Share

Chapter 163

Penulis: Athengstersxx
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-24 05:04:44

Nanlumo si Kelly. Napakalinaw ng mga mata ni Celestine kaya't nanginig siya at nakaramdam ng pagkakasala sa babaeng nasa harapan niya.

Ngumiti si Celestine, kalmado ang tono, at tila walang emosyon. "Ang isang babaeng katulad mo ay bagay na bagay dito sa store na ito. Dapat lagi kang bumisita rito. O di kaya, palitan mo na ang may ari nito.”

Nanikip ang lalamunan ni Kelly. Ano ang ibig sabihin ni Celestine? Na bagay siya sa isang low class na store kagaya nito? Hindi ba ito isang pangungutya iyon para kay Kelly?

Malamig na huminga si Celestine at palabas na ng store na hindi lumilingon.

Ilang minuto pa bago siya tuluyang lumabas, naalala niyang nasa saleslady pa pala ang card niya. Agad niya itong binalikan.

“Akin na pala ‘yang card ko. Hindi iyan nababagay dito. Lilipat ako sa ibang store at doon na lang bibili. Cheap ang mga bagay na narito, pati ‘yong saleslady!”

Pagkaagaw ni Celestine ng kanyang card ay lumabas na siya ng tuluyan sa store na iyon.

Hahabulin sana siya ng sal
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Arlene Landicho
Hala baka si Celestine pa un ah
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 332

    Dalawang kotse ang nagmamadaling tumatakbo sa amber road. Palitan sila ng pangunguna, tila nasa contest na walang makalamang.Galit si Celestine nang dumating siya ngayon, kaya’t todo ang pagmamaneho niya. Pero kumpara ng maraming taon na ang nakalipas, tila bumaba na ang kanyang galing pagdating sa car racing.Ang asul na kotse ay nagbigay ng kakaibang kasabikan kay Celestine. Mas kapanapanabik ito kaysa sa karera niya laban kay David Arcelli. Sa wakas, parang may totoong kalaban na siya at hindi tatanga-tanga.Muling nagsabay ang asul na kotse at ang kotse ni Celestine sa track. Ipinakita ng navigation system na malapit na ang finish line, lampas lang sa kanto. Malapit na so Celestine.Pinagdikit ni Celestineang kanyang mga labi, hinawakan nang mahigpit ang manibela gamit ang dalawang kamay at tiningnan nang malalim ang kabilang kotse.Sakto namang tumingin din ang tao sa asul na kotse sa kanyang direksyon. Nakita ni Celestine ang isang pares ng malalalim na mata ng lalaki.Sa sumun

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 331

    Ang lalaki ay medyo matangkad kaysa kay Celestine, nakasuot ng itim na sports suit at napakakisig.Pumirma din siya roon katulad ni Celestine.“Sige, hintayin mo ang susunod na ikot,” sabi ng lalaking namumuno.Si Celestine ay nag-iinit ang katawan dahil as stress na kanyang naranasan at ang lalaki ay nakatayo sa tabi niya.Tiningnan ni Celestine ang lalaki ng ilang ulit. Nakayuko ito at kalahati ng mukha niya ay natatakpan ng kanyang sumbrero. Pero ang lalaki ay may matangos na ilong at mapupulang labi. Kahit hindi mo makita ang kanyang mga mata, mararamdaman mong gwapo siya.Nang itinaas ng lalaki ang ulo niya, si Celestine naman ay nakayuko na at nag-iinat.Nagkasalisi ang kanilang mga tingin. Para bang nahihiya sila sa isa't isa.Hindi nagtagal, nagsimula na ang karera. Nag-renta si Celestine ng berdeng race car para iyon and gamitin niya.Apat ang kalahok sa kabuuan at ang track sa amber road ay hindi rin gaanong nalalayo sa bundok kung saan siya naglaro noon. Hindi ganoon kahira

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 330

    Bumigat ang dibdib ni Celestine, agad siyang lumapit sa bintana at sumilip pababa.Unti-unting natakpan ng matingkad na pula ang puti, at bago siya namatay, hawak pa rin niya ang kanyang ID card.Biglang naunawaan ni Celestine kung bakit niya inalis ang kanyang puting coat kanina.Pwede siyang madumihan, pero ang kanyang puting coat ay hindi dapat madumihan. Ito ang kanyang propesyon, at ayaw niyang madungisan ito, kahit ng sarili niya.Nilunok ni Celestine ang laway niya, dahan-dahan niyang pinisil ang kanyang mga kamao, saka tumalikod at lumakad paalis.Nakunot ang noo ni Benjamin at sumunod.Pagbaba ni Celestine, nagsimula nang maglatag ng barikada ang mga guards. Tumakbo ang mga emergency doctors papunta sa katawan ni Caroline, ngunit umiling lang sila sa isa’t isa. Maya-maya, tinakpan na siya ng puting tela.Kitang-kita ni Celestine ang lahat ng nangyari at napaatras siya ng isang hakbang.May biglang humawak sa baywang niya at paglingon niya, nagtagpo ang mga mata nila ng lalaki

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 329

    Nag-aral siya ng medisina nang maraming taon at nagtrabaho nang napakahirap para lang makatungtong sa kung nasaan man siya ngayon. Kailangan niyang umasa sa sarili niyang kakayahan para makapasok sa ospital na ito. Pero sila, sapat nang kausapin lang ng mga kamag-anak nila ang mga nakakataas sa ospital para magkaposisyon lang sila.Kahit ano ang sabihin ng kanilang mga pamilya, kahit hindi totoo, ayos na iyon.Nang unang pumasok si Diana sa ospital, siya ay alagad ni Caroline. Hindi pinayagan si Caroline na pagalitan ito o pagsabihan man lang at araw-araw ay tinatrato siya nito na parang walang kwenta. Basura nga, sabi nila.Lumipas na ang kalahating taon at wala pa ring natutunan si Diana sa medisina dahil puro yabang lang ang alam niya. Nang magsagawa ng inspeksyon ang mga nakakataas, siya Caroline agad ang pinuna. Ano pa ba ang magagawa niya? Wala. Inis na inis siya noon pero wala siyang laban.Umiling si Caroline nang maalala ang lahat ng iyon. Ang mundo nga ay tila hindi na kara

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 328

    Lahat ay nakatingin kay Celestine, tila ba naghihintay ng kumpirmasyon kung totoo ba iyon o hindi.Lalo na si Benjamin, ang tingin niya kay Celestine ay hindi pa kailanman naging ganoon kainit at katindi. Ang mga titig niya sa kanya ay talagang nakakatakot. Na-realize niyang hindi pala basta-basta si Celestine.Tiningnan ni Celestine ang lahat ng tao sa opisina, hindi alam kung ano ang sasabihin sa sandaling iyon. Dahil isang salita niya lang, pwede na namang gamitin iyon laban sa kanya.Sabihin na lang nila na oo, hindi siya isang walang kwenta. Oo, ibinigay ba niya talaga ang quota kay Diana?“Magsalita ka na, ganoon na ang trato sa’yo ni Diana, bakit ka pa nag-iisip na hindi magsabi sa lahat?” Mariing tumingin si Caroline kay Celestine, “Ano ba yang pa-good girl effect mo, mabibili ba ni Diana o ng mga taong narito 'yan?”“Ninakaw niya ang quota mo, ninakaw niya ang lalaki ng buhay mo at palagi ka pa niyang pinupuntirya! Celestine, isa ka bang martyr? Martyr sa lahat ng bagay?” Hal

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 327

    Hindi inakala ni Celestine na maririnig ni Mrs. Caroline Dimagiba ang usapan na iyon."So, nakikinig ka sa amin ng palihim that time?" Talagang nagulat si Celestine.Kahit pa sabihin nating aksidente ito, hindi pa rin tama ang ginawa niya. Hindi ba't may problema siya sa ugali kung ganoon?Napakaseryoso ni Mr. Macabuhay sa isang tabi, seryosong-seryoso na kinikilabutan ang mga tao.“Mr. Macabuhay, ano bang maling ginawa ko? Mali bang magsumbong ako sa inyo?” tanong ni Caroline kay Mr. Macabuhay. “Hindi ba’t dapat palayasin ang isang ganunf klaseng tao tulad ni Diana sa ospital natin?"“At siya rin!” Itinuro ni Caroline si Celestine, “Bakit ba’t ang mga katulad nila na nakapasok lang dahil sa koneksyon ay karapat-dapat na makatrabaho ko?”Kumunot ang noo ni Celestine. Alam niyang hindi talaga sila gusto ni Caroline, pero hindi niya inakalang ganito na pala ito kalala na gagawa pa siya ng malaking issue."Ikaw talaga..." itinuro ni Mr. Macabuhay si Caroline, "Palagi mong iniisip na mas

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status