Share

Chapter 347

Author: Athengstersxx
last update Last Updated: 2025-06-08 16:35:36

Nabigla at hindi makapagsalita si Benjamin. Sa puso ni Celestine, nasa napakasamang kalagayan siya. Parang ayaw na nga siya nitong makita kung pwede lang.

"Hindi ko sinagot si Diana kagabi," bigla niyang sabi.

Napatingin si Celestine sa kanya.

"Ano? Anong sabi mo?"

Hindi alam ni Benjamin kung anong pumasok sa isip niya. Basta gusto lang niyang sabihin kay Celestine na hindi niya sinagot si Diana sa proposal nito kagabi sa kanya.

Medyo natigilan si Celestine at naguguluhan.

"Bakit mo sinabi 'yan sa akin ngayon? Anong purpose mo?"

Iniisip ba niyang may pakialam pa siya sa kanya?

O inaasahan ba niyang matutuwa siya dahil hindi niya sinagot si Diana?

"Wala ka bang sasabihin tungkol doon?" galit at gulat na tanong ni Benjamin.

"Anong gusto mong marinig mula sa akin?" ngumiting sagot ni Celestine, "Na magaling? Na ang galing mo at hindi mo siya sinagot? Na thank you kasi hindi natuloy? Ganun ba?"

Lalong lumalim ang tingin ni Benjamin.

Tinitigan lang niya si Celestine, at sa unang pagkakatao
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 358

    Noong una ay kalmado si Celestine, ngunit nang marinig niya ang sinabi ng kidnapper, siya ay nataranta. Halatang ayaw niyang malaman ni Benjamin kung ano ang nangyayari sa kanya. Ikinilos niya ang kanyang katawan. Sabi ng lalaki sa kanya, “Hoy, hoy, hoy, Miss Celestine, mag-ingat ka. Huwag kang gagalaw nang ganyan!” Gusto sanang magsalita ni Celestine pero siya ay nakatakip pa rin ang bibig. Napansin ito ng lalaki. Agad niyang tinanong si Celestine. “Gusto mo bang hanapin ko si Benjamin ngayong gabi?” Mabilis na umiling si Celestine. Ayaw niya talaga. “Ayaw mong ipaalam kay Benjamin Peters na dinukot ka? Hmm.. Asawa ka pa rin naman niya dahil on-process pa lang ang divorce papers niyo. Hindi ba?” Tumango si Celestine. Lalong nagulat ang lalaki. “Bakit? Hindi ba’t totoo naman ang sinabi ko? Mag-asawa pa rin kayo.” Gusto sanang sabihin ni Celestine na mahirap ipaliwanag ang kanilang sitwasyon pero alam niyang mas mahirap ang sitwasyon niya ngayon kasama ang kidnappers. Dagd

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 357

    Dahil ang pamilya Yllana ay hindi naman nambabastos ng ibang tao at kilala sila sa kanilang mabuting ugali. Sino nga ba ang magkakainteres na kidnapin siya nang walang dahilan?“Kung isa itong laro, mali ang ginagawa niyo!" reklamo at sigaw ni Celestine."Tumahimik ka na lang dyan," singhal ng lalaki, "Wala ka sa posisyon para magreklamo sa akin. Sino ka ba sa tingin mo, ha? Walang tutulong sa’yo dito kaya huwag mo nang tangkain pang magsalita."Sumunod naman si Celestine sa kanya, hindi nga siya nagsalita.Tumingin si Celestine sa mga sa ibaba kung saan pwedeng-pwede siyang malaglag, nagtataka siya kung sino na naman ang walanghiya nagplano ng lahat para saktan siya ng ganito.Si Benjamin kaya? Isip-isip ni Celestine.‘Hindi naman siguro siya ganoon kasama para gawin sa akin ito.’Kahit medyo nakakainis si Benjamin at talagang hindi sila naging okay simula noong ikasal sila, hindi naman siya gagawa ng ganitong kadesperadong bagay laban sa kanya.Kung ganoon, si Diana na lang ang nati

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 356

    Madilim na ang gabi noon.Nakagapos si Celestine sa isang upuan sa loob ng isang kakaiba, sira-sira at hindi pa tapos na building.Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at nakita ang walang katapusang guho sa ibaba, habang kalahati ng upuang kinauupuan niya ay nakabitin.Gulat na gulat siya pero wala siyang magawa.Gustong sumigaw ni Celestine noong mga oras na iyon ngunit napagtanto niyang nakatakip din ang kanyang bibig.Ramdam na ramdam niya ang pawis sa kanyang katawan. Sobrang init ng paligid niya.Luminga-linga siya at napansin na ang building kung nasaan siya ay puro balangkas lamang at wala nang iba pa.May maliwanag na buwan sa langit at ang hangin ay humahagibis sa kanyang mga tainga. Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Celestine dahil sa kaba. Nasaan na nga ba siya? Sino ang kumidnap sa kanya ngayon?“Boss, parang nagising na ‘yung babae,” sabi ng isang lalaki.“Patingin nga!” May bagay na ibinagsak sa sahig at may mga yapak na papalapit mula sa likuran ni Cele

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 355

    Biglang napagtanto ni Celestine na nakakalungkot pala ng buhay ng mga mahihirap."Ayaw kong makipag kompetensya para sa posisyon ng bagong deputy director. Una, kulang pa ako sa qualifications." .Ang mga salita ni Celestine ay tila isang pagtiyak para kay Dr. Feliciano.Medyo kinakabahan na nagtanong si Dr. Feliciano, "Talagang ayaw mong makipag kompetensya para roon?""Talagang ayaw ko," sagot ni Celestine.Agad na ngumiti si Dr. Feliciano, "Pero Dr. Yllana, hindi ba’t ganun naman talaga ang pagtatrabaho sa ospital? Patuloy na napo-promote kahit ayaw mo?”"Marami akong pwedeng gawin sa buhay ko, busy akong tao Dr. Feliciano, pero ikaw, isa lang ang gusto mong daanan, ‘di ba?" sagot ni Celestine nang kalmado.Tumahimik si Dr. Feliciano ng tatlong segundo at tumango."Ganun na nga. Gusto ko talagang makuha ang position na iyon. Sa tingin ko ay deserve ko naman.""Dr. Feliciano, kailangang mas magsikap ka pa sa buhay. Magtrabaho ka nang mabuti para sa’yo at sa anak mo," ngumiti si Cele

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 354

    "Dr. Yllana!" sabi ng isang boses sa di kalayuan.Kumakain si Celestine sa canteen nang biglang tawagin siya ni Dr. Feliciano at pagkatapos ay umupo siya sa tapat niya.Ngumiti si Celestine kay Dr. Feliciano at tumango, "Dr. Feliciano, may kailangan ka basa akin? Kung meron, ano iyon?""May lakad ka ba mamayang gabi pagkatapos ng trabaho? Kung wala, gusto kitang ilibre ng dinner. May gusto lang akong sabihin sa’yo," nakangiting sabi ni Dr. Feliciano, magiliw ang tono niya noon.Biglang nakaramdam ng kakaiba si Celestine. Para siyang kinabahan dahil sa pagyayang iyon ni Dr. Feliciano. Dati, wala namang masamang intensyon si Dr. Feliciano sa kanya at palakaibigan ito.Pero ngayong araw, parang sobra naman ang pagiging close niya kay Celestine."Dr. Feliciano, ano ba talaga iyon? May kailangan ka ba? Pwede mo namang sabihin na rito. Hindi na natin kailangang magkita pa sa labas after work.”Sa isip-isip ni Celestine..‘May dahilan ito, kung hindi ay hindi siya biglang magyayayang kumain

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 353

    "Sinasabi ko sa'yo, kapag may nangyaring masama sa asawa ko, hinding-hindi kita palalagpasin! Ako mismo ang papatay sa’yo!"Medyo malakas ang boses ng lalaki, at malinaw itong narinig ni Celestine.Agad na lumapit si Georgia at narinig ang sunod-sunod na pagsigaw. Tinanong niya agad ang lalaki, "Anong nangyari? Bakit may sigawan na nagaganap dito?""Miss Georgia, buti na lang at dumating na kayo!" Hinawakan ng kamag-anak ng pasyente ang braso ni Georgia, na parang nakakita siya ng tagapagligtas. "Hindi maganda ang kalagayan ng asawa ko! Dapat ikaw lang ang tumingin sa kanya, hindi ba?"Hindi maintindihan ni Georgia ang mga pangyayari noong mga oras na iyon."Teka lang, hindi ko po kayo maintindihan. Bakit andito kayong lahat? Sino ang nasa loob? Sino ang tumitingin sa kanya?" Napansin ni Georgia ang isang pigura sa loob. Nasa labas din si Dr. Feliciano at Danica. "Ah... si Dr. Yllana po ang nasa loob, Miss Georgia." Mahinang sagot ni Danica.Kumunot ang noo ni Georgia at nagsalita.“

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status