Share

Chapter 338

Author: Athengstersxx
last update Last Updated: 2025-06-03 07:46:39

Aksidenteng natapunan ng red wine si Celestine ng waiter.

Tumayo si Celestine para ayusin ang kanyang damit, sabay sabing, “Ayos lang ako, hindi mo naman sinasadya, e.”

Takot siyang makatawag-pansin kaya bumulong siya sa waiter, “Huwag ka nang manatili rito sa tabi ko, ayos lang talaga ako, maraming salamat.”

Pagkatapos noon, tumingin si Celestine kay Benjamin. Nagkataong nagtama ang kanilang mga mata, malamlam at malamig ang tingin ni Benjamin sa kanya noong mga oras na iyon.

Napahinto si Celestine.

Nakatayo lang siya roon, hawak ang kanyang damit, at hindi niya alam kung saan ilalagay ang kanyang kanang kamay.

Tahimik lang sanang manonood siya ng proposal ni Diana kay Benjamin, pero mukhang hindi na iyon matutuloy dahil nakita na siya ni Benjamin.

“Eduard, umalis na tayo rito,” tawag ni Celestine kay Eduard habang kinukuha ang kanyang bag sa gilid.

Naintindihan agad ni Eduard ang sitwasyon at tumango kay Celestine.

Tiningnan ni Benjamin ang papalayong likod ni Celestine at hindi sin
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Rocelyn Calinao
Bgay cla n Benjamin mga demonyong ugli dpat cla mgksama traidor d dpat bigyan ng halga
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 343

    "Maganda at magaling ka na bilang doktor, pero gusto kong malaman kung mqy igagaling ka pa sa industry natin na ito!" Itinaas ni Georgia ang sulok ng kanyang labi, halatang hindi pa siya kuntento sa sinabi ni Mr. Macabuhay tungkol kay Celestine. Kumunot ang noo ni Celestine. Sa isip-isip niya.. Baka gusto ni Ms. Georgia na obserbahan siya at pagkatapos ay i-promote bilang deputy director? “Ms. Georgia, hindi po ba masyadong mabilis?" tanong ni Celestine nang diretsahan. Napatigil si Georgia sa kanyang ginagawa. "Anong mabilis?" "Yung pagiging deputy director ko kung sakali." Biro ni Celestine. "Tumigil ka nga! Anong deputy director ang sinasabi mo dyan? Sa mga qualifications na meron ka, malayo ka pa sa pwesto na iyon!" Napakunot ang noo ni Georgia at tiningnan si Celestine. Ngumiti si Celestine agad. Sa sandaling iyon, bumukas ang pinto ng clinic. Bago pa siya makatawag ng impormasyon, narinig niya ang pamilyar na boses. "Ms. Georgia, nandito ako para sa follow-up checkup.

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 342

    Tumigil sandali si Celestine. Dahil nagmamadali siyang pumasok sa elevator, agad niyang pinindot ang button para bawiin ang message, saka pinindot ang pindutan para sa floor na kanyang pupuntahan.Habang paakyat, napansin niyang nagpadala ulit ng message sa kanya si Sean."?"Hinipo ni Celestine ang ilong niya at sumagot sa message ni Sean."Sean, mali ang pala ang number na napadalhan ko. Pasensya ka na.”Sumagot ulit si Sean sa kanya, "Kanino mo dapat ipapadala iyon?"“Kay Eduard, gusto niyang makipag-collaborate kay Shiela, e."“Ah, anong klaseng collaboration?”"Hindi ako sigurado Sean, parang magiging endorser siya ng kumpanya, o kaya ng mga alahas."Nataranta si Sean nang mabasa ang text message na iyon. Hindi ba ito sumasalungat sa kanya?Kung tatanggapin ni Shiela ang endorsement na offer ni Eduard sa kanya, tatanggapin pa ba niya ang isa pa?Nag-text ulit si Sean kay Celestine “Celestine, magkaibigan ba tayo?"Nakapikit ng bahagya si Celestine. Nagtataka siya. Bakit bigla siy

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 341

    Sa labas ng bintana, umaawit ang mga ibon at namumukadkad ang mga magagandang bulaklak. Maaraw din ang panahon. Nag-unat si Celestine at kinuha ang kanyang cellphone. Ang mga balita ngayong araw sa social media ay puro tungkol sa pamilya Peters at pamilya Valdez.Pagkatapos maghilamos ni Celestine at bumaba, ang TV sa unang palapag ng kanilang bahay ay nagbo-broadcast din ng balita."Kagabi, ang anak ng kilalang pamilya Valdez na si Diana ay nag-propose sa kilalang anak din ng mga Peters na si Benjamin, ngunit tinanggihan siya ng binata."Kakain na sana ng cereal at maglalagay na rin ng gatas sa bowl si Celestine pero napatigil siya nang marinig ito.Tinanggihan?Ibig sabihin ba nito'y pinili ni Benjamin na sumama kay Tita Zsa Zsa? Hindi makapaniwala si Celestine noon. Ang buong akala niya ay sinagot na ni Benjamin ang proposal ni Diana.“Magandang umaga, anak.” Lumapit si Wendell at hinaplos ang ulo ni Celestine.Tumingin si Celestine sa kanyang ama, “Magandang umaga, Daddy. Tara po,

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 340

    "Kung tayo ay magiging magkaibigan, handa naman ako. Pwedeng-pwede mo kong maging kaibigan. Pero kung gusto mong humantong pa ito sa higit pa, siguro..." Ayaw saktan ni Celestine si Eduard.Magaling na tao si Eduard. Magalang, may pagmamahal sa mga magulang at puno ng respeto sa tao.Pero pakiramdam ni Celestine, hindi siya karapat-dapat sa kanya. Sobrang gulo ng buhay niya at ayaw na niyang may madamay pang iba.Talagang iniisip ni Eduard noon kung ano ang sasabihin ni Celestine sa kanya.Pagkatapos nilang manuod ng pelikula, naging alalahanin iyon sa kanya."Ito ang unang beses kong manligaw ng babae," may halong pagkalito na sabi ni Eduard, "Siguro marami pang bagay ang hindi ko nagawa nang maayos ‘no."Ano ka ba? Maayos naman ang panliligaw mo sa akin," agad na umiling si Celestine upang putulin ang kanyang sinasabi.Ngumiti si Eduard at tila kalmado ang kanyang kilos.Hindi dapat maging matigas ang ulo niya pagdating sa damdamin ng ibang tao. Naiintindihan niya si Celestine.May

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 339

    Pagkakita nito, dumilim ang mukha ni Diana. Para bang may nakita siyang multo.Natakot siya na baka makita ng pamilya Peters ang mga scandal na siya ang may gawa, kaya siya na mismo ang nag-propose ng kasal kay Benjamin.Ngunit sa kasamaang palad, huli na ang lahat. Alam na pala ng pamilya Peters ang tungkol sa scandal niya."Tingnan mo, paano ka makakapasok sa pamilya Peters nang ganyan? May scandal ka. Kapag kumalat ito, hindi ba kahihiyan sa pamilya mo at pamilya Peters?" Ibinato ni Zsa Zsa ang dyaryo at mga magazine kay Diana, na hindi man lang nag-atubiling gawin iyon.Napaatras si Diana ng dalawang hakbang. Halos may luha na ring pumapatak sa kanyang mga mata.Tinitigan niya ang diyaryong nahulog sa sahig at napakasama ng loob niya. Hindi niya alam kung sa sarili ba niya siya magagalit o sa Tita Zsa Zsa niya."Miss Valdez, ang pamilya Peters ay hindi ordinaryong pamilya. Paalala ko lang sa’yo , ha? Hindi lahat ay pwedeng pumasok sa pamilyang ito. Kung ikaw at si Benjamin ay magk

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 338

    Aksidenteng natapunan ng red wine si Celestine ng waiter.Tumayo si Celestine para ayusin ang kanyang damit, sabay sabing, “Ayos lang ako, hindi mo naman sinasadya, e.”Takot siyang makatawag-pansin kaya bumulong siya sa waiter, “Huwag ka nang manatili rito sa tabi ko, ayos lang talaga ako, maraming salamat.”Pagkatapos noon, tumingin si Celestine kay Benjamin. Nagkataong nagtama ang kanilang mga mata, malamlam at malamig ang tingin ni Benjamin sa kanya noong mga oras na iyon.Napahinto si Celestine.Nakatayo lang siya roon, hawak ang kanyang damit, at hindi niya alam kung saan ilalagay ang kanyang kanang kamay.Tahimik lang sanang manonood siya ng proposal ni Diana kay Benjamin, pero mukhang hindi na iyon matutuloy dahil nakita na siya ni Benjamin.“Eduard, umalis na tayo rito,” tawag ni Celestine kay Eduard habang kinukuha ang kanyang bag sa gilid.Naintindihan agad ni Eduard ang sitwasyon at tumango kay Celestine.Tiningnan ni Benjamin ang papalayong likod ni Celestine at hindi sin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status