Share

Chapter 299

Penulis: Athengstersxx
last update Terakhir Diperbarui: 2025-05-13 08:11:53

Sa wakas ay hiwalay na sila. Ito na ang pinakamalapit na pagkakataon para sa kanya na maging si Mrs. Peters, hindi ba?

Tahimik na kinuha ni Benjamin ang kanyang cellphone at tinawagan si Veronica.

Agad na hinawakan ni Diana ang kanyang kamay, “Huwag mo siyang tawagan, please?”

“May lagnat ka, dapat kang pumunta sa ospital. Kapag may nangyaring masama sa’yo, hindi ko maipapaliwanag ng maayos sa pamilya Valdez iyon.” Ibinaba ni Benjamin ang cellphone at muling sinubukang tawagan si Veronica.

Agad na nagtanong si Diana, “Ganito ka ba ka-atat na paalisin ako? Ipapadala mo rito si Veronica para dalhin ako sa ospital? Hindi ba pwedeng ikaw na lang ang mag-alaga sa akin?”

Tumahimik si Benjamin ng tatlong segundo. Seryoso siyang nagpaliwanag sa babaeng nasa harapan niya, “Diana, may lagnat ka at kailangan mong pumunta sa ospital ngayon. Ano at ako pa ang mag-aalaga sa iyo? Hindi naman ako doktor. Sige na, intindihin mo na lang ako, ha?”

“Hindi ko naiintindihan, e. Ang alam ko lang, isang araw
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 299

    Sa wakas ay hiwalay na sila. Ito na ang pinakamalapit na pagkakataon para sa kanya na maging si Mrs. Peters, hindi ba?Tahimik na kinuha ni Benjamin ang kanyang cellphone at tinawagan si Veronica.Agad na hinawakan ni Diana ang kanyang kamay, “Huwag mo siyang tawagan, please?”“May lagnat ka, dapat kang pumunta sa ospital. Kapag may nangyaring masama sa’yo, hindi ko maipapaliwanag ng maayos sa pamilya Valdez iyon.” Ibinaba ni Benjamin ang cellphone at muling sinubukang tawagan si Veronica.Agad na nagtanong si Diana, “Ganito ka ba ka-atat na paalisin ako? Ipapadala mo rito si Veronica para dalhin ako sa ospital? Hindi ba pwedeng ikaw na lang ang mag-alaga sa akin?”Tumahimik si Benjamin ng tatlong segundo. Seryoso siyang nagpaliwanag sa babaeng nasa harapan niya, “Diana, may lagnat ka at kailangan mong pumunta sa ospital ngayon. Ano at ako pa ang mag-aalaga sa iyo? Hindi naman ako doktor. Sige na, intindihin mo na lang ako, ha?”“Hindi ko naiintindihan, e. Ang alam ko lang, isang araw

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 298

    “Benj, ihahatid na lang kita dito! Huwag mo na akong yayain sa loob para magkape, ayoko-”Hindi pa man tapos na magsalita ang kaibigan ay isinara na agad ni Benjamin ang pinto ng sasakyan.Sa harap ng mansion ni Benjamin ay mahigpit na hinawakan ni Sean ang manibela at nagsalita, “Benjamin, ang sama mo talaga. Hindi na nakapagtatakang iniwan ka ng asawa mo! Dapat lang sa iyo ‘yan!”Hindi na nakapagsalita pa si Benjamin.Lumingon lang siya at tiningnan si Sean sa loob ng sasakyan.Nagpatuloy si Sean sa pagsasalita, “Pinagbibigyan na kita, sinama kita sa bundok para manuod ng car racing pero hindi mo pa rin ako yayain sa loob para magkape? May tinatago ka bang babae sa loob ng bahay? As if nandyan sa loob si Diana?”“Sayang lang kasi ang oras mo kaya hindi na kita gagambalain pa. Magpahinga na tayo,” sagot ni Benjamin at akmang bubuksan ang pinto ng sasakyan para hilahin palabas si Sean at tuluyang yayain magkape ang kaibigan.Nakita ni Sean ang galaw niya at tumawa ng malakas. Umapak n

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 297

    Itinaas ni Celestine ang sulok ng kanyang labi at ngumiti nang hindi nagsasalita.Tiningnan ni Vernard si Celestine, ramdam ang kasiyahan sa mga mata nito.Itinaas ni Celestine ang kanyang ulo at sinalubong ang malalim na tingin ni Benjamin. Bahagya siyang ngumiti, “Ginoong Peters, salamat.”Pagkatapos noon, tumingin si Celestine kay Shiela at binigyan ito ng madiing tingin, senyales na pwede na silang umalis.Komplikado ang ekspresyon ni Benjamin noon, para bang may libu-libong salita siyang nais sabihin kay Celestine, pero sa huli ay pinanood na lamang niya si ang babae na umalis.Sumingit si Shiela mula sa gitna ng mga tao. Lumapit siya sa mesa ng sugalan at seryosong sinabi, “Pumusta ako sa panig ng pulang kotse, nanalo ako.”Tiningnan siya ng alalay sa sugalan nang may malalim na kahulugan. Pagkakuha ng tingin ni Mr. Galvez, ibinigay nito kay Shiela ang lahat ng pera na nasa balde, at dinagdagan

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 296

    Lumingon ang lahat paitaas, kabilang na roon sina Celestine at Vernard.Naka-krus ang mga braso ni Sean at tumingin sa boss na hindi kalayuan, "Matagal na kitang hindi nakita, Mr. Galvez, pero kasing bangis pa rin ng dati ang mga pamamaraan mo.”Nakisilay si Mr. Galvez. Nakatayo siya kontra sa liwanag kaya hindi niya maaninag ang mga mukha ng dalawang lalaki sa harap niya.Pero bakit parang pamilyar ang boses ng mga ito?"Payo ko lang sa inyo, huwag na kayong mangialam sa hindi dapat pakialaman." Itinuro sila ni Mr. Galvez."Akala mo ba wala kaming karapatang makialam?" Tamad na sagot ni Sean.Ngumiti si Mr. Galvez, "Hindi talaga dapat nakikialam ang mga taga-labas sa mga usapan ng K Club! Kami lang dapat ang may say dito!”Tinaas ni Benjamin ang kanyang kilay. Mahinang tumawa, tumingin kay Mr. Galvez na may malamig na titig, at unti-unting lumamig ang kanyang boses, “Paano kung sabihin

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 295

    Gigil na gigil si David at kitang-kita iyon sa kanyang mga ngipin. Tiningnan niya nang masama si Celestine. “Sige! Celestine, pinili mo ‘to.,”“Kung lalakasan mo ang loob mo at sasabihin mong putulin ko nga ang daliri ko, pagbabayaran mo ito!” Banta ang laman ng kanyang tinig at titig.Nagliit ang mga mata ni Celestine. Hindi talaga siya basta-bastang kalaban! Sa kanya pa isisisi ang isang bagay na siya ang may kagustuhan noong una?“Tsk, pananakot lang naman iyan,” napasimangot si Sean noon at nagreklamo.Hinigpitan ni David ang hawak sa patalim at itinukod ang kamay sa harapan ng kotse.Lahat ay nakamasid sa eksenang ito.Naka-krus pa ang mga braso ni Celestine at nakasandal nang casual sa kotse, walang emosyon ang mga mata, tila ba wala lang sa kanya ang lahat.Habang ang lahat ay nakatutok kay David Arcelli, si Benjamin lang ang hindi inaalis ang tingin kay Celestine.

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 294

    “Casual na laro lang naman ‘to, gusto mo talaga putulin ko ang daliri ko?” Hindi makapaniwala na sabi ni David habang nakatingin sa kutsilyong inabot ni Celestine sa kanya.Kumindat si Celestine at nagkunwaring inosente, “Uy, kuya, hindi ako ‘yung nagsabi niyan! Casual lang pala ang lahat ng ito? Paano na ‘yong usapan natin?”Hindi makasagot si David noon. Oo nga, paano nga ba ang usapan nilang dalawa? Nakadokumento pa iyon kaya mahirap na bigla na lang nila iyong balewalain.Agad namang nagsalita si Celestine, “Nagbibiro ka lang pala, pero ako ginawa ko ang lahat! Sineryoso ko ang laban na ito! Putulin mo na ‘yang daliri mo ngayon at tigilan mo na ang maraming satsat.”Habang sinasabi ito, ibinato ni Celestine ang patalim sa dibdib ni David.Dahil siya ang nanalo, siguradong mapapahiya si David dahil sa yabang na pinakita nito kanina!Ngayon lang niya sasabihing laro lang pala ang lahat ng ito? Baki

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 293

    Sa platform, tinulak ni Sean ang balikat ni Benjamin at napabulalas, “Grabe, Benj, si Celestine nga talaga iyon!” Tinitigan ni Benjamin si Celestine nang may naglalagablab na mga mata. Oo, si Celestine nga iyon. Pagkababa pa lang ni Celestine sa sasakyan, agad niya itong nakilala! Hindi niya akalaing marunong palang magkarera ng kotse si Celestine. Pakiramdam tuloy niya ay ngayon niya pa lang nakikilala si Celestine, kung kailan divorced na sila. Huminto ang kotse ni David sa tabi ni Celestine at narinig ni Celestine ang sigawan mula sa bundok, “Ayos! Panalo siya!” “David Arcelli! Talunan ka pala! Baguhan ka lang ba sa car racing?!” Pati ang lalaking may pulang buhok ay nagsisigaw at kung anu-ano ang sinasabing mura, “Putek ka! Isa kang walang kwentang lalaki, natalo ka pa sa babae. Nakakahiya ka sa K Club! Hindi mo man lang ba naisip iyon, ha?!” Tumingala si David sa mga tao sa itaas, kinamot ang ulo niya nang dalawang kamay sa inis at galit. Gusto niyang magwala sa inis. In

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 292

    Sa sandaling ito, medyo natigilan din si Brandon Gomez. Dahil ang teknik na ito ay parang hindi kayang gawin ni Celestine. Sa pagkakakilala niya rito, mukhang hindi iyon kayang gawin ng isang babaeng katulad niya. Kahit ang mga propesyonal nilang kareristang driver ay hindi basta-basta bumibilis kapag nasa pakurbang bahagi ng track. Masasabi mong napakatapang ng babaeng ito at masyadong mabangis ang pagmamaneho. Kung iisipin mo nga, parang lalaki ang nagda-drive at hindi babae. Nang tingnan niya ang kotse ni David Arcelli sa likod, halatang hindi na niya makontrol ang manibela. Medyo lumihis ang kanyang direksyon, at tiyak na nabigla siya. "Ah, parang siya na nga talaga ang panalo..." maingat na sagot ni Brandon. Tiningnan ni Benjamin si Brandon nang malalim at mabilis na tumungo sa finish line. “Siya ba talaga si Celestine? Hay, naku. Malalaman lang natin ‘yan kapag bumaba na siya ng kotse at nakita natin kung sino siya,” sabi naman ni Sean. Napangiti si Sean habang sin

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 291

    Umiling si Brandon, halatang nagsisisi nang nagpahiram kay Celestine ng kanyang kotse, "Pasensya na, hindi na natin ito mapipigilan, may pustahan sila kanina kaya tingnan niyo na lang kung sino ang mananalo sa kanila.”"Pustahan?" usisa ni Sean, hindi pa rin siya makapaniwala, "Anong sinasabi mong pustahan?"Tinawag ni Brandon ang lalaking may pulang buhok. Bumulong siya roon kaya walang nakarinig ng sinasabi niya. May iniabot lang kay Brandon ang lalaki, isang dokumento.Humarap si Brandon at iniabot ito kina Benjamin at Sean, "Heto na ang sinasabi kong pustahan nila kanina."Napahinto ang tibok ng puso ni Benjamin nang makita ang dokumentong may annotation.Nagulat si Sean sa kanyang nabasa, "Putsa! Anong ibig sabihin nito?”"Yung matatalo, puputulan ng daliri sa harapan ng maraming tao na narito? Seryoso ba ito?”Sa puntong ito, tinanong ni Sean si Benjamin, "Hindi kaya.. Nagagalit si Celestine sa iyo dahil sa divorce

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status