Madilim na ang gabi noon.Nakagapos si Celestine sa isang upuan sa loob ng isang kakaiba, sira-sira at hindi pa tapos na building.Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at nakita ang walang katapusang guho sa ibaba, habang kalahati ng upuang kinauupuan niya ay nakabitin.Gulat na gulat siya pero wala siyang magawa.Gustong sumigaw ni Celestine noong mga oras na iyon ngunit napagtanto niyang nakatakip din ang kanyang bibig.Ramdam na ramdam niya ang pawis sa kanyang katawan. Sobrang init ng paligid niya.Luminga-linga siya at napansin na ang building kung nasaan siya ay puro balangkas lamang at wala nang iba pa.May maliwanag na buwan sa langit at ang hangin ay humahagibis sa kanyang mga tainga. Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Celestine dahil sa kaba. Nasaan na nga ba siya? Sino ang kumidnap sa kanya ngayon?“Boss, parang nagising na ‘yung babae,” sabi ng isang lalaki.“Patingin nga!” May bagay na ibinagsak sa sahig at may mga yapak na papalapit mula sa likuran ni Cele
Biglang napagtanto ni Celestine na nakakalungkot pala ng buhay ng mga mahihirap."Ayaw kong makipag kompetensya para sa posisyon ng bagong deputy director. Una, kulang pa ako sa qualifications." .Ang mga salita ni Celestine ay tila isang pagtiyak para kay Dr. Feliciano.Medyo kinakabahan na nagtanong si Dr. Feliciano, "Talagang ayaw mong makipag kompetensya para roon?""Talagang ayaw ko," sagot ni Celestine.Agad na ngumiti si Dr. Feliciano, "Pero Dr. Yllana, hindi ba’t ganun naman talaga ang pagtatrabaho sa ospital? Patuloy na napo-promote kahit ayaw mo?”"Marami akong pwedeng gawin sa buhay ko, busy akong tao Dr. Feliciano, pero ikaw, isa lang ang gusto mong daanan, ‘di ba?" sagot ni Celestine nang kalmado.Tumahimik si Dr. Feliciano ng tatlong segundo at tumango."Ganun na nga. Gusto ko talagang makuha ang position na iyon. Sa tingin ko ay deserve ko naman.""Dr. Feliciano, kailangang mas magsikap ka pa sa buhay. Magtrabaho ka nang mabuti para sa’yo at sa anak mo," ngumiti si Cele
"Dr. Yllana!" sabi ng isang boses sa di kalayuan.Kumakain si Celestine sa canteen nang biglang tawagin siya ni Dr. Feliciano at pagkatapos ay umupo siya sa tapat niya.Ngumiti si Celestine kay Dr. Feliciano at tumango, "Dr. Feliciano, may kailangan ka basa akin? Kung meron, ano iyon?""May lakad ka ba mamayang gabi pagkatapos ng trabaho? Kung wala, gusto kitang ilibre ng dinner. May gusto lang akong sabihin sa’yo," nakangiting sabi ni Dr. Feliciano, magiliw ang tono niya noon.Biglang nakaramdam ng kakaiba si Celestine. Para siyang kinabahan dahil sa pagyayang iyon ni Dr. Feliciano. Dati, wala namang masamang intensyon si Dr. Feliciano sa kanya at palakaibigan ito.Pero ngayong araw, parang sobra naman ang pagiging close niya kay Celestine."Dr. Feliciano, ano ba talaga iyon? May kailangan ka ba? Pwede mo namang sabihin na rito. Hindi na natin kailangang magkita pa sa labas after work.”Sa isip-isip ni Celestine..‘May dahilan ito, kung hindi ay hindi siya biglang magyayayang kumain
"Sinasabi ko sa'yo, kapag may nangyaring masama sa asawa ko, hinding-hindi kita palalagpasin! Ako mismo ang papatay sa’yo!"Medyo malakas ang boses ng lalaki, at malinaw itong narinig ni Celestine.Agad na lumapit si Georgia at narinig ang sunod-sunod na pagsigaw. Tinanong niya agad ang lalaki, "Anong nangyari? Bakit may sigawan na nagaganap dito?""Miss Georgia, buti na lang at dumating na kayo!" Hinawakan ng kamag-anak ng pasyente ang braso ni Georgia, na parang nakakita siya ng tagapagligtas. "Hindi maganda ang kalagayan ng asawa ko! Dapat ikaw lang ang tumingin sa kanya, hindi ba?"Hindi maintindihan ni Georgia ang mga pangyayari noong mga oras na iyon."Teka lang, hindi ko po kayo maintindihan. Bakit andito kayong lahat? Sino ang nasa loob? Sino ang tumitingin sa kanya?" Napansin ni Georgia ang isang pigura sa loob. Nasa labas din si Dr. Feliciano at Danica. "Ah... si Dr. Yllana po ang nasa loob, Miss Georgia." Mahinang sagot ni Danica.Kumunot ang noo ni Georgia at nagsalita.“
Sa ospital.Kakarating lang ni Celestine sa clinic nang marinig niyang sumisigaw si Danica sa paligid, “Narito ba si Miss Georgia?”“Dr. Yllana, nakita mo ba si Ms. Georgia?”Balisa si Danica habang nalilito naman si Celestine sa kinikilos nito, “May nangyari bang masama sa pasyente kaya ka ganyan?”“Biglang nagpakita ng sintomas ang isang pasyente natin at hindi matukoy ni Dr. Feliciano kung ano iyon.” Halos mamatay na sa kaba si Danica.Kumunot ang noo ni Celestine, sinuot niya ang kanyang puting coat at sinabing, “Dalhin mo ako roon sa pasyente.”“Ha? Ano po, Dr. Yllana?” Napatingin si Danica kay Celestine.Pupunta si Celestine sa pasyente?“Tara na. Sa mga ganitong pagkakataon dapat mabilis tayo.” Hinila ni Celestine ang braso ni Danica at tumuloy na siya.Hindi talaga mahanap ni Danica si Miss Georgia, kaya’t sinuwerte na lang siya at dinala si Celestine.Pagdating nila sa ward, maraming kamag-anak ng pasyente ang nakatambay sa labas ng pintuan.Sumulyap si Celestine sa labas at
“Close ba tayong dalawa? Hindi naman ‘di ba? Bakit kita tutulungan?” Patuloy na kumakain si Celestine noon, na para bang sinasabing ‘huwag mo akong subukang lapitan kundi lagot ka sa akin’.“Ang pagiging gago ni Benjamin ay problema niya at isa pa, matagal na tayong magkakilala.” Mahinang sabi ni Sean dahil iniisip niyang iyon ang problema kung bakit ayaw siyang tulungan ni Celestine.Tumingala si Celestine at ngumiti kay Sean.Ngumiti rin si Sean sa kanya, “Kaya pwede nating—”Agad na pinutol ni Celestine ang sinasabi ni Sean,“Lumayas ka rito.”Hindi makapagsalita si Sean noong mga oras na iyon.“Huwag ka namang masyadong malupit sa akin,” sabi ni Sean.Kinain ni Celestine ang huling piraso ng karne ng steak at inilapag ang kutsilyo at tinidor.Kinuha niya ang kanyang bag at lumakad palabas, kasunod si Sean. Nang magbabayad na si Celestine, agad na sabi ni Sean sa cashier, “Sa akin mo na i-deduct ang bayad ng kinain niya.”Tinaasan siya ng kilay ni Celestine at tumugon, “Bahala ka.”