Share

Chapter 365

Penulis: Athengstersxx
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-21 10:33:02

Nararamdaman ni Celestine ang bahid ng masamang balak sa kanyang ngiti.

"Kontakin mo si Benjamin Peters at sabihin mong dinukot ka. Tingnan natin kung pupunta siya para iligtas ka! Ayaw mo ba noon? Makikita mo kung mahal ka niyang talaga!"

Unti-unting lumamig ang ekspresyon ni Celestine dahil sa sinabi noong matandang lalaki.

Ayaw na nga niyang magkaroon pa ng anumang koneksyon kay Benjamin, pero pilit pa rin siyang dinadamay ng lalaking ito sa kanyang dating asawa.

"Ayaw ko ng pinapagawa mo sa akin." Mahinang tinig ni Celestine ngunit seryoso ang pagtanggi niya.

"Sigurado ka bang ayaw mo? Ito lang ang tanging pagkakataon mo para malaman mo kung mahal ka pa rin niya!" Inangat ng lalaki ang kanyang baba at tiningnan siya na may mapanlinlang na ngiti, "Sayang naman kung mamamatay ka, hindi ba? Tapos, hindi kayo nakapag-usap na dalawa? Sigurado ako, masakit iyon.”

"Hindi mo dapat maliitin ang kapulisan. Paano kung mahuli ka nila? May pupuntahan ka pa ba?" Tumitig si Celestine sa malayo n
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 377

    Kaya kailangang manatili roon si Mary ng sampung oras.Nakatayo si Celestine sa harapan ng kotse habang pinagmamasdan si Mary na natatanaw sa mataas na building. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, may hindi siya komportableng nararamdaman.Sumunod si Vernard at napansin niyang parang lutang ang isip ni Celestine noong mga oras na iyon.Tumingin din siya sa direksyong tinititigan ni Celestine. Napakaliit ng anyo ni Mary mula sa kinalalagyan nila.Napabuntong-hininga si Celestine."Bakit ka napabuntong-hininga? May problema ka ba?" tanong ni Vernard.Kumunot ang noo ni Celestine nang marinig iyon, "Nakakapanibago lang ang mga nangyayari."Nagtakang sumagot si Vernard sa kanya, "Anong nakakapanibago?"Hinawakan ni Celestine ang kanyang dibdib, tila may kirot sa kanyang konsensya. Hindi niya maintindihan ang feeling niya.Dahil ba matanda na si Mary at hindi niya na kaya iyon?"Boss, huwag mong sabihin na naaawa ka? Huwag mong kalimutan kung paano ka tratuhin ng taong 'yan!" paalala ni Ver

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 376

    "Ikaw... ikaw 'yung nasa kotse kanina! Ah-" Napasigaw si Mary sa takot, hindi na niya magawang imulat ang kanyang mga mata para tumingin pababa.Nang sumilip siya ng kaunti, agad din niyang ipinikit muli ang mga mata at tanging ang kanyang bibig na lang ang gumagalaw, "Hindi ba sabi mo, hindi mo pinipilit ang ayaw kong mangyari? E, ano ito? Ikaw, Celestine, bata ka pa, paano ka naging... Aray ko!""Ay, Celestine! Mahina na ang puso ko, maawa ka sa akin, huwag mo akong tratuhin ng ganito! Please!" Dahan-dahan nang naging malambot si Mary noong mga oras na iyon, malinaw na humihingi ng tawad.Tahimik lang siyang pinanood ni Celestine. Sinusuri ang bawat kilos nito, parang nakikita niya ang sarili niyang paggising noon.Alam ba ni Mary kung ano ang pakiramdam na magising na nakatali, o nakabitin sa ere?Buhay na buhay siya, pero ang iba bang buhay ay hindi pwedeng mabuhay? Noong siya'y natakot, naisip ba niya kung gaano rin katakot si Celestine na baka mahulog din siya roon?Ni hindi na

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 375

    Banda alas-onse na ng gabi nang matapos ang pamilya Yllana na kumain ng dumplings.Nakakuha ng message si Celestine mula kay Vernard.Sabi ni Vernard, “Nalaman kong hindi pala si Diana ang dumukot sa’yo ay, boss. Hulaan mo kung sino?”Nag-reply agad si Celestine.“Huwag ka magbiro ng ganyan. Hindi ka nakakatawa. Sino ang nagpakidnap sa akin?”Nainis siya dahil sa tono ni Vernard, para bang pinapaasa siya nito.Ilang minuto pa ay nag-reply na si Vernard sa kanya, “Si Mary Valdez. Ang nanay ni Diana.”Pagkabasa nito, napakapit si Celestine sa kanyang cellphone nang hindi namamalayan.Si Mary Valdez?Kahit na medyo masungit at may kayabangan si Mary sa araw-araw na ginawa ng Diyos, hindi siya masamang tao. Hindi siya ‘yung tipong gagawa ng krimen gaya ng pagpatay o panununog. Wala iyon sa character niya.Nag-text ulit si Vernard sa kanya, “Boss, may dinner si Mary Valdez ngayong gabi. Paalis na siya roon. Ano sa tingin mo?”Pagkabasa ni Celestine ng message na iyon, agad niyang naintindi

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 374

    Pagkatapos sabihin iyon, sasagot pa sana si Zsa Zsa nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto at dali-daling pumasok si Lola Belen, "Anong nangyayari dito? Okay ka lang ba, apo ko?""Hindi mo man lang sinabi sa akin ang nangyari. Kailangan pang manood ako ng balita para lang malaman na nasugatan ka? Ganun na ba tayo ngayon?"Medyo balisa si Lola Belen, may pawis pa sa kanyang noo. Hingal na hingal dahil sa pagmamadaling pumunta sa ospital.Tiningnan ni Zsa Zsa si Benjamin at napakunot ang noo. Gusto na niyang sagutin ang sinabi ni Benjamin sa kanya pero naputol iyon dahil sa pumasok si Lola Belen sa kwarto."Zsa Zsa, pati ikaw! Nasugatan si Benj, pero ni hindi mo ako tinawagan! Wala ka na bang pakialam sa akin?Hinawakan ni Lola Belen ang braso ni Zsa Zsa sa inis na kanyang nararamdaman.Dahil dito, natauhan si Zsa Zsa mula sa pagkakawalang-muwang.Pasensyosong sabi niya kay Lola Belen, "Ma, natakot lang ako na baka mag-alala ka kaya hindi ko agad sinabi sa’yo ang nangyari kay Benjam

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 373

    Si Benjamin ay natigilan.Marahil ay hindi niya rin napansin kung gaano ka-apura ang tono ng kanyang boses kanina.Pareho ang ekspresyon niya at tono ng pananalita, patunay na nag-aalala talaga siya para kay Celestine."Huwag mong ilihis ang usapan," aniya sa matigas at agresibong tono, hindi direktang sinagot ang tanong ni Celestine.Napangisi si Celestine dahil doon. "Ikaw ang umiiwas sa usapan, hindi ako.""Celestine, huwag mong gawing biro ang buhay mo. Hindi mo ba alam na marami pang nagmamahal sa’yo? Mga taong naghihintay sa pagbabalik mo," seryoso ang kanyang tingin at may paalala sa kanyang boses.Unti-unting nawala ang ngiti sa mukha ni Celestine at kalaunan ay bumalik ito sa pagiging kalmado."Kung mabuhay man ako o mamatay, wala ka nang kinalaman pa roon. Kung may mangyari man sa akin sa in the future, huwag ka nang makialam. Naiintindihan mo ba iyon?" sagot niya nang malamig.Bahagyang kumunot ang noo ni Benjamin nang marinig iyon. Ano bang ibig sabihin ni Celestine? Na hi

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 372

    Muling nasaksihan ni Celestine ang bagsik ni Zsa Zsa sa pagsasalita. Kapag kaharap ang mga taong hindi niya gusto, palaging matapang at walang sinasayang na panahon ang kanyang Tita Zsa Zsa, wala siyang awang ipinapakita sa kanila.Dahil dito, lalo pang naunawaan ni Celestine na lalong nagiging mahirap para kay Diana na makapasok sa pamilya Peters kahit ano pa ang bait na ipakita niya. Sa paglipas ng mga taon, hindi niya nagawang mapalapit sa pamilya Peters,bagkus, lalo pa siyang kinamuhian ng mga ito sa bawat kilos na ginagawa niya.Yumuko si Diana at mahina ang boses na nagsalita, “Tita Zsa Zsa, ano po ba ang nagawa ko para hindi niyo ako magustuhan? Bakit paulit-ulit niyo akong pinupuntirya? Nagmamalasakit lang naman po ako para kay Benj, ah. Ano pong masama roon?”Bago pa man makapagsalita si Zsa Zsa, nagpatuloy si Diana sa pagsasalita, may tampo ang kanyang boses, “Mahal ko lang naman si Benj kaya ko ginagawa ito, mali ba ‘yon? Wala namang girlfriend si Benj ngayon at ako rin po

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status