Gigil na gigil si David at kitang-kita iyon sa kanyang mga ngipin. Tiningnan niya nang masama si Celestine. “Sige! Celestine, pinili mo ‘to.,”“Kung lalakasan mo ang loob mo at sasabihin mong putulin ko nga ang daliri ko, pagbabayaran mo ito!” Banta ang laman ng kanyang tinig at titig.Nagliit ang mga mata ni Celestine. Hindi talaga siya basta-bastang kalaban! Sa kanya pa isisisi ang isang bagay na siya ang may kagustuhan noong una?“Tsk, pananakot lang naman iyan,” napasimangot si Sean noon at nagreklamo.Hinigpitan ni David ang hawak sa patalim at itinukod ang kamay sa harapan ng kotse.Lahat ay nakamasid sa eksenang ito.Naka-krus pa ang mga braso ni Celestine at nakasandal nang casual sa kotse, walang emosyon ang mga mata, tila ba wala lang sa kanya ang lahat.Habang ang lahat ay nakatutok kay David Arcelli, si Benjamin lang ang hindi inaalis ang tingin kay Celestine.
“Casual na laro lang naman ‘to, gusto mo talaga putulin ko ang daliri ko?” Hindi makapaniwala na sabi ni David habang nakatingin sa kutsilyong inabot ni Celestine sa kanya.Kumindat si Celestine at nagkunwaring inosente, “Uy, kuya, hindi ako ‘yung nagsabi niyan! Casual lang pala ang lahat ng ito? Paano na ‘yong usapan natin?”Hindi makasagot si David noon. Oo nga, paano nga ba ang usapan nilang dalawa? Nakadokumento pa iyon kaya mahirap na bigla na lang nila iyong balewalain.Agad namang nagsalita si Celestine, “Nagbibiro ka lang pala, pero ako ginawa ko ang lahat! Sineryoso ko ang laban na ito! Putulin mo na ‘yang daliri mo ngayon at tigilan mo na ang maraming satsat.”Habang sinasabi ito, ibinato ni Celestine ang patalim sa dibdib ni David.Dahil siya ang nanalo, siguradong mapapahiya si David dahil sa yabang na pinakita nito kanina!Ngayon lang niya sasabihing laro lang pala ang lahat ng ito? Baki
Sa platform, tinulak ni Sean ang balikat ni Benjamin at napabulalas, “Grabe, Benj, si Celestine nga talaga iyon!” Tinitigan ni Benjamin si Celestine nang may naglalagablab na mga mata. Oo, si Celestine nga iyon. Pagkababa pa lang ni Celestine sa sasakyan, agad niya itong nakilala! Hindi niya akalaing marunong palang magkarera ng kotse si Celestine. Pakiramdam tuloy niya ay ngayon niya pa lang nakikilala si Celestine, kung kailan divorced na sila. Huminto ang kotse ni David sa tabi ni Celestine at narinig ni Celestine ang sigawan mula sa bundok, “Ayos! Panalo siya!” “David Arcelli! Talunan ka pala! Baguhan ka lang ba sa car racing?!” Pati ang lalaking may pulang buhok ay nagsisigaw at kung anu-ano ang sinasabing mura, “Putek ka! Isa kang walang kwentang lalaki, natalo ka pa sa babae. Nakakahiya ka sa K Club! Hindi mo man lang ba naisip iyon, ha?!” Tumingala si David sa mga tao sa itaas, kinamot ang ulo niya nang dalawang kamay sa inis at galit. Gusto niyang magwala sa inis. In
Sa sandaling ito, medyo natigilan din si Brandon Gomez. Dahil ang teknik na ito ay parang hindi kayang gawin ni Celestine. Sa pagkakakilala niya rito, mukhang hindi iyon kayang gawin ng isang babaeng katulad niya. Kahit ang mga propesyonal nilang kareristang driver ay hindi basta-basta bumibilis kapag nasa pakurbang bahagi ng track. Masasabi mong napakatapang ng babaeng ito at masyadong mabangis ang pagmamaneho. Kung iisipin mo nga, parang lalaki ang nagda-drive at hindi babae. Nang tingnan niya ang kotse ni David Arcelli sa likod, halatang hindi na niya makontrol ang manibela. Medyo lumihis ang kanyang direksyon, at tiyak na nabigla siya. "Ah, parang siya na nga talaga ang panalo..." maingat na sagot ni Brandon. Tiningnan ni Benjamin si Brandon nang malalim at mabilis na tumungo sa finish line. “Siya ba talaga si Celestine? Hay, naku. Malalaman lang natin ‘yan kapag bumaba na siya ng kotse at nakita natin kung sino siya,” sabi naman ni Sean. Napangiti si Sean habang sin
Umiling si Brandon, halatang nagsisisi nang nagpahiram kay Celestine ng kanyang kotse, "Pasensya na, hindi na natin ito mapipigilan, may pustahan sila kanina kaya tingnan niyo na lang kung sino ang mananalo sa kanila.”"Pustahan?" usisa ni Sean, hindi pa rin siya makapaniwala, "Anong sinasabi mong pustahan?"Tinawag ni Brandon ang lalaking may pulang buhok. Bumulong siya roon kaya walang nakarinig ng sinasabi niya. May iniabot lang kay Brandon ang lalaki, isang dokumento.Humarap si Brandon at iniabot ito kina Benjamin at Sean, "Heto na ang sinasabi kong pustahan nila kanina."Napahinto ang tibok ng puso ni Benjamin nang makita ang dokumentong may annotation.Nagulat si Sean sa kanyang nabasa, "Putsa! Anong ibig sabihin nito?”"Yung matatalo, puputulan ng daliri sa harapan ng maraming tao na narito? Seryoso ba ito?”Sa puntong ito, tinanong ni Sean si Benjamin, "Hindi kaya.. Nagagalit si Celestine sa iyo dahil sa divorce
"Nagsimula na ang karera!" Isang sigaw ang pumunit sa katahimikan bago pa man makapagsalita ang lalaking kausap ni Sean.Napasinghal si Sean dahil hindi niya narinig kung ano ang sinabi ng lalaki.Pero mukhang matindi ang karera, at agad na nakatutok ang lahat para matunghayan ito.Magkaibang oras nagsimula ang dalawang sasakyan. Halatang mabagal ang sasakyan ni Celestine, habang si David ay malayo na ang agwat sa kanya.Para bang inaasar ni David noon si Celestine at patuloy na hinaharangan ang kanyang sasakyan para hindi siya makalampas.Napasinghal si David sa loob ng kotse, akala mo kung sino na siya. Isang walang silbi lang naman siya na hindi marunong sa car racing. Babae lang siya, walang alam!Akala ng lahat ng naroon ay magaling siya pero mukhang tama ang hinala ng lahat tungkol sa kanya, isang palamuti lang siya.Hinihintay na niya ang pagputol ni Celestine sa daliri niya. Excited na siyang makita iyon.Sa pag-iisip nito, inapakan ni David ang silinyador at iniwan si Celesti
Sa oras na ito, direktang inilagay ni Shiela ang isang bank card sa balde ni Celestine, “Pumupusta ako na siya ang mananalo, kung magkano man ang laman ng black card kong ito, i-times mo sa sampung beses. Iyon ang pusta ko.”Sandaling natigilan ang lalaking may pulang buhok.Maya-maya, iginala niya ang kanyang mga mata, “Talagang hindi ko maintindihan ang mundo ng mayayaman. Aba, may nagbibigay na naman ng pera rito ng libre! Mukhang yayaman pa yata kami!”“Heh.” Tinawag siya ni Shiela at nagalit, “Kapag nanalo naman siguro si Celestine ay hindi niyo itatanggi, hindi ba?”Iginulong muli ng lalaking pulang buhok ang kanyang mga mata.Hindi kailanman itinatanggi ng samahan nila ang ganyan! Hindi ito magiging isang malaking dayaan!“Pag-usapan na lang natin kapag nanalo na siya!” Malinaw ang panlalait sa tono ng lalaking may pulang buhok.Nagtawanan din ang iba sa lugar, “May sira ba ang tumaya at umaasa na mananalo si Celestine?” “Siyempre, ang mga tanga ay maraming pera. Ganyan sila.
Pagkatapos magsalita ni Celestine, kitang-kita sa lalaki na parang nawawala siya sa kanyang sarili.Nagtinginan ang mga tao sa paligid niya sa pagkabigla. Ano... anong sinabi niya? Paano kung matalo siya?Nang makita niyang nilunok ng lalaki ang kanyang laway, inulit ni Celestine ang kanyang sinabi, "Kung matalo ka, putulin mo ang isang daliri mo sa harap ng maraming tao rito. Narinig mo ba ang sinabi ko, ha?"Tumawa ang lalaki ng awkward, parang nagtataka kung bakit ang babaeng ito ay gumagawa ng ganoong malaking labanan. Hindi ba’t ito ay isang life and death situation na kung ganoon ang gagawin niya?Gusto lang niyang talunin si Celestine sa car racing, ngunit ayaw niya namang ipusta ang buhay niya.Tahimik ang lahat sa paligid. Lumapit si Celestine ng isang hakbang, tinitigan ang lalaki sa harap niya, at lumalim ang ngiti sa kanyang mga mata, gamit ang isang banayad na panggugulpi, "Natatakot ka ba? Bakit hind
Maikling umubo si Vernard at sinabi kay Celestine, “Boss, ito ang wild contestant na sasali sa kompetisyon ngayong araw.” “Ah, talaga ba? Siya?” Tiningnan ni Celestine ang lalaki mula ulo hanggang paa, ngumiti, at diretsong umalma, “Siguradong hindi siya mabilis magpatakbo gaya ko.” Namula ang mukha ng lalaki dahil sa narinig. Inis na inis ang kanyang mukha. Parang gustong saktan si Celestine kahit ano mang oras. Tinanggap na niya ang iba’t ibang tanong sa kanya noon, pero ang kuwestyunin ang kanyang kakayahan sa car racing? Hindi niya ‘to matitiis na hindi sagutin! “Bakit ang yabang mo naman yata, Miss? Akala mo ba ay kaya mo ako?” “Kung matapang ka talaga, magpaligsahan tayo sa car racing! Titingnan ko ang sinasabi mong galing!” Ngumiti si Celestine at marahang tinanong, “Sigurado ka ba na kaya mo kong talunin?” “Put—” Naputol ang lalaki sa pagsagot.