Share

Chapter 440

Penulis: Athengstersxx
last update Terakhir Diperbarui: 2025-07-29 16:19:37

Tiningnan ni Celestine ang kanyang lola nang makahulugan, nais tumanggi, ngunit hindi niya alam kung paano magsisimula.

Tumango ang ibang mga tao sa paligid at nagsabing, "Malaki talaga ang naitulong ng halamang cypress na ito sa amin, Miss Yllana. Dapat ka talaga naming pasalamatan! Sige na po, kung wala naman kayong gagawin, pwede po bang mailibre namin kayo?"

"Oo nga po, ang aming science project ay umusad dahil sa halamang cypress na ito! Dapat talaga tayong magpasalamat sa kanya!"

“Narinig mo ’yon? Iyan ang matagal nang hinahangad ng lahat,” biro ni Celia kay Celestine.

Ngumiti si Celestine sa kanyang Lola, tumango, at mahina siyang umungol bilang pagsang-ayon sa matanda.

Narinig niya iyon.

Kaya nilibre na siya ng mga tao at kumain sila sa labas.

Pagkaalis sa laboratory, hindi rin nakalimot ang lahat na pasalamatan si Celestine

Sa pagbalik niya, tinawagan ni Celestine si Vernard at tamad na sinabi, “Pakigawan mo ako ng appointment sa batang Lance Carreon na iyon.”

Bata pa si Lan
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Ever Doctor
nakakainis,lagi nlng pa epal yang si Diana,peke nmn ang pagkatao hayst
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 440

    Tiningnan ni Celestine ang kanyang lola nang makahulugan, nais tumanggi, ngunit hindi niya alam kung paano magsisimula.Tumango ang ibang mga tao sa paligid at nagsabing, "Malaki talaga ang naitulong ng halamang cypress na ito sa amin, Miss Yllana. Dapat ka talaga naming pasalamatan! Sige na po, kung wala naman kayong gagawin, pwede po bang mailibre namin kayo?""Oo nga po, ang aming science project ay umusad dahil sa halamang cypress na ito! Dapat talaga tayong magpasalamat sa kanya!"“Narinig mo ’yon? Iyan ang matagal nang hinahangad ng lahat,” biro ni Celia kay Celestine.Ngumiti si Celestine sa kanyang Lola, tumango, at mahina siyang umungol bilang pagsang-ayon sa matanda.Narinig niya iyon.Kaya nilibre na siya ng mga tao at kumain sila sa labas.Pagkaalis sa laboratory, hindi rin nakalimot ang lahat na pasalamatan si Celestine Sa pagbalik niya, tinawagan ni Celestine si Vernard at tamad na sinabi, “Pakigawan mo ako ng appointment sa batang Lance Carreon na iyon.”Bata pa si Lan

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 439

    Tumingin si Celestine sa mukha ng kanyang lola.Bagama’t 70 years old na ang matanda, matikas pa rin ito at may tindig ng isang tunay na lider. Hindi mo aakalaing matanda na siya, parang nasa 50 years old lang.Tuwid ang likod nito at kahit medyo maluwag na ang balat, hindi pa rin ito nakabawas sa kanyang kagandahan.Tunay ngang si Lola Celia ay may pusong malamig lang sa panlabas pero mabait naman ang kanyang kalooban.Kung siya si Celestine, matagal na niyang pinayagang umalis si Becky. Baka kung ano pa ang sinabi niya rito.O di kaya ay pinarusahan pa niya ito dahil sa pagsasabi ng kung anu-ano sa kanya.Tutal, hindi naman iyon lang ang kanilang tanging pag-asa. May mga paraan pa para magkaroon ng progress ang kanilang ginagawang experiment.Pero si Lola Celia, pinahahalagahan ang bawat araw na inilaan nila sa pananaliksik kaya wala siyang oras magpaalis ng kasama sa laboratory.Kulang na sila sa oras kung titingnan. Ayaw din ni Lola Celia nang papalit-palit ng tauhan.Bumukas ang

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 438

    Papasagot na sana si Celia sa tanong ng babae nang bigla nitong lingunin si Celestine.Tinanong niya, “Prof, bakit ka nagdala ng isang taong hindi naman yata makakatulong sa atin? Para namang wala siyang kwenta.”“Ano’ng walang kwenta? Apo ko siya! Tumigil ka nga dyan.” Naiinis na sagot ni Celia sa sinabi ng babae.Tiningnan niya si Celestine, pero halatang hindi maganda ang tingin niya rito.Hindi pinansin ni Celestine ang tingin ng babae sa kanya. Sa totoo lang, alam naman niyang isa siyang "outsider" sa paningin ng iba.“Becky, apo ko siya. Hindi siya iba sa akin,” mariing ulit ni Celia roon sa babae.Si Becky ay isang mahalagang tao sa laboratory, ngunit mayabang ang personalidad nito. Madalas niyang maliitin ang ibang tao. Pero dahil napakahalaga ng kanyang posisyon niya at isa siya sa mga natatanging pinili mula sa daan-daang applicants, matagal na siyang tinitiis ng lahat, kabilang na roon si Celia.Sa totoo lang, mahusay naman talaga siya kaya nga lang ay may kakaibang ugali

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 437

    Halatang walang interes si Celia sa kung ano man ang regalo sa kanya ni Celestine.At dahil dito, nalungkot nang husto si Manuel dahil pinahanap niya talaga itong mabuti sa kanyang apo.Napilitan si Celestine na tumulong sa kanyang Lolo Manuel dahil mukhang wala talagang balak si Celia na tingnan iyon. “Lola, bihirang-bihira po ang halamang ‘yan. Tingnan niyo na po, sige na.”Napakurap si Celia nang marinig si Celestine. Para bang may bulb na bigla na lang nag-pop sa kanyang ulo.Interesado na siya sa regalo ng kanyang asawa.‘Oh? Isang halamang-gamot pala ang ibibigay niya sa akin?’Kung halamang-gamot ang usapan, interesado pa rin si Celia dyan.Napabuntong-hininga si Manuel, “Aba, apo, tingnan mo. Mas interesado ang lola mo sa mga halamang-gamot kaysa sa iba, pati sa akin na asawa niya! Pambihira!”Napatawa si Celestine at kumuha ng isang bag ng potato chips para kainin.Nang marinig ni Celia na halamang-gamot pala ito, naging mas mahinahon at maingat ang kanyang kilos habang binub

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 436

    “Boss, anong balita? Si Benjamin ba ang ka-transaction talaga natin?” tanong ni Vernard habang nagmamaneho.Umiling si Celestine. “Alam mo, kung siya iyon ay makikita mo kong nausok na dito ngayon dahil sa galit.”Pagkatapos ay ngumiti. Pero may naalala siya.“Pero may kakaiba sa kanya, hindi ko lang alam kung ano iyon. Alam mo ba, hindi niya alam ang tunay na presyo ng cypress grass?”Nagulat si Vernard sa kanyang narinig.“Huh? Aba, kakaiba nga ang taong iyan. Gusto mo ba boss, i-background check ko ang lalaking iyon? Sabihin mo lang sa akin. Gagawin ko naman.”Tumingin si Celestine sa cypress grass bago tuluyang sumagot. “Huwag na. Ang importante ay nasa atin na ang tunay na cypress grass ngayon. Medyo natagalan lang pero wala na tayong problema ngayon.”Sa Base.Muling chineck ni Celestine ang cypress grass na binili niya.Matapos makumpirma na walang problema roon, muling ipinack ni Celestine ang cypress grass at ini-upload ang impormasyon at mga picture nito sa base.Tahimik na

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 435

    Halatang ayaw naman talaga niyang magbigay ng presyo.Pakiramdam ni Celestine, natatakot itong malugi kung masyadong mababa ang presyo na babanggitin niya.Itinaas ni Celestine ang kamay at nagpakita ng “3” gamit ang kanyang mga daliri.“Tatlong daang libo? Sige. Okay na iyan sa akin.”Napakalinaw ng pag-ubo ni Celestine nang marinig ang sagot ni Lance.Napatingin siya kay Lance noon na may gulat sa mukha, tatlong daang libo?! Seryoso ba ang batang ito sa sinasabi niya? Alam ba niya ang totoong presyo ng cypress grass?Pumayag siya sa tatlong daang libo? Nagpapatawa yata ang batang ito. Napansin din ni Lance ang gulat ni Celestine matapos siyang pumayag.Pwede kayang masyado palang mababa ang sinabi niyang presyo? Napailing si Lance sa kanyang isip.Gusto niya kayang sabihin na tatlong milyon ang cypress grass at hindi tatlong libong piso?!“Hehe, nagbibiro lang ako! Ikaw naman, Miss Yllana! Syempre, hindi iyon ang presyo nito!” Agad na winagayway ni Lance ang kanyang kamay, “Ang tot

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status