Muling bumuhos ang ulan pagsapit ng gabi.Alas-otso y media ng umaga nang lumabas si Celestine mula sa operating room. Gutom, antok at pagod na siya pero hindi niya ininda iyon dahil sa sobrang pagmamahal sa kanyang Lola Celia.Wala na nga rin siyang pakialam sa kanyang itsura at sa mga taong nakapaligid sa kanya.Pagkalabas niya, hindi siya dumiretso sa pintuan ng ER.Natakot siyang makita ang mga mukha ng pamilya niya.Natakot siyang makita ang mga mata ng mga ito na puno ng pagkadismaya dahil sa nangyari sa kanyang Lola Celia.Wala siyang mapuntahan, kaya nagtago siya sa base. Kahit malayo pa iyon sa ospital, ayos lang. Ang importante sa kanya ay makalayo muna siya sa lahat dahil sa mga nangyayari.Sa totoo lang, gusto na niyang umiyak noon pero wala siyang magawa. Gusto niyang ipakita sa lahat, lalo sa pamilya niya na malakas siya kahit ano pa ang mangyari sa kanila.“Boss, kamusta si Lola Celia ?” agad na tanong ni Vernard, halatang balisa nang makita siyang dumating sa base.Tum
Mabigat pa ang bisig ni Mr. Macabuhay, puno pa ng mga piraso ng bubog mula sa nabasag na bintana ng sasakyan. Wala pa siyang oras na gamutin ang sariling sugat.Nakita iyon ni Celestine, kaya agad niyang inurong ang kamay na nakahawak dito. Napatingin siya nang hindi makapaniwala. Paano nangyari ang lahat ng ito?“Miss Celestine… hindi ba’t aalis ka patungong abroad?” gulat na gulat si Mr. Macabuhay nang makita siya roon.Napakagat-labi si Celestine, nangingilid ang mga luha. “Nasa panganib si Lola Celia, bakit pa ako aalis? Nasaan siya ngayon? Nasaan si Mama at Papa?!”Kumakabog ang dibdib niya, nanginginig ang tinig at bahagyang tumaas ang kanyang boses.Bago pa makasagot si Mr. Macabuhay, may kamay na dumampi sa balikat ni Celestine.“Celestine, sumama ka sa akin.”Lumingon siya at bumungad ang tinig ng kanyang tiyuhin, kapatid ng kanyang ama.“Tito Axl,” gulat na tawag ni Celestine.“Hmm.” Tumitig ito sandali sa kanya at ngumiti ng payak. “Akala ko tuluyan ka nang aalis papuntang
Mabilis na lumingon si Vernard kay Celestine, takot na baka may mangyari pa at pigilan siya sa pag-alis niya sa Pilipinas. Ayawqm niya noon, masasayang kasi ang pinaghirapan nila.Kinuha ni Celestine ang kanyang cellphone, tumatawag ang kanyang ina.Sigurado na siya nang makita ang kanyang cellphone na tatanungin siya ng kanyang ina kung nakalipad na ang eroplano niya o kung nasa paliparan pa siya.Natural lang, dahil nag-aalala ang kanyang ina para sa paglalakbay ng anak, gaya rin ng pag-aalala ng anak para sa ina. Ganun naman dapat lagi iyon.Huminga nang malalim si Celestine, inayos ang kanyang boses at sinagot ang tawag.Idinikit niya ang kanyang cellphone sa tainga at ngumiti, "Ma, aalis na po ang eroplano. Paglapag ko, tatawag ako agad para ipaalam na ligtas akong nakarating sa pupuntahan ko, ha."Sa kabilang linya, una ay narinig niya ang pagtawag ng kanyang ina sa pangalan niya. Ngunit pagkadinig sa sagot niya, biglang natahimik ito.“Ma?” tawag muli ni Celestine.Sumagot si N
Lumapit si Rico sa tabi ni Benjamin. Mariin niyang pinisil ang balikat nito. Hindi niya alam kung maiinis siya o maaawa sa kanyang kaibigan. Walang nakakaalam kung gaano kabigat at kalaki ang eksena ng pagluhod ni Benjamin. Hindi iyon normal para sa isang CEO na katulad niya. Si Benjamin ay isang taong mataas ang tingin sa sarili at lubhang ipinagmamalaki ang kanyang dangal. Bilang isang pampublikong tao, napakahalaga ng kanyang imahe sa harap ng lahat. Siguradong kakalat ang ginawa niya pero ginawa pa rin niya na para bang wala siyang pakialam. Sa paglipas ng mga taon, hindi siya nagkaroon ng lakas ng loob na magpakita ng kahit kaunting kahinaan sa kahit na sino. Sapagkat kung mahuhuli siya ng iba, mawawala ang kanyang authority sa grupo at negosyo at masisira ang kanyang pangalan sa lahat. Ngayon, tunay niyang alam na siya ang nagkamali at handa siyang ipusta ang lahat kapalit lamang ng pananatili ni Celestine sa tabi niya para makabawi. Ngunit.. “Kung sakaling manatili siy
Isang malamig na tono, isang hindi pamilyar na ekspresyon, at ang salitang “lumuhod ka” na binitiwan nang walang pag-aalinlangan. Sobrang tigas na talaga ng puso mo Celestine.Dahil doon, nagulat ang lahat. Hindi makapaniwala sa kanilang narinig.Si Celestine… pinapaluhod si Benjamin? Talaga ba? Ang tanong, gagawin ba iyon ni Benjamin sa harap ng maraming tao?Sa gitna ng airport, sa harap ng napakaraming tao, para sa kanya, luluhod siya?Bahagyang lumapit si Rico, ngunit si Veronica ay napangiti ng may pag-aalinlangan.“Miss Celestine…”“Bakit? Naawa ka ba sa amo mong si Mr. Peters kaya nandyan ka at gusto mo siyang sagipin?” mabilis na singhal ni Celestine.Hindi naman talaga naaawa si Veronica, ang iniisip lang niya ay ang lugar. Kung walang tao, sige, lumuhod siya kung kinakailangan.Pero dito? Kapag may nakakuha ng picture sa kanila, tiyak na guguho ang imahe ni Benjamin, pati na rin ang negosyo niya.Bubuka pa lang ng bibig si Veronica nang itaas ni Benjamin ang kamay para patig
“Hindi ba’t ang dapat mong sabihin ay pagkatapos mo akong iwan, saka mo lang natuklasang mahal mo pala ako?” malamig na tugon ni Celestine, sabay tanggal ng kamay niya mula sa pagkakahawak ni Benjamin.Nanlambot ang kamay ni Benjamin, nakalaylay iyon sa tabi ng kaniyang hita.Nang makita niya ang mapait na ngiti at pang-uuyam sa mukha ni Celestine, para siyang tinusok ng libo-libong karayom sa dibdib. Masikip, masakit. Hindi na talaga siya makahinga pa. Sa isip-isip niya, sana ay mawalan na lang siya ng buhay.Ang mga ekspresyon na madalas makita noon kay Celestine, ngayon ay siya naman ang nakadama. At lahat ng sakit na naranasan ng babaeng mahal niya, sa kanya naipasa. Ang lakas ng karma, hindi ba?Ano ba ang tawag dito?Hindi ba’t ito ang tinatawag na ganti ng kapalaran?At napakabilis ng ganti sa kanya.Mabilis na pinunasan ni Celestine ang lugar na hinawakan ni Benjamin kanina. Diring-diri siya sa lalaki. Diring-diri rin siya sa sitwasyon.Tiningnan niya ito ng malamig, puno ng p