
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 426

    Hindi nagwala si Diana sa mga sumunod na araw. Nakipagtulungan siya sa gamutan niya sa ospital araw-araw at araw-araw din siyang sinamahan ni Benjamin para roon.Si Celestine naman ay sumunod sa nakasanayang routine niya.Tuwing uuwi siya ng bahay, palagi niyang naririnig ang reklamo ng kanyang ama tungkol sa batch ng mga produkto ni Benedict Salvador.Kumalat sa kanilang paligid ang balita na tinatakot at sinisiraan daw ni Benjamin si Benedict.Wala talagang magawa si Benedict sa ganitong klase ng galaw ni Benjamin, kaya't napilitan siyang labanan ito hanggang sa huli.Isang gabi sa isang dinner party, dumating si Celestine para sunduin ang lasing na ama na si Wendell. Pagpasok niya sa loob ng kwarto, agad niyang nakita ang ilang pamilyar na mukha.“Nandito na si Celestine,” bati ng isang nakatatanda habang kumakaway kay Celestine.Tumango si Celestine at tiningnan ang mga tao sa loob.Naroon sina Benjamin at Sean, pati na rin si Benedict na kasalukuyang pinag-uusapan sa buong Nueva

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 425

    Ito ang unang beses na pumayag si Zsa Zsa sa desisyon ng dalawa, kaya parehong nagulat sina Benjamin at Diana.Tiningnan ni Zsa Zsa si Diana at napabuntong-hininga, “Handa siyang mamatay para lang makasal sayo. Kailangan mong pakasalan ang babaeng ito.”Sa isip-isip niya..‘Pakakasalan mo siya, tapos araw-araw na lang siyang tatalon mula sa kung saan-saang building, guguluhin ka at papatayin ka sa stress araw-araw! Gusto mo iyon, hindi ba?”Gusto niya talaga si Celestine para kay Benjamin pero kinailangan niyang inisin si Diana para matigil na ito sa kanyang mga pag-iinarte.Tinitigan ni Zsa Zsa si Benjamin at habang iniisip niya ito, lalo siyang naiinis sa kanyang anak!Ang anak niyang ito, talagang walang kwenta! Hindi nag-iisip! Talagang pakakasalan pa niya si Diana?“Tita, totoo po bang pumapayag na kayong pakasalan ako ni Benj? Hindi na po ba kayo galit sa akin?” Lumuluha sa tuwa si Diana sa tuwa nang marinig iyon.Tumango si Zsa Zsa at nagsalita, “Oo, pumapayag na ako sa kung an

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 424

    Kinabukasan, kumalat ang balita sa lahat ng dako na ikakasal na sina Benjamin at Diana. Napahawak sa ulo si Wendell habang binabasa ang mga ulat, “Hayop talaga ang lalaking ’yan! Kahit kailan ay hindi na tayo binigyan ng kahihiyan!” “Bakit ka ba nagagalit? Ako nga, hindi man lang naiinis noong marinig ko iyan.” Nakaupo si Celestine sa sofa, chill lang habang kumakain ng potato chips. “Mag-ingat ka nga sa mga sinasabi mo!” Tinapik ni Wendell ang ulo ni Celestine. “Ilang araw na lang ba bago ang tapos ng divorce period mo?” Binuksan ni Celestine ang kanyang cellphone para tingnan. “Isang araw bago ang cruise party sa Villamar City.” “Sakto! Makakagala ka sa araw ng cruise party! Makakahanap ka ng ibang lalaki na babagay para sa’yo,” Natutuwa pang tinapik ni Wendell ang kanyang hita. Ngumiti lang si Celestine at walang sinabi, pero hindi niya nakalimutang i-check ang mensahe ni Vernard sa kanya. “Yung cypress flower grass na hinahanap ko para kay grandpa, ilang araw na pero hindi

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 423

    Tahimik na pinanood ni Celestine ang nangyayari at narinig niyang mahina lang na nagsabi si Benjamin ng, "Hmm."Napakahina. Parang kahit anong mahinang ihip ng hangin, pwede siyang tangayin nito at bigla na lang mawala."Diana, bumaba ka na at mag-usap tayo, ganyan ka ba talaga? Parang lagi mo na lang binabasag ang puso ko bilang ina mo!" umiiyak na sabi ni Mary sa kanyang anak, nanginginig ang katawan.Nawawala pa rin si Freesia, hindi niya pa rin ito mahanap, at ngayon pati si Diana, mawawala rin ba dahil sa walang kakwenta-kwentang bagay?Paano pa siya mabubuhay? Kung ang dalawang anak niya ay mawawala na lang?Itinakda na ba siyang mabuhay sa dalamhati habang-buhay para sa kanyang mga anak?"Ma, sorry. Hindi ko naman gustong gawin 'to, pero sobrang lungkot ko na talaga at hindi na ko makapag-isip ng tama." Umiling si Diana habang umiiyak, "Ilang araw na akong hindi nakakatulog ng maayos, kahit ipikit ko lang ang mga mata ko, hindi ako masaya sa mga nangyayari sa buhay ko. Ayaw ko

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 422

    Habang nagpapagaling si Diana sa bahay, bigla siyang nakatanggap ng message sa kanyang cellphone.Si Jerome, ang lalaking inuutusan niyang pumatay kay Celestine ay tinawagan siya.“Miss Valdez, napag-alamanan ko na iniimbestigahan ka pa rin ni Mr. Peters hanggang ngayon.”Mahigpit na kinapitan ni Diana ang kanyang cellphone, ramdam ang pagkainis sa paghawak niyang iyon.Hindi pa rin siya pinagkakatiwalaan ni Benjamin hanggang ngayon kahit na ilang beses na niyang sinabi rito na siya talaga ang nagligtas sa kanya!Galit siyang tumayo at tumingin sa labas ng kanyang bahay, nakakunot ang noo niya.Sa gilid ng kanyang mata, napansin niya ang fruit knife sa coffee table. Napakuyom siya ng kamao at mabilis na nilapitan iyon.Di nagtagal, may sumigaw mula sa loob ng bahay ng pamilya Valdez.“Naku! Naglaslas ng pulso si Diana! Tulungan niyo ko! Kailangan natin siyang madala sa ospital sa madaling panahon!”“Sir! Madam! Nagpakamatay si Miss Diana at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko!”Kuma

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 421

    Nagliwanag ang pagkagulat sa mga mata ni Veronica noong mga oras na iyon ngunit agad niya itong itinago matapos marinig kay Celestine ang mga salita.Totoo nga."Miss Yllana, napansin ko lang, maganda pala ang butterfly tattoo sa likod mo. Bakit ngayon ko lang nakita na may tattoo ka pala? Ang tagal ko nang nagtatrabaho kay Mr Peters pero ngayon ko lang napansin iyan."Napahawak si Celestine sa kanyang likod, napabuntong-hininga nang hindi sinasadya pagkatapos ay binuksan ang pinto ng ward, at sinabing, "Wala akong tattoo noon kaya wala ka talagang makikita.”"Ito ang ward ni Reynaldo Reyes," turo ni Celestine sa loob.Nalinis na ng nurse ang kwarto kaya’t wala nang laman ngayon sa loob.Tiningin-tingin si Veronica sa paligid, maingat na hinawakan ang bawat sulok pero wala siyang nakita."Naghahanap ka ba ng kung ano?" tanong ni Celestine kay Veronica.Suminghot si Veronica at nagtanong, "Noong nilinis ba ng nurse ang banyo, may nakitang bagay na naiwan ni Reynaldo? Kahit ano?""Sa pa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status